《Infinito: Salinlahi》 Chapter 1 Chapter 1 - 1Papalubog na ang araw at naglipana na sa himpapawid ang mga uwak na siyang hudyat ng pagdating niya. Mula sa ''di kalayuan, natanaw ni Mang Ismael ang bulto ng isang babae na dahan-dahang naglalakad papalapit sa kaniyang kubo. Si Esmeralda, ang batang babaeng walang pagdadalawang-isip niyang kinupkop, dalawampung taon na rin ang nakararaan. Mahaba ang buhok nitong itim na itim, kulay lupa ang suot nitong saya at gawa naman sa dahon ng niyog ang suot nitong sandalyas. Animo''y pinaglipasan ng panahon ang suot nito na hinabi pa mula sa mga bagay na makukuha mo lamang sa kalikasan. Kung sa bayan niya ito susuotin ay paniguradong pagtatawanan na siya ng mga tao. S§×ar?h the n?vel_Fire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Esme, mabuti naman at nakabalik ka sa tamang oras, halika na at magtatakip-silim na." Tawag ni Mang Ismael, mabilis na tinugon naman ng dalaga ang tawag nito at dali-daling pumasok na sila sa mumunti nitong kubo na nakatirik sa gitna ng gubat. "Kumusta ang naging lakad mo, hindi ka naman ba nahirapan?" "Hindi ho amang, sa katunayan, tatlo ang nakuha kong mutya sa linggong ito." Tugon ni Esmeralda, inilapag nito sa mesa ang tatlong itim na bato na agad namang kinuha ni Mang Ismael at nilagay sa isang boteng naglalaman ng langis na inorasyonan pa niya. Bumuntong hininga ang dalaga habang tinititigan ang mga mutya, animo''y nakaririnig pa siya ng sigaw mula rito. "Amang, may lalakarin ba ulit ako?" Tanong ng dalaga. Umiling si Ismael at pinaghain na ng pagkain ang anak. "Sa ngayon wala pa, may nagpagamot sa akin kahapon, pero nabati lang iyon ng engkanto. Bukas bababa na tayo ng bundok at doon mananatili sa baryo," paliwanag naman ni Ismael. Simula nang magkaisip si Esmeralda ay sinanay na niya ito na maging isang manunugis. Maliksi ang pangangatawan ni Esmeralda, may angking talino rin siya pagdating sa mabilisang pag-iisip kahit nasa bingit mg kamatayan. Alam ni Ismael na hindi ordinaryong tao ang batang napulot niya noon, subalit alam din niya na hindi ito kampon ng dilim. Pinalaki niya si Esmeralda na may pananampalataya at respeto sa lahat ng bagay na nilikha ng Panginoon¡ª mapahayop man ito o halaman o kahit ano pang nilalang na may buhay. Hindi rin niya inilihim sa dalaga ang tungkol sa tunay nitong pagkatao. Bagaman hanggang ngayon hindi pa rin niya alam ang pinagmulan ni Esmeralda, ang mahalaga ay alam nito na hindi siya nito tunay na anak. Magkagayunman, minahal niya ito bilang tunay na anak. Walang sariling asawa si Ismael at simula nang mapulot niya si Esmeralda ay hindi na niya binalak pang magmahal sa takot na baka hindi matanggap ng babaeng mapipili niya ang bata at pagmalupitan ito. "Bakit amang, himala yata at naisipan niyong bumaba na sa bundok. May nangyari ba sa baryo?" Tanong ni Esmeralda habang patuloy na sumusubo ng kanin. "Wala naman, naisip ko lang, tumatanda na ang lolo mo, kailangan na niya ng makakasama sa buhay. Wala na siyang ibang maaasahan kun''di tayo. Alam mo namang masyado nang abala ang tiyahin mo sa pamilya niya at ang mga anak naman niya ay wala rin oras na dumalaw sa lolo nila." "Wala namang problema sa akin ''yan amang, pero ayos lang ba kay Tiya Silma na manunuluyan tayo sa bahay ni Lolo? Ang pagkakatanda ko ay halos ipagtabuyan niya tayo nang huling dalaw natin roon." Ngumiwi si Esmeralda habang inaalala ang mga panahong iyon. "Ayaw nilang alagaan si Tatay, wala silang magagawa kun''di ang tanggapin tayo. At isa pa, tatay ko rin siya at kuya niya ako. Kung noon pinagbigyan ko siya, ngayon hindi na. Kung naaalagaan ba niya ng maayos ang lolo mo, ano pa ang silbi na naroroon tayo, ''di hamak naman na mas marami tayong ginagawa sa mga oras natin." Iiling-iling na wika ni Ismael. Nagkibit-balikat naman si Esmeralda. Kinabukasan, madaling araw nang tinahak nila ang daan pababa sa bundok. Pasikat na ang araw nang marating nila ang paanan nito. "Ayos ka lang ba riyan sa dala mo anak, hindi ba masyadong mabigat?" Nag-aalalang tanong ni Ismael sa dalaga. Bitbit kasi nito ang halos lahat ng dalahin nila. "Si amang talaga, kailan ba ako nabigatan. Kaya ko ngang pasanin ang isang malaking troso, ito pa kayang kakarampot na mga damit natin at pasalubong kay lolo." Marahang tumawa si Esmeralda habang tinatapik-tapik ang bitbit na mga bayong sa likuran niya. Likas na malakas ang pangangatawan ni Esmeralda na siyang nagpatunay sa haka-haka ni Ismael na kakaiba ito. Simula pagkabata ay nakitaan na niya ito ng kakaibang bilis at liksi, lakas na hindi normal sa edad niya. Malakas rin ang pakiramdam nito at lapitin ng mga hayop. Madalas na kapanabay nito ay ang mga uwak na tila naging mensahero na ng dalaga hanggang sa paglaki nito. "O, siya, ikaw ang bahala. Pero kapag napagod ka, magsabi ka lang para makapagpahinga muna tayo," sambit ni Ismael bago sila magpatuloy sa paglalakad. Mahigit isang oras rin ang nilakad nila bago nila marating ang baryo kung saan naninirahan ang lolo ni Esmeralda. Sabik na sumalubong sa kanila ang matanda, bakas sa mukha nito ang saya na makita sila. Agad sila nitong pinatuloy at pansin agad ni Esmeralda ang paghingal ng matanda. Nagkatinginan pa sila ng kaniyang ama at magtanguan bago niya inalalayang makaupo ang matanda sa upuang gawa sa kawayan. "Ayos lang ako, kaya ko pa. Mabuti naman at naisipan niyo nang bumalik sa bahay. Ang akala ko ay mawawala na lamang ako sa mundong ito na hindi kayo makakasama. Lalo ka na Esme, nangulila ako ng husto dahil sa pag-alis niyo. Ikaw na sana ang bahalang magpasensiya sa tiyahin mong iyon. Simula nang mawala ang kaniyang asawa ay naging mainitin na ang ulo. Huwag mo na rin sanang dibdibin masyado ang mga masasakit na salitang binibitawan niya sa''yo." "Alam ko ho lo, ayos lang ako. Ito lang talagang si amang ang hindi makapagtimpi." Nangingiting wika niya na ikinatawa naman ng matanda. "Oo nga pala. Itong amang mo ang maikli ang pasensiya. Mael, dumito na kayo ni Esme, matanda na ako at hindi natin alam kung hanggang kailan na lang ang buhay ko. Nais ko sanang makasama kayo ng matagal bago ako mawala sa mundong ito. Uugod-ugod na ang matanda sa edad nitong siyam na pu''t dalawa. Bagaman may lakas pa ito sa paglalakad, mabilis na itong mapagod at hindi na rin nakakakilos ng matagal sa loob ng bahay. Madalas ay nakaupo lang ito sa tumba-tumba nitong upuan at may nagpupunta lang na utusan ang babae niyang anak para maglinis sa bahay at ipaghanda siya ng makakain sa araw-araw. "Si lolo talaga, mabubuhay ka pa hanggang sa ika-isang daang taon mo. Matagal pa tayong magsasama at opo, hindi ka namin iiwan ni amang rito. Magsasama na tayo hanggang sa magsawa ka na sa pagmumukha namin ni amang." "Iyon ang hindi mangyayari. Aba''y ikaw yata ang paborito kong apo." "Asos, si lolo nambola pa. At dahil diyan, ipagluluto kita ng paborito mong tortang talong." Masayang wika ni Esmeralda. Napangiti naman ng tahimik si Ismael at tinapunan ng makahulugang tingin ang kaniyang anak. Matapos maiayos ang mga gamit sa tutuluyan nilang silid, agad namang nag-asikaso ang mag-ama sa kusina. "Amang, lilinisin ko mamaya amg maliit na kubo doon sa bakuran ni lolo, siguradong maiimbyerna na naman si tiya kapag nakita ang mga gamit mo rito sa loob ng bahay. Matibay naman ang kubo at tulad ng dati, doon na lamang natin itago ang mga gamit mo sa panggagamot." Binasah ni Esmeralda ang katahimikan bunabalot sa pagitan nila. "Ikaw ang bahala, siya nga pala Esme, talaga bang ayos lang sa''yo na ganoon ang trato ng tiyahin mo sa''yo? Hindi ka ba nagagalit?" Tanong ni Ismael. "Bakit naman ako magagalit? Alam kong walang katotohanan naman ang mga sinasabi niya. Dahil kung malas ako, e ''di sana''y minalas ka na rin dahil magkasanggang-dikit tayo simula sanggol pa lamang ako." Natatawang wika ni Esmeralda habang tinutusok ng tinidor ang talong na iihawin niya sa baga. "Kaya hayaan mo siyang magtatalak, hindi naman kabawasan sa pagkatao ko iyon. Ang mahalaga sa akin, kayo ni lolo. Kung ayaw niya sa akin, hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kaniya, gano''n lang kasimple." Nakangiting dugtong niya na nagpangiti naman kay Ismael. Matapos silang magtanghalian ay sinimulan na ngang linisin at ayusin ni Esmeralda ang maliit na kubo sa bakuran ng bahay ni Lolo Armando, malawak ang bakurang iyon ng matanda, dating albularyo si Lolo Armando at naipasa nito ang kakayahan sa anak niyang lalaki na si Ismael. Nag-iisang lalaki ito at nakatatanda pa, habang dalawa naman ang kapatid nitong babae. Si Silma at ang bunso nilang si Margarita. Mabait sa kaniya ang tiyahin niyang si Margarita, kabaligtaran naman ng pinapakitang ugali sa kaniya ng tiyahin niyang si Silma. Hindi niya mawari kung bakit at hindi na rin siya nagtatanong dahil sa naaalala niya, simula bata ay ayaw na sa kaniya ng ginang. Hapon nang matapos ni Esmeralda ang pag-aayos sa kubo, matagumpay niyang nailipat doon ang mga gamit ni Ismael, simula sa mga bote na naglalaman ng mga langis at iba''t ibang uri ng gamot hanggang sa mga libro at libretang ginagamit nito sa panggagamot. Maayos rin niyang naikabit ang m,ga pangontra laban sa mga masasamang elemento na magtatangkang pasukin ang kubong iyon. Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagwawalis na siya sa labas ng bakuran. Nakasanayan na ni Esmeralda ang magising bago pa man sumilip ang bukang-liwayway. Sa ganitong paraan, marami siyang natatapos at nagagawa. Noong nasa bundok sila, madalas ay sa pangunguha ng mga kahoy napupunta ang oras niya, pero dahil narito na sila sa baryo at uling ang gamit nila sa pagluluto, hindi na niya kailangan gawin iyon. "Magandang araw, kamag-anak ka ba ni Lolo Mando?" Isang boses ng binata ang agad na pumukaw sa kaniyang atensiyon. Tumigil siya sa pagwawalis at isang binata nga ang nakita niyang nakadungaw mula sa tarangkahan ng kanilang bahay. Nakasuot ito ng sobrero ng isang magsasaka at may bitbit na bayong na punong-puno naman ng mga gulay. "Apo ako ni Lolo, sino ka, may kailangan ka ba sa kaniya?" agap na tanong niya habang lumalapit. "Apo? kilala ko ang dalawang apo ni Lolo Mando na anak ni Tiyang Silma at alam kong hindi ka rin anak ni Tiyang Rita, kaninong anak ka?" Napaisip nang malalim ang binata at tila saglit na may kumislap sa mga mata nito nang mapatingin sa dalaga. "Anak ka ni Tiyong Mael? Ikaw ang apo ni Lolo Mando na kinukuwento niya na kasamang namumuhay ng kaniyang panganay na anak sa bundok, tama. Ano nga ba ang pangalan mo, Sandali... Ah, ikaw si Esmeralda," manghang wika nito at napangiwi naman si Esmeralda. "Ang dami mong sinabi, pero hindi mo pa dinamay kung sino ka at ano ang kailangan mo," reklamo ng dalaga at natawa naman ang binata. "Mateo, Mateo ang pangalan ko, doon ako nakatira sa bukid na pagmamay-ari ng Lolo mo, narito ako para ibigay itong bagong aning mga gulay roon. Ito ang binilin niyang dalahin ko pagtapos ng anihan," nakangiting tugon naman ni Mateo. Chapter 2 Chapter 2 - 2"Ganoon ba, pasok ka muna, maya-maya lang ay magigising na rin si lolo." Binuksan niya ang tarangkahan at pumasok naman mula roon ang binata. Dalawang bayong pala ang buhat-buhat nito at ibinaba naman agad nito sa papag na nasa labas ng bahay ng matanda. "Hihintayin mo ba si Lolo na magising? Kung oo, pumasok ka muna para makapagkape man lang, nakapagluto na rin ako ng almusal, sumabay ka na sa amin," alok ni Esmeralda bago pumasok sa bahay. Sumunod naman sa kaniya ang binata bitibit ang dalawang bayong. Maayos niya itong inilapag sa dapugan ng bahay at isa-isang inilabas ang mga gulay mula roon. Tahimik naman na nagtimpla ng kape si Esmeralda para sa kanilang dalawa habang sinusuri niya ang binata. Magaan ang loob niya sa binatang iyon at alam niyang hindi ito masamang tao. "Kailan kayo dumating, hindi kita nakita kahapon rito nang pumunta ako para kumuha ng mga binhi kay Lolo Mando," puna ng binata at napangiti si Esmeralda. "Kahapon lang din kami dumating, siyanga pala, salamat sa pagdadala ng mga gulay rito sa bahay. Madalas mo ba itong gawin?" "Ha, ah, oo. Alam mo kasi, parang kinupkop na rin ako ni Lolo Mando noong mamatay ang buong pamilya ko dahil sa isang trahedya. Doon niya ako pinatira sa bukid niya, siya rin ang nagpatayo ng kubo ko roon. Kaya araw-araw, bago o pagkatapos ng trabaho sa bukid, pinupuntahan ko siya para kumustahin. Alam ko kasing mag-isa lang siya rito," paliwanag ni Mateo. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay pumasok namans a kusina si Ismael na halatang kagigising lamang. Saglit pa itong napatingin kay Mateo na agad namang bumati ng magandang araw. Tumango si Ismael bago angtuloy-tuloy sa lababo upang magmumog at maghilamos ng mukha. Pasimple namang inabutan ng maliit na tuwalya ni Esmeralda ang ama bago ito pinagtimpla na rin ng kape. "Amang, si Mateo nga pala. Nagdala siya ng mga gulay , galing daw sa bukid ni lolo." "Mateo? Ah, ikaw iyong batang pinatira ni tatay sa bukid. Mabuti naman at sa wakas nagkakilala na tayo." "Oo nga po, lagi ko lang kayong naririnig sa mga kuwento ni Lolo Mando. Mabuti po at naisipan niyo nang bumalik. Dito na po ba kayo manunuluyan?" tanong ni Mateo. "Oo, walang kasama si tatay, at tumatanda na rin siya. Salamat nga pala sa pagbabantay mo sa kaniya tuwing mag-isa lang siya rito. Naikuwento ka na rin ni tatay kagabi sa akin, kaya alam kong mabuti kang bata." nakangiting saad ni Ismael. Npakamot naman sa ulo si Mateo, halatang naiilang dahil sa mga papuring naririnig niya. "Wala po iyon, malaki po ang utang na loob ko kay Lolo Mando, at maliit na bagay lang po ang siguraduhin kong maayos ang kalagayan niya rito-" "Hindi maliit na bagay ang ginagawa mo, malaking tulong sa amin iyon. At kung tinulungan ka man ni tatay noon, iyon ay dahil alam niyang karapatdapat kang tulungan," putol ni Ismael sa sasabihin pa ng binata. Napangiti naman si Esmeralda ay tahimik na pinagpatuloy na lang ang pagkain. Matapos mag-almusal, sumama siya kay Mateo upang libutin ang sinasabi nitong bukirin na pagmamay-ari ng kaniyang lolo. Malawak iyon at samo''t saring gulay ang nakatanim doon. Mataba ang lupa, dahilan para magkaroon ito ng masaganang ani. Mula sa ''di kalayuan, sa gitna ng dalawang malalaking puno ng mangga, nakatirik naman ang sinasabing kubo ni Mateo. Maganda ang lokasyon ng kubong iyon, dahil nga napapagitnaan ng dalawang puno, malilim at presko ang lugar. Iniikot ni Esmeralda ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng bukirin, mula sa kaniyang kinatatayuan sa harap ng kubo ni Mateo, kitang-kitang niya ang malawak na lupa na tinatamnan ng mais, sa kaliwang bahagi naman nito ay taniman ng monggo at sa kanang bahagi naman ay mga gulay na gumagapang tulad ng kalabasa, mga patani, upo at iba pa. Hindi rin nakatakas sa kaniyang paningin ang isang kahon na puro naman luya ang nakatanim. Dahil isang manggagamot ang kaniyang ama, kilala niya ang mga luya na naroroon. Luyang dilaw at luyang pula lang ang nakikita niya. "Wala ka bang itinanim na luyang itim?" tanong ni Esmeralda na siyang nakakuha sa atensyon ng binata. "Wala kasi akong mahanap, iyong luyang pula, galing pa iyan sa isang matandang albularyong kaibigan ni Lolo Mando na minsan dumalaw sa kaniya. Ang sabi niya, bibihira na lamang makahanap ng luyang itim, kaya itong dilaw at pula na lamang ang pinarami ko," sagot pa ng binata. "May binhi ako ng luyang itim, kunin mo bukas sa bahay, para maparami natin, may mga binhi rin ako ng mga halamang gamot, maganda ang lupa sa bukid ni lolo, siguradong mabilis tayong makakapagparami ng mga halaman dito. Mabuti na lang pala, nagdala ako ng mga binhi, hindi ko na kailangan magpabalik-balik sa bundok kapag kailangan ni amang ang mga halamang gamot niya." Napangiti si Esmeralda habang inililibot ang tingin sa napakagandang tanawin sa bukid. Matapos ang kanilang paglilibot, sinamahan naman siya ni Mateo sa pag-iikot sa baryo. Tanghali na nang makabalik sila sa bahay, at minabuti naman ni Mateo na bumalik na sa bukid para mag-asikaso. S§×ar?h the nov§×lF~ire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Malawak rin pala ang bukirin ni lolo rito amang, napakalulusog ng mga halaman doon, maganda ang lupa at mukhang naaalagaan ng maayos," puna ni Esmeralda. Napangiti naman si Ismael at tumango. "Kada-pitong taon kung magpakain si tatay sa mga magsasaka at mga tao rito. Balik kumbaga para sa biyayang natatanggap ng lupain niya. Maganda talaga ang lupa sa parteng iyon dahil natural ang tubig na dumadaloy mula sa kabundukan. At isa pa, maalaga sa lupa si Mateo, siya ang namumuno sa mga magsasaka, siya rin ang nagtuturo sa mga ito sa tamang pag-aalaga ng mga halaman. Ayon kay tatay, likas sa batang iyon ang maalam sa mga halaman." Kibit-balikat na saad ni Ismael. "Pansin ko nga po, mabuti na lang at may bakante pang lupa roon, pagtatamnan namin bukas ng mga halamang gamot. Huwag ka munang tatanggap ng pasyente amang, babalik muna ako sa bundok para kunin ang iba pa nating mga binhi." "O siya, sige. Mag-iingat ka, siguradong, inaabangan ka ng mga kalaro mo sa bundok. Umaga kang pumunta at huwag kang magpapagabi." Palihim na napangisi si Esmeralda, hindi na niya pinansin pa ang iba pang mga bilin ni Ismael sa kaniya, bagkus ay mabilis niyang tinapos ang mga gawain niya sa kusina. Sa pagsapit ng dapit-hapon, kinuha niya ang kaniyang itak na nakatago sa ilalim ng kaniyang higaan ay itinali iyon sa kaniyang beywang. Sinukbit naman niya sa kaniyang likuran ang bayong na siyang paglalagyan naman niya ng mga halamang makukuha niya. Maingat at palihim siyang lumabas mula sa bintana habang mahinang humahagikgik, sa pag-aakalang matatakasan niya ang kaniyang ama. Ang hindi niya alam, ay napapailing na lamang si Ismael dahil alam nitong tumakas na naman ang dalaga niyang anak. "Nakakatuwang bata, mabuti at natatagalan mo ang katigasan ng ulo ng batang iyon Mael." Tumatawang puna ni Armando sa anak. "Wala naman akong magagawa ''tay, bata pa lamang si Esme, alam kong kaakibat na ng buhay niya ang magpagala-gala sa gabi. Sapat na sa akin ang makauwi siya ng ligtas at buhay." Muli na silang napatahimik, parehong napapatango sa kanilang mga pinag-uusapan. Samantala, mula sa ''di kalayuan, patakbong lumalayo si Esmeralda sa baryo at mabilis na tinatahak ang daan patungo sa paanan ng bundok. Presko ang malamig na hangin tumatama sa kaniyang balat, hindi alintana ng dalaga ang madilim na gabi na ang tanging tanglaw niya ay ang kakarampot na liwanag na nagmumula sa buwan at mga ilaw na nasa poste. Sa kaniyang tuluyang paglayo ay nawala na rin ang liwanag ng mga poste at ang tanging natira ay ang natural na liwanag ng buwan na siyang naging gabay niya hanggang sa pagpasok niya sa gubat. Ang pamilyar na simoy ng hangin, ang amoy ng mga damo at lupa ang unang bumati kay Esmeralda sa kaniyang pagpasok. Gumuhit ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi habang walang kahirap-hirap niyang tinatawid ang bawat lubak at bawat tulis ng mga bato sa lupa. Sa pagdatal niya sa pusod ng gubat ay agad naman niyang ginalugad ang kasukalan na ang tanging gabay niya ay ang mahinang presensiya ng nilalang na magiging kalaro niya sa gabing iyon. Wala siyang balak na paslangin ito o kung ano pa man, ang nais lang niya ay magpapawis ipang hindi matulog ang nag-aapoy niyang dugo. Marahan siyang naglalakad sa nagtataasang talahib na siyang nagkukubli sa kaniya at sa nilalang na tinutugis niya. Bagaman madilim sa lugar na iyon, malinaw niyang nakikita ang bawat hakbang na kaniyang ginagawa. Kabisado niya ang buong gubat, kaya kahit nakapikit ay kaya pa rin niyang tuntunin ang lupang dapat na aapakan niya at ang hindi. Makalipas lamang ang ilang minuto, isang pamilyar na angil ang kaniyang narinig, kasabay nito ang hingal ng nilalang na tila nagmamadaling makalayo sa kaniya. Lalong lumapad ang ngisi ni Esmeralda at mabilis na sinunggaban ang nilalang. Isang malakas na suntok ang nagpataon nito sa lupa. "Ang akala mo ba ay matatakasan mo ako?" Malumanay pa niyang wika habang inaapakan ang nilalang na nagkukumahog na makaalpas sa kaniya. "Wala akong ginagawang masama, wala akong sinasaktang tao, hindi ako kumakain ng tao. Pakiusap, huwag mo akong paslangin," pagmamakaawa nito. Napalatak naman si Esmeralda at inalis nag paang nakaapak sa nilalang. Pinabangon niya ito at tinitigan sa mga mata. "Mukhang bagong sibol ka, anong ginagawa mo rito sa gubat?" Tanong niya at nakita niyang tila nagpipigil ang nilalang na sunggaban siya. "Hindi ko ginusto ito, biktima rin ako. Ayoko ko nito. Sa halip na makapanakit ng tao, minabuti ko ang manatili rito para manginain ng mga hayop. Pakiusap, ayoko pang mamat*y. May pamilya ako na nais ko pang balikan." Umiiyak na wika nito sa kabila ng angil na umaalpas sa lalamunan ng nilalang. Nangunot naman ang noo ni Esmeralda sa nalaman. Ang buong akala niya ay wala nang ibang aswang na nagagawi sa kanilang teritoryo. Pero mukhang nagkamali siya, may mga pangahas na sinusubukan ang magparami sa kanuyang lugar at hindi niya ito maaaring hayaan. Chapter 3 Chapter 3 - 3"Kung gano''n sumama ka sa akin, kontrolin mo ang gutom mo. Dadalhin kita kay amang pagkatapos kong manguha ng mga binhi sa luma naming bahay." Anunsiyo niya at nagsimula nang maglakad. Hindi niya alintana ang nilalang na nakasunod sa likod niya. Kampante siyang, kahit anong gawin nitong pag-atake ay mabilis lang niyang malalaman. Nang marating nila ang dating kubo, mabilis na niyang kinuha ang mga binhing kailangan niya habang ang nilalang naman na ngayon ay nasa katawang tao na niya ay tahimik lang na nakamasid sa kaniya. Nakatayo ito sa isang puno habang tila malalim na nag-iisip at mukhang naguguluhan pa. "Sa baryo ka rin ba nakatira? Ano ba ang pangalan mo, ano ang nangyari at bakit ka nagkaganiyan?" tanong ni Esmeralda. Kasalukuyan na nilang binabagtas ang matarik na daan pababa ng bundok. Malalim na ang gabi at panay na rin ang gala ng mga mata ni Esmeralda sa paligid. "Raul ang pangalan ko. Hindi ko rin alam, ang huling naaalala ko bago ako nagkaganito, dumalo kami n asawa ko sa isang handaan sa bayan, maraming mga bisita at marami rin naman ang kumain doon kaya hindi pumasok sa isip ko na magkakaganito ako," sagot naman ng lalaki. Rinig na rinig pa rin niya ang makakapal na paghingal nito na tila ba nagpipigil pa rin. Nilingon ito ni Esmeralda at nakita niyang nagpapawis na ulit ito at bahagya nang tumutulo ang malalapot nitong laway. Napabuntong-hininga naman si Esmeralda, huminto siya at saglit na inilapag ang mga dala. Napahintot na rin ang lalaki at nagtatakang napatingin sa dalaga, walang ano-ano''y, nakaramdam siya ng malakas na pagdagok sa likod ng kaniyang leeg, dahilan para mawalan siya ng malay. "Pasensiya ka na, kailangan kong gawin ito para hindi ka na makapanakit pa. Hayaan mo at tutulungan kitang makabalik sa dati mong katinuan.Sa ngayon, magpahinga ka na lang muna riyan." Ipinatong ni Esmeralda ang basket na punong-puno ng luya sa katawan ng lalaki. Muli siyang bumuga ng hangin at agad na naging seryoso ang anyo niya. "Ang lalaki bang ito ang hanap niyo? Hindi ako papayag na maging kagaya niyo siya, kung gusto niyo talaga siyang makuha, kailangan muna ninyong dumaan sa akin," sigaw niya, tahimik ang buong paligid at tanging ang tunog ng hangin ang kaniyang naririnig. Sa kabila ng namamayaning katahimikan, alam niyang sa hindi kaluyan, nakamasid sa kaniya ang mga nilalang na madalas ay kalaban niya. Napalatak lamang siya dahil walang sumagot sa kaniya. Walang kahirap-hirap niyang binuhat ang lalaki at isinabit ito sa kaniyang balikat, animo''y magaang sako lamang ito. Hatinggabi nang marating niya ang bahay ng kaniyang lolo sa baryo, wala ap ring malay ang lalaki sa kaniyang balikat nang ilapag niya ito sa papag sa labas ng bahay nila. Pagpasok niya sa loob ng bahay ay nagulat pa siya nang makitang nakaupo sa sala si Ismael, humihigop ng mainit na kape. "Amang, bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ni Esmeralda sa lalaki. Masamang tingin naman ang isinagot nito. Marahan niyang inilapag ang tasa ng kape sa maliit na lamesita at bumuntong-hininga. "Sa tingin mo ba makakatulog ako kung alam kong nasa labas ka pa at nag lalamiyerda?" Tugon ni Ismael, bakas sa boses nito ang pagkadismaya. "Amang talaga, nanguha lang po ako ng mga binhi sa kubo natin, wala naman akong nakalaban, takot lang nilang lumapit sa akin. Siyanga po pala, may pasyente akong dala, mukhang nayanggaw ang isang iyon. Nasa labas siya ng bahay at natutulog pa," saad ni Esmeralda at muling napabuntong-hininga si Ismael. Alam niyang sa pagkakataong iyon ay wala na naman siyang panalo sa anak. "Ipasok mo siya rito, mas maiging narito siya sa loob kapag nagising siya. Hindi siya makakalabas, sa oras na magpalit siya ng katauhan niya." Tumalikod ito at agad na kinuha ang mga gamit niyang nakatago sa silid. Walang imik namang sinunod ni Esmeralda ang utos ng ama. Pinasok niya sa loob ng bahay ang lalaki at doon pinahiga sa mahabang upuan na gawa sa kawayan. Agad naman itong sinuri ni Ismael matapos makuha ang kaniyang mga gamit. "Sa tantiya ko, nasa isang linggong o mahigit na rin siyang nasa ilalim ng pagka-yanggaw. Nakakamanghang hanggang ngayon ay wala pa akong nakikitang senyales na nakakain siya ng karne ng tao. Saan mo ba nakita ang taong ito?" tanong ni Ismael. "Sa kabundukan ho, amang. Madalas akong mangaso roon at naabutan ko siyang gumagala roon, marahil ay para manguha ng makakain niyang hayop. Sa tingin ko nga rin po, malakas ang mentalidad niya kung kaya, nakakaya niyang kontrolin ang sarili niyang umatake ng mga tao." "Sa mga ganitong pagkakataon, malakas at mas nangingibabaw sa mga nayanggaw ang pagkahayok nila sa laman at dugo. Kung tunay ngang malakas ang mentalidad niya, hindi na tayo mahihirapan tulungan siyang mailabas ang mutya ng pagka-aswang niya." Tumatangong wika ni Ismael. Sa paggising ng lalaki, agad na nilang sinimulan ang panggagamot sa lalali. Itinali nila ito sa higaan bago sinimulan ni Ismael ang pagpahid ng langis sa sikmura ng lalaki. Noong una ay walang reaksiyon ang lalaki hanggang sa unti-unti nang sinimulan ni Ismael ang panghihilot niya sa tiyan nito. Una ay banayad hanggang sa paunti-unti ay dinidiinan na niya ito. Napapasigaw pa noon ang lalaki dahil sa nararamdang sakit. Halos mapigtas nito ang pagkakatali dahil sa matinding pagwawala nito. Hindi ito pinansin ni Ismael at patuloy lang na hinilot ang tiyan ng lalaki habang si Esmeralda naman ay nakapigil sa magkabilang braso nito. "Amang, hindi ba dapat sinusuka na niya ang mutya, bakit aprang nahihirapan tayo?" Nagtatakang puna ni Esmeralda. Ito kasi ang unang beses na natagalan sa panghihilot ang tatay niya pagkatapos mapainom sa pasyente ang langis na magtatanggal ng yanggaw sa katawan nito. "Makapit ang nilagay na mutya ng aswang at mukhang nagsusukatan ang mga ito kung sino ang magwawagi sa kanila. Ang mutya o ang lalaking ito." S~ea??h the N?vel(F)ire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Mukhang hindi ordinaryo ang aseang na nagbigay ng mutya sa kaniya. Kailangan nating mahanap ang yumanggaw sa kaniya at magapi ito." Dagdag pa ni Ismael. Huminto na ito sa ginagawang panghihilot at ang kaninang sigaw ng lalaki ay napalitan naman ng mahihinang pag-ungol. Mayamaya pa ay nagmulat na ito ng mga mata, bakas sa reaksiyon nito ang pagod at pagsusumamo. Mukhang batid nito ang nangyaring panggamot sa kaniya kanina na hindi nagtagumpay. "Mabuti naman at gising ka na. Maaari mo bang ikuwento sa akin kung paano ka nahawaan ng pagka-aswang? Matindi ang kapit ng yanggaw sa katawan mo at hindi ito kaya ng simpleng paghilot lamang. Maging ang langis na kalimitang gamit ko sa panggagamot ng yanggaw ay walang bisa." Inilipag ni Ismael ang bote ng langis sa harapan ng binata, nakakaintinding tumingin naman sa kanila ang lalaki at napaluha. "Wala na po bang pag-asa na gumaling ako? Hindi na ba talaga matatanggal ''to manong?" Tumatangis niyang tanong. "Hindi naman sa walang pag-asa, mahihirapan kami, oo pero gagaling ka pa. Kailangan lang naming mahanap ang nilalang na gumawa nito sa''yo, para malaman namin kung anong klase siya at mahanapan ng karampatang lunas iyang dinaramdam mo. Sa ngayon, dumito ka na muna, habang hindi ka pa gumagaling. Hindi ka maaaring lumabas ng bahay, dahil baka makasakit ka, lalo na sa gabi. Alam kong kaya mo itong kontrolin sa ngayon, pero hindi natin sigurado kung hanggang kailan tatagal ang mentalidad mo sa tukso ng laman at dugo." "Naiintindihan ko ho, manong. Kahit ano gagawin ko, gumaling lang ako at mabalikan ko ang asawa ko. Buntis siya ngayon, kaya minarapat kong lumayo muna sa kaniya. Pero manong, hindi niya po alam ang kalagayan ko. natatakot ako na baka sa araw na gumaling ako, wala na akong pamilyang babalikan," salaysay ni Raul. "Huwag mo munang alalahanin ''yon, hayaan mo at palalakarin ko bukas itong si Esmeralda para puntahan ang mag-anak mo." Tinapik ni Ismael ang balikat ng lalaki para pahupain ang mataas nitong emosyon. Nang tuluyan na itong kumalma ay hinayaan naman nila itong magpahina, tulad nang hiling nito ay iniwan nila si Raul na nakatali sa higaan nito. Kinabukasan, maaga pa lamang ay gising na ang mag-ama, kasalukuyan silang nagkakape nang magising naman si Raul sa sala. KInalagan ito ni Esmeralda at sumabay na rin ito sa pagkakape sa kanila. Tahimik namang pinagmamasdan ni Esmeralda ang bawat kilos ng lalaki. At doon lang niya napatunayan na walang pinagkaiba ito sa normal na tao. Tuwing gabi lang talaga ito nag-iiba ng ugali. "Ang sabi nitong anak ko, Raul daw ang pangalan mo, taga-rito ka lang din ba sa Baryo Luntian. Saang purok ka nakatira?" tanong ni Ismael. "Opo manong, Purok Syete po nakatirik ang bahay namin, katabi ng sirang simbahan." agap na tugon ni Raul. "Esmeralda, magpasama ka mamaya kay Mateo, puntahan niyo ang bahay nitong si Raul at abisuhan mo ang maybahay niya sa nangyayari sa kaniya ngayon." "Opo Amang, pagkatapos ko ho rito, tutunguin ko na si Mateo sa bukid." sagot naman ng dalaga. Mangiyak-ngiyak namang nagpasalamat si Raul sa mag-ama at iyon ang naabutang sitwasyon ng matandang si Armando sa kusina. Maagap namang idinitalye ni Ismael ang mga pangyayari sa matanda. Patango-tango lang ito habang nakatitig naman sa lalaki, tila ba hinahalukay ng malamlam nitong mga mata maging ang buong pagkatao ng lalaking kaharap niya. Chapter 4 Chapter 4 - 4Matapos mag-almusal, katulad ng naunang plano, tinungo ni Esmeralda sa bukid si Mateo. Naabutan pa niya itong nagdidilig ng mga bagong pananim. Agad niyang tinawag ito na tinugunan naman ng binata ng isang kaway. Umupo si Esmeralda sa ikalawang palapag ng hagdan ng kubo ni Mateo at pinatong ang basket ng mga binhi ng luya na dala niya. Sear?h the N??elFir§×.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Magandang umaga, Esmeralda. Ang aga mo naman yatang naligaw dito sa bukid, may kailangan ka ba?" Nakangiting bati ni Mateo sa dalaga. "Magandang umaga rin, inihatid ko lang ang mga binhi ng luya na sinasabi ko. At oo, may kailangan ako. Magpapasama sana ako sa purok syete, hindi ko pa kabisado ang buong baryo kaya hindi ko alam saan dito ang purok syete." "Purok syete? Ano namang gagawin mo roon?" tanong ng binata. "Utos ni amang, may hahanapin lang akong pamilya ng pasyente namin." sagot naman ng dalaga na siyang nagpakunot sa noo ni Mateo. "Pasyente? Nanggagamot rin ba si Manong Mael katulad ni Lolo Mando?" "Oo, si amang ang nagmana ng kakayahan ni lolo, isa rin siyang albularyo. Bakit parang nagulat ka naman yata?" "Sino ang hindi magugulat, sa baryong ito, si Lolo Mando lang yata ang kilalang albularyo. Kung nanggagamot rin si Manong Mael, magandang balita iyan para sa mga ka-baryo natin. Hindi na nila kailangan pang pumunta sa kabilang baryo para manggamot." paliwanag naman ni Mateo na bakas sa boses ang kagalakan. Nagkibi-balikat lang naman si Esmeralda sa nalaman. Simula kasi nang manirahan sila sa bundok, walang nakaalam na ang Tatay niya ang nagmana ng pagiging albularyo ng lolo niya. Naging isa itong lihim dahil ayaw ni Ismael na pagkaguluhan sila ng mga tao. Bagaman nanggagamot si Ismael, nananatiling lihim ang pagkakakilanlan niya bilang anak ng isang batikang albularyo sa baryo ng Luntian. Pero ngayong nasa Luntian na sila, paniguradong hindi na nila ito maiiwasan pa. Lalo pa nga''t tumanggap na siya ng unang pasyente sa baryong kinagisnan niya. "Ano ba ang sakit ng pasyente niyo? Nabati ba ng mga laman-lupa o naparusahanbngbmga engkanto?" Tanong ni Mateo habang naglalakad sila patungo sa paradahan ng traysikel. "Na-yanggaw," simpleng tugon naman ni Esmeralda. Marahas na napalingon sa dalaga si Mateo at tila gulat na gulat ito sa narinig. "A, Esmeralda, puwede ko bang makita ang pasyente niyo?" "Bakit naman?" Kunot-noong tanong ni Esmeralda. Napangisi naman si Mateo at saka tila nahihiyang nagkamot ng ulo niya. "Hindi pa kasi ako nakakakita ng taong na-yanggaw, gusto ko sanang makita kung ano ang itsura nila." Napabuntung-hininga na lang si Esmeralda at inirapan ang binata na noo''y tatawa-tawang nakahabol na sa paglalakad niya. Nang marating nila ang paradahan, agad naman nilang kinontrata ang isang traysikel para ihatid sila sa sirang simbahan sa Purok Syete. Ang sira-sira at tila napaglipasan na ng panahong simbahan ang bumungad sa kanila pagdating roon. Wala na itong bubong at marahil ay bumagsak na dahik sa kalumaan nito. Tila ba sinadyang pabayaan iyon dahil sa looban ay masukal na ang mga damo at talahib. Ang mga dingding ay ginagapangan na rin ng mga baging at nagkulay lumot na rin sa katagalan. Sa pagkakataong iyon ay napabaling naman sina Esmeralda sa bandang kanan ng naturang simbahan. Nakatirik doon ang isang bahay na hindi kalakihan. Gawa sa bato ang kalahati nito habang gawa naman sa kahoy ang kalahati. Yero din ang bubong at tila bago pa. Kapansin-pansin rin ang nakatumba nitong bakod na siyang nagpakunot naman sa noo ni Esmeralda. Matapos magbayad ay umalis naman ang traysikel na sinakyan nila. "Mukhang may nanggugulo sa bahay mg pasyente niyo Esmeralda. Tingnan mo, nakatumba ang bakod, wasak din ang ilang parte nito na halatang ginamitan ng matigas na bagay. Sa tingin mo, ayos lang ba ang mga nakatira riyan?" Naisaboses ni Mateo. Iisa ang tumatakbo sa isip nila kaya naman hindi na umimik pa si Esmeralda at nagtuloy na para katukin ang pinto ng bahay. Nakailang katok pa lamang siya ay agad namang bumukas ang pinto. Bumungad sa kanila ang isang babae na namumutla at tila kagagaling lang sa pag-iyak. "Sino sila, may kailangan ba kayo. Wala ang asawa ko rito." Mahinahong wika ng babae. "Alam namin. Maaari ba kaming pumasok?" Tanong ni Esmeralda. Nagtama ang kanilang mga mata at nabasa ni Esmeralda ang paghihirap sa mga mata nito. "Tuloy kayo," saad ng babae, nagpalinga-linga pa ito sa labas bago tuluyang isinara ang pinto. Sa loob ay iginala ni Esmeralda ang kaniyang paningin. Tahimik lang din na nagmamasid si Mateo na malalim na ang pagkakakunot sa noo. Magulo at tila dinaanan ng bagyo ang loob ng bahay. May mga kagamitang sira at nagkalat din ang ilang kubyertos at gamit sa lapag. "Pasensiya na dahil magulo ang bahay ngayon. Ano nga pala ang kailangan niyo?" Muli ay taning ng babae sa kanila. Seryosong napatingin si Esmeralda rito, "Pinapunta kami ni Raul dito, siya ang asawa mo ''di ba?" "Si Raul? Alam niyo kung nasaan si Raul? Isang linggo na siyang nawawala, akala ko iniwan na niya ako, bakit ba siya umalis? Tapos may nagpunta pa ritong mga kalalakihan na hinahanap siya, at ganito ang ginawa. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Umiyak ang babae at naghisterikal. Hinayaan lang naman ito ni Esmeralda hanggang sa tuluyan nang kumalma ang babae. "Ayos ka na ba? Ipapaliwanag ko sa iyo ang dahilan kung bakit kinailangan ka niyang iwan. Hindi madali ang pinagdadaanan ngayon ng asawa mo. Mabuti nga at nakadaupang palad niya kami dahil kung hindi, hanggang ngayon, magiging blanko ka pa rin sa kung ano ba ang dahilan ng paglisan niya at ang masama, paniguradong magtatanim ka na ng sama ng loob sa kaniya," saad ni Esmeralda at napipilan naman ang babae. Tama kasi ang sinabi ng dalaga at kasalukuyan na nga siyang nagtatanim ng sama ng loob sa kaniyang asawa. Maingat at dahan-dahang ipinaliwanag ni Esmeralda ang sitwasyon ni Raul. Napahagulgol naman ng iyak ang babae dahil sa nalaman. "Sa ngayon ay nananatili siya sa bahay namin doon sa Purok Uno, habang hindi pa siya gumagaling ay doon muna siya, delikado para sa''yo at para sa kaniya kung aalis siya sa bahay namin habang nasa proseso siya ng yanggaw. Bagaman malakas ang asawa mo, hindi natin alam kung hanggang kailan niya kayang paglabanan ang sumpang kumakapit sa kaniya ngayon." "Gagaling pa ba si Raul? Maaari ko ba siyang makita kahit saglit lang. Kahit sa malayo lang." "Oo naman, sa umaga ay normal na tao naman siya, huwag ka lang lalapit sa kaniya sa tuwing sasapit ang gabi," tugon naman ni Esmeralda. Pinahid na ng babae ang mga luha nito at saka ngumiti sa kanila. Nagsimula na itong mag-ayos sa loob ng bahay. Kumilos naman si Mateo at tumulong na rin. Si Esmeralda naman ay umikot sa labas ng bakuran ng bahay at naghanap ng posibleng marka na naiwan kung sakaling doon sa lugar na iyon naganap ang pagyayanggaw kay Raul. Malinis naman ang buong paligid maliban sa mga sira-sirang pananim at bakod na nagkalat. Wala siyang nararamdamang presenya ng nilalang na maaaring lumapit o bumisita roon. "Kung hindi rito, saan naman kaya maaaring na-yanggaw si Raul? Sa trabaho?" Wika ni Esmeralda. Malalim siyang napapaisip at kung hindi pa siya kinalabit ni Mateo ay hindi pa niya maririnig ang pagtawag nito sa kaniya. "Kanina pa kita tinatawag, naghanda ng tanghalian si Hanna, kakain na raw," maang na napatingin si Esmeralda sa binata. Ganoon na ba kalalim ang iniisip niya para hindi ito marinig? Tumango siya at agad na sumunod sa binata papasok sa bahay. "Hanna, kung hindi mo mamasamain, sino ang mga taong nanggulo sa bahay niyo?" Tanong ni Esmeralda at napalingon naman sa kaniya ang babae. "Ang totoo niyan, mga kapatid ko ang pumunta para manggulo rito. Tutol sila sa relasyon namin ni Raul, dahil hamak lang daw na magsasaka si Raul. Itong bahay, naipundar ni Raul dahil sa sipag at tiyaga niya. Nang makita ito ng mga kapatid ko, naisip nila na baka dahil rito kaya malakas ang loob ko na hindi na bumalik sa amin, kaya sinira nila maging ang mga gamit namin." "Grabe naman sila, mga wala ba silang puso. Hindi ba nila alam na buntis ka, o bulag lang talaga sila?" Nanggagalaiting puna ni Mateo. "Hindi ko rin alam, hindi nila naririnig kahit ano ang sabihin ko. Mahal namin ni Raul ang isa''t isa, nagsusumikap si Raul na maitaguyod ang buhay namin ay mabigyan ako ng maayos na buhay rito. Hanggang sa bigla na lamang siyang naglaho at dumating naman ang mga kapatid ko para kumbinsihin akong umuwi na," salaysay ni Hanna. Bahagya pa nitong hinimas nag maumbok na nitong tiyan. "Talaga, bakit parang pakiramdam ko alam nila ang nangyayari sa asawa mo. Hanna, hindi naman sa pinagdududahan ko ang mga kapatid mo. Pero bubuksan ko sa''yo ang posibilidad na baka may kinalaman sila sa nangyari sa asawa mo," mahinahong wika ni Esmeralda at hinawakan ang kamay ng babae. "Hindi nagkakalayo ang mga edad natin, kaya sasabihjn ko sa iyo ito, babae sa babae. Maging mas malawak sana ang pag-unawa mo sa sitwasyong ito. Alam kong mas matimbang ang dugo sa tubig pero minsan may mga kadugo tayong hangad lamang ay kapakanan nila. Sa ngayon, bakit hindi ka muna sumama sa amin doon sa purok uno. Masama ang kutob ko na babalikan ka ng nilalang dito mamayang gabi," dugtong pa ni Esmeralda. Nang mga sandaling iyon ay muling naluha si Hanna at walang pagdadalawang-isip na tumango bilang pagsang-ayon. Wala silang sinayang na oras at agad na nagligpit si Hanna ng mga damit niya at ni Raul. Inilagay niya ito sa isang bag na siyang binitbit naman ni Mateo. Chapter 5 Chapter 5 - 5Matapos magligpit ay tumawag na ulit ng traysikel si Mateo. Nauna na niyang inilgay sa likod ang bag ni Hanna roon. Nakasuot naman ng malaking jacket na may hood si Hanna nang isakay na nila sa traysikel. Mag-a-alas kuwatro na rin nang marating nila ang bahay ni Lolo Armando sa Purok Uno. "Nasa likod na silid si Raul, bukas mo na siya puntahan, sa ngayon magpahinga ka muna doon sa silid ko, balot iyon ng proteksiyon ni amang kaya hindi ka niya maaamoy mamayang gabi." Suhestiyon ni Esmeralda at tumango naman si Hanna. Matapos maihatid sa silid ang babae ay bumalik naman siya sa sala para kausapin ang kaniyang ama. "Amang, dinala ko rito ang asawa ni Raul. Hindi siya ligtas sa bahay nila. At hindi rin natin maaasahan ang pamilya niya. Ang hinala ko, sila ang may pakana ng pagkakayanggaw ni Raul." "Pamilya ng asawa ni Raul? Mukhang may alitan sa pagitan nila kung gano''n. Hay, kawawa naman pala sila. Pero kung normal na alitan lamang ito, tandaan mo Esmeralda, hindi tayo maaaring makialam sa kanila," paalala ni Ismael. "Alam ko naman po iyon amang, pero kung may kinalaman sila sa nangyari kay Raul, paniguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Ipaparanas ko rin sa kanila ang dinadanas ni Raul." Napailing na lamang si Ismael sa narinig. Kilala niya si Esmeralda, hindi ito nagbibiro sa lahat ng binibitawan niyang salita. Lumipas ang mga oras at tuluyan nang binalot ng kadiliman ang buong kalupaan. Nakaupo si Esmeralda sa harap ng silid na kinaroroonan ni Raul. Tulad ng dati, nakatali ito sa higaan, sarado ang mga bintana at ang tanging bukas ay aang pinto kung saan nakabantay naman si Esmeralda. "Normal na tao lang naman siya kung titingnan, sigurado ka bang nayanggaw ang lalaking iyan Esme?" Napapakamot na lamang ng ulo si Mateo habang nakatingin kay Raul. Kasalukuyan pa rin itong natutulog nang mga sandaling iyon. "Maghintay ka lang, baka nga maihi ka pa sa salawal kapag nakita mo ang tunay niyang anyo," saad naman ni Esmeralda. Tumahimik naman si Mateo at naupo na sa tabi ng dalaga habang hindi inaalis ag mga mata sa lalaking nakahiga sa higaan. Ilang sandali pa ay bigla namang nagmulat ng mga mata si Raul. Nagsimula itong magpakawala ng mga ung*l na kalaunan ay naging mababangis na angil. Nagulantang naman si Mateo sa nasasaksihan. Nagwala si Raul sa kinahihigaan nito habang nagpupumilit na makawala sa pagkakatali niya. "Nagugutom ako, may naaamoy akong mabango. Sariwang d*go, bigyan niyo ako ng sariwang d*go," umaangil nitong sigaw sa garalgal nitong boses. "L*ntik, ano ang nangyayari sa kaniya, bakit nagkukulay itim na ang balat niya, ano iyan. Balahibo ba ''yan?" Gulat na wika ni Mateo, napatayo pa ito sa kinauupuan, halatang hindi ito makapaniwala sa nakikita. "Iyan ang totoong itsura ng mga taong nayayanggaw," simpleng tugon ni Esmeralda bago bumuga ng malalim na hininga. Patuloy na nagwawala si Raul at wala silang ginawa kun''di ang bantayan lang ito na hindi makawala mula sa kaniyang pagkakatali. Tatlo hanggang limang oras na sinusumpong si Raul sa pagka-aswang niya. Minsan ay salitang nagbabantay si Esmeralda at Ismael sa lalaki pero nang gabing iyon dahil na rin sa pangungulit ni Mateo, ay silang dalawa ng dalaga ang nagbantay. Madaling araw na nang tuluyang kumalma si Raul. Puro sugat na rin ang paa at kamay nito dahil sa pagkiskis ng lubid sa mga kalamnan niya. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Esmeralda habang pinapahiran ang gamot ang mga sugat nito. "Napapagod na ako, hirap na hirap na ako. Ayoko na, gusto ko nang makita ang pamilya ko. Ano ba ang kasalanan ko, bakit ko dinaranas ito? Hindi naman ako gumagawa ng masama para ganitohin nila ako. Wala akong inaagrabiyadong mga tao." Umiiyak na wika ni Raul. Nakakaintinding tinapik ni Esmeralda ang braso ng lalaki at nginitian ito ng tipid. "Minsan, hindi dahil naging mabuti ka, lahat ng tao ay ganiyan rin ang magiging pananaw sa''yo. Hindi dahil wala kang nagawang masama, mananahimik ang may mga halang ang kaluluwa. Ang masasabi ko lang, tibayan mo ang loob mo, huwag kang magpapatalo. MAlapit nang matapos ni amang ang lunas para sa ''yo at bukas sisimulan ko nang tahakin ang landas na tinahak mo bago ka nagkaganito. Sisimulan ko sa pamilya ng asawa mo," salaysay ni Esmeralda. Nahinto ang pag-iyak ni Raul sa narinig, Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sa dalaga. "Pamilya ni Hanna, anong mayro''n sa kanila, bakit mo sila nabanggit dito?" gulat na tanong ni Raul. Nagsimulang magkuwento si Esmeralda sa nadatnan niya kahapon sa bahay nila. Nagkiskisan ang mga ngipin ni Raul dahil sa galit, kasabay nito ang mariing pagkuyom ng kamao ng lalaki. "Wala kaming ginagawang masama, mahal ko si Hanna, at hindi ko siya pinilit na sumama sa akin. Bukal sa loob niya ang bumukod na sa kanila. Pinatunayan ko naman na kaya kong buhayin ang kapatid nila, ano pa ba ang kulang?" puno ng hinanakit na wika ni Raul. "Pero hindi iyon ang nakikita nila dahil may kailangan sila kay Hanna at hadlang ka roon. May hinala rin ako na sila ang nasa likod ng sitwasyon mo ngayon, bagaman hindi pa sigurado." makahulugang wika ni Esmeralda. Matapos magamot ang mga sugat nito ay iniwan na niya ito para magpahinga. nakita niya si Mateo na prente na rin nakahiga sa papag sa sala, napailing na lang siya ay saka dumiretso na sa silid niya kung saan natutulog na rin si Hanna. Kinabukasan, naging emosyonal ang tagpo sa bahay ni Armando nang magkita ang mag-asawa. Magkayakap ang mga ito habang parehong naglilimahid sa luha ang kanilang mga mukha. Napapailing lang ang matandang si Armando sa nakita. "Kawawang mga bata," sambit ng matanda habang inilalapag ang tasa ng kape sa mesa. Maging si Ismael ay napapailing na din. Nang humupa na ang emosyon ng dalawa ay saka na nila ipinaliwanag ang kanilang mga gagawin kay Raul. S§×arch* The N??elFir§×.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Kahit ano, gagawin ko para lang gumaling ako. Ang nais ko lang naman, maprotektahan si Hanna habang naririto siya. Hindi ko naman akalaing dadalhin niyo siya rito, pero salamat pa rin, hindi ko alam na mas delikado pala siya roon sa bahay namin." "Hay naku, saka ka na magpasalamat kapag maayos ka na. Sa ngayon, paghandaan mo ang susunod na kabilugan ng buwan. Paniguradong mas titindi pa ang lakas ng atake ng yanggaw sa katawan mo." Paalala ni Ismael. "Opo, manong. Gayunpaman, tatanawin ko pong malaking utang na loob ito." Dahil sa sinabing iyon ni Raul, nagkatinginan naman si Esmeralda at Ismael. Normal na para sa mag-ama ang makarinig ng mga ganoong salita subalit iba ang dating nang manggaling ito kay Raul. Marahil dahil may ibang katauhan ang nagkukubli sa katawan ng lalaki at nakikihati sa kaniyang utak. Lumipas pa ang ilang araw, isang hindi inaasahang bisita naman ang gumambala sa katahimikan ng bahay ni Lolo Armando. Kasalukuyan silang kumakain ng tanghalian noon, dahil umaga at tirik ang araw, malayang nakakagalaw sa loob ng bahay si Raul at nasasamahan nito ang asawang si Hanna. Masaya silang kumakain nang makarinig sila ng malalakas na tawag sa labas ng kanilang bahay. Malalakas rin ang ginagawang pagkatok nito sa tarangkahan. Animo''y nagmamadali. "Sino naman kaya ito. Kung makakatok, akala mo masisira na ang tarangkahan." Reklamo ni Ismael, saka padabog na tumayo. "Amang, ako na ho. Makakatikim talaga sa akin ''yan." Mabilis na tumayo si Esmeralda at inunahan na palabas si Ismael. Pagkalabas ni Esmeralda, agad na bumungad sa kaniya ang tatlong lalaki na doble ang laki sa kaniya. Mukhang galit rin ang mga ito at tila ba walang gagawing mabuti. "Ano ba ang kailangan niyo? Kung makakatok naman kayo, sino ba kayo?" Kunot-noong tanong ni Esmeralda sa mga ito. "Hoy, ito ba ang babae?" Biglang tanong naman nito sa kung sino. Nang ibaling naman ni Esmeralda ang tingin sa kausap nito ay nakita niya ang drayber ng traysikel na sinakyan nila pauwi sa bahay nila noong nagdaang araw. "Oho, siya nga po. Kasama niya ang babaeng hinahanap niyo." Bakas ang matinding takot sa boses ng lalaki. "Ilabas mo ang kapatid namin. Sino ka ba sa akala mo. Puwede ka naming kasuhan sa pagkuha mo sa kapatid namin." Sigaw ng matabang lalaki at napangisi naman si Esmeralda. "Kusang sumama ang kapatid niyo sa akin. At ano naman ang ikakaso niyo sa akin?" Matapang na tanong ni Esmeralda. Nagngitngit sa galit ang tatlo at halos gibain na nila ang tarangkahan ng bahay nila. Dahil sa tanghali at gising ang mga tao, sa lakas ng komusyon ay agad nitong nakuha ang atensyon ng lahat. "Hoy, bakit kayo nanggugulo sa bahay ni Mang Armando!" Isang lalaki ang naglakas ng loob na lumabas at komprontahin ang mga nanggugulo, na sinundan pa ng iilan sa mga kapit-bahay nila. "Huwag kayong mangialam dito, wala akong pakialam kung sino pa ang nakatira rito. Walang magiging gulo kung ilalabas ng mga taong ito ang kapatid naming babae." Laban naman ng isa sa mga nanggugulo. Nagpanting naman ang tainga ni Esmeralda at saka matapang na nilabas ang mga ito. Bagaman malalaki ang mga ito, walang kahirap-hirap niyang napaatras ang mga ito ng itulak niya ang tarangkahan. Mabilis niya itong isinara at walang takot na hinarap ang mga lalaki, mata sa mata. "Talaga bang mga kapatid niya kayo? Mukha ba silang mabubuting tao? Paano naman ako nakakasiguro g kapatid nga kayo ng pasyente namin? Kilala ang pamilya namin dito bilang mga manggagamot at hindi namin ugaling manguha ng tao." Wika ni Esmeralda. Paisa-isa niyang tinitigan ang mga mata ng tatlong lalaki at napapakunot ang noo niya. Tao ang mga ito at wala rin siyang nararamdamang awra ng aswang sa katawan ng mga ito. Ngunit malakas pa rin ang kutob niya na may kinalaman ang mga ito sa sitwasyon ngayon ni Raul. Chapter 6 Chapter 6 - 6"Manggagamot? Wala namang sakit ang kapatid namin para magpagamot sa inyo. Bakit ba ayaw niyo siyang iharap sa amin, hinahanap na siya ng aming nanay at tatay." Giit naman ng isa pa. "Hindi ako naniniwala, wala kayong mapapala rito. Umalis na kayo, huwag kayong manggulo rito dahil kung ayaw niyong masaktan." Matapang na wika ni Esmeralda, nilabanan niya ng titigan ang mga ito, kahit pa patingala niya kung titigan ang mga ito. Mas matangkad kasi ng ilang pulgada sa kaniya ang mga lalaki at bukod pa roon, malalaki amg mga katawan nito na animo''y barako. "Umalis kayo rito, kung hindi kayo aalis, magpapatawag ako ng tanod para sapilitan kayong paalisin dito." Sigaw pa ng isang lalaki na una nang nagsalita kanina. Wala namang nagawa ng tatlo nang makita nilang lumalapit na sa kanila ang mga tao sa kanila. Dali-daling umalis ang mga ito at nag-iwan pa ng masamang tingin kay Esmeralda bago pinaharurot ang mga motorsiklo nila. "Hindi ka na dapat lumabas kanina ineng, napakaliit mo kumpara sa kanila. At isa pa, hindi naman magiging bingi ang mga kapitbahay lalo pa nga''t sa bahay ni Manong Armando nanggugulo ang mga iyon." "Tama si Ka-Lito, sa susunod na bumalik ang mga iyon, huwag ka nang lalabas. Delikado." Sang-ayon naman ng may katandaang lalaki. Isa rin ito sa mga nagtanggol sa kaniya kanina. Napangiti naman si Esmeralda at malugod na nagpasalamat sa mga ito. "Apo ka ba ni Mando hija? Kung gano''n nagbalik na pala si Mael. Mabuti naman, mag-iingat kayo. Huwag kayong mag-atubiling humingi ng tulong kapag kailangan niyo." Saad pa ng matanda. "Opo, maraming salamat po ulit, tatandaan ko po ang sinabi niyo." Matapos magpasalamat ay nagpaalam na din siyang papasok sa bahay. Pagpasok niya ay sinalubong naman siya ng kaniyang ama. . "Mga kapatid ba iyon ni Hanna?" "Opo amang, mga tao lang din sila. Ngayong nakaharap ko na sila, madali na silang masusundan ng mga uwak ko. Sa ngayon maghintay na lang tayo ng balita galing sa mga alaga ko." Nakangiting tugon ni Esmeralda. Pinagpatuloy na niya ang pagkain na animo''y walang nangyari. Nagkatinginan pa noon si Hanna at Raul na kalaunan ay nagkibit-balikat na lamang at tinapos ang kanilang pagkain. "Ano po ang ginagawa niya Mang Ismael? Kanina pa siyang nakaupo sa gitna ng sala," tanong ni Hanna habang nakamasid sila kay Esmeralda na noo''y tahimik na nakapikit habang nakaupo sa harap ng tatlong kandila sa gitna ng sala. "Sinusundan ang mga kapatid mo. Kung hindi mo naitatanong, may kakayahan ang anak ko na makita ang lahat ng nakikita ng mga alaga niyang uwak, malayo man ito o malapit," paliwanag naman ni Ismael. Muling nagkatinginan si Raul at Hanna, magkahugpong pa ang kanilang mga kamay na animo''y natatakot na magkahiwalay. "Talaga ho Mang Ismael? Paano naman po nangyari iyon? Napakagaling naman ho ni Esmeralda, ang buong akala ko ay isa lang siyang manunugis." wika pa ni Raul. Napangiti naman si Ismael, bakas sa kinang ng kaniyang mga mata ang pagmamalaki sa kaniyang anak. "Hindi ko rin alam kung bakit, sabihin na nating, ipinanganak siyang may likas na abilidad at simula pagkabata, natural na sa kaniya ang pagiging malapit sa kahit anong uri ng hayop. Hindi lamang uwak ang kaya niyang pasunurin, kahit anong klaseng ibon. Uwak lamang ang napili niyang maging mensahero dahil, nakakagalaw ang mga ito umaga man o gabi," mahinahong salaysay ni Ismael, muli na silang tumahimik at naghintay na kumilos si Esmeralda. Ilang minuto pa ang nagtagal bago tuluyang gumalaw ang dalaga. Marahas itong napabuga ng hangin bago ipinagpag ang palda at tumayo. Paglingon niya ay nabungaran niya agad sina Ismael, Raul, Hanna at Lolo Armando niya na matiyagang naghihintay sa kaniya sa ''di kalayuan. "Kikilos ako mamayang gabi para puntahan ang matandang tinutukoy nila amang, narinig ko silang nag-uusap, tama ang hinala ko, sila ang may pakana ng nangyari kay Raul. Pinadaan ang yanggaw sa huling ininom ni Raul bago siya magkaganito," dahan-dahang isinalaysay ni Esmeralda ang mga impormasyong nalaman niya. Nanlumo naman si Hanna sa nalaman, bagaman naihanda na niya ang sarili sa posibilida, hindi pa rin siya makapaniwala. "Bakit kailangang sirain nila ang buhay ni Raul, ano ba ang kasalanan ni Raul?" umiiyak na tanong ni Hanna. Agad naman itong pintahan ni Raul at sinabihang huminahon. "Wala siyang mali, ang mali nasa mga kapatid mo. Lubog sila sa utang at balak nilang ipakasal ka sa matandang pinagkakautangan nila, at ang matandang iyon ang nagbigay ng lason sa mga kapatid mo para ibigay rito kay Raul. malaking hadlang si Raul sa balak nila sayo, at ngayong buntis ka pa, mas lalo lang silang nanggagalaiti," muling bumnuntong-hininga si Esmeralda. Matapos makausap ang mag-asawa, kinausap naman niya ang kaniyang lolo at ama. Sa pagkakataong iyon, wala namang nagawa si Ismael kun''di hayaang kumilos ang anak sa baryo. Tiwala siya rito, bagaman hindi kabisado ni Esmeralda ang buong bayan ng Luntian, nariyan naman ang mga hayop sa paligid kung kailangan nito ng direksyon. Isa iyon sa kalakasan ni Esmeralda bilang isang manunugis, ang makipagkonekta sa mga hayop. Pinangingilagan rin siya ng mga lamang-lupa at mabababang uri ng mga engkanto na minsan ay nakakasagupa nila sa panggagamot. "Malakas ang anak mo, huwag kang masyadong mag-alala." humigop ng mainit na kape si Lolo Armando habang tila balisa naman si Ismael sa kinauupuan nito. "Hindi ko alam ''tay, hindi na yata ako masasanay sa pakiramdam na ito tuwing lumalabas si Esme. Pakiramdam ko hindi ako mapakali kapag nawawala siya sa paningin ko at alam kongmay sinusuong siyang panganib." "Ano ka ba naman Mael, ano pa ang silbi na sinanay mo siya bilang manunugis kung ganyan ka palagi. ''di sana''y pinag-aral mo na lang siya at hindi na pinagsanay pa." umiiling na wika ng matanda. "Anong magagawa ko ''tay, ito ang gusto ng bata. Ayoko namang pigilan kung ano ang nais niya," giit naman ni Ismael. "Ayon na nga, kaya sanayin mo rin ang sarili mo na huwag mag-alala. Baka mamaya niyan, mauna ka pa sa akin. Hoy Ismael, ayokong maglibing ng anak, tandaan mo ''iyan," sermon pa ni Lolo Armando sa anak, natawa naman si Ismael sa narinig. Kahit kailan talaga, wala pa ring preno kung magsalita ang kaniyang ama. Samantala, tahimik namang nakasunod si Esmeralda sa tatlong kapatid ni Hanna. Nakita niyang pumasok ang mga ito sa isang bahay-aliwan sa bayan. Walang pagdadalawang-isip siyang pumasok doon. Tinungo niya ang isang sulok kung saan malaya niyang makikita ang tatlong lalaki habang nakakubli naman siya sa mga mata ng mga ito. Sa patuloy niyang pagmamatyag sa tatlo, isang babae ang nakita niyang lumapit sa mga ito, may kasama rin itong maliit na lalaki na siyang nagpakunot sa noo niya. Maganda ang babae, mala-diyosa ang wangis nito, may mapupungay na mata at malaporselana ang kutis nito at may tangkad na kaakit-akit para sa mga lalaki. Ang kasama naman nitong lalaki ay mukhang unano, may katandaan ang wangis nito, maskulado ngunit ang kaniyang tangkad ay maihahalintulad mo lamang sa sampong taong gulang na bata. "Ano na, nasaan na ang kapatid niyo? Naghihintay na ang pinuno, nalalapit na ang ikatlong pagbilog ng buwan at nais niya, itaon doon ang magiging kasal nila." wika ng maliit na lalaki, umiigting pa ang panga nito na animo''y galit ito, habang nakangiti naman ng matamis ang babae sa tabi nito. "Wala na ang asawa niya dahil kasalukuyan na iyong nagtatago sa kagubatan, hindi magtatagal, mababalitaan niyo na lang na tinutugis na siya ng mga tao sa baryo, ano pa bang tulong ang kailangan niyo para makuha ang babae?" malumanay na tanong ng babae, kabaligtaran naman ng maaaninag na talim sa mga mata nito. "Makukuha na dapat namin si Hanna, pero bigla naman siyang lumipat sa purok uno, hindi namin siya nakuha dahil humarang ang isang babae at nakisali pa ang ibang mga tao. Wala kaming nagawa, kaya umalis na lamang kami." Kakamot-kamot sa ulo na tugon ng lalaki. Napaismid naman ang maliit na lalaki at nag-iwan ng isang banta, bago ito umalis sa harap ng tatlo. Ngumisi naman ang babae at dali-dali na ring sumunod sa kasama. Nang gabing iyon ay napatunayan ni Esmeralda ang naunang kutob niya, at may bonus pa. Malalim ang pagkakakunot ng noo ng dalaga habang tinatahak ang daan pabalik sa bahay nila. Nasa balikat niya nakadapo ang uwak na naging kaibigan na niya simula pagkabata niya. Si Ismael rin ang nagsabi sa kaniya na ito rin ang uwak ang naging dahilan ng pagtatagpo nila, kung paano siya natagpuan noon sa ilalim ng puno ng matandang balete sa gitna ng gubat. Nang magkaisip siya, naging kasa-kasama na niya ito kahit saan man siya magpunta, kapag hindi naman niya ito kailangan, alam niyang nasa malapit lang ito at laging nakabantay sa kaniya. Pagsapit naman ng umaga, magkasamang nagpunta ng pamilihan si Esmeralda at Hanna, namili sila ng mga kakailanganin sa bahay. Dahil wala namang alam si Esmeralda, si Hanna ang naging gabay niya kung ano ba ang dapat na bilihin at hindi. Simula kasi nang magkaisip siya, umikot na ang buhay niya sa bundok, kung saan lahat ng kailangan nila ay makikita lang sa paligid ng bahay nila. Habang dito sa kabihasnan, lahat ng bagay ay kailangan mong bilhin, lahat ay umiikot sa pera. Kapag wala kang pera, walang magiging laman ang iyon sikmura. "Ito na ba ang lahat Hanna?" tanong ni Esme sa babae. Ngumiti naman ito at bahagyang natawa. "Kung hindi ako nagkakamali, magkalapit lang ang mga edad natin Esme, bakit parang wala kang alam sa paligid mo? Totoo bang galing ka sa bundok at doon ka lumaki?" "Oo, lahat ng kailangan ko nandoon lang, hindi ko kailangan ng pera para malamnan ang sikmura. Pero dito, bawat kibot mo dapat may lalabas na pera sa bulsa. Hindi ba kayo napapagod sa ganitong buhay?" inosentent tanong ng dalaga. "Ito na kasi ang nakagawian rito. Masuwerte na ang makakain ka ng dalawa at tatlong beses sa isang araw, mapalad ka na kapag naitawid mo ang buhay sa buong isang buwan na hindi ka nagugutom. Pero kahit mahirap, nakakagawa pa rin naman ang mga tao ng paraan para sumaya. Nasa sa iyo na lang kung paano mo pasasayahin ang sarili mo, kung makokontento ka na lang ba o magpupursige kang mapaunlad ang sarili mo." Binuhat ni Hanna ang maliit na bayong na may lamang gulay habang binitbit naman ni Esmeralda ang may kalakihan basket. Isang traysikel ang dumaan sa harap nila at huminto. Lulan iyon si Mateo na may malapad na ngiti sa labi. sea??h th§× ¦ÇovelFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Esme, Hanna, sumakay na kayo rito, doon rin sa bahay ang punta ko." mabilis na inagaw ni Mateo ang basket sa kamay ni Esmeralda at ganoon din ang bitbit ni Hanna. Napailing pa ang dalaga at natuwa naman si Hanna dahil hindi na nila kailangan pang maglakad patungo sa paradahan. Chapter 7 Chapter 7 - 7Pagdating sa bahay, si Mateo na ang nagpasok ng mga binili sa kusina. Nakasunod naman sa kaniya si Esmeralda na napapatitig pa sa likuran ng binata. "O bakit, bakit ganiyan ka makatingin? May dungis ba ako?" takang tanong ni Mateo ng mapansin ang klase ng titig ng dalaga sa kaniya. "Saan ka galing Mateo?" hindi tinugon ni Esmeralda ang tanong ng binata bagkus ay tinanong niya ito. "Sa bagsakan ng gulay doon sa bayan, heto nga at ibibigay ko na kay Mang Mael ang napagbentahan. Nandiyan ba ang tatay mo?" tanong naman ng binata matapos sagutin ang tanong ng dalaga. Akmang magsasalita si Esmeralda nang pumasok naman sa kusina si Ismael na halatang kaliligo lamang. "O, Mateo, narito ka na pala. Ang sabi ni tatay, ilagay mo lang daw sa altar ang napagbentahan ng mga gulay sa bukid, alam mo naman daw ang lagayan doon ng pera." "Ah, oho, Mang Mael. Ilagagay ko po muna doon." Sambit pa ni Mateo bago nagtuloy-tuloy na naglakad patungo sa silid ng matandang si Armando. Naroroon kasi ang sinasabi nitong altar kung saan naman nakalagay ang imbakan nito ng pera. Ngunit nang mapadaan ito sa harap ni Ismael ay napasimangot naman ang ginoo. Mabilis niyang hinawakan ang braso ni Mateo at may kung ano itong hinahanap sa katawan ng binata. "Bakit po Mang Mael, may problema po ba?" muli ay nagtaka si Mateo sa iginawi ng kaharap. Parehong-pareho kasi ito ng reaksiyoin ni Esmeralda. "Saan ka ba galing hijo? Bakit may marka ka." "Marka ho? Anong marka po ba ang tinutukoy niyo, at sa palengke lang po ako galing, doon sa bagsakan ng gulay." paliwanag naman niya. "Marka ng aswang, sino ba ang nakasalamuha mo sa palengke, mukhang may mga naliligaw na matatapang rito ah, tirik ang araw kung magmarka. Ano amang, lalakarin ko ba muna?" nakangising tanong ni Esmeralda. Nagilabot naman si Mateo nang makita ang malapad na pagkakangisi ng dalaga. Ito ang unang beses na makitang niyang ngumiti ang dalaga at sa nakakatakot pa na paraan. "Ipagpaliban mo na muna iyan Esme, unahin natin itong problema ni Raul at Hanna, sa ngayon, tatanggalin ko na muna ang marka kay Mateo, Hijo, bago ka umuwi, magdala ka ng pangontra at ipalibot mo muna sa bahay mo, at may ibibigay rin akong pangontra na ididikit mo naman sa katawan mo, dalahin mo lang ito lagi at huwag mong aalisin kahit maliligo ka." paalala ni Ismael. Tumango naman si Mateo habang napapakamot pa sa ulo. Matapos mailagay ang pera sa altar, sinimulan namang pausukan ni Ismael si MAteo gamit ang kamangyan at iilang mga halaman na hindi pamilyar sa binata. Umuusal rin ito ng dasal habang sa baso kung saan nakalagay naman ang langis na ipapahid sa katawan ng binata. Matapos maisagawa ang pagtatanggal ng marka, isang polseras naman ang inabot ni Ismael sa binata. "May mga pangontra naman po ako sa bahay, bigay po ''yon ni Lolo Mando noon." wika naman ni Mateo. Nagpaalam na ito at nagkatinginan naman si Ismael at Esmeralda. Pareho silang hindi nagsasalita ngunit tila nangungusap ang kanilang mga mata. Tahimik nilang tinumbok ang daan patungo sa kubo sa bakuran. Doon ay inilatag naman ni Esmeralda sa kaniyang ama ang mga nalaman niya kagabi. "Ano sa tingin mo Esme ang tinutukoy nilang pinuno?" "Hindi pa ako sigurado amang, pero ang hinala ko, isang harimodon ang pinuno nila. "Iyong nakita ko sa bahay-aliwan ay isang bangkilan at mangalo. Pero nakapagtatakang hindi sila natutunugan ni lolo, amang. Sa pakiwari ko, matagal na ang bahay-aliwan sa bayan at paniguradongh marami na rin silang mga alagad doon. Umaalingasaw ang amoy nila sa lugar na iyon." "Matanda na ang lolo mo, Esme. Buhat nang maisalin niya sa akin ang kaniyang karunungan, unti-unti na rin humihina ang kaniyang pakiramdam sa paligid at isa pa, lahat ng kaniyang gabay ay nilipat na niya sa pangangalaga ko," saad ni Ismael. Nakakaintinding tumango naman si Esmeralda at inabot na sa ama ang isang basong tubig. Agad naman itong ininom ni Ismael at bumuntong-hininga. "Nakagawa na ako ng lunas para kay Raul, ang isang gabay ko ang nagbigay ng mahalagang sangkap para doon, mabuti na lamang at nagawi sila doon, kaya hindi mo na kailangan pang pumasok ulit sa mundo nila. Sa ngayon, paghandaan mo ang pagdating ng ating mga bisita, siguradong matutunugan nila si Raul sa oras na pakialaman ko na ang mutya sa katawan niya." "Wala hong problema amang, hindi ko sila hahayaang makalapit habang ginagamot mo si Raul. Kakayanin mo ba kahit ikaw lang mag-isa?" tanong ni Esmeralda at natawa naman ang tatay niya. "Ngayon ka pa ba magdududa sa kakayahan ko, anak?" "Amang, hindi ka na rin bumabata, malay ko ba kung nananakit na ang mga kasu-kasuan mo," pabirong saad ni Esmeralda na siyang ikinasira naman ng ekspresiyon ng mukha ni Ismael. Tumatawang lumayo naman si Esmeralda nang akma siyang hahampasin ng aman ng tsinelas nito. S§×arch* The ¦Çov§×lFire .net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Napuno ng tawanan ng mag-ama ang maliit na kubo sa bakuran ng bahay ni Lolo Armando. Sumapit ang gabi at parehong handang-handa na sila sa gagawin nilang panggagamot kay Raul. Pagsapit ng alas sais ng gabi, sinimulan nang magpausok ni Ismael sa buong silid na kinaroroonan ni Raul. Si Hanna naman ay kasama ni Lolo Armando sa silid ng matanda at nagdarasal. Habang abala si Ismael sa pagpapausok, si Esmeralda naman ay naglalagay ng mga walis tingting sa palibot ng bahay. Ang mga bintana naman ay sinabitan niya ng bungkos ng bawang at pinaikotan ng asin. Matapos ang paunang paghahanda, nagsimula na sila sa ikalawang hakbang, kung saan muli nilang dinasalan si Raul, matapos ang dasal ay pasimple namang lumabas si Esmeralda sa bahay at tinungo ang bubungan ng bahay kung saan matiyaga siyang naghintay sa kanilang mga magiging bisita. Ilang sandali pa, naririnig na ni Esmeralda ang nasasaktang sigaw ni Raul. Ramdam ni Esmeralda ang sakit sa bawat sigaw ng lalaki na siyang nagpapaigting naman sa galit niya sa mga tao at nilalang na naging sanhi ng paghihirap nito. Nagsimula na ring umalulong ang mga aso sa mga kapit-bahay, hudyat na nagbabago ng anyo na naman si Raul, bukod pa roon,m naririnig na rin niya ang tunog ng uwak sa ''di kalayuan. Iyon naman ang naging hudyat niya para maghanda. Maingat niyang hinawakan sa kanang kamay ang kaniyang itak na binasbasan pa ni Ismael at sa kaliwa naman ang buntot-pagi na kalimitan niyang giunagamit sa tuwing mangangaso siya ng mga aswang sa gubat. Hindi nagtagal, narinig niya ang paglayo ng tunog ng uwak at agad niyang napansin ang mabilis na pagkilos ng nilalang sa bubong ng mga bahay-bahay. Maliksi itong nagpapalipat-lipat sa mga bubong ngunit kahit gaano pa ito kabilis ay hindi pa rin ito nakawala sa kakaibang talas ng mata ni Esmeralda. Nagkubli ito sa mayabong na halamanan ''di kalayuan sa tarangkahan ng kanilang bahay. Maingat siyang bumaba mula s abubong at inabangan ang nilalang na pumasok. Nang akma na itong tatalon papunta sa kanilang bubong ay sinalubong ito ni Esmeralda. Nagsalubong ang kaniyang armas at ang mahahaba nitong kuko. Bakas sa mukha ng nilalang ang pagkagulat sa nangyari. "Sino ka at ano ang kailangan mo? Ang lakas naman yata ng loob mo na atakihin ang bahay namin. Ganoon na ba kami kahina para sa inyo?" nakangising wika ni Esmeralda. Agad na lumayo ang nilalang at pinakatitigan siya. "May tinatago kayo na pagmamay-ari namin. Marapat lang naman siguro na bawiin ko iyon. Hanga ako sa lakas ng loob mo para kalabanin ang tulad ko." Tumakbo ito para atakihin si Esmeralda. Nagbuno ang dalawa at halos magpantay lamang ang lakas ng bawat isa. Bagaman maliit ang nilalang, hindi masukat ang bilis at lakas nitong taglay. Tinalo pa nito ang mga normal na tao kung makipaglaban. Tunay ngang malalakas ang lahi nila kahit kinulang sa sukat. "Pagmamay-ari? Walang kinalaman si Hanna sa atrsao ng kaniyang pamilya. Alam ko ang binabalak niyo at hindi ako papayag na makuha niyo ang gusto niyo. Napakahusay niyong magtago, dahil nagawa niyong iwasan ang pangdama ng lolo ko, pero hindi na ngayon, dahil wala kayong kawala sa akin. Kahit saang sulok kayo ng baryong ito magtatago, masusundan ko kayo." saad ni Esmeralda, muling naglapat ang kaniyang itak at mga kuko ng nilalang. Umangil ito ng malakas na halos magpayanig sa katahimikang namamayani sa kadiliman ng baryo. Kasabay ng sigaw ni Raul sa loob ng bahay ang nakakagimbal na atungal naman ng nilalang na kalaban ni Esmeralda. Malakas na sipa ang nagpatalsik sa halimaw na sa ngayon ay walang habas na kinakalmot si Esmeralda. Napaigik sa sakit si Esmeralda nang kumayod sa braso niya ang matatalas nitong kuko. Naglandas mula roon ang masaganang d*go na siyang ikinangisi naman ng nilalang. Humahagikgik na dinilaan nito ang mga kukong balot pa ng dugo ng dalaga. "Napakasarap at napakabango ng dugo mo, siguradong matutuwa ang Lakan kapag ikaw ang dinala ko sa kaniya. Bakit hindi pa makipagkasundo sa akin babae. Ikaw kapalit ang kalayaan ni Hanna." Napataas naman ang kilay ni Esmeralda sa nilalang. Hindi siya kumibo at patuloy lang na pinakiramdaman ang bawat kilos nito. "Hindi hamak na mas magandang uri ka, paniguradong masisiyahan sa''yo ang lakan. Ano, payag ka na ba?" Muling alok nito at natawa naman si Esmeralda. Akma sana siyang magsasalita nang bigla namang sumigaw sa sakit ang nilalang. Nakita niyang tila nasusunog ang balat nito. "Hoy, aswang, layuan mo si Esmeralda. Itong asin ang harapin mo!" Sigaw ni Mateo sabay saboy ng asin sa nilalang. Dahil sa ginawa ng lalaki, mabilis na tumalima ang nilalang at naglaho sa dilim. Dinig na dinig pa nila ang malalakas nitong pag-angil hanggang sa tuluyan nang manumbalik ang katahimikan sa paligid. Napatingin lamang si Esmeralda sa ngayon ay hingal na hingal na si Mateo. Bitbit nito ang isang tabo ng asin at nakapulupot pa sa katawan nito ang baging ng makabuhay. "Hindi ko alam kung matapang ka o may pagkat*nga. Nahihibang ka ba, aswang ang nilalang na iyon." Reklamo pa ni Esmeralda. "Pagkatapos kitang tulungan, sesermonan mo pa ako. Wala bang ''salamat'' diyan?" Umiiling na wika ni Mateo at napabuntong-hininga naman ang dalaga. Chapter 8 Chapter 8 - 8Hindi alam ni Esmeralda kung matutuwa na siya o maiinis. Mabilis na lamang niyang hinatak papasok sa bahay si Mateo at naabutan pa nilang namimilipit sa sakit si Raul sa higaan nito. "O, bakit mo kasama si Mateo, anak?" Tanong ni Ismael nang mapalingon sa gawi nila. "Hindi ko rin alam amang, ang lakas ng loob na makisali sa laban na hindi naman kaniya. Kamusta na si Raul, amang?" Tanong ni Esmeralda. "Nailabas na niya ang mutya at kasalukuyan naman niyang nilalabanan ang lasong kakambal nito. Mayamaya, magiging maayos na rin ang pakiramdam niya." Itinuro ni Ismael sa dalaga ang maliit na palanggana kung saan nakalagay naman ang tila maitim na bato na tumitibok-tibok pa. Nakahinga naman ng maluwag si Ismael nang tuluyan nang humupa ang pagsigaw at pamimilipit ni Raul. Basang-basa sila pareho ng pawis at umaalingasaw rin ang nakakasulasok na amoy na nagmumula sa mga likidong isinuka ng lalaki. Masuka-suka naman si Mateo sa kaniyang naaamoy at nakikita. Napatalikod na lamang siya at nagpunta sa kusina para doon manatili. "Hindi ka ba nasaktan sa laban, Esme?" Tanong ni Ismael. Umiling si Esmerald at dinampot ang mutya mula sa palanggana. Sinuri niya ito at nakita niya mula sa kaibuturan nito ang isang maliit na tila sisiw na nagkukubli sa loob ng tumitibok na bato. "Kakaiba, hindi ba. Ngayon lang din ako nakakita ng ganiyang uri ng mutya. Marahil, dahil diyan kaya nalalabanan ni Raul ang tawag ng gutom niya. Kakaiba ang mutyang iyon dahil sa wangis nito. Hindi tulad sa ibang mutya ng mga aswang nakukuha niya, madalas sisiw, tuko, bato o di kaya''y ahas. Pero itong hawak niya ay kakaiba, sisiw na nasa loob ng bato. Tumango lang si Esmeralda at inilagay na ang mutya sa isang malinaw na bote na may lamang langis kung saan tuluyan na itong maseselyuhan. Ang langis at ang bote ay nababalot ng mga dasal na siyabg magkukulong sa kapangyarihan nito. Maging tahimik na ang buong gabi nila, hindi na bumalik ang mga aswang na balak kunin si Hanna. Pero hindi roon natatapos ang laban ni Esmeralda. Dahil napapanahon na para kumilos siya sa lugar na iyon. Kinabukasan, nagising si Esmeralda at nakita niyang nakahilata naman sa papag si Mateo. Nakanganga pa ito habang humihilik at kulang na lamang ay tumulo ang laway nito sa sarap ng pagkakatulog. Napapangiwi pa ang dalaga nang mapadaan sa harap niya si Ismael, na may dalang umuusok na kape. "Nagbantay ang batang iyan buong gabi kaya huwag mo nang gisingin pa. Hayaan mo lamg siya riyan." Natatawang wika ng ginoo. "Amang, hindi mo ba pagagalitan ''yan?" "Hayaan mo siya apo, si Mateo, ganiyan lang talaga ''yan. Minsan ko na rin siyang nasanay sa panggagamot, iyon nga lang ay nahinto dahil sa naging abala na siya sa bukid at ako naman ay huminto na rin. May kaalaman rin naman si Mateo at likas na sa kaniya ang tumulong kahit ayaw mo. Matigas ang ulo niyan kaya wala kang magagawa kapag nakapagdesisyon na siyang tumulong. Ang mabuti mong gawin, sanayin mo siya, may maigi na rin na may makakatulong ka sa pakikipaglaban mo. Para hindi naman gaanong nag-aalala itong amang mo, aba''y tinalo pa ako sa pagiging nerbyoso." Biro pa ni Armando habang pigil na natatawa. "Magandang ideya nga iyan ''tay. Ako na ang magsasanay sa batang iyan. Mukhang may ibubuga naman ang katawan niya dahil batak sa gawaing bukid. May pundasyon na ang matatag niyang pangangatawan." Suhestiyon pa ni Ismael na tila tuwang-tuwa. Napailing na lamang si Esmeralda at wala nang nagawa kun''di ang sumang-ayon. Paggising ni Mateo ay siya rin naman pag-alis ni Esmeralda para tunguhin ang bahay-aliwan kung saan niya nakita ang mga nilalang na iyon. Kung hindi siya nagkakamali, ang maliit na lalaking umatake sa kaniya kagabi ay siya rin nakita niyang kasama ng magandang babae sa loob ng bahay-aliwan na iyon. Nakatayo lang siya sa isang tindahan malapit sa lugar na iyon at pasimpleng nagmamasid sa lugar. Dahil umaga, sarado pa ang lugar na iyon, ngunit may nakikita siyang naglalabas masok sa maliit na pinto ng bahay-aliwan. Isang matandang babae rin ang siyang nagbubukas ng pinto kapag may kumakatok. Sa tantiya niya ay may limang tao na ang naglabas-pasok doon ngunit hindi pa niya nakikita ang mga kapatid ni Hanna doon. "May hinihintay ka ba Ineng? Kanina pa kita napapansin diyan na parang may inaabangan ka." puna ng isang ginang. Napatingin din naman ang ginang sa lugar na tinitingnan niya at agad itong napaismid. "Naku, mukhang alam ko na kung ano ang inaabangan mo ah. Hay, kahit kailang perwisyo talaga ang bahay-aliwan na iyan, lalo na sa buhay ng mag-asawa." Iiling-iling na reklamo ng ginang. Agad na nakuha nito ang atensiyon niya, kaya naman minabuti na niyang magtanong rito. "Ano po ang ibig niyong sabihin?" Nag-akto siyang ikinakaila ang mga duda ng ginang. "Huwag ka nang magkaila, kung hindi asawa, nobyo mo ba ang hinahanap mo? Ang bahay aliwan na iyan, kinahuhumalingan ng halos lahat ng lalaki rito sa bayan. Ewan ko ba kung bakit, at lahat naman ng lalaking pumapasok diyan, parang mga nawawala sa sarili, may iilan pa nga na nagiging mapanakit na sa asawa. At halos araw-araw rin na may mga babaeng tumatambay rito sa tindahan ko para mag-abang." Wika pa ng ginang, halatang magjng ito ay may kinikimkim na inis sa bahay-aliwang iyon. "Ang bunganga mo Soling, kapag ikaw narinig na naman ng mga tao riyan sa lugar na iyan, siguradong mapapatawag ka na naman sa baranggay niyan. Hindi ka na talaga nagtanda." Saway ng isang matanda. Inilapag nito ang isang bayong na punong-puno ng gulay. Tumingin pa ito sa kaniya at saka napailing. "Kung ang hinahanap mo ay nakapasok na sa lugar na iyan, wala nang silbi para magpabalik-balik ka rito. Dahil sino man ang matukso sa lugar na iyan, ay tila nakasangla na rin ang kaluluwa sa dem*nyo. Kaya kung ako sa''yo hija, umuwi ka na!" Maangas pang wika mg matanda sabay talikod. "Pasensiya ka na sa tatay ko ha, ganoon lang talaga iyon. Laging mainitin ang ulo dahil isa sa nabiktima ang kapatid ko. Ngayon halos hindi na nga umuuwi. Huling kita namin sa kaniya, sobrang payat niya at nangangalumata na rin, pero ayaw niyang patinag, bumalik pa rin siya sa lugar na iyan." "Kung gano''n wala pang bumabalik sa lahat ng pumapasok diyan?" Gulat na tanong ni Esmeralda qt muling napatingin sa maliit na pintuan ng lugar. "Wala, kahit isa. At kung isa na rin ang nobyo o asawa mo sa nakapasok diyan, araw na lang ang hihintayin mo at siguradong maglalaho din siya nang parang bula." Dugtong ng ginang at nahulog sa malalim na pag-iisip si Esmeralda. Hanggang sa makauwi siya ay naging laman ng isip niya ang lugar na iyon. Isa siyang babae at aswang ang mga nasa loob, hindi siya makakapasok at siguradong kilala na rin ng mangalo ang kaniyang pagkakakilanlan dahil sa paglalaban nila. "Kung gano''n ang lugar na iyon ang puno''t dulo ng lahat? Raul, minsan kq bang nagawi roon?" Tanong ni Ismael matapos maisalaysay ni Esmeralda ang kaniyang mga nalaman. "Oho, manong, ang mga kapatid ni Hanna ang nag-aya sa akin para pumunta sa lugar na iyon. Ang buong akala ko ay matatanggap na nila ako kapag pinagbigyan ko wng kahilingan nila." Sagot ni Raul, nakayuko ito habang tila pilit na inaalala ang lahat ng nangyari noon. Magkahugpong pa rin ang mga kamay nila na tila doon sila kumukuha ng lakas sa bawat-isa. "Kung gano''n, plano na nila ang yanggawin ka at gawin kang halimaw para itong si Hanna na mismo ang lalayo sa''yo. Malinaw din na kasabwat sila sa lahat ng ito at balak talaga nilang ipagpalit sa kayamanan ang kapatid nilang babae." Paliwanag ni Ismael. sea??h th§× N?vel?ire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Ipagpapalit sa kayamanan? Ano po ang ibig niyong sabihin?" Nagugusluhang tanong ni Raul. "Malamang ay pinangakuan sila ng ginto ng aswang kapalit ni Hanna. Narinig kung nais asawahin ng harimodon si Hanna, ang harimodon ay may kakayahang gawing kahit anong aswang ang sino mang naisin niya. At kung hindi kami nagkakamali, nais nilang magparami ng lahi sa pamamagitan ni Hanna. Higit na mas malakas iyon kaysa sa pangyayanggaw." Tugon naman ni Esmeralda. Lalong napakunot naman ang noo ng mag-asawa dahil sa sinabi ng dalaga. "Saan manggagaling ang ginto?" Ranong ni Hanna. "Isa sa abilidad ng mga mangalong aswang ang gumawa ng ginto. Ginagamit nila itong panlinlqng sa mga taong nais nilang biktimahin. Natural na gahaman ang mga tayo kaya hindi sila nahihirapan makasilo ng biktima. May mgaandurugo rin akong nararamdaman sa loob ng lugar na iyon at sila naman ang taga-akit sa mga kalalakihang nagpupunta roon. Ang pinagtataka ko lang, ganoon na kalantad ang mga pangyayari pero walang nagiging aksyon ang baranggay roon. Maging ang mga tao at takot at tikom ang bibig." Saad pa ni Esmeralda at nagkatinginan naman sila ni Ismael. "Isa lang ang posibleng dahilan, may kapit sa baranggay ang mga nilalang na iyon. Kaya mag-iingat kayo. Huwag kayong magpadalos-dalos ng lakad. Esme, tulad nang napagkasunduan, sasanayin muna ng iyong amang si Mateo, malaki ang maitutulong sa''yo mg batang iyon." Suhestiyon ni Armando. Umiirap namang sumang-ayon si Esmeralda at magalang na nagpaalam na sa mga ito para magpahinga. Chapter 9 Chapter 9 - 9Dahil rin sa desisyon ni Ismael na sanayin si Mateo, walang nagawa si Esmeralda kun''di ang ipagpaliban muna ang kaniyang misyon. Patuloy lang niyang pinagmamasdan sa malayo ang lugar na iyon at napalapit na rin ang loob niya sa mga tao doon sa tindahan. Lalo na sa matandang lalaki na walangginawa kun''di ang paalalahan siya. "Nandito ka na naman, hindi ka pa ba napapagod?" puna ng matanda, nagwawalis ito sa labas ng tindahan nang dumating si Esmeralda. Ngumiti si Esmeralda at umupo sa bangkong nasa harap ng tindahan. "Nasanay na akong ginagawa ko ito sa araw-araw Manong, kamusta po, bakit parang lalo ka yatang nagiging bugnutin?" pabirong tanong niya at natawa naman ito. Sa araw-araw na lagi silang nag-uusap, nasanay na rin siya sa tabas ng dila ng matanda. Para itong lolo niya na maraming paaalala sa kaniya, sermon dito, sermon doon. Pero hindi naman ito minamasama ng dalaga dahil alam niyang wala din namang masamang intensiyon sa kaniya ang matanda. "Hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa rin na mahahanap mo siya? Bakit ba ang mga kabataan ngayon ay matitigas na ang ulo?" iiling-iling na reklamo ng matanda. "Bakit ho, kayo ba huminto na rin sa pag-asa?" tanong ni Esmerakda at natahimik naman ito, HUminto ito sa pagwawalis at napatingin sa kaniya. Tila may natumbok siyang kung ano sa puso nito ngunit hindi na nagsalita pa ang matanda, bagkus at muli itong bumalik sa pagwawalis. "Hindi naman ako nagpupunta rito, dahil may hinihintay ako, ang totoo niyan Manong, nandito ako para lang magmasid sa lugar na iyan. Hindi dahil may nobyo o asawa akong nagpunta riyan, kun''di dahil may alam ako na hindi kayang tugunan ng mga nasa kapangyarihan dito. Hindi lang ako makakilos dahil hindi pa oras." halos pabulong na wika ni Esmeralda. Muling napahinto ang matanda at sa pagkakataong iyon ay napatingin na rin ito sa bahay-aliwan. Sarado pa rin ito tuwing umaga at mangilan-ngilan lang ang naglalabas-pasok dito. Agad na binitawan ng matanda ang walis at hinatak naman sa loob ng bahay ang dalaga. Mabilis nitong isinara ang pinto at gulat na gulat pa ang anak nito nang makita si Esmeralda sa loob. "Tay, anong nangyari?" "Ipaliwanag mo nga hija, ano ba talaga ang pakay mo sa lugar na iyon? Anong ibig mong sabihin na minamatyagan mo ang lugar dahil hindi matuguan ng mga taong may kapangyarihan ang problema?" tanong nito. Napatingin naman si Esmeralda sa anak nitong naguguluhan rin. Pinaupo na muna ni Esmeralda ang matanda, naupo rin sa tabi nito ang anak nitong babae na siyang madalas na bantay ng tindahan. "Anak po ako ng isang albularyo at nakarating sa kaalaman namin ang nangyayari rito, isa sa mga pasyente namin ang nakapasok na sa lugar na iyon at ngayon ay nagpapagaling na sa aming bahay." Panimula ni Esmeralda. Detalyado niyang isinalaysay sa mga ito ang pakay niya, tahimik naman nakikinig lang sa kaniya ang mga ito. Kalaunan, isang buntong-hininga ang pinakawalan ng matanda. "Napakabata mo pa para sumuong sa ganito ka delikadong bagay, hija. Paano kung mali ka ng hinala at hindi naman pala aswang ang kalaban, may laban ka ba sa mga bala at patalim ng mga tao?" umiiling na tanong nito, ngumiti naman si Esmeralda at bahagya pang natawa. sea??h th§× n??el Fire.n§×t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Sigurado akong mga aswang sila, dahil nakaharap ko na ang isa sa kanila. Pero, salamat sa pag-aalala manong," wika lang ng dalaga. Napabuga siya ng hangin at napatda naman ang tingin sa kaniya ng mga kausap. "Esmeralda, pasensiya ka na sa tanong ko ha, pero iyong pasyente niyo, ano bang nangyari sa kaniya?" tanong ng ginang, bakas pa sa mukha nito ang pag-aalala, marahil ay may hinala na rin ito sa mga nangyayari sa kanilang bayan ngayon. "Niyanggaw ba siya? Kung ganon, may posibilidad na si Kuya Carlos ay nayanggaw din. Pero bakit nila ginagawa ito?" sunod-sunod pang tanong ng ginang. "Opo, Ate Chona, nayanggaw ang pasyente namin at may posibilidad rin na lahat ng lalaking naaakit nila ay niyayanggaw rin nila. Nagpaparami sila ng lahi, bagaman palihim ang kilos nila noon, ngayon hindi na, masyado na silang lantad at wala na rin silang takot dahil may kapit na rin sila sa nakakataas," paliwanag ni Esmeralda. "May pag-asa pa bang magamot ang mga nayanggaw kung saka-sakali?" tanong ni Chona. "Chona, napakatagal nang nawawala ng kapatid mo, kung totoong nayanggaw na siya, siguradong wala nang pag-asa dahil paniguradong nakatikim na siya ng karne ng tao." "Tama ho kayo manong, posible ang iniisip mo, huwag na lamang tayong umasa masyado hanggat hindi pa tayo nakakasigurado. Sa ngayon, kayo lang ang nakakaalam ng misyon ko rito. Alam kong mapagkakatiwalaan kayo at kailangan ko rin ng tulong niyo sa oras na magsimula na ang aking misyon." saad ni Esmeralda, nagkatinginan naman ang mag-ama at tumango pa ang matanda. "Kahit ano, tutulong kami sa abot ng aming makakaya, hiling ko lang sana ay malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa anak ko." sambit naman ng matanda. Napatango naman si Esmeralda at nangako rito na hahanapin ang nawawalang anak niya sa loob ng bahay-aliwan, sa oras na makapasok siya. Hapon nang bumalik si Esmeralda sa kanilang bahay, naabutan pa niyang patuloy na nagsasanay si Mateo sa ilalim ng pagtuturo ni Ismael. Kitang-kita niya ang paghihirap ni Mateo at bahagya siyang natawa. Alam kasi ng dalaga na mahigpit sa pagsasanay ang kaniyang amang, naranasan niya ito mula bata, ngunit ito rin ang dahilan kung bakit siya naging isang batikan sa panunugis ng aswang. Nagsisimula nang lumubog ang araw nang huminto na ang dalawa sa pagsasanay, si Esmeralda naman ay kasalukuyan nang nasa kusina at naghahanda ng kanilang mga hapunan. "Amang, maglinis ka muna ng katawan, ihahanda ko lang ang hapunan natin, mukhang ayos na si Raul kaya makakasabay na siya sa atin sa hapunan." wika naman ni Esmeralda. Tumango naman si Ismael at dumiretso na sa banyo para maglinis ng katawan. Si Mateo naman ay halos pagapang na sa sala, sumandal lang ito sa mahabang upuan at huminga ng malalim. "Kaya pa? Puwede ka pang umatras, sinasabi ko sa''yo, hindi basta-basta ang pagsasanay ni Amang." wika ni Esmeralda, nakangisi ang dalaga habang nakatingin sa binata. Napakamot naman si Mateo at saka tumayo na tila walang kahirap-hirap. Umakto pa itong tumatalon-talon para ipakita sa dalaga na maayos pa siya. "Sisiw lang naman ang pagsasanay ni Manong Mael, at isa pa, nasimulan ko na, hindi na ako aatras pa. Kung hindi nga lang huminto si Lolo Mando noon, paniguradong marami na rin akong alam ngayon. Kaya lang kakayahan ng albularyo ang tinuturo sa akin ni Lolo, ngayon naman ang pagtugis ang tinuturo sa akin ni Manong." Malutong na tawa ni Armando ang nagpahinto sa usapan nila, umiiling-iling pa ito habang patungo sa kusina. Maging si Raul at Hanna ay natatawa na rin sa kanila. Pagdating ni Ismael ay agad din naglinis ng katawan si Mateo at nagsimula na silang kumain. Kinabukasan, isang hindi inaasahang bisita ang bumungad kay Esmeralda sa labas ng bahay nila. Kasalukuyan siyang nagwawalis katulad ng nakagawian niya nang makarinig siya ng mahinang pagtawag mula sa labas ng tarangkahan nila. Nang pagbuksan ito ni Esmeralda, agad namang bumungad sa kaniya ang dalawang matanda at isang batang babae na tila may kapansanan. "Magandang umaga ho, ano po''ng atin?" Tanong ni Esmeralda. "Magandang umaga rin naman hija, nandiyan ba si Ka Armando, ''yong manggagamot?" "Nandito po, pero hindi na po nanggagamot si Lolo ngayon, ano po ba ang problema?" Muling tanong ni Esmeralda at napunta ang paningin niya sa batang kasama ng mga ito. Mahaba ang buhok nito na itim na itim, maputi rin ito ngunit may kaputlaan. Normal naman ito sa unang tingin kung hindi mo lamg papansinin ang mga mata nito. Mapusyaw na asul ang mga mata nito na tila nababalutan ng plastik. Sa hinuha niya ay bulag ang batang iyon o di kaya naman ay malabo ang paningin. "Kung ang mga mata ho ng batang kasama niyo ang problema, mas maigi kung sa hospital niyo siya dalhin, doon ay mas maipapaliwanag nila ang kalagayan ng bata," saad ni Esmeralda. Maagap namang napailing ang dalawang matanda at kulang na lang ay manikluhod ang mga ito sa kaniya. "Pakiusap, ineng, kahit maisangguni lang namin kay Ka Armando ang mga nangyayari sa apo namin. Alam naman naming bulag na siya dahil nadala na namin siya sa hospital. Pero may mga kakaibang nangyayari kasi sa kaniya na hindi maipapaliwanag ng mga doktor." Iyak ng matandang babae. Sa pagkakataong iyon ay muling pinasadahan ni Esmeralda ng tingin ang bata at doon niya napansin ang isang puting nilalang na nagkukubli sa buhok ng bata. Napakunot pa ang noo niya at dali-daling pinapasok sa loob ng bahay ang pamilya. Pinaupo na muna niya ito sa kubo at doon pinaghintay sandali. Nang makabalik siya ay may dala na siyang almusal at kape para sa mga ito. "Mag-almusal ho muna kayo, totoo pong hindi na nanggagamot ang lolo pero nariyan po ang anak niya para tingnan ang apo niyo. Maaari niyo po bang ikuwento sa akin kung anong kababalaghan ang nangyayari sa apo niyo?" Tanong ni Esmeralda matapos mailapag ang mga pagkain sa lamesita. Namayani muna ang katahimikan hanggang sa isang buntong-hininga ang pinakawalan ng matandang lalaki. Chapter 10 Chapter 10 - 10Maingat na isiniwalat ng matanda ang mga napapansin nilang kakaiba sa kanilang apo. Nagpakilala rin ang mga ito sa pangalang Ignacio at Rosa at ang kanilang apo naman ay si Karen. Nagsimula umano ang lahat matapos ang ika-labing tatlong kaarawan ng kanilang apo. Nagsimula itong dumaing na may mga nakikita at nakakausap siyang mga nilalang. Paminsan-minsan, nawawala na lang nang parang bula ang kanilang apo at matatagpuan nila ito kung hindi sa likod ng bahay nila sa may kasukalan, ay doon sa lilim ng puno ng balete sa kanilang bakuran. Noong una, ay hindi nila gaanong pinagtuunan ng pansin dahil minuto lamang ang pagitan ng pagkakawala ng bata pero nitong mga nagdaang araw, napapadalas ang pagkawala nito at minsan inaabot na ng oras. "Hintayin na lamang po natin si amang, maya-maya ay nandito na rin po siya, kumain po muna kayo at magpahinga, mukhang malayo pa ang pinanggalingan niyo," saad ni Esmeralda at hinayaan na muna niya ang mga ito para makakain. Lumipas pa ang ilang minuto at natapos na rin siilang kumain, sakto namang pumasok na si Ismael sa kubo. Dali-daling iniligpit ni Esmeralda ang kanilang pinagkainan at saglit na umalis doon. Pagbalik niya ay naabutan na niyang tinatawas ni Ismael ang bata. Gamit ang maliit na palanggana, kasalukuyan iton nagdarasal habang pinapatulo sa tubig ang upos ng kandila. Tumagal iyon ng ng limang minuto at mahigit bago pasimpleng kinuha ni Ismael ang nabuong hugis sa palanggana. Napabuga siya ng hangin at napatingin sa bata, na may magaang ngiti sa labi. Sear?h the N??elFir§×.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Hindi siya nabati o pinaparusahan, sadyang nagustuhan lamang siya ng mga laman-lupa sa inyong bakuran. Normal sa mga bata ang ganito, lalo pa''t may kapansanan ang apo ninyo. Ang masasabi ko lang, huwag kayong magkakamaling saktan o palayasin ang mga iyon sa bakuran ninyo, dahil wala naman silang masamang balak sa apo ninyo. Nakikipaglaro lamang sila at nakikipagkaibigan." Pagkasabi niyon ni Ismael, agad namang nakita ni Esmeralda ang muling pagsilip ng maliit na nilalang na nagkukubli sa buhok ng bata. Doon niya mas malinaw na nakita ang wangis nito. Kulay puti ang kabuuan nito, makinis ang balat nitong tila kumikinang, malalaki rin ang mga maaamo nitong mga mata habang bilugan ang hugis ng mukha, mahaba ang matutulis nitong tainga na animo''y sa dahon, nang magtama ang paningin nito at ni Esmeralda ay tila bahagya pa itong yumukod na lubhang ikinagulat naman ng dalaga. "Sa ngayon, bibigyan ko lang ng proteksiyon ang apo niyo, para sa mga nilalang na maaaring magtangka sa kaligtasan niya. Karen, hija, nais mo bang paalisin natin ang gumugulo sa''yo?" mahinahong tanong ni Ismael sa bata. Ngumiti naman ang bata, bagaman hindi nakakakita, diretso itong tumingin sa mga mata ni Ismael at umiling. "Hindi po, kasi tinutulungan nila ako, nakakaya kong maglakad ng walang tungkod dahil ginagabayan nila ako at isa pa, kaibigan ko po sila," maagap naman na sagot ni Karen. "Hindi ba mapapahamak ang apo namin sa kanila? Paano kung mawala na lang ang apo namin at hindi na makabalik, makakasiguro ka bang hindi nila kukunin ng sapilitan ang bata?" kinakabahang tanong ni Ignacio. "Hindi nila gagawin iyon, dahil nirerespeto nila ang mga taong may respeto rin sa kanila. Sa kalagayan ng apo ninyo, marahil ay dahil sa kapansanan niya kaya siya kinalulugdan ng mga lamang-lupa. Likas na maalaga sa mga bata ang mga lamang-lupa lalo na sa mga tulad ni Karen na may espesyal na kalagayan, nararamdaman ng mga nilalang ang kabutihan ng inyon apo kaya siya nagustuhan ng mga ito. Ugaliin niyo lang na pasalamatan ang mga ito, tuwing alas sais ng umaga hanggang alas otso dahil ang unang liwanag sa umaga ay nagpapakita ng pasasalamat at paggalang sa mga mabubuting nilalang ng kalikasan." Payo ni Ismael, nagbigay rin siya ng polseras sa bata at isinuot niya ito sa kamay ni Karen. "Maraming salamat, ngayon, mapapanatag na kami." wika naman ng matandang babae at marahang hinaplos ang buhok ng bata. Ramdam ni Esmeralda ang pagmamahal ng mga ito sa kanilang apo. Saglit pang nanatili ang mga ito sa kubo nila, maingat at detalyadong inilahad ni Ismael ang mga dapat nilang gawin sa araw-araw at taimtim namang nakikinig ang mga ito. Sa pagkakataong iyon, lumabas naman ng kubo si Esmeralda kasama si Karen par lumanghap ng sariwang hangin. "Ate, ang sabi ng kaibigan ko, napakaganda raw ng awra mo." Biglang wika ng bata at natawa naman si Esmeralda. "Ang kaibigan mo ba ay iyang maliit na nilalang sa buhok mo?" tanong ng dalaga at nagulat naman ang bata sa tanong niya. Napasinghap pa itoa t bahagyang napatalon sa harap niya. "Nakikita mo rin siya, ate?" "Oo, malinaw ko siyang nakikita, kanina pa, simula nang dumating kayo." Nakangiting tugon naman ni Esmeralda. Ngumiti ang bata at agad na humawak sa kamay niya. "Nakakatuwa naman, pero ate, sinasabi rin ng kaibigan ko na lapitin ka raw ng panganib, may mga nilalang ng dilim ang umaaligid sa''yo." saad ng bata at napangiti si Esmeralda. " Alam ko, at wala kang dapat ipag-alala dahil malakas ako. Walang panama sa akin ang mga iyan." tugon ng dalaga na ikinatawa naman ng bata. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ng kubo ang lolo at lola ng bata at nagpaalam na ang mga ito sa kanila. "Amang, pupunta muna ako sa bukid para tingnan ang mga tinanim kung luya roon, siguro ay nagkalaman na sila." "O siya sige, mamaya lang dina y magsisimula na ulit ang pagsasanay ni Mateo, umuwi ka ng maaga, at huwag ka munang pupunta doon sa bayan," payo ni Ismael at tumango lang naman ang dalaga. Matapos ang mga gawain bahay, dali-dali na siyang pumunta sa bukid. Nakita naman niyang maayos ang anging tubo ng mga pananim nila. Sadyang napakaganda nga ng lupa doon dahil napakaganda rin ng tubo ng mga pananim niya. Bagaman wala pang laman, alam niyang sa darating na mga buwan ay magkakalaman rin ito. Hindi na nagtagal pa si Esmeralda sa bukid at agad din namang tinungo ang palengke upang mamili ng mailuluto sa tanghalian. Nang makabalik siya sa bahay ay naabutang niyang nakaupo sa tumba-tumbang bangko ang kaniyang lolo at nagkakape. Nakatanaw ito sa nagsasanay na si Mateo habang napapangiti. Napailing naman si Esmeralda at dumiretso na sa loob ng bahay nila, doon ay nakita niya namang nag-aasikaso si Hanna sa kusina. "O, Hanna, hindi ka na dapat nag-aabala riyan sa kusina, ako na ang gagawa riyan." wika ni Esmeralda. "Sige nga, Esme, pagsabihan mo iyan, kanina ko pa siya sinasabihan na mapapagod lang siya, pero matigas ang ulo." sabad ni Raul na halatang wala ring magawa. "Kaunting ehersisyo lang naman ito at isa pa, hindi pa naman ganoon kalaki itong tiyan ko," paliwanang naman ni Esmeralda. Napailing naman si Esmeralda at kinuha ang basahan sa kamay nito. Maingat niya itong pinaupo sa upuan at inilagay sa harapan nito ang mga gulay na binili niya. "Ayan na lang ang gawin mo, tulungan mo akong himayin ang mga iyan, para sa tanghalian natin. Hindi niyo kailangan mahiya dito sa loob ng bahay, bisita kayo at hindi katulong. At kung nais mo ng ehersisyo, sa umaga, sasamahan kitang maglakad-lakad dito sa baryo," wika pa ni Esmeralda. Wala namang nagawa si Hanna kun''di ang sumunod at ito na ang naghimay ng mga gulay sa mesa. Matapos maihanda ang tanghalian, tinawag na niya ang kaniyang amang, lolo at si Mateo. Sabay-sabay nilang pinagsaluhan ang simpleng pagkain sa hapag. Lumipas ang isang buwan at matagumpay na natapos ni Mateo ang pagsasanay niya sa ilalim ng pagtuturo ni Ismael. Kahit papaano ay naging maalam na siya sa paggamit ng mga pangontra at sandata kontra aswang. Bukod pa roon, pinag-ibayo rin ni Ismael ang mga una nang naituro sa kaniya ni Lolo Armando. Isang araw, nagdesisyon na si Esmeralda na kumilos, kung dati ay nag-iisa siya, ngayon ay kasama na niya si Mateo. Kasalukuyan silang nasa loob ng bahay ni Chona. Doon ay inimbak nila ang kanilang mga sandata at pangontrang baon. "Maraming salamat Ate Chona, dahil pumayag kayong dumito kami pansamantala. Mas mainam kasi ang bahay niyo dahil nakaharap ito sa lugar na iyon," "Sus, ayos lang. Masaya nga ako at dito niyo napili na manuluyan at isa pa, naghihintay rin kami ng resulta, kung nasa loob pa ba ang kapatid ko," masayang tugon naman ni Chona. Lumipas pa ang tatlong araw at doon na nila napansin ang pagdalas ng paglabas at pagpasok ng mga tao sa bahay aliwan. Sa gabi naman, madalas na rin ang paggalaw ng mga aswang sa bayan at halos araw-araw ay may nababalitaang natatagpuan pat*y sa mga bakanteng lote o di kaya naman sa kasukalan. "Mamayang gabi, bago ang kabilugan ng buwan, wawakasan na natin ang kanilang paghahari. Ngayon, unahin na natin ang kapitan nila." wika ni Esmeralda at napatingin kay Chona. Agad naman itong naintindihan ng ginang, iyon kasi ang plano, hihikayatin ni Chona ang mga kapitbahay na magreklamo sa baranggay hall at doon naman nila ibubunyag ang lihim na ugnayan nito sa mga nilalang na may kagagawan ng lahat ng pat*yan sa lugar nila. "Kap, wala ka man lang bang gagawin? kabi-kabila na ang pat*yan pero bakit wala pa ring resulta ang sinasabi niyong imbestigasyon? Wala pa ring nahuhuli na salarin." "Oo nga naman Kap, nakakabahala na ang mga pangyayaring ito." Habang kaliwa''t kanan ang pagbabato ng tanong sa kapitan, Tahimik na nakamasid lang si Esmeralda sa gilid. "Huminahon po tayo, kalma lang po mga mahal kong kababaryo. Magtiwala lang po tayo sa proseso, dahil ginagawa po namin ang lahat para masolusyunan ang problema at mabigyan ng hustisya ang mga namat*y nating kapamilya." Sabi pa ng Kapitan habang mahinahong pinapakalma ang mga tao sa paligid niya "Tiwala? Kap, paano kami magtitiwala gayong napakatagal na, wala pa ring resulta. Bakit hindi na tayo humingi ng tulong sa mas nakakataas pa? Talamak na ang pat*yan sa bayan natin, hindi natin alam kung sino ang sususnod na magiging biktima, ayaw naman namin sa susunod mga anak, asawa, o magulang na namin ang mapapahamak." Iyak naman ng isang ginang. "Naiintindihan ko ang mga hinaing ninyo, pero bakit kailangan pang idamay natin ang ibang bayan kung kaya naman nating ayusin ito nang tayo lang." Giit naman ng Kapitan. "Kap, nagbubulagbulagan ka ba o sadyang manhid ka lang talaga? Hindi na natin kaya, paano kami magtitiwala sa inyo nito? Ultimo mga nawawala naming kapamilya hanggang ngayon wala ni isa ang nakikita pa." Sigaw ni Chona. Muling umugong ang sigawan ng mga tao hanggang sa ang mga ngiti sa labi ng kapitan ay unti-unti nang nabubura. Chapter 11 Chapter 11 - 11Ang kaninang magandang ngiti ni Kap ay biglang napalitan ng malalim na simangot dahil sa walang tigil na sigaw at reklamo ng mga tao. Nariyan pang nagbabalyahan na ang mga ito para lang makalapit sa kaniya at mapaulanan siya ng mas marami pang salita. Dahil sa inis, malakas na inihampas ng kapitan ang kaniyang kamay sa mesa. Naglikha iyon ng malakas na tunog na siyang nagpatigil sa mga tao. Ngunit saglit lamang iyon, dahil muling sumigaw ang isang babae na nawalan din umano ng anak na lalaki. "Kap, simula nang dumating sa bayan natin ang bahay-aliwan na ''yon, ilang beses ka na bang nakatanggap ng reklamo laban sa kanila. Ni isa sa amin hindi mo pinakinggan. Lahat ng nawawala, doon nagpupunta at halos lahat ng namamat*y, doon nanggagaling o di kaya naman ay pamilya o malapit ng nagpupunta roon. Pero bakit parang bulag at bingi kayo sa aming reklamo." "Oo nga Kap, ilang beses na kaming nagmakaawa sa inyo na pasukin ang lugar na iyon, pero ang sabi niyo lang, magiimbestiga muna kayo. Pero hanggang ngayon hindi naman kayo gumagalaw." Lumalim pa ng husto ang pagkakakunot ng noo ng kapitan, bakas sa mukha nito ang pagkairita at kawalan ng pasensiya. Napangisi naman si Esmeralda, dahil ano mang sandali ay paniguradong bibigay na ang kapitan. Tama siya ng hinala, kasabwat ang kapitan sa lahat ng anomalya sa lugar na iyon. "Maaari ba kayong huminahon muna, hindi niyo naiintindihan. Hindi natin sila maaaring galawin dahil malaki ang naitutulong ng lugar na iyon sa ating komunidad. Naipagawa ang mga eskuwelahan, at nagkaroon ng libreng check up para sa mga bata at matatanda. Dahil iyon sa tulong ng may-ari ng bahay-aliwan na sinasabi ninyo. Wala silang ginagawang masama kun''di puro kabutihan lamang." Wika ng kapitan. "Tulong? At ano ang kapalit, ang buhay ng mga tao rito, Kap hindi kami t*nga para tanggapin na lang iyang rason mo." sigaw ni Chona. Dahil sa sigaw na iyon, nagkaroon din ng lakas ng loob ang iba para sumagot. Hanggnag sa , wala nang nagawa ang kapitan kun''di ang utusan ang mga tanod niya na palabasin ang mga tao nang sapilitan. "L*ntik na ''yan, sino ba ang pasimuno ng pag-aaklas na iyon. Hindi ba nila alam kung gaano nila inilalagay ang mga sarili nila sa kapahamakan. Bakit hindi na lang sila manahimik sa mga bahay nila at ipagpatuloy ang mga buhay nila nang walang alam at walang pakialam?" Galit na galit na wika ni Kapitan. Hindi naman makaimik ang mga tanod na kasama nito sa loob ng baranggay hall, tahimik lang na nagkatinginan ang mga ito. Samantala, nagpatuloy ang kaguluhan sa labas ng hall hababg nagbibingi-bingihan naman ang mga nasa loob. Napapailing na lamang si Esmeralda sa iginawi ng kapitan. Maging si Mateo ay dismiyado na rin. Nagkatinginan ang dalawa at nagkatanguan. Sa pagkakataong iyon, kailangan na talaga nilang kumilos. Bukas na ang kabilugan ng buwan kaya siguradong kikilos na ang mga ito para makuha si Hanna. Saktong pasapit na ang hapon nang makabalik sila sa bahay nila Chona. Hindi naman mapakali si Mateo habang naghahanda sila. Nakasuot na ng itim si Esmeralda at panay na rin ang bulong nito sa hangin. Dinurog na asin at bawang naman ang ipinapahid niya sa bawat talim ng kaniyang mga armas, maging ang buntot-pagi ay pinahiran na rin niya nito. "Kinakabahan ka ba sa unang magiging laban mo?" Tanong ni Esmeralda nang mapansin ang pagiging malikot ng binata. "Medyo, normal lang naman siguro ito, ano?" Tugon naman ni Mateo at napangisi ang dalaga. Matapos maghanda ay siya namang pagbabalik nila Chona sa bahay. Napangiti lang si Esmeralda nang makitang hindi maipinta ang mukha nito. Alam niyang wala silang napala sa pagtatanong sa kapitan, pero isa ang sigurado, malinaw sa lahat na may mali sa sinusunod nilang kapitan at iyon ang mahalaga. Alas sais ng hapon nang makarinig sila ng pagtawag ng mga uwak, nagsimula na rin umalulong ang mga aso sa paligid na animo''y nagbibigay ng babala sa kanila. Bahagyang binuksan ni Esmeralda ang binata at mula sa maliit na siwang ay pumasok ang isang uwak na kakaiba. Ginto ang mga mata nito at hindi karaniwang kulay ng mga mata ng isang normal na uwak. Dumapo iyon sa balikat ng dalaga at umikot ang paningin sa mga taong nasisilayan niya. "Iyan ba ang sinasabi ni Manong Ismael na alaga mo Esme, paano mo napapasunod ang uwak na iyan?" "Bata pa lamang ako magkasama na kami, at kahit saang laban, kasama ko rin siya. Siya ang magiging mata natin mamaya sa paligid habang abala tayo sa ibang bagay. Huwag kang mag-alala, hanggang nasa paligid siya, walang aswang na makaka-isa sa atin mamaya. Maghanda ka na, hindi na natin sila hahayaang makalabas sa lugar na iyon." S~ea??h the n?vel_Fire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Mag-iingat kayo sa loob, hindi natin alam kung gaano na sila kadami. Magkaroon man kami ng sagot o wala, hindi na mahalaga iyon. Ang importante makalabas kayo bago ang itinakda nating oras." Sabad ng matanda, nawala na ang lungkot sa mga mata nito bagkus ay napalitan na ng determinasyon. Ngumiti si Esmeralda at tinapik ang balikat ng matanda. "Matatapos din ang lahat ng ito Manong at magkakaroon na rin ng kalinawan nagbnga bagay na gumugulo sa inyo. Ang anak niyo naman, susuwbukan namin siynag hanapin sa loob. Sana lang ay buhay pa siya." Turan ni Esmeralda at napatango naman ang matanda. Saktong papadilim na nang lumabas ng bahay sina Esmeralda at Mateo, tuloy-tuloy sila na naglakad patungo sa bahay-aliwan, bitbit ang kanilang mga sandata. Napatingala naman si Esmeralda at nakita niya ang hukbo ng mga uwak sa bubong nito. Dinig na dinig nila ang malakas na tugtug na nagmumula sa looban at ang mga tawanan ng mga kalalakihan at kababaihan. Marahas na sinipa ni Esmeralda ang pinto, dahilan para pabalabag itong bumukas. Gulat ang agad na rumehistro sa mga mukha ng mga bantay. Tila hindi pa nag mga ito nakahuma kung ano ang nangyayari ngunit nang makita nila ang mga dala nilang pangontra at panlaban sa aswang ay walang pagdadalawang-isip na nagpalit ang mga ito ng anyo. Lumitaw ang kanilang mahahabang pangil at matatalim na kuko. Naging itim rin ang mga katawan nilang tila nababalutan ng naglalangis na balahibo. Humihiyaw ang kanilang galit habang sabay-sabay silang sumugod kay Esmeralda. Ngunit handa si Esmeralda sa laban. Nakangising hinugot niya mula sa kanyang bag ang isang itak na balot na balot ng dasal ni Ismael. Kumislap sa dilim ang talim nito, animo''y nag-aapoy. Sa isang mabilis na galaw, sinalubong niya ang unang aswang na sumalakay. Mabilis niya itong dinamba at ginilitan ng leeg. Ang parteng nahiwa ng talim at umuusok at animo''y natutunaw dahil sa asin at bawang na ipinahid niya rito. "Sige, lapit! Tingnan natin kung hindi kayo matupok ng kinakatakutan niyong asin at bawang!" Sigaw ni Esmeralda, sabay tagilid upang iwasan ang pagsunggab ng isa. Agad niyang isinaksak ang itak sa gilid nito.Napahiyaw ang nilalang at sumirit ang kulay itim na likido bago bumagsak ang nilalang sa sahig. "Mateo, magmadali ka na, gawin mo na ang misyon mo." Utos ni Esmeralda at agad namang tumango ang binata. Bagaman nag-aalala, mas minabuti niyang sundin ang kanilang naunang plano. Dali-dali siyang pumasok at hinayaan na lamang kay Esmeralda ang mga bantay. Patay-sindi ang mga ilaw sa loob at nakakahilo na rin ang amoy doon. Inilibot ni Mateo ang kaniyang mata, pilit na inaaninag kung saan ba ang daan patungo sa mga bihag. Sa kaniyang pagmamasid isang lagusan ang kaniyang nakita kung saan isang matangkad na babae ang nakita niyang pumasok. Pasimple niya itong sinundan, dahan-dahan ang ginagawa niyang hakbang upang hindi siya agad matunugan. Pakiramdam ni Mateo ay napakahaba ng lagusang iyon, madilim ang pasilyo at tanging maliliit na ilaw lang nagbibigay ng tanglaw sa nilalakaran nila. "Saan ba papunta ang pasilyong ito, bakit parang pababa at pakitid naman ng pakitid ang daanan rito?" Tanong ni Mateo sa sarili. Agad namang kumunot ang noo niya nang makitang may binuksan ang babae, isang maliit na pinto at pumasok ito roon. Nagmamadali namang pinihit ni Mateo ang seradura at marahang binuksan ng pinto. Doon ay narinig niya ang mga ungol ng mga taong tila nahihirapan at magmamakaawa. May naririnig rin siyang mga iyak ng bata at pagmumura sa loob. "Ito na nga, tama nga si Esme, may kulungan sa loob ng bahay-aliwan." Bulalas ni Mateo at dali-daling pumasok. Ngunit sa kaniyang pagpasok, isang matigas na bagay ang biglang humampas sa kaniyang likod dahilan para bumagsak siya sa sahig. Nanlalabo ang mga matang pilit niyang inaninag kung sino ang humampas sa kaniya. Sa kaniyang nanlalabong mga mata, nakita niya ang matangkad na babae na nakangising nakatunghay sa kaniya. "Napakatapang mo naman bata para pumasok nang mag-isa sa teritoryo namin. Dahil diyan, ihaharap kita sa aming pinuno." Iyon ang huling narinig ni Mateo bago siya tuluyang nawalan ng malay. Samantala, patuloy namang nakikipaglaban si Esmeralda sa labas, napakaraming karaniwang aswang pa ang sumusugod sa kaniya ngunit hindi umubra ang kahit isa sa mga ito dahil sa angking bilis at lakas ng dalaga. Lahat ng nagtatangka ay bumabagsak sa lupa nang wala nang buhay. Chapter 12 Chapter 12 - 12Iyak at pagmamakaawa ang unang narinig ni Mateo nang muli siyang magkamalay, sumidhi agad ang sakit sa likod ng kaniyang leeg nang maalala niya ang nangyari. May humampas sa kaniya, kaya siya nawalan ng malay. Pinakiramdaman niyang mabuti ang kaniyang sarili at doon niya napagtantong nakaupo siya at nakatali sa bangko. Nang tuluyan naman niyang maimulat ang kaniyang mga mata, doon niya nakita napapalibutan siya ng mga rehas na bakal, bata, matanda, may buntis rin at mga kalalakihan ang nakakulong doon. Pawang umiiyak at namamayat na rin dahil sa gutom. Hindi niya makilala ang mga ito pero sa tantiya niya, ito ang mga taong nawawala sa bayan at sa mga karatig bayan. Lihim siyang napamura at hindi na nag-aksaya pa ng panahon at gumawa ng paraan para makaalis sa kaniyang pagkakatali. "Bago ka, kahuhuli lang ba sa''yo? Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon, hindi ka rin naman makakatakas. Hindi sila papayag na makatakas pa tayo rito." wika ng isang lalaki. Nilingon ito ni Mateo at ngumiti. "Bakit ako mawawalan ng pag-asa kung alam kong may isang nakikipaglaban para mawakasan na ang lahat ng ito. Hindi ako nagsanay para lang sa wala." wika ni Mateo, kahit mahigpit ang pagkakatali sa kaniya, ginamit niya ang buong lakas niya upang mapaluwag iyon. Hindi nagtagal, kusang lumuwag naman ang tali at nahulog iyon sa likuran niya. Malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya at mabilis siyang kumilos upang kunin ang bag niya na hindi man lang pinag-aksayahan ng panahon ng mga aswang na itapon sa labas. Kinuha niya ang itak mula roon at isa-isang tinagpas ang mga bakal na kadena sa mga kulungan. "Magmadali kayo, kumuha kayo ng mga pangontra sa bag na ito, mga lalaki, protektahan niyo ang mga bata at matatanda, sama-sama tayong lalabas sa lugar na ito. Naghihintay ang mga pamilya niyo sa inyong pagbabalik." saad pa ni Mateo. Tila nabuhayan naman ng loob ang mga tao at dali-dali sinunod ang binata. Nang makapaghanda na sila at akmang lalabas na ng lugar na iyon, isang babae ang muling pumasok sa naturang silid. Nanlalaki ang mga mata nitong napatingin sa kanila. Ang gulat na rumihestro sa mukha nito ay dagli rin namang napalitan ng galit nang makitang papatakas na sila. "Kung akala niyo ay naisahan niyo na ako dahil nahuli niyo ako, diyang kayo nagkakamali. Tingnan natin kung magagawa niyo pa akong mahuli ngayon." Wika ni Mateo, akmang iitakin niya ang babae, bigla naman itong sinabuytan ng asin ng isang babae. Humiyaw ang babae habang hawak ang nalalapnos nitong mukha, hindi pa man ito nakakabawi, mabilis naman siyang tinaga ni Mateo. sumirit ang maitim niutong dugo at bumagsak ito sa harapan nila. Dahil sa sigaw na ginawa ng babae, nabulabog naman ang iba pang nilalang na naroroon na sa loob. Umugong ang labanan sa pagitan ni Mateo at nang mga aswang. Sa una ay nahirapan si Mateo ngunit sa pagdaan ng mga minutong patuloy lang siya sa pakikipaglaban, nakabisado na niya ang mga galaw ng kalaban at naging mas komportable na siya sa paghawak ng itak. Hindi niya alintana ang mga dugong tumatalsik sa katawan niya sa bawat tagang iniaalay niya sa mga aswang na lumalapit sa kanila. Tulad ng ipinangako niya kay Esmeralda, tinulungan niyang makalabas ng bahay-aliwan ang mga bihag nito. "Bilis lumabas na kayo, huwag niyong iiwan ang mga kasama niyo, siguruhin niyong walang maiiwan sa loob." Sigaw ni Mateo habang pinapatakbo ang mga tao. Sinigurado niyang walang natira sa loo ng mga kulungan bago niya kinuha mula sa bag niya ang isang galong gasolina at binuhos doon. Walang pagdadalawang-isip naman niyang sinindihan iyon na kaagad namang nilamon ng apoy ang lugar. Isinara niya ang pinto at mabilis na tumakbo palabas. Ngunit hindi pa man nakakaapak sa labas ng bahay-aliwan ang kaniyang mga paa, isang malakas na atungal ang nagpahinto kay Mateo. Tila umikot naman ang paningin niya dahil sa sobrang lakas ng atungal na iyon, ramdam ang galit at poot sa tunog na iyon na nagbigay ng matinding kilabot kay Mateo. Sear?h the N?vel(F)ire.n§×t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Ano pa ba ang hinihintay mo riyan, " tawag ni Esmeralda at mabilis na hinaklit ang braso ng binata at hinatak na ito palabas. "Ano''ng nangyari, ano ''yon?" tanong ni Mateo at napatingin sa bahay-aliwan na noo''y dahan-dahan nang kinakain ng apoy. Muli silang nakarinig ng malakas na pag-angil na nagpayanig naman sa lupa. Nagsigawan ang mga tao nang makakita sila ng silweta ng mga nilala mula sa bubungan. "Nasa bubong!" sigaw ng isang lalaki habang tinuturo ang bubungan. "Sinasabi na nga ba at ikaw ang pangahas na sumugod sa teritoryong itinatag namin ng matagal na panahon." isang pamilyar na boses ang agad na nagsalita. Napangisi naman si Esmeralda at napatingala. "Bakit hindi ka bumaba, para naman mabati kita ng maayos." Tawag ni Esmeralda at napalatak namana ng nilalang. "Ikaw ang bababa o ako ang aakyat diyan?" dagdag na tanong ni Esmeralda at humalakhak namana ng katabi nitong malaking lalaki. "Sige tawa lang, lahat ng ipinunla niyo, tinapos ko na. Hangga''t naririto ako sa mundong ito, hindi niyo magagawang magpaparami." "Matapang ka bata! Hayaan mo at ako na mismo ang siyang tatapos sa''yo!" Sigaw naman ng malaking nilalang at tumalon ito sa baba para atakihin ang dalaga. Masayang sinalubong ni Esmeralda ang matutulis nitong kuko gamit ang kaniyang itak. Lumikha ng nakakapangilabot na atungal ang nilalang nang magsalubong ang itak niya at ang kuko nito. Mula sa isang kamay, hinagupit naman ng hawak niyang buntot-pagi ang mukha ng nilala at napaatras ito. Napahawak ang nilalang sa duguang mukha nito habang patuloy na umaatungal sa sakit. "Hindi mo ako matatalo, babae!" bulyaw nito, ngunit halata ang panginginig sa boses nito. Hindi naman nagpatinag si Esmeralda, sa halip, hinigpitan niya ang kapit sa hawak na buntot-pagi, upang maging handa sa susunod niyang pag-atake. "Hindi mo ako madadaan sa sindak!" matapang na tugon ni Esmeralda. Pinakawalan niya ang isang mabilis na hagupit gamit ang buntot-pagi, tumama ito sa tagiliran ng nilalang, dahilan upang bumagsak ito sa lupa. Nagdilim ang paligid sa bilis ng galaw ni Esmeralda, tila isa siyang anino na hindi mahuli-huli ng mata. Sumubok pa ring bumangon ang nilalang, ngunit bago pa ito makaporma ay muli nang bumagsak ang talim ng itak ni Esmeralda sa balikat nito. Nagpakawala ito ng nakabibinging hiyaw, kasabay ng pagbagsak ng malagkit na dugo sa lupa. "Ngayon mo ako sindakin, halimaw. Masyado na kayong nagkalat sa lugar na ito, oras na para linisin ang lugar na ito at sisimulan ko sa''yo at sa mga alipores mo!" Sigaw ni Esmeralda habang unti-unting lumalapit sa nilalang, ang kaniyang itak ay kumikinang sa ilalim ng malamlam na liwanag ng buwan. Sa huling lakas ng nilalang, sinubukan nitong umatras, ngunit tila binalot na ito ng matinding takot sa kamat*yang papalapit na sa kaniya. "Suko na ako!" sigaw nito, nanginginig ang boses. Ngunit, hindi tinatanggap ni Esmeralda ang pagsuko ng mga halimaw na walang awa. Lumapit pa siya, ang kaniyang mga mata''y nag-aalab ng determinasyon, kasabikan at tapang, at iniangat ang hawak na buntot-pagi para sa huling hagupit. Tila kidlat na bumaba ang buntot-pagi sa katawan ng halimaw, ilang beses pa itong malupit na humagupit sa nilalang habang hindi naman magkamayaw itong nagsisisigaw sa sakit. Walang nagawa ang mga kasama nito dahil kapag sinusubukan nilang lumapit ay sila naman ang nakakatikim sa walang habas na hagupit ni Esmeralda. Literal na walang nagawa si Mateo sa pagkakataong iyon dahil tila ba naging isang hayok na halimaw na rin si Esmeralda sa pakikipaglaban. Hindi rin niya masundan ang bilis ng mga kilos ng dalaga. Animo''y hindi ito normal para sa isang babaeng tulad ni Esme. Makaraan pa ang ilang minuto, ang limang aswang ay namimilipit na sa sakit sa lupa, habang ang lider ng mga ito ay wala nang buhay at halos magkandalasog-lasog ang katawan nito dahil sa ginawa ni Esmeralda. "Sunugin niyo na ang mga ito. Wala na silang silbi sa akin." Wika ni Esmeralda. Nagningning ang mga mata ni Esmeralda habang sinasammbit ang mga salitang iyon. Tumango si Mateo, tanda ng paggalang sa hatol ng dalaga. Gamit ang gasolina, mabilis niyang binuhos ang natitira sa galon na dala niya at sinindihan ang mga ito nang walang tanong-tanong. Ang mga nilalang na kanina''y nagmamakaawa ay agad nilamon ng nanggagalit na apoy. Tila ba ang apoy ang siyang naging huling parusa para sa mga ito, dahil buhay silang tinutupok nito, paunti-unti, dahan-dahan at lahat ng sakit na dinulot nila sa kanilang mga biktima at bihag ay tila pinalalasap din sa kanila sa pamamagitan ng apoy na iyon. Kitang-kita nang mga bihag ang pagkatupok ng mga nilalang na nagpahirap sa kanila. Nakaluhod pa ang mga ito habang umiiyak na nagpapasalamat na sa wakas ay nagawa na ring mawakasan ang kalupitan ng mga ito sa kanila. Dahil sa pagkasunog ng lugar, nagsilabasan na rin ang mga taong nakatira sa malapit upang makiusyuso. Ang iba ay mga pamilya ng mga nawala na nagulat pa sa kanilang nasaksihan. Makahalo ang tuwa at iyak nang muli nilang makita ang kani-kanilang mga kamag-anak na nawawala. Umugong ang iyakan at pagpapasalamat sa paligid hanggang sa isang sigaw ang umalingawngaw sa gitna ng kasiyahan. "Hindi, bakit niyo sinunog, paano na ang mga ginto ko!" Sigaw ni Kapitan. Halos manikluhod siya sa harap ng nasusunog na bahay-aliwan, hindi alam kung ano ba ang unang gagawin. "Ginto? Simula''t sapol, walang ginto kapitan. Bakit hindi mo tingnan ang mga gintong ibinigay sa iyon noon, kung ginto pa rin ba hanggang ngayon." Natatawang wika ni Esmeralda. Nanlalaki ang mga matang napatingin si Kap sa dalaga. Mabilis niyang dinukot ang kaniyang bulsa at ganoon na lamang ang kaniyang panlulumo nang matagpuang naging dahon ang mga inaakalang ginto sa kaniyang bulsa. Chapter 13 Chapter 13 - 13"Hindi!!!" Kasabay ng masalimuot na sigaw ng Kapitan ang pagbagsak ng natutupok na bahay-aliwan. Ang dating magarbong lugar na naging tahanan ng masasamang nilalang at nagdulot ng pait at pagdurusa sa mga taong nabiktima ay naging abo na. Naging masaya ang lahat sa kinahinatnan ng laban maliban sa isa¡ª si kapitan. Kabaligtaran ng kasiyahan ang nararamdaman nito, tila dinaig pa ni kapitan ang natalo sa sabong. "Kap, siguro naman oras na para bigyan mo ng kaukulang sagot ang lahat ng katanungan ng mga tao, marami ang naperuwesiyo dahil sa pagdating ng mga nilalang na iyon, at wala kang ginawa para protektahan ang nasasakupan mo, bagkus, kinosente mo pa ang talamak na pangbibiktima ng mga dayong aswang dito sa lugar niyo." wika ni Mateo sa nakayukong kapitan. Dahil sa sinabing iyon ng binata, nakuha nito ang atensiyon ng mga tao. Dito nagsimulang kuyugin ng mga tao ang kapitan at wala na itong nagawa kun''di tanggapin ang lahat ng dagok at pananakit ng mga tao sa kaniya. Tila ba sa isang iglap na iyon, kasabay na natupok ng apoy ang lahat ng inhibisyon ng kapitan at naging isang manika na lamang ito na walang kaluluwa. Natapos ang gabing iyon na punong-puno ng samo''t saring emosyon ang namayani sa kanila. Panay naman ang buntong-hininga ni Esmeralda habang nakatingin sa mga nabihag ng mga aswang. May iilan na sa kanila ang may simptomas ng yanggaw at kailangan maagapan bago pa man sila atakihin ng kani-kanilang mga gutom. Isa na rin sa nayanggaw ang kapatid ni Chona, isa ito sa mga nakasama ni Mateo na tumakas mula sa kulungan sa loob ng bahay-aliwan. Hindi naman magkamayaw ang iyak ni Chona nang makitang buhay ang kaniyang nakatatandang kapatid. Sobrang payat na ito, at nangangalumata na rin dahil sa sobrang pagpipigil ng gutom. Ayon pa rito, nitong huling mga araw na lang nagtagumpay ang mga iyon na salinan siya ng pagka-aswang dahil na rin, hindi siya kumakain o umiinom ng kahit ano na ibinibigay ng mga ito. "Paano mo magagawang kumain o uminom kung alam mong napakaraming tao ang dumadaan sa harapan nila na nagiging pagkain lamang ng mga halimaw na iyon? Kahit siguro bata ay mawawalan ng gana, walang gabi o araw na hindi kami nakakakita ng dugo. Halos kahit ang amoy ng hangin ay napakalansa na." Dagdag pa nito habang nilalapatan ng paunang lunas ang kaniyang mga natamong sugat. Kasalukuyan silang nasa loob ng baranggay hall, dahil nagawa na rin nilang patalsikin ang kapitan, malaya nilang nagamit ang lugar bilang pansamantalang pagamutan ng mga nabiktima. pasikat na ang araw nang dumating si Ismael sa lugar bitbit ang kaniyang mga gamit. Sa pagkakataong iyon, nagpapahinga naman si Mateo at Esmeralda sa bahay nila Chona, si Chona, kasama ang iba pang mga kababaihan ang siyang naging katuwang ni Ismael sa pagbibigay ng mga gamot sa nayanggaw. Halos hapon na din nang matapos ni Ismael ang lahat ng naging pasyente niya at doon pa lamang sila bumalik sa kanilang bahay. Baon ang isang basket na punong-puno ng gulay at mga alagang hayop tulad ng manok at kambing, na inialay ng mga tao bilang pasasalamat sa kanila. Magaan na ang loob ni Esmeralda na nilisan ang lugar na iyon. Pagdating sa bahay ay agad namang nagpaalam ang dalaga para umakyat ng bundok para sa panata nito tuwing nagtatagumpay siya sa kaniyang misyon. Sa harap ng isang puno ng balete sa tuktok ng bundok, kung saan sila unang naninirahan, tahimik na inilapag ni Esmeralda ang basket ng mga alay sa kanila. Naglalaman iyon ng labindalawang itlog na puti, tatlong magkakaibang klase ng gulay na gumagapang, isang itim na buhay na manok at isang inakay na kambing. Nagsiga rin siya ng uling sa maliit na lata at naglagay ng kamangyan upang magpausok. Kasabay nito ang tahimik niyang pag-aalay ng dasal at pagpapasalamat sa mga gabay na ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan habang nasa labanan siya. Isang uwak ang dumapo sa kaniyang balikat at lumikha iyon ng kaaya-ayang tunog na tila ba sinasaliwan ang kaniyang pagdarasal. Matapos ang kaniyang pagdarasal, naupo siya at sumandal sa puno ng balete at tiningala ang papadilim nang kalangitan. "Salamat, maraming salamat sa tulong niyo. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko mapagtatagumpayan ang laban na iyon." wika ni Esmeralda. Marahang hinimas ng dalaga ang maitim na balahibo ng uwak na tila nagustuhan naman nito. Napangiti ang dalaga at bahagya pang natawa dahil tila pusa itong nagugustuhan ang paghimas niya sa leeg nito. "Pasensiya na kayo kung ngayon lang ulit ako nakaakyat rito, hindi na tulad nang dati na tuwing hapon ay naaalayan ko kayo ng dasal at mga pagkain. Alam ko namang naiintindihan niyo ako, hayaan niyo, sa susunod, hahanap ako ng puno doon na malapit sa bahay para maging bahay niyo, nang sa gayon, hindi ko na kailangan pang umakyat nang pagkalayo-layo at hindi niyo na rin kailangan maghintay ng matagal sa akin." Saad pa ng dalaga. Bagaman nasasanay na siya sa buhay nila doon sa patag, hindi pa rin niya mawala sa sarili niya ang hanap-hanapin ang buhay nila dito sa bundok. Sariwa ang hangin at tahimik ang lugar, panatag ang kalooban ni Esmeralda sa tuwing nakakasama niya ang kabundukan, ang mga puno at halaman, maging ang mga ligaw na hayop na minsan ay sumasama sa kaniyang pamamahinga. Ilang oras din siyang namalagi roon upang magnilay bago siya tuluyang magdesisyong umuwi. Malalim na ang gabi nang dumating si Esmeralda sa bahay, dretso siyang pumunta sa kusina at nakita niyang may pagkaing iniwan doon si Ismael. Kumain lang siya at saka nagpahinga. Lumipas pa ang isang linggo at tuluyan na ngang nanumbalik ang kapayapaan sa kabilang bayan. Nagluklok sila ng bagong kapitan at lahat ng naging biktima ay gumaling na at nanumbalik na rin ang sigla. Balik trabahong bukid na rin si Mateo at kasalukuyang nagbubungkal ng lupa nang dumating si Esmeralda, isang araw. "Mat, natingnan mo ba ang mga tanim nating luya?" Tawag ni Esmeralda. Huminto naman sa pagbubungkal ang binata at nilingon ang dalaga. "Esme, ikaw pala. Oo, maganda ang tubo ng mga luya at may iilan na rin ang may laman. Bakit, kailangan ba ni Manong Ismael ang luya?" Tanong ni Mateo at napangiti naman si Esmeralda. Mabilis pa sa alas kuwatro na lumapit siya sa taniman at personal na sinuri ang mga tanim nila. Ganoon na lamang ang tuwa niya nang mapatunayang tama ang sinabi ni Mateo sa kaniya. "Naku, ang galing niyo naman, may laman na agad kayo. Ang ganda talaga ng lupa rito. Mabuti na lang talaga at naisipan kung itanim kayo rito. Dahil diyan, araw-araw ko kayong bibisitahin rito at bibinyagan hanggang sa lumaki na kayo." Tuwang-tuwa na wika ni Esmeralda. Natawa naman si Mateo dahil sa pagkausap ng dalaga sa mga luya nito. "O, bakit, may problema ka ba sa pagkausap ko sa mga tanim ko? Makatawa ka naman diyan." Nakasimangot na sita ni Esmeralda. . "Ha, masama ba ang tumawa? Nakakatuwa ka lang kasi, ngayon lang ako nakakita ng isang babae na kumakausap ng halaman." Tatawa-tawang sagot naman ng binata. Napaismid naman si Esmeralda at pinagpatuloy lang ang pagkausap niya sa mga tanim niya. Hindi na lamang niya pinansin ang panunukso ng binata. Hanggang sa isang babae ang napadaan sa taniman nila at tinawag si Mateo. "Mateo, aba mukhang magaganda na naman ang tubo ng pananim mo ah, siguradong marami na naman ang aanihin mo sa anihan." Puna ng babae. "Aling Ester, kayo ho pala. Magandang umaga ho, oo nga po, siguradong matutuwa na naman si Lolo Armando," sang-ayon naman ng binata. "Aba''y sinabi mo pa. Eh, maiba ako Mateo, sino ba iyang kasama mo?" Tanong ng babae nang mapansin si Esmeralda. "Siya po si Esmeralda, apo ni Lolo Armando. Anak po ni Manong Ismael." Simpleng sagot naman ng binata. Halata ang pagkagulat sa mukha ng babae at muli nitong pinasadahan ng tingin si Esmeralda. Ngumiti naman si Esmeralda at magalang na binati ang ginang. "Magandang umaga rin hija, sige maunan na pala ako. Ikamusta mo nalang ako sa lolo at tatay Ismael mo ." Wika ng ginang at umalis na rin. Nagkibit-balikat na lamang si Esmeralda at muli nang binalikan ang pakikipag-usap niya sa mga tanim. Pagsapit ng tanghali, sabay nang tinungo ni Mateo at Esmeralda ang bahay upang doon magtanghalian. Ngunit hindi pa man din sila nakakapasok, rinig na rinig na nila ang pagtatalo sa loob. Boses ng babae ang nangingibabaw habang panaka-naka nilang naririnig ang pagsagot naman ni Lolo Armando. "Hala,mukhang si Tiya Silma iyon ah. Bakit parang galit siya?" Nagtatakang tanong ni Mateo. Napangiti nang mapait si Esmeralda at tinago ang inis na nararamdaman. Panigurado kasing kung ano-ano na naman ang binabato nitong masasakit na salita sa kaniyang amang. Tuloy-tuloy na silang pumasok at doon nga nila nakita ang isang matabang babae na walang tigil sa pagsasalita. Habang si Ismael naman ay tila binging nakaupo lamg habang ngumingiti pa. "Ayos lang naman sana kung bumalik ka, kung hindi mo kasama ang babaeng nagdadala ng kamalasan sa pamilyang ito. Hindi ka pa ba nadala kuya?" Agad na napatingala si Ismael sa narinig. Kaninang halos tungkol lahat sa kaniya ang tinatalak nito ay wala siyang pakialam, ngunit iba na ang usapan kapag nasasali na si Esmeralda. . Sear?h the n??el Fire.n§×t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Huwag mong idadamay ang anak ko rito Silma!" Galit na wika ni Ismael. "O bakit, totoo naman ''di ba? Dahil sa babaeng iyon, namat*yan ka ng asawa at dahil rin sa kaniya, nawalan din ako ng asawa!" Histerikal na wika ni Silma. "Silma, tumigil ka na. Bahay ko ito at wala kang karapatang pagsalitaan ng ganiyan ang kapatid mo o si Esmeralda. Walang kasalanan ang bata dahil wala pa siyang kamuwang-muwang noon. Hindi niya kasalanan kung naparusahan ang asawa mo, kasalanan niya iyon, bakit ba hindi mo maintindihan?" Galit na sigaw ni Armando sa anak, marahas na inihampas nito ang kamay sa mesa na naglikha ng malakas na tunog. Napaatras naman si Esmeralda nang makitang nagiging mainit na ang diskusyon sa loob ng bahay. Natuon amg pansin niya sa sinabi ni Silma na siya ang dahilan ng pagkawala ng asawa ni Ismael. Ang buong akala niya kasi ay walang asawa ang amang niya, hindi niya alam na namatay pala ito at siya ang dahilan nang pagkamatay nito. Chapter 14 Chapter 14 - 14Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Esmeralda bago tumalikod at tinungo muna ang bakuran. Sumunod naman sa kaniya si Mateo at doon muna sila tumambay sa kubo habang nag-uusap pa ang mga nakakatanda. Pagpasok pa lamang nila sa kubo, nakita naman nila ang mag-asawang Raul at Hanna doon. kiming ngumiti ang babae bilang pagbati sa kanila na tinanguan lang naman ng dalaga. Umupo si Esmeralda sa papag at saka muling napabuntong-hininga. Hindi naman nakatiis si Mateo at agad ding nagtanong, "Esme, hindi ba maayos ang relasyon mo sa tiyahin mo? Bakit parang pakiramdam ko ikaw ang tinutumbok niya?" Naguguluhang tanong ni Mateo. Pagak namang natawa si Esmeralda at napatingin sa binata. "Binabati kita, dahil malakas pala ang pakiramdam mo. Oo, ako nga ang tinutukoy niyang may dalang kamalasan. Bata pa lang ako, mainit na ang dugo sa akin ni Tiya Silma, at kung tatanungin mo ako kung bakit, hindi ko rin alam. Bata pa ako noon, at hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari." sagot naman ni Esmeralda, muli siyang nagpakawala nang marahas na buntong-hininga. "Kahit kailan talaga ''yang si Tiya Silma, wala lagi sa hulog ang bunganga. Hayaan mo, malilinawan din ''yan pagdating ng araw." saad ni Mateo at tumango lang si Esmeralda. Alam naman niya sa sarili niya na wala siynag kasalanan sa mga nangyayari, pero sa tuwing nagsasalita ang babae nang masasakit tungkol sa kaniya o kahit tungkol sa kaniyang ama, hindi niya maiwasan ang hindi masaktan at magtanim ng sama ng loob. Tao lang din siyang nakakaramdam, nais man niyang manumbat o komprontahin ang ginang ay hindi niya magawa dahil na rin sa respeto at pagmamahal niya sa taong kumupkop sa kaniya. Hindi naman lihim sa kaniya ang pagiging ampon niya, pero dahil hindi iyon ang pinaparamdam sa kaniya ng kaniyang amang at lolo, lahat ng salita na nanggagaling sa tiyahin niya ay binabalewala niya. Mas pinipili na lamang niyang ituon ang lahat ng kaniyang atensiyon sa mga taong nagmamahal sa kaniya at mga bagay na nagpapasaya sa kaniya, kaysa ang ilaan ang oras sa mga taong walang ginawa kun''di ang pasakitan siya. Saktong tanghalian nang matapos ang pag-uusap sa loob ng bahay, Mlakas na boses pa rin ang huling narinig ni Esmeralda bago sila tuluyang nakarinig ng tunog ng isang motorsiklo na papalayo. Nang mapagtanto nilang wala na si Tiya Silma ay lumabas na rin sila sa kubo, nabungaran naman nila si Ismael na nakatayo sa labas ng bakuran. "Amang, paano nalaman ni Tiya Silma na nandito na tayo? Ang bilis naman yata?" Tanong ni Esmeralda, narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Ismael. Marahan nitong iniangat ang kamay at hinaplos ang buhok ni Esmeralda. "Pasensiya ka na Esme, narinig mo na naman tuloy ang mga masasakit na salitang iyon. Ikaw na ang bahalang magpasensiya sa tiyahin mo, masyado lang talaga siyang nagbubulag-bulagan sa katotohanan. Basta ang lagi mong tandaan, wala kang kasalanan sa mga nangyari noon. Sila ang nagkamali at hindi ikaw." saad naman ni Ismael na lalong nagbigay ng mas maraming katanungan kay Esmeralda. Pagkatapos nang kanilang tanghalian, isinantabi na muna nila ang mga nangyari kanina, ngayon araw din kasi ang alis ng mag-asawa sa kanilang bahay, dahil sa nangyari sa bahay-aliwan, nalinawan rin ang mga kapatid ni Hanna sa mga totoong pangyayari. Dahil nawala na rin ang mga pinagkakautangan ng mga ito, ay kusang-loob na ang mga ito na lumapit at humingi ng tawa sa kapatid. Bagaman naging matigas ang puso ni Hanna noong una, napakiusapan ito ni Raul na magpatawad na. "Mag-iingat kayo, Raul, huwag ka na basta-basta tatanggap, iinom o kakain ng mga pagkain alam mong kaduda-duda. Lalo na kung galing sa mga taong hindi mo kakilala. Kung hindi talaga maiiwasan, pigaan mo ng kalamansi para pangontra sa sabulag na inilagay ng mga may masasamang balak. Ingatan mo rin si Hanna, huwag mo siyang iiwang mag-isa lalo na sa gabi. Kapag kailangan naman, mas maigi kung iiwan mo na lang siya rito sa bahay. Bukas ang bahay namin para sa inyo." Paalala ni Ismael sa dalawa. "Opo Manong Mael, maraming salamat po sa pagtulong at pagtanggap niyo sa amin dito. Hayaan niyo po at lahat ng bilin niyo ay tatandaan ko." nakangiting wika ni Raul. Marami pang iniwang payo sa kanila si Ismael bago sila tuluyang maghiwalay ng landas. "Biglang tumahimik," puna ni Esmeralda, napangiti naman si Ismael at inakbayan ang anak. "Kung gusto mo, puwede nating pabalikin dito ang tiya Silma mo para umingay naman ang mundo natin," biro ni Ismael at natawa naman ang dalaga. "Amang, ibang ingay yata ang dulot ni Tiyang Silma, hindi ho iyon nakakatuwa." napairap na lamang si Esmeralda sa suhestiyon ng kaniyang ama, bagaman alam niyang nagbibiro lang ito, hindi pa rin nakakatuwang biro para sa kaniya iyon. "Pero amang, narinig kong nabanggit ni Tiyang Silma ang tungkol sa asawa mong namatay, hindi ko alam na may asawa ka, bakit hindi mo sinabi sa akin, ano ho ba ang nangyari noon?" tanong ni Esmeralda. Dahil sa tanong na ito, malungkot na napangiti si Ismael. Inakay niya papasok ng bahay si Esmeralda at umupo sila sa harap ng hapag. "Nasa tamang edad ka na, at siguro oras na para malaman mo kung ano nga ba ang mga nangyari noon." panimula ni Ismael bago napabuntong-hininga. "Nangyari ang lahat noong makita ka ni Marie sa gubat, noong minsan ko siyang isinama para manguha ng halamang gamot sa bundok. Abala ako noon at hindi ko namalayang napapalayo na pala siya sa kinaroroonan ko, pagbalik niya, dala-dala ka na niya. Isang taong na kaming mag-asawa noon ay hindi kami mabiyayaan ng anak dahil sa sakit ni Marie kaya ang pagdating mo sa buhay namin, parang isang biyaya. Tuwang-tuwa si Marie noon at ang sabi niya, dininig na ng panginoon ang aming mga dasal, ikaw ang naging katuparan ng aming mga dalangin. Dinala ka namin pabalik sa bahay, hindi pa ako manggagamot noon at kasalukuyan pa lamang na nag-aaral sa ilalim ng pagtuturo ni tatay. Pagdating namin sa bahay, agad na napansin ni tatay ang kakaibang awra na bumabalot sa''yo. Doon namin napagtanto na kakaibang bata ka, binalaan kami ni tatay noon, na kung desidido kaming ampunin ka, kailangan ka naming mahalin at alagaan na parang tunay namin anak. Sumang-ayon kami ni Marie at inampon ka nga namin, mahal na mahal ka ni Marie at kahit langaw noon, hindi makadapo sa''yo." Mahabang salaysay ni Ismael, nakatingala pa ito habang nagbabalik-tanaw sa nakaraan. "Maayos naman ang lahat, pero dumating sa bahay ang pamilya ng Tiya Silma mo, buntis siya noon sa ikalawa nilang anak at ang asawa niya, isang lasenggong mahilig sa basag-ulo. Ayos lang naman sana ang pakikitungo ni Silma sa''yo, wala siyang sinabi noong napag-alaman niyang inampon ka namin. pero masiyadong matabil ang dila ng asawa niya, kung ano-ano ang sinabi niyang masama tungkol sa mga batang napupulot, nagalit si Marie at nagpang-abot sila ng asawa ng Tiya mo. Hindi pa noon nakontento si Roger, ninakaw ka niya sa kuna mo, habang natutulog ang Nanay mo, tinangka ka niyang ibenta sa mga bumibili ng bata. Bagaman hindi siya nagtagumpay dahil nahuli siya ng lolo mo sa bayan at nabawi ka sa tamang-oras, kumapit na ang sumpa sa Tiyong Roger mo." "Sumpa? Anong sumpa amang, at ano po ang nangyari kay Nanay Marie?" tanong ni Esmeralda. Napapakuyom ang kaniyang palad habang nakikinig sa kuwento ng ama. "Dahil nawala sa at natural na mahina ang puso ni Marie, inatake siya sa puso, hindi na namin siya naagapan dahil nang mga panahong iyon, malayo ang hospital, hindi na siya umabot at tuluyan na niya tayong iniwan. At dahil naman sa ginawa ni Roger, kinapitan siya ng sakit, at kahit anong gawin noon ni tatay, hindi siya gumagaling. Kahit anong gamot ang ilapat sa kaniya, hindi siya gumagaling. Simula noon, nagalit na si Silma, naniniwala kasi siya na ikaw ang nagdala ng salot sa pamilya namin at nadamay lamang ang asawa niya. Ilang buwan ring naghirap noon si Roger hanggang sa isang araw, bigla na lamang siyang nawala at ang tangin natira lamang sa higaan niya ay ang mga proteksyong ikinabit sa kaniya ni tatay. Magmula noon, hindi na nakita pang muli ang Tiyong Roger mo, lalo ring umigting ang galit sa''yo ng Tiyang Silma mo." Salaysay ni Ismael, malungkot siyang napatingin sa dalaga na noo''y hilam na ng luha ang mga mata. "Kaya madalas naming ipaalala sa''yo ng lolo mo na habaan mo pa ang pasensiya mo. Alam naming wala kang kasalanan, dahil ano ba ang alam mo noon, sanggol ka lamang na ang tanging alam lang ay umiyak kapag nasasaktan at tumawa kapag natutuwa. Tungkol naman sa Tiyahin mo, masyado lang siyang nabulagan sa galit niya at hindi na niya natimbang kung sino ba ang may pagkakamali. Nagkamali si Roger na galawin ka at pagbantaan ang buhay mo, dahil sa ginawa niya, kaya siya pinarusahan ng mga nagbabantay sa''yo. Alam naming may nagbabantay sa''yo, sinabi sa akin ni tatay na may mga elementong nagmamasid sa bahay, lahat sila nakabantay sa''yo at lahat sila handang parusahan ang sinomang mananakit sa buhay mo." Sear?h the N??eFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Pero amang, hindi ka ba nagagalit kay Tiyo Roger? Dahil sa kaniya, nawala nang maaga si nanay, siya ang may kasalanan kung bakit inatake ng sakit niya si nanay. May nanay pala dapat ako, hindi ko lang naabutan dahil napakaaga niyang kinuha sa atin." umiiyak na tanong at wika ni Esmeralda. Bagaman hindi niya nakilala si Marie, ramdam niya sa mga kuwento ni Ismael na minahal siya ng sobra ng babae. Ramdam niyang kung nabubuhay pa ito, isa ito sa pinakamalakas niyang kakampi sa buhay. Nakakapanghinayang lang at maikling panahon lang niya nakasama si Marie at sa mga panahong iyon, wala pa siyang muwang para maramdaman ang atensiyon at pagmamahal na binibigay nito. Chapter 15 Chapter 15 - 15Hanggang sa pagtulog, baon-baon ni Esmeralda ang kuwento ng kaniyang ama tungkol sa namayapa niyang ina-inahan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagkaroon siya ng ina noon, ang buong akala niya si Ismael lang ang magulang na tumayo para sa kaniya. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na mayroong asawa ang kaniyang ama at ito ang nakapulot talaga sa kaniya. Dahil hindi siya dalawin ng antok, lumabas siya ng bahay upang maglakad-lakad sa baryo. Walang direksiyon at patutunguhan ang ginawa niyang paglalakad. Hindi niya alintana ang malamig na simoy ng hangin sa kalaliman ng gabi. Hanggang sa, hindi na niya namalayan na nakarating na pala siya sa bukid. Tahimik at tanging huni ng mga kuliglig lang ang kaniyang naririnig. Napahinto siya sa mataas na parte ng bukid at doon niya mas napagmasdan ang kagandahan ng buong paligid. Sa kaniyang pagmamasid, naagaw naman ang pansin niya ng isang matandang puno ng mangga na nasa ''di kalayuan sa kinatitirikan ng kubo ni Mateo, kumikislap ang mga dahon nitong, animo''y nagliliwanag sa bawat pagtama ng sinag ng buwan. Dali-dali siyang lumapit roon at marahang inilapat ang palad doon. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman niya ang pagdaloy ng tila kuryente mula sa puno patungo sa kaniyang palad. "Puwede pala? Ito na ba ang bago nating tagpuan? Dito na ako mag-aalay? Naku, nakakatuwa naman, mas malapit at puwede ko na kayong makasama araw-araw. Psensiya na kung wala masyadong puno doon sa bakuran ni Lolo Armando, masyado na kasing sibilisado ang lugar na iyon, marmi na ring kabahayan at ang mga puno doon, hindi tulad dito na malalaki at may katandaan na. Pero natutuwa ako, dahil sa wakas nakakita rin kayo ng bagong lagusan at tirahan. Higit na mas malapit naman ito kaysa doon sa bundok," masayang wika niya habang hawak ang katawan ng puno. Sa kauna-unahang beses nang araw na iyon, muling nakaramdam ng kaginhawaan si Esmeralda, umupo siya sa lilim ng puno at marahang isinandal ang katawan sa katawan ng puno. Patuloy lang na nakikipag-usap si Esmeralda sa hangin, na kung may makakakita sa kaniya ay siguiradong iisipin ng mga makakakita na nababaliw na siya. Ang hindi nila alam, samo''t saring mga nilalang na hindi nakikita ang nakapalibot sa dalaga at masayang nakikipagkuwentuhan. Kinabukasan, nakakapagtakang naging maganda ang tulog ni Mateo nang nagdaang gabi, naging malamig kasi ang simoy ng hangin na siyang nagpahimbing pa sa pagtulog niya. Pahikab-hikab pa siya habang papalabas ng kubo. Sa kaniyang paglabas, ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita si Esmeralda na mahimbing na natutulog sa ilalim ng puno ng mangga. Kinusot-kusot pa niya ang mata sa pag-aakalang namamalik-mata lamang siya pero hindi, totoo ang dalaga at hindi lang ito imahinasyon niya. Dali-dali niya itong nilapitan at sinuri kung maayos lang ba ito, nakahinga naman siya ng maluwag nang mapagtantong humihinga pa ito. "Esme, gising. Bakit ba dito ka natulog, paano kung magkasakit ka?" Niyugyog ni Mateo si Esmeralda para gisingin ang dalaga. "Ano ba, istorbo naman ''to. Bakit ba?" reklamo ni Esmeralda at napakamot lang si Mateo. Kunot-noong napatingin si Esmeralda sa kaniya at sa paligid niya. "Mateo? Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ng dalaga. "Ako ang dapat magtanong niyan Esmeralda, bakit ka nandito at bakit ka dito natulog, para kang hindi babae ah, paano kung may napadaan rito na masamang-loob at ginawan ka ng masama? Hay, bumangon ka na nga muna riyan, tara doon sa kubo, sumabay ka na sa akin magkape." Walang imik na sumunod naman sa binata si Esmeralda. Maliit lang kung titingnan ang kubo i Mateo sa labas, pero napakaaliwalas nito sa loob. Maayos ang buong bahay, bagaman hindi karamihan ang gamit doon. May isang mahabang upuan, isang mesa , tatlong bangko na gawa sa kahoy. Isang silid na tanging kurtina lang ang nagsisilbing pinto. Mahangin rin sa loob ng kubo dahil sa naglalakihang mga bintana na sa mga oras na iyon ay nakabukas na. May maliit na dapugan rin sa loob, na may kalan na gawa sa putik, de-oling ang kalan na iyon na sa mga pagkakataong iyon ay may nakasalang na na takure. Umuusok na rin ito at naglalabas ng matinis na tunog, hudyat na kumukulo na ang tubig. Mabilis na inahon naman iyon ng binata at nagsalin ng mainit na tubi sa dalawang tasa. "Kape ka muna, para mainitan ang tiyan mo. Ano ba ang nangyari at doon ka natulog kagabi." tanong ni Mateo habang nagtitimpla ng kape. "Wala naman, hindi lang ako nakatulog kagabi, naglakad-lakad at hindi ko namalayan na nakarating na ako rito," simpleng tugon lang ni Esmeralda at napaangat naman ang kilay ni Mateo. "Alam mo, tingin ko kailangan mo lang ng pahinga sa lahat. Gusto mo bang sumama sa akin mamaya, pupunta ako sa ilog doon sa dulo para manguha ng ulang, tamang-tama, mamayang gabi pa naman iyon, puwede tayong magdala ng tent para doon magpalipas ng gabi kung gusto mo." suhestiyon ni Mateo at kumislap naman ang mata ng dalaga. "Mukhang magandang ideya nga iyan, sige , punta tayo mamaya, parang gusto ko ring makita ang ilog dito. Malayo ba iyon, anong oras tayo pupunta?" "Mamayang hapon, magpaalam muna tayo kay Manong Ismael, baka kasi mabatukan ako kapag dinala kita roon nang hindi niya alam." nakangiting wika ni Mateo, natawa naman si Esmeralda at napatango. Matapos magkape, tinulungan na muna ni Esmeralda si Mateo sa pagbibinyag sa mga pananim sa bukid, tanghali nang bumalik sila sa bahay para magpaalam kay Ismael at Armando. "Sige Mateo, para naman magkaroon ng oras ''yang si Esmeralda sa sarili niya. Basta mag-iingat lang kayo sa gawing iyon, tingnan niyo muna ang tubig kung maayos ang daloy, kapag masyadong mabilis, bumalik na lang kayo sa susunod na araw." wika ni Ismael nang magpaalam sila. Tuwang-tuwa naman si Esmeralda nang pumayag na ang kaniyang amang. Unang beses kasi iyon na makakapunta siya sa ilog dito sa bayan ng Luntian. sea??h th§× novel(F~)ire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Bakit ang laki naman yata ng bag na dala mo, ano ba iyang mga bitbit mo?" nagtatakang tanong ni Mateo nang makita ang bitbit na bag ng dalaga. Natatawa pa siya dahil parang pang isang linggo ang bitbit nito. "Mga gamit ko, ah, basta, huwag ka na ngang magtanong, ako naman ang magbibitbit nito." sagot lang ni Esmeralda at inirapan ang binata. Alas dos nang umalis sila ng bahay at sumakay na sila ng traysikel patungo sa dulong bayan. Doon ay bumaba sila at pinasok ang masukal na daan patungo sa gubat. Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay may nakasabay silang mga estudyante na animo''y naroroon din para mag-enjoy. Kaniya-kaniyang bitbit din ang mga ito ng kanilang bag at nagkatinginan pa si Mateo at Esmeralda dahil doon. "Sa ilog din ba ang tungo niyo?" tanong ni Mateo nang makasabay na nila ito sa daan. "Oo, doon din ba ang tungo niyo? sabay na lang tayo. Hindi rin kasi namin kabisado ang papunta roon," sagot naman ng isang lalaki na nagpakilala sa pangalang Andres. "Ito naman si Rico, James at Sandra, magkaklase kami at sa kabilang bayan pa kami galing. Si Rico ang taga-rito Luntian pero sa kabilang purok pa siya nakatira kaya hindi talaga namin kabisado rito." dagdag pa ni Andres, sa tatlong lalaki, si Andres ang palakaibigan habang ang iba nitong kasama ay tila mahiyain. Ang babae naman ay tahimik lang na para bang nagmamasid. "Ganoon ba, tagapurok uno kami, pero ako, ilang beses na akong nakapunta rito, ako nga pala si Mateo, ito naman si Esmeralda, ito rin ang unang beses dito ni Esme, sumunod na lang kayo sa amin, kabisado ko naman ang daan dito." saad ni Mateo, na ikinatuwa naman ng mga estudyante. Dahil kabisado ni Mateo ang daan, mas napadali ang kanilang paglalakad dahil alam na ng binata kung saan sila dadaan na hindi mabato o hindi masyadong masukal. Pagdating sa ilog ay agad na namangha si Esmeralda sa napakagandang tanawin roon. Napakalinis ng tubig sa ilog, bahagyang mabato ay may parte din namang may kalaliman ang tubig. Malinaw rin ang tubig at halos makikita mo na ang nasa ilalim. Masukal na mga puno naman ang nasa harap nila, at mapapatingala ka talaga sa taas ng mga punong-kahoy na naroroon. Agad na silang naghanap ng malalatagan nila ng kani-kanilang mga tulugan para mamayang gabi. Tulong-tulong na sila sa pagtatayo ng kanilang mga tent, hindi na rin nagpaligoy-ligoy pa si Mateo at itinayo na rin ang magiging pahingahan nila ni Esmeralda. "Esme, ako na ang magtatayo ng tent mo, dito na lang tayo sa parteng ito, maghanap ka na lang ng mga kahoy para mamaya, susunod ako sa''yo pagkatapos ko rito." wika ni Mateo at napatango naman ang dalaga. Muling pinasok ni Esmeralda ang kasukalan upang manguha ng mga tuyong kahoy na nagkalat sa lupa. Saktong nakakarami na siya nang marinig naman niya ang pamilyar na tinig sa isipan niya. "Liyab, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Esmeralda at isang uwak ang dumapo sa balikat niya. "Wala kaming misyon, nandito lang kami para magpahinga at manguha ng ulang mamaya." natatawang wika ni Esmeralda, maya-maya pa ay muli nang lumipad ang uwak papalayo sa kaniya at dumating naman si Mateo para tulungan siya sa pagbitbit ng mga nakuha niyang kahoy. Pagdating nila sa ilog, kasalukuyan nang naglalaro sa tubig ang mga estudyante, may kung ano ring kinukuha nag mga ito sa mabatong parte ng ilog. Lumapit naman doon si Esmeralda para makiusyuso at doon niya nakitang mga bato pala ang kinukuha ng mga ito. "Gagamitin namin ito sa isang school project namin, ito talaga ang pakay namin dito, isinabay na lang namin ang maikling bakasyon para kahit papaano may isang araw at gabi kaming pahinga. Kayo ba?" wika ni Rico nang magtanong si Esmeralda. "Mangunguha kami ng ulang mamayang gabi. Kumakain ba kayo no''n?" tanong ni Esmeralda at nagkatinginan naman ang apat. "Esme, pasensiya ka na sa tanong ko ha, pero hindi ka ba nag-aaral? Kayo ni Mateo, para kasing nagkakalapit lang naman ang mga edad natin." tanong ni Sandra. Mahinahon ang boses nito habang matamang nakatingin sa kaniya. "Hindi, pero marunong naman kaming magbasa at magsulat," tila walang pakialam na sagot ni Esmeralda. Muling nagkatinginan ang apat at sabay-sabay na nagkibit-balikat bago nagkangitian. "Pero alam mo, nakakainggit kayo ni Mateo, kasi wala kayong pinoproblema na gawain sa skuwelahan, minsan, nakakasalakal rin talaga ang mga gawain doon, hindi ko nga alam kung may silbi ba ito sa kahaharapin namin." sabad ni Sandra na sinang-ayunan naman ng iba. Chapter 16 Chapter 16 - 16Masayang nakipagkuwentuhan si Esmeralda sa mga estudyante, pinakita rin ng mga ito ang kanilang proyektong gagawin at tumulong na rin si Esmeralda sa paghahanap ng makikintab na bato na gagamitin nila. Sa pagsapit ng dapit-hapon, naghanda naman sila ni Mateo ng mga bitag para sa ulang na huhulihin nila. Inihanda na ni Mateo ang mga isdang binili nila sa palengke at iyon ang gagamitin nilang pain para sa mga ulang. Matapos ang paghahanda, inilagay nila ang mga isda sa mabatong parte ng ilog, at sa ilalim ng ugat ng mga bakawan sa ilog. Habang naghihintay sa mga paglabasan ng ulang, nanguha naman si Mateo ng bunga ng nipa na nagkataong hinog na. "Tamang-tama ito, siguradong matutuwa si Lolo Mando kapag inuwi natin ito." tuwang-tuwa na wika ni Mateo habang bitbit ang bunga ng nipa. Napangiti naman si Esmeralda nang makita ito. Halos dalawang oras din ang nakalipas simula nang iwan nila ang bitag sa ilog, at nang balikan nila ito, ay laking tuwa nila nang makitang may laman na ang lambat na inilagay nila. "Hala, ang tataba naman pala ng mga ulang dito, hindi ba''t mahal iyan sa palengke? Ay nakakatuwa naman pala rito," masayang wika ni Sandra habang iniilawan nila ang lambat na iniwan nila sa ilog. "Syempre, basta''t masipag ka lang, hindi ka magugutom rito. O siya, marami-rami na rin ito, puwede na natin itong lutuin, may natira pa akong isda doon, maglalagay lang ako ng bitag sa bandang dulo nito, siguradong marami din doon." Wika pa ni Mateo, isinalin na ni Mateo ang mga ulang sa dala nilang basket at ibinigay iyon kay Esmeralda upang malinisan na at mailuto para sa hapunan nila. "Grabe, pakiramdam ko para lang tayong nagka-camping talaga. Biruin mo, naranasan natin magluto ng kanin sa kawayan," tuwang-tuwang isinasalin ni Andres ang kanin mula sa kawayan patungo sa dahon ng saging na kinuha pa nila. Masaya nilang pinagsaluhan ang simple nilang hapunan. Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, bigla naman silang nakarinig ng mga kaluskos na nanggagaling sa gubat. "Ano ''yon? Hala, baka may mabangis na hayop ang biglang umatake sa atin dito." kinakabahang wika ni Sandra. "Mabangis na hayop? Wala no''n dito, aswang mayron." tugon naman ni Mateo habang patuloy na kumakain. "Ha, aswang? Mayroon no''n dito? Hoy, Rico, may aswang ba rito?" tanong ni Sandra habang sumisiksik sa mga kasama. Nagpatuloy ang kaluskos sa gubat na animo''y papalapit na sa kanila. Nagbigay iyon ng matinding kilabot at takot sa apat na estudyante habang si Esmeralda at Mateo naman ay patuloy lang na kumakain, hindi alintana ang mga ingay sa kanilang paligid. "Bakit parang hindi kayo natatakot?" Tanong ni James. Napatingin din sa kanila ang tatlo pa nitong kasama. Napatingala naman si Esmeralda at tumingin sa mga ito bago ngumiti. "Walang dapat ikatakot, hindi mabangis na hayop, hindi rin aswang ang naririnig niyo. Simpleng mga panggabing hayop lang ang mga iyan na tulad natin ay nanginginain." Sagot naman ni Esmeralda. "Paano mo nasabi?" tanong ni Rico. "Basta, alam ko lang. Kung may aswang man, hindi kaluskos ang una niyong maririnig kun''di ang huni ng alaga kong uwak. Kapag may mabangis na hayop naman, hindi sila lalapit dito dahil may apoy tayo." Dahil sa sagot ni Esmeralda, nakampate naman ang apat at nagpatuloy na sa pagkain. Matapos kumain ay kaniya-kaniyang ligpit na sila ng kanilang pinagkainan. Dahil mga dahon naman ang gamit nila sa pagkain, inilibing na lamang nila ito sa butas na ginawa ni Mateo. Saglit pa silang nagkuwentuhan bago tuluyang nagpahinga sa kani-kanilang mga tulugan. Sa kalagitnaan ng gabi, lumabas si Esmeralda nang makarinig siya ng pagtawag ni Liyab. Paglabas niya sa tinutulugan niya ay bumungad agad sa kaniya ang maalinsangang simoy ng hangin. S§×arch* The ¦ÇovelFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Mukhang may naliligaw na bisita," puna ni Esmeralda, bitbit ang kaniyang itak, tinungo niya ang ginawa nilang siga at dinagdagan pa iyon ng kahoy. Nang masiguro na niyang malaki na ang apoy ay tumingala naman siya sa kalangitan. Nakita niya ang paglipag ni Liyab paikot sa kinaroroonan nila, nagbibigay ito ng hudyat na may nilalang na papalapit sa kanila. Ilang sandali pa ay maging si Mateo ay nagising na rin, lumalakas kasi ang huni ni Liyab na siyang nagpagising sa binata. "Esme, saan ka pupunta? Hindi mo ba naririnig ang huni ng uwak?" "Naririnig ko, kaya nga ako aalis para tingnan, hindi magkakaganiyan si Liyab kung hindi mapanganib ang nilalang na malapit dito. Alalahanin mo, may mga kasama tayong taong walang kaalam-alam sa kanila. Ang mabuti pa, magbantay ka lang dito, babalik ako kaagad." Wika ni Esmeralda at tinungo na ang madilim na kasukalan ng gubat. Naiwan naman si Mateo at napabuntong-hininga na lamang habang dinadagdagan ng kahoy ang apoy sa gitna ng kanilang tinutulugan. Tahimik na nagmamatyag si Esmeralda sa gitna ng kadiliman. Bagaman walang kahit anong liwanag, malinaw niyang nakikita ang kabuuan ng gubat. Patuloy pa rin sa paghuni si Liyab na noo''y nasa itaas na ng punong pinagtataguan niya. Ilang sandali pa, isang mala-aninong nilalang ang nakita niyang gumagalaw sa kadiliman. Kulay itim ang balat nitong may namumulang mga mata, pansin niya rin ang malabunot nitong buhok na maihahalintulad mo sa mga katutubong may kulot na buhok. Humahalo na rin sa hangin ang moy nitong animo''y nabubulok na karne. "Aba''t may naliligaw pang bonggo rito. Saang lupalop naman kaya galing ito? Hindi ko alam kung ako ba ang malas o ang nilalang na ito." Umiiling na wika ni Esmeralda, sa lahat ng mga nilalang ang bonggo talaga ang kaniyang iniiwasan. Hindi dahil isa ito sa mga sinaunang aswang na malalakas kun''di dahil sa nakakadiri nitong amoy na kayang baligtarin ang sikmura mo. Tumindig si Esmeralda mula sa kaniyang pinagtataguan habang mahigpit na hinahawakan ang kaniyang itak. "Hoy bonggo, ano''ng masamang hangin ang nagdala sa''yo rito?" Tawag niya sa pansin nito. Agad namang napalingon sa kaniya ang nilalang at naglikha ito ng nakakakilabot na pag-angil. Kitang-kita ni Esmeralda ang paglabasan ng nangingitim nitong mga pangil at ang pagsiuslian ng mahahaba nitong kuko. "Unang biktima!" Angil nito at walang sabi-sabing nilundagan ang dalaga. "Tingnan natin kung sino ang magiging biktima nino..." Mabilis na umilag si Esmeralda at dinaluhong ang nilalang ng taga gamit ang kaniyang itak. Nagpangbuno sila sa gitna ng kadiliman at tanging ang tunog ng nagbabanggaang kuko ng nilalang at itak ni Esmeralda ang maririnig sa kalaliman ng gabi. Sa isang mabilis na galaw, inihagis ni Esmeralda ang kaniyang punyal na tumama sa balikat ng nilalang. Napasigaw ang bonggo, umagos ang maitim na dugo mula sa sugat nito subalit hindi ang sugat na iyon ang nagpatigil sa nilalang. Umaatungal na nilundagan nito si Esmeralda at nahagip ng matutulis niyang kuko ang braso ng dalaga dahilan para mabitawan niya ang hawak niyang itak. Napaigik sa sakit ang dalaga, ngunit wala itong sinayang na oras. Mula sa kaniynag bulsa ay dumakot siya ng asin at mabilis na isinaboy sa nilalang. Pumalahaw sa sakit ang bonggo, ang balat nito ay tila naaagnas na nasusunog dahil sa pagtama ng mga butil ng asin. "Ahhhh, ang sakit! Humanda ka, dahil pagbabayaran mo ang ginawa mong ito sa akin!" Sigaw ng bonggo, umaangil ito habang umaatras. Nang makita ito ni Esmeralda, alam niyang nagbabalak itong tumakas sa mga kamay niya. Ngunit hindi siya pumayag. Walang sabi-sabing tinakbo niya ang nilalang at mabilis itong sinakal. Gulat na gulat ang nilalang sa angking bilis ng dalaga. Maging ang higpit ng pagkakahawak nito sa kaniyang leeg ay kakaiba. Hindi niya magawang makaalpas kahit anong gawin niyang pagpalag. Dahil dito ay nakaramdam na ng takot ang nilalang kay Esmeralda. Nang mga panahong iyon napagtanto ng nilalang na nagkamali siya ng taong bibiktimahin. "Ngayon sino ang biktima nino? Kayong mga aswang, hindi niyo kayang kilalanin ang mga kinakalaban niyo, akala ba ninyo, kayo lang ang malakas? Hindi sa habang panahon, matatakot ang tao sa inyo. Hindi sa habang panahon, kaya niyon pamunuan ang kadiliman ng mundo." Halos pabulong na wika ni Esmeralda, nanlalaki ang mga mata ng bonggo nang makita ang pagkulay ginto ng mga mata ng dalaga. Humigpit pang lalo ang pagkakasal ni Esmeralda sa nilalang hanggang sa tuluyan itong mangisay ay may kung anong lumagutok sa leeg nito na ikinasawi ng nilalang. Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Esmeralda nang walang kaabog-abog niyang itinapon ang katawan ng bonggo sa lupa. Napamura pa ito dahil naaamoy niya sa kaniyang kamay ang amoy ng nilalang. Padabog at dali-dali siyang naglakad pabalik sa ilog at walang lingon-lingon nilagpasan si Mateo na noo''y napatayo na sa kinauupuan nito. Pagdating sa tubig ay agad niyang hinugasan ang kaniyang kamay. Sa pagdampi ng malamig na tubig sa balat ng dalaga at agad ring nawala ang pakiramdam niyang pandidiri. Nawala na rin ang mabahong amoy sa mga kamay niya. "Anong nilalang iyon. May narinig akong angil at atungal, napat*y mo ba?" Sunod-sunod na tanong ni Mateo sa dalaga. "Tapos na, bonggo iyon, mukhang hindi na rin ligtas ang gubat na ito. Hindi ko alam kung saan sila nanggagaling at bakit bigla-bigla na lamang silang sumusulpot. Una doon sa Tres, ang harimodon, hindi pa iyon ang pinakahari nila, masyado iyong mahina. Pakiramdam ko, isa lang iyon sa paraan nila para mas mapalawak pa ang sakop nila sa mundo natin." "Ibig sabihin, bumabalik na sila? Ngayon pa na nagiging moderno na ang mundo natin?" Tanong ni Mateo. Umiling naman si Esmeralda at naupo sa harap ng apoy para magpainit. "Wala naman sa pagiging moderno ng mundo, parang tao lang din sila, nakikibagay at mas magiging mas matalino, hindi natin alam na ang ibang nakakasalamuha natin ay mga nilalang na pala ng dilim at sila ang mas nakakatakot. Hindi mo alam kung saan at kailan sila aatake." Sagot naman ng dalaga. Chapter 17 Chapter 17 - 17Natahimik namna si Mateo at malalim na pinag-isipan ang sinabi ng dalaga. Maya-maya pa ay napahikab na lamang si Esme at nagpaalam na sa binata na magpapahinga. Saglit muna nilang tiningnan ang mga kasama nila at nang masigurado nilang nasa maayos ang mga ito ay pumasok na sila sa kani-kanilang tulugan. Kinabukasan, naging maganda naman ang gising ni Esme, dahil sanay sa puyatan ang katawan niya, maaga pa rin siyang nagising at siya na mismo ang tumingin sa bitag na inilagay ni Mateo. Tuwang-tuwa pa siya nang makitang marami ang nahuling ulang doon. Dali-dali niya itong isinalin sa balde at mabilis nang bumalik sa mga kasama. Sakto namang kakalabas lang din ng mga ito sa kani-kanilang tulugan. Masaya niyang binati ang mga ito at inilapag sa lupa ang balde na may lamang ulang. "Naku, napakaganda talaga ng naging experience natin dito. Salamat sa inyo ni Kuya Mateo, Ate Esme, kung hindi dahil sa inyo siguradong matatagalan bago kami makakuha ng aming mga kailangan. Bukod sa mga bato, nakakuha rin kami ng samo''t saring halaman na sa gubat lang makikita." Masayang wika ni Rico. "Oo nga, dalawang proyekto agad ang matatapos natin, tapos nag-enjoy pa tayo." Saad naman ni Sandra na tuwang-tuwa. "Walang ano man ''yon, marami din naman kaming natutunan ni Mateo sa inyo. Salamat dina t hindi naging masayadong tahimik ang pananatili namin dito." tugon ni Esmeralda. Matapos mailigpit ang kanilang mga gamit ay sabay-sabay na rin nilang tinahak ang daan patungo sa labas ng gubat. Pagdating nila sa bayan ay doon na sila naghiwa-hiwalay ng landas. Sakay ng traysikel, bumalik na sa purok uno sina Mateo at Esmeralda. Pagdating nila sa bahay, ay naabutan na naman nila si Silma na noo''y mahinahon nang kausap ang lolo niya. "Magandang umaga ho, lolo, amang at tiya," bati ni Esmeralda, kahit masama ang pakikituingo nito sa kaniya ay hindi pa rin niya kinakalimutan ang maging magalang dito. Masayang tinugon naman iyon ng dalawang lalaki at masamang tingin naman ang binato sa kaniya ng babae. Nagkibit-balikat na lamang siya at dinala na ang balde na may lamang ulang sa kusina. "Esme, dito na daw muna titira ang tiya mo, ayos lang ba sa''yo?" tanong ni Ismael sa dalaga. Napalingon naman si Esmeralda at ngumiti. "Oo naman ho, hindi ko naman bahay ito at may karapatan naman po si Tiya Silma rito. Amang, huwag kang mag-alala, kaya kong pakisamahan si tiya, kung hindi naman, malapit ang bukid, puwede akong makituloy doons a kubo ni Mateo." sagot lang niya at nagkita niyang napataas ang kilay ni Ismael. "Napapansin ko nga, mukhang nagiging malapit ka na kay Mateo, pero ayos lang iyan, mabait na bata naman iyang si Mateo at may tiwala ako sa kaniya. O siya sige, kapag napupuno ka na, pumunta ka kay Mateo, hayaan mo at magpapagawa rin tayo ng maliit mong kubo roon." nakangiting wika ni Ismael, kumislap naman ang mata ni Esmeralda at napahawak sa kamay ng ama. "Amang, gusto ko po roon sa may matandang puno ng mangga, magpapatulong ako kay Mateo sa paggawa, kami na po ang bahala, may nakita akong kawayanan sa dulo at mukhang sakop pa iyon ng lupa ni lolo," sabik na wika ni Esmeralda na ikinatawa naman ng lalaki. "Oo, kung saan mo gusto, malaya kang magtayo ng kubo roon. Sige na, magpahinga ka muna, mamaya mo na linisin iyang mga ulang, at darating naman dito ang katiwala ng lolo mo, sa kaniya ko na ipapaluto. Mas maigi na rin iyong may kubo tayo roon, doon na rin natin gagawin ang panggagamot, dahil siguradong maiingayan ang tiya mo kung dito," sang-ayon ni Ismael. Tumango naman si Esmeralda at ipinatong na sa lababo ang balde, bago tinungo ang kuwarto para magpahinga. Akmang papasok na siya sa kaniyang silid nang makasalubong niya ang isang dalaga na kakalabas lamang ng katabi ng silid niya. "Ikaw ba ang ampon ni Tiyo Ismael? Ikaw ''yong sinasabi ni mama na may lahing bruha?" mataray na tanong nito habang nakataas pa ang kilay na tinititigan siya. "Oo, ako si Esmeralda, anong pangalan mo?" Tanong niya, hindi niya ito tinawag na pinsan dahil sa tono pa lamang ng boses nito ay ramdam niya ang malaking pagkadisgusto nito sa kaniya. "Leslie, siya nga pala, ipapaalala ko lang sa''yo. Huwag kang magkakagusto kay Mateo, hindi kayo bagay." wika pa nito sabay alis. Napakunot naman ang noo ni Esmeralda sa tinuran ng dalaga. Nagkibit-balikat na lamang siya at pumasok na sa silid at nahiga sa malambot niyang higaan. Saglit lang siyang umidlip doon at matapos at naligo na siya at tinungo na ang bukid. "Mateo, may gagawin ka ba?" bungad na tanong ni Esmeralda sa binata. Naabutan niya itong nakaupo sa papag sa harap ng kubo nito habang may kung anong iniinom. "Ikaw pala Esme, wala naman, kakatapos ko lang binyagan ang mga tanim natin. Bakit mo nga pala naitanong?" tanong ni Mateo. "Magpapatulong sana ako sa''yo, gusto kong magpagawa ng kubo doon sa malaking puno ng mangga." "Talaga? Sige ba, magtatawag ako ng tutulong sa atin para naman mapabilis tayo, anong materyales ba ang gusto mong gamitin?" Tanong ulit ng binata at napangiti si Esmeralda sabay turo ng kawayanan sa dulo ng taniman nila. "Naku, sigurado ka ba? sabi-sabi kasi noon na may nakatirang maligno diyan kaya hindi iyan ginagalaw ng kahit sino." Umiiling na wika ni Mateo. "Walang maligno riyan, laman-lupa meron, pero huwag kang mag-alala, kakausapin ko silang lumipat doon sa puno ng mangga." sagot naman ni Esmeralda at dali-dali nang tinungo ang kawayanan. Naiwang napatulala naman si Mateo sa tinuran ng dalaga bago napahagalpak ng tawa habang umiiling. Nang marating naman ni Esmeralda ang kawayanan, wala naman siyang nakitang malaking punso na kalimitan ay siyang palatandaan na may nakatirang lamang-lupa o mga duwende sa lugar. Bagaman wala, ramdam pa rin niya ang mga presensiya nitong nagkukubli sa masukal na kawayanang iyon. Bumuntong-hininga si Esmeralda at saka umupo sa tabi ng kawayanan bago nagsalita, "Mga kaibigan, nais ko sanang magpaalam. Kung inyong mararapatin, maaari ko bang pakialaman itong mga kawayan na tirahan ninyo? Alam kong kalabisan itong hinihingi ko at matagal na kayong nandito, pero sana paunlakan ninyo itong pakiusap ko. Kung nais niyo, maaari kayong tumira doon sa puno ng mangga kung saan ko itatayo ang bahay ko gamit itong mga kawayan ninyo. Hihingi sana ako ng senyales, kung papayag kayo, maaari bang mag-iwan kayo ng isang puting bulaklak at kung hindi naman, maaari bang mag-iwan kayo ng kahit anong bagay na aakma sa inyong pagsalungat? Hihintayin ko ang tugon niyo, babalik ako rito mamayang alas tres ng hapon. Maraming salamat, mga kaibigan." Tumayo na si Esmeralda at walang lingon-lingong iniwan ang naturang lugar. Bumalik na siya sa kubo ni Mateo at nag-usap na ang mga ito tungkol sa bahay na itatayo nila sa ilalim ng puno ng mangga. "Kinahapunan at bumalik na si Esmeralda sa kawayanan, ganoon na lamang ang tuwa niya nang makita niya ang isang bungkos ng puting rosas na nakasabit sa isang malking buko ng kawayan. Kinuha niya ito at masayang ibinalita kay Mateo ang magandang balita. "O, saan mo naman nakuha iyan, ang gaganda niyan ah," puna ni Mateo, ngumisi naman si Esmeralda at iminuwestra sa binata ang mga puting rosas. "Pumayag na sila, puwede na nating kunin ang mga kawayan doon, bukas ng umaga, maaari na tayong magsimula. Tutulong ako sa pagtagpas ng mga kawayan. Mamayang gabi, paniguradong lilipat muna sila dito sa puno ng mangga, Mateoi, huwag ka munang magpapalapit ng mga bata rito habang hindi pa natin naitatayo ang bahay o nababakuran man lang." Paalala ni Esmeralda. Naguguluhan man, ay hindi na kumontra ang binata, ngumiti lang siya at tumango sa dalaga. Nakangiti niyang pinagmamasdan ang masayang mukha ni Esmeralda habang nakatingin sa mga puting rosas na hindi niya pa rin alam kung saan galing. "May pitong puting rosas na ibinigay sa akin, ibig sabihin, pito silang lahat ang nakatira sa kawayanan. Kaya siguro napakalalaki ng mga buko ng kawayan doon at mukhang matitibay." wika pa ng dalaga. sea??h th§× nov§×lF~ire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. kinabukasan nga, sa tulong ng tatlo pang kaibigan ni Mateo na kinumbida niya sa paggawa ng bahay na itatayo sa bukid, ay mas napabilis ang kanilang paghahanda. Tulad nang naunang plano, si Esmeralda ang nanguna sa pagpuputol ng mga kawayan. "Grabe, babae ba talaga iyan Mateo? Ang lakas niya, tapos parang hindi nakakaramdam ng pagod," pabulong na tanong ng isang lalaki kay Mateo. "Bukod pa riyan, siya lang talaga ang nangahas na magputol ng kawayan rito, mukhang wala naman palang nakatira rito, inuuto lang talaga tayo ng mga matatanda noon." tatawa-tawang wika naman ng isa. "May nakatira dito, andoon lumipat sa puno ng mangga." walang kaabog-abog na sagot ni Mateo. Natahimik naman ang tatlo at nagkatinginan, animo''y tinakasan ng kulay ang kanilang mga mukha. Mapaniwalain kasi ang mga tao roon lalo pa nag mga may edad na, simula pagkabata, talaga naniniwala na sila sa mga nilalang na hindi nakikita. "O, bakit para kanyong nakakita ng multo riyan?" "Seryoso ka ba, lumipat doon sa mangga, e'' di ba doon natin itatayo ang bahay? Paano kung manuno tayo roon?" kinakabahang wika isang kaibigan niya. Natawa naman si Mateo at tinapik ang balikat ng tatlo. "Huwag kayong mag-alala, iilag naman daw sila, sabi ni Esmeralda," sambit ni Mateo sabay hagalpak ng tawa. "Bakit parang tuwang-tuwa kayo riyan. Hindi niyo ba ako tutulungan?" Tanong ni Esmeralda sabay bagsak ng tatlong pusog ng kawayan sa harapan nila. Gulat na gulat naman ang mga ito nang makitang walang kahirap-hirap na binuhat lang ng dalaga ang mga kawayan sa kabila ng bigat at laki nito. Nang pagtalikod ni Esmeralda ay muli namang nagbulungan ang mga ito. "Nakita niyo ''yon, ang lakas niya hindi normal," bulong na puna ng isa. "Baka naman pinaglihi ''yan sa mga amazona. Hoy Mat, sigurado ka bang babae iyon?" tanong naman ng isa at natawa si Mateo. "Babae si Esmeralda, at huwag niyo nang pinapansin ang mga nakikita niyo. Tumulong na lang tayo baka mainis iyon at ibalibag kayo bigla, bahala kayo riyan." banta ni Mateo at dali-dali naman nagsikilos ang mga ito. Chapter 18 Chapter 18 - 18Halos limang araw rin ang binuno nila para mabuo ang bahay na pinapatayo ni Esmeralda. Hindi kalakihan iyon, may dalawnag maliliit na kuwarto para sa kanila ni Ismael, isang banyo at maliit na lutuan sa loob, nagpalagay rin siya ng isang parte kung saan tatanggap ng pasyente si Ismael. Pinalagyan rin niya ng mataas na bakod gamit ang pinatulis na kawayan ang buong lugar na sakop ang puno ng mangga. Malawak rin ang naging bakuran doon kung saan nakatayo ang puno. "Huwag kayong mag-alala, pagagandahin natin ang bago niyong tahanan, maraming salamat at pinagbigyan ninyo ang hiling ko. Siyanga pala mga kaibigan, aabisuhan ko lang kayo na sa mga susunod na araw, tatanggap na kami ng mga tao rito, mga pasyente iyon ni amang, pero huwag kayong mag-alala dahil, lalagyan ko kayo ng bakod dito para hindi kayo maistorbo." malumanay na wika ni Esmeralda. Kinahapunan nang araw na iyon, bumalik na si Esmeralda sa bahay ni Lolo Armando. Naabutan pa niya itong nakaupo sa tumba-tumbang upuan sa balkonahe. "Lo, bakit kayo nandiyan? Mahamog na at malamig na din ang hangin dito, baka magkasakit kayo," wika ni Esmeralda habang papalapit sa matanda. "Malakas pa ako apo, tsaka, mainit doon sa loob, mas masarap ang lamig dito. Kumusta ang ginagawa niyo doon sa bukid, pasensiya na kayo kung hindi ko man lang kayo maprotektahan dito sa pamamahay ko." malungkot na wika ni Armando. "Wala pong problema sa akin iyon lolo, ano ka ba, hindi naman ako araw-araw doon. Kapag kailangan lang, dito pa rin kami titira ni amang." Nakangiting tugon ni Esmeralda. Alam niyang nakulungkot ang matanda dahil sa nangyayari ngayon, lalo pa''t naisipan na rin ni Silma ang lumipat dito para bantayan ang mga galaw nila. "O, buti naman at nandito ka na. Ke, babae mong tao kung umuwi ka gabi na. Bakit ''di mo gayahin ang pinsan mo, taong bahay lang, hindi naglalakwatsa. Palibhasa wala kang pinag-aralan kaya kung sino-sino lang ang sinasamahan mo. Mag-igib ka nga muna ng tubig doon sa balon at maghugas ka na rin ng mga pinagkainan." Tumataginting na utos ni Silma nang makita si Esmeralda. Ngumiti naman si Esmeralda at hinawakan ang kamay ni Armando nang akma nitong sasawayin ang anak. "Opo, tiya. Ilang balde ba ang kailangan mo?" Tanong ni Esmeralda. "Punuin mo iyong dram doon sa likod at nang may pakinabang ka naman dito sa bahay." Mataray na tugon ni Silma sabay talikod. "Apo, pasensiya ka na." "Wala po iyon lo, mag-iigib lang naman. Kayang-kaya ko iyon. Malakas naman ako, ''di ba. Huwag mo na lang siyang kontrahin para hindi kayo mag-away. Maliit na bagay lang naman ang inuutos niya ," nakangiting tugon pa rin ng dalaga. Magalang siyang nagpaalam at kinuha na ang malaking balde sa likod nang bahay. Nakailang balik din siya bago napuno ang malaking dram sa likod ng bahay nila. Imbakan iyon ng tubig na nakasentro sa tarog mula sa bubong. Kaya kapag umuulan, napupuno iyon ng tubig na ginagamit naman nila sa pagbibinyag ng mga pananim sa bakura o ''di kaya naman ay panglinis sa mga maruruning gamit tulad ng mga pala at itak. Matapos makapag-igib, tinungo naman niya ang kusina at nadatnan niya roon ang pinsan niyang prenteng nakaupo sa silya habang kumain. Paglingon niya sa lababo ay nakita niya ang tambak ng mga hugasin. Walang imik niyang nilapitan ito at sinimulang hugasan. Matapos ay nagsaing na rin siya at tumingin sa ref kung may lulutuin ba silang ulam. "Esme, huwag ka nang magluto ng ulam, may binili akong inihaw nariyan lang sa lagayan ng ulam natin." Wika ni Ismael na halatang katatapos lanv maligo. "Ah, sige po amang. Maglilinis lang din po ako ng katawan." Tugon niya at tinungo na ang kuwarto. Kinagabihan, walang imik ang lahat sa hapag-kainan. Tahimik silang kumakain habang si Silma ay panay ang irap kay Esmeralda. Nararamdaman naman iyon ng dalaga, bawat matatalim na titig nito ay ramdam niyang tumatagos sa kaluluwa niya. Marahan siyang bumuntong-hininga at napapailing pa. Matapos kumain ay nag-paalam na siya para magpahinga. Kinabukasan, ganoon ulit ang ganap ni Esmeralda. Matapos ng mga gawaing bahay ay saka naman siya tatakbo patungo sa bukid at sa hapon, gawaing bahay ulit ang haharapin niya. Ilang araw ding ganoon ang ganap sa buhay ni Esmeralda, wala siyang reklamo at tahimik lang na sinusunod ang mga utos ni Silma. Isang araw, isang lalaki ang tila balisang tumitingin-tingin mula sa labas ng kanilang bakuran. Hindi na sana niya ito papansinin pero bigla naman niyang narinig na nagsisisigaw ang tiyahin niya sa labas. "Hoy, sino ka, magnanakaw ka ''noh?" Sigaw ni Silma habang nakapameywang sa harap ng lalaki. Napalapit naman si Esme sa tarangkahan at doon niya nakita kung paano alipustahin ng tiyahin niya ang lalaki. Ang huli naman ay napapayuko na lamg dahil sa kahihiyan, nagsilapitan na rin kasi ang ibang mga kapitbahay nila. "Tiya Silma, tama na po iyan, mukhang hindi naman po magnanakaw si Manong." Sabad ni Esmeralda at natuon naman ang galit ni Silma sa kaniya. "Bakit ka ba kumakampi sa kaniya? Siguro ay magkakuntsaba kayo, may binabalak kayong masama sa bahay, ano?!" Singhal ni Silma. Umugong naman ang bulong-bulungan sa paligid at napailing lang si Esmeralda. "Hindi naman po yata tama ang paratangan ninyo ako ng ganyan. Kahit kailan ay hindi ko pinag-isipan ng masama ang pamilyang kumupkop sa akin, hindi rin tama ang paratangan ang isang taong hindi ninyo kakilala." "Nagmamagaling ka? Kung magsalita ka, akala mo kung sino ka ah, palibhasa wala kang pinag-aralan. Sumasabat ka sa alam mong mas matanda sa''yo, wala kang galang!" Singhal ni Silma at kumunot ang noo ni Esmeralda. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago ngumiti. "Pinapaalala ko lang po sa inyo. Baka po kasi nakalimutan ninyo ang turo sa mga paaralan dahil sa katandaan." Mahinahon nang wika ni Esmeralda. Ang nakangiti niyang mukha ang siyang muling nagpasiklab sa galit ni Silma. Pero dahil wala siyang masabi ay padabog na lamang siyang pumasok at pabalabag na isinara ang tarangkahan dahilan para lumikha iyon ng malakas na tunog. Pasimpleng kinamot naman ni Esmeralda ang kaniyang tainga at saka hinarap ang lalaki na noo''y aligaga pa rin. "Manong, pasensiya na po kayo sa tiyahin ko, hindi pa po kasi nagkakape iyon kaya mainit ang ulo. May hinahanap po ba kayo?" Tanong ng dalaga. "Hinahanap? Hinahanap ko ang bahay ni Ka Mael, may nakapagsabi sa akin na dito na siya lumipat. Umakyat ako sa bundok para puntahan sana siya pero wala nang tao doon sa bahay niya." Wika nito, halatang natataranta ito at hindi mapakali. Maputla rin ang kulay nito at bakas sa mukha nito ang pagod at walang tulog. "Dito nga po ang bahay niya, magpapagamot po ba kayo? Kung oo, mas maigi po kung doon kayo sa bukid pumunta, may kubo po doon sa ilalim ng matandang puno ng mangga. Doon po kayo kikitain ni amang. Pasensiya na po kung hindi kayo maaasikaso agad ni amang dito, nakita niyo naman po kanina. "Paliwanag ni Esmeralda at nakakaintinding tumango ang lalaki. Ilang sandali pa ay umalis na ito at nakita ng dalaga ang mabagal nitong paglalakad patungo sa bukid. Pumasok naman siya sa bahay at doon niya narinig ang reklamo ng tiyahin niya laban sa kaniya. "Pagsabihan mo iyang anak-anakan mo kuya, lumalakng bastos at balahura. Naku, kung ako lang ang nanay niyan, makakatikim talaga siya ng sampal. Masyado mo kasing kinokonsente kaya lumalaking baliko ang katuwiran." Litanya pa ng ginang. Napabuntong-hininga na lamang siya at pumasok na. Nagkunwari na lamang siyang walang narinig at binati ang kaniyang ama. Tiningnan lang niya ang tiyahin nang may ngiti sa kaniyang labi bago ipinaliwanag kay Ismael ang sitwasyon. Nang marinig naman ito ni Ismael ay nagmadali naman itong tumungo sa silid at kinuha ang kaniyang mga gamit. Walang sali-salitang umalis na sila ng bahay matapos na magpaalam kay Armando. Sa daan ay idinetalye ni Esmeralda sa ama ang mga napansin niya sa lalaki. "Kung tama ang hinuha mo, maaaring nasa mahirap na sitwasyon siya. Mas maigi siguro kung ianunsyo na natin ang pagbubukas ng kubos a bukid para doon na magpunta ang mga tao at hindi na umakyat pa ng bundok." "Opo, ''yon din ang naiisip ko. Hayaan niyo at magpapasama ako kay Mateo sa baranggay para abisuhan ang kapitan tungkol sa plano ninyo, amang. At isa pa, nakakahiya kung lahat ng tao mum*rahin ni Tiya dahil lamg hinahanap ka." Umiiling na wika ni Esmeralda. S§×ar?h the Nov§×l?ire.n(e)t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Isa pa iyan. Hindi ko alam kung ano ang ikinakatakot nila para lumipat nang biglaan sa bahay. Noon naman ay ayaw nilang mamalagi riyan at nabuburyong sila." Saad naman ni Ismael. "Hayaan niyo na amang, baka gusto lang din nilang makasama kayo." Ngingiti-ngiting wika ni Esmeralda sabay tawa. Nagtawanan pa sila dahil doon. Nang marating naman nila ang bukid ay nakita nila agad ang lalaki na nakatayo sa harap ng bakod. Hindi ito pumasok at tila mas naging aligaga sa kaniyang paligid. Animo''y lalo itong namumutla at halatang may kinatatakutan nang mga sandaling iyon. Nang ilibot naman ni Esmeralda ang mata ay nakita niya ang mga kaibigan niyang laman-lupa na nasa bakuran niya. Doon nakatuon ang pansin ng lalaki at napapalunok pa ito habang pilit na inilalayo ang paningin sa mga ito. "Amang, mukhang nakikita niya ang mga bantay sa bahay." Bulong ni Esmeralda at nagulat pa si Ismael sa narinig. "Kung nakikita niya ang mga kaibigan mo, ibig sabihin hindi ordinaryo itong bisita natin. Halika na, bago pa tuluyang mawalan mg ulirat ang taong iyan. "Utos ni Ismael at nagmadali na sila sa paglalakad. Chapter 19 Chapter 19 - 19Nang makalapit na sila sa lalaki ay nakita nilang napabuga ito mg hangin. "Magandang araw ho, kayo na po ba si Ka Mael. Maaari niyo po ba akong matulungan?" Tarantang tanong nito habang pasimpleng sumusulyap sa bakuran ng bahay. "Huwag kang matakot, hindi naman sila masama. Mga bantay sila ng bahay, at dito sila nakatira, mga kaibigan ko sila." Wika ni Esmeralda at napatingala naman sa kaniya ang lalaki. "Nakikita mo rin sila? Hindi ka natatakot?" Halos naiiyak na wika nito. Napangiti naman si Esmeralda, hindi niya magawang tawanan ito dahil halata sa mukha nito ang sobrang takot. Naiintindihan rin niya ang takot nito. Sino ba naman ang hindi matatakot? Bagaman alam niyang mabubuting nilalang ang mga nasa bakuran niya, hindi maikakaila ang mga anyo nitong hindi kaaya-aya. Kulubot ang balat na animo''y matatanda, matutulis ang mga tainga na parang dahon, mahaba buhok na kulay abo, at tila nanlilisik pa ang mga mata nitong kakulay ng lila. "Wala kang dapat ikatakot sa mga anyo nila, may mas higit na nakakatakot pa sa mga iyan. Pasok ka muna, doon na natin sa loob pag-usapan ang problema mo." Wika naman ni Ismael. Pagpasok ni Esmeralda, agad naman niyang kinausap ang mga kaibigan niya na manatili muna sa puno ng mangga. Nang sa gayo''y mapanatag ang lalaki habang kinakausap nila ito. "Ako nga po pala si Kaled, ang totoo po niyan, nagpunta ako rito para humingi ng tulong. Ilang gabi na rin po kaming ginagambala ng aswang sa bahay namin. Hindi ko mawari kung anong klase, pero madalas, nasa itaas ng bubong namin tapos si nanay, laging sumasakit ng tiyan. Nitong nakaraan, hindi na kinakaya ng luya o ibang pangontra. Ilang albularyo na rin ang nilapitan namin doon sa aming bayan pero lahat sila sumuko na. Kayo na po ang huling albularyong kilala ko rito, kahit malayo nagbaka-sakali na ako." Salaysay ng lalaki. Nagkatinginan naman ang mag-ama sa narinig. Kumunot ang noo ni Esmeralda dahil ang buong akala niya ang ikokonsulta nito ay ang ikatlo nitong mata. "Aswang, sa bahay niyo? Saan ba ang bahay niyo?" Tanong ni Esmeralda. "Sa bayan ng Lawag ako nakatira, ilang buwan na ring umaatake sa bayan namin ang mga aswang na iyon. Ilang biktima na rin ang palaging natatagpuan sa mga masusukal na bahagi ng bayan. Ang ibang albularyo sa amin ay nauna nang nagung biktima at si Tata Selo na lamang ang natira, pero matanda na siya at walana siyang magawa sa mga pag-atakeng iyon. Pakiusap tulungan niyo ang bayan namin." Halos manikluhod na ang lalaki habang nagmamakaawa sa tulong na hinihingi nito. Napabuntong-hininga naman si Ismael at tumingin kay Esmeralda. "Ano sa palagay mo anak?" "Nais ko pong makita ang lugar, puntahan natin amang," wika ni Esmeralda at tumango naman si Ismael. "Maaari ba akong sumama riyan sa lakad niyo Tiyo Mael?" Pareho pa silang napalingon nang marinig ang boses ni Mateo. Nakadungaw pala ito sa bintana habang nakangiti. Natawa naman si Ismael bago magsalita, "Ikaw pala Mateo, oo naman. Mas marami tayo mas maganda. Para naman hindi kalawangin ang mga itinuro ko sa''yo." Sang-ayon ni Ismael at halos mapatalon naman sa tuwa si Mateo. Nang araw ding iyon ay naghanda na sila at nagpaalam kay Armando. Laking pasalamat naman ni Ismael na naroroon si Silma sa bahay at may kasama ang tatay nila. Pagpatak ng alas otso ay nagsimula na silang maglakbay. Lulan ng traysikel na inupahan nila ay binagtas nila ang daan patungo sa bayan ng Lawag. Ilang oras rin ang binuno nila sa byahe bago nila marating ang bayan ng Lawag. Agad nilang napansin ang kakaibang atmospera sa paligid. Nakaramdam naman nang kilabot si Esmeralda nang madaanan nila ang liblib na parte ng bayan na masukal at may limang kubong nakatirik sa ''di kalayuan. "Matagal na ba ang mga kubong iyan diyan?" Tanong ni Esmeralda. Napatingin naman si Kaled sa parteng iyon. "Matagal na ang mga kubo pero ang mga nakatira riyan, noong kamakailan lang dumating. Simula rin nang pagdating nila, nagsimula ang mga pat*yan dito. Pero walang magawa kahit ang mga nasa katungkulan dahil kahit kubo lang ang tinitirhan nila, protektadp sila ng pinakamayamang pamilya dito sa amin. Nakikita niyo ba ang malaking mansyon na iyon." Itinuro ni Kaled ang isang magarbong bahay na napapaligiran ng naglalakihang mga puno at halaman. "Iyan ang mansyon ng mga San Diego, si Don Hernan ang pinakamayamang hasyendero dito sa bayan ng Lawag, at matagal na rin silang nandito sa bayan, kaya malaki rin ang tiwala ng mga tao sa Don at sa pamilya nito. Ang hindi ko lang alam, paano siya naging kakampi ng mga tao sa purok na iyon. Talagang nakakapagtaka lang." Wika naman ni Kaled habang binabaybay naman nila ang daan patungo sa bahay nito. Makaraan pa ang ilang minuto, narating na nila ang bahay ni Kaled. Nasa tabi ito ng malawak na palayan, at sa itaas ay isang malaking bahay na gawa sa kahoy ang kanilang nasilayan. Maaliwalas naman ang lugar, hindi gaanong dikit-dikit ang kabahayan roon, ''di tulad sa sentro na kanilang nadaanan. Ilang metro lang din ang layo nito sa mansyon ng mga San Diego. "Pasensiya na kayo kung medyo makalat mamaya sa bahay, hindi ko kasi alam kung dumating na ang ate, kapag wala pa, siguradong hindi pa nalilinis ang kalat na naiwan noong nakaraang gabi." Abiso ng binata. "Malaki rin pala ang bahay niyo Kaled, ang kaibahan lang sa kabila, gawa ito sa kahoy habang ang sa Don ay gawa sa bato, sa inyo din ba ang palayang ito?" Tanong ni Mateo na sinang-ayunan naman ni Esmeralda. Maging ito ay naging interesado aa magigibg sagot ng binata. Malungkot itong napatingin sa palayan bago lumipat ang tingin sa bahay. "Oo, sa amin ang palayan at iyan na lang ang natitira sa ari-arian namin. Nang magkasakit si Papa, naibenta rin namin lahat. Namatay siya noong isang buwan, hindi na naagapan ang lumalalang sakit niya, tapos itong aswang naman ang naging problema namin." Saad ni Kaled, bakas sa boses nito ang pagdadalamhati at kalituhan. Nang makapasok na sila ay nakita nilang maayos na sa loob ng bahay. Bumungad naman sa kanila ang isang matangkad na babae na buhat-buhat ang isang bata. "Kaled, buti naman at nakauwi ka na. Sino iyang mga kasama mo?" "Ate, kailan ka nakauwi? Siya nga pala ito si Ka Mael, ang albularyong inirekomenda ni Tata Selo, ito naman nag anak ni Ka Mael, si Esmeralda at si Mateo na rin. Ka Mael ito po ang Ate kong si Sylvia, at anak niya po iyang hawak niya, si Ria." Pakilala ni Kaled sa kapatid at pamangkin. "Naku, kayo po pala iyan Ka Mael, salamat naman po at pinaunlakan ninyo itong kapatid ko. Pasensiya na kayo kung hindi ko na kayo nasalubong kanina. Nakapag-almusal na po ba kayo, tamang-tama ho, katatapos ko lamang magluto. Hali po muna kayo sa loob at nang makakain na tayo." Alok ng babae. Sumunod naman sila rito at sabay-sabay na nga silang kumain. Matapos ay agad namang nilibot ni Esmeralda ang palibot ng bahay. S~ea??h the NovelFire.net* website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Nakitaan niya ito ng mga bakas ng aswang at marka na kaagad din naman niyang inalis. Maging ang puno sa tabi ng bahay ay inakyat rin niya patungo sa bubong. May mga malalapot pang likido na naiwan roon na paniguradong laway ng mga aswang. Sa dami niyon, hindi lang isa ang aswang na bumibisita at gumagambala sa pamilya ni Kaled. Ang tanong lang, bakit ang pamilya nila, dahil lang ba buntis ang nanay nila o may mabigat pang dahilan. Matapos malibot ang lugar at bumalik na siya sa loob ng bahay at doon naman siya naglibot. Lahat ng kuwarto ay sinuri niya, mga bintana at pinto na maaaring pasukan ng mga nilalang. Dahil gawa sa kahoy ang bahay, sinuri rin niya kung matibay ba ito at hindi basta-bastang masisira sa oras na maging agresibo na ang mga nilalang sa pag-atake. Pagpasok niya sa isang silid, doon naman niya nakita ang mga kakaibang gamit na pamilyar sa kaniya. May nakasabit pang buntot-pagi sa dingding na maaaring dahilan kung bakit hindi ito basta-basta pinapasok ng mga nilalang. May mga pinangingilagan sila. Nang pasukin naman niya ang iba pang silid ay ganoon rin ang nakita niya, bawat kuwarto ay may nakasabit na buntot-pagi. Animo''y sinadya iyon ngunit hindi naman lingid sa kaalaman ng mga naroroon. Bumalik na siya sa sala kung saan naabutan niyang sinusuri ni Ismael ang ina ni Kaled. "Maayos naman ang kalagayan ng bata, malapit ka ng manganak, may kakilala ba kayong nagpapaanak sa bayang ito?" Tanong ni Ismael. "Si Nanay Merly ho, isa po siyang kumadrona at hilot, siya rin po ang nagpaanak kay Mama noon sa amin." Sagot ni Sylvia. "Mabuti kung gano''n, ipatawag niyo siya kailangan bukas ay nandito na siya, nararamdaman kung malapit nang lumabas ang kapatid niyo. Hindi maaaring ako ang magpaanak sa kaniya dahil, sigurado akong aatake ang mga kalaban sa oras ng panganganak niya." Nagtinginan naman si Esmeralda, Mateo at Ismael bago tumango sa isa''t isa. Sa pagkakataong iyon ay si Sylvia na ang nagpresentang sunduin si Nanay Merly. Kinahapunan, kasama na niya itong bumalik sa bahay. "Aba''y ngayon ako naniniwala na maliit ang mundo, anak ka kamo ni Armando na albularyo noon? Buhay pa ba ang matandang iyon, ang tagal na din na hindi kami nagkita ah. " Masiglang wika ni Merly. "Kakilala ho ninyo si Tatay?" Tanong ni Ismael at natawa ang matanda. "Aba''y oo, noong kabataan namin, kami ang laging magkasama, tatlo kami ng nanay mo. Syempre sino ang mag-aakala, na sila ang magkakatuluyan noon, away bati ang dalawang iyon at ako ang tagapamagitan. Hanggang sa isang araw, itong tatay mo ay niligawan ang nanay mo, ayon nabuo ang isang pagmamahalang akala namin ay imposible." Kuwento pa nito. "Ikaw pala ang nagmana ng kakayahan ng tatay mo, mabuti naman at pinuntahan niyo ang pamilyang ito. Maagang nawala sa kanila ang kanilang ama, kawawang Lando, hindi man lang inabutan ang paglabas ng pang-apat niyang anak." Umiiling pang dagdag ng matanda. Chapter 20 Chapter 20 - 20Sumapit na ang dapit-hapon at magkatuwang na pinalibutan ni Mateo at Esmeralda ang buong bahay ng mga pangontra. Bawat bintana at pintuan ay nilagyan nila ng asin at sinabitan ng mga baging ng makabuhay. Binaliktad rin nila ang mga walis sa likod ng pinto at magsabit ng mga itak sa bawat sulok ng bahay. Sa ganoong paraan, kahit saan sila naroroon, ay may mahahatak silang panlaban sa oras na makalagpas ang mga nilalang sa paunang harang na ginawa nila. "Nakahanda na ba ang lahat?" Tanong ni Ismael. "Opo, amang. Kamusta ang paghahanda rito?" Sagot at tanong ni Esmeralda. "Maayos at nailatag ko na ang lahat. Sa ngayon, kailangan nating malagpasan ang gabing ito. Hindi natin alam kung ilan ang susugod dito." "Huwag kang mag-alala amang, nakahanda na si Liyab sa labas. At isa pa, bawat silid ng bahay ay may nakasabit na buntot-pagi, itong sala lang at ang kusina ang wala, pero napalibutan na rin namin ng mga pangontra ni Mateo ang lugar, nagbaliktad na rin kami ng walis sa laaht ng pintuan." anunsiyo ni Esmeralda. Sa pagkakataong iyon ay tumango na si Ismael, pinapasok naman nila ang mag-anak ni Kaled sa pinakamalaking kuwarto sa bahay at doon sila nagtipon-tipon kasama ang kumadronang si Merly, nakabukas lang ang pinto nito na nakaharap sa sala kung saan naman tahimik na naghihintay ang tatlo. "Ano, Mateo, handa ka na ba? Siguraduhin mo lang na hindi ka papalya mamaya, sa oras na alam mo nang dehado ka, umatras ka na agad at huwag kang haharang sa landas ko." Paalala ni Esmeralda sa binata, habang hinahasa nito ang hawak na itak. "Oo na, ilang beses mo nang sinabi iyan. Huwag kang mag-alala, alam ko ang limitasyon ko." wika naman ni Mateo. "Huwag na kayong magtalo, ang mahalaga ngayon, mairaos natin ang gabi nang hindi napapahamak ang pamilyang ito, bukas subukan nating maglibot-libot, lalo na doon sa mansyon." saad ni Ismael at sumang-ayon naman ang dalawa. Makaraan ang ilang minuto, sumapit na ang alas-otso nang gabi. Nagsimula na rin umalulong ang mga aso sa ''di kalayuan, hudyat na may paparating ng bisita. sa pagkakataon iyon, narinig na ni Esmeralda ang pagtawag ng alaga niyang si Liyab. Paikot-ikto na itong lumilipad sa itaas ng bubong, hanggang sa maulinigan ni Esmeralda ang pagdapo nito sa punong malapit sa bahay. Habang ang ibang huni ng uwak ay papalayo na, nananatiling nasa malapit ang hiyaw ni Liyab. "Malapit na sila, maghanda ka na, Mateo." wika ni Esmeralda, tumayo sila at magkasabay na silang lumabas sa bahay. Mabilis namang isinara ni Ismael ang pinto at nagsimula nang mag-orasyon. Sa paglabas ni Mateo at Esmeralda, agad na bumungad sa dalawa ang umaalingasaw na amoy sa hangin. Parang pinaghalong, nabubulok na karne at dumi ng manok. Maalinsangan na rin ang hangin, patunay na naroroon na nga ang mga nilalang na kalaban nila. Sa kung anong uri ang mga ito ay hindi pa rin nila mawari. Tahimik na nagmamasid sa paligid si Mateo at Esmeralda, pinakikiramdaman nila ang mga galaw sa kanilang paligid. Sabay pa silang napatingala nang marinig nila ang ingay sa bubong na animo''y may bumagsak na malaking bagay roon. Dali-daling tumakbo naman si Mateo at Esmeralda at tumingala sa bubong, doon ay nakita nila ang tatlong nilalang na nakadapa sa bubong, nanlilisik ang mga mata nito habang kinikiskis ang matutulis nilang mga kuko sa yero, humahaba ang dila nito habang walang patid sa pagtulo ang malalapot nitong mga laway. "Mga tiktik?" bulalas ni Mateo at agad na inihanda ang sarili. "Hoy mga pangit!" sigaw ni Esmeralda sabay bato ng asin sa bubong. Dahil sa ginawa ng dalaga ay nagsipulasan ang mga ito palayo sa parteng tinamaan ng asin. Umangil ang mga ito at galit na tumingin sa kinatatayuan nila. Umugong ang sabay-sabay na pag-angil ng mga ito hanggang sa isang tiktik ang mabilis na kumilos para sunggaban si Esmeralda. Nakakarimarim ang wangis nito, buto''t balat ang anyo, habang kulubot ang balat ng nilalang. Umaagos mula sa nakabuka nitong bunganga ang malalapot nitong laway na, gumagalaw na animo''y ahas ang mahaba nitong dila. Dahil huli na nang mapansin ito ni Esmeralda, natumba siya nang mahagip siya ng nilalang, Tumulo ang laway nito at mabilis naman niyang inilihis ang kaniyang mukha. Sinipa niya ito at dali-dali siyang bumangon. Sa isang iglap, hinugot ni Esmeralda ang matalim na itak na nakasabit sa kanyang likuran. Mahigpit ang hawak niya rito habang naghahanda sa muling pagsalakay ng nakaririmarim na nilalang. Muling sumugod ang halimaw, ngunit sa pagkakataong ito, nakahanda na si Esmeralda. Sa isang maliksing galaw, iniwasan niya ang sumambulat na malagkit na laway at buong pwersang iwinasiwas ang itak. Naputol ang isa sa mga payat at butuhan nitong braso, ngunit imbes na mapasigaw sa sakit, lalong lumakas ang nakasisindak nitong halakhak. Muli niyang iwinaksi ang itak, nakatuon ang paningin niya sa leeg ng nilalang. Isang malakas na hampas¡ª at isang nakakakilabot na tunog ng naputol na laman ang umalingawngaw sa paligid. Bumagsak sa lupa ang walang ulong katawan ng tiktik habang ang ulo naman nito ay tumilapon sa harapan ng dalawa pa nitong kasama. Nang makita naman ni Mateo na natuon ang pansin ng dalawa sa kakamat*y nilang kasama, ay dali-dali niyang tinakbo ang mga ito at sinunggaban ng taga ang unang nilalang na malapit sa kaniya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakailag ang nilalang at sa halip na sa leeg, dumaplis ang talim ng kaniyang itak sa braso nito. Lumikha iyon ng malaking sugat at umusok iyon na tila ba nasusunog ng asido. Nakakapangilabot na sigaw ang pinakawalan ng tiktik, ramdam ang galit sa sigaw nito. Napatakip naman sa tainga si Mateo dahil sa tila nanunuot sa loob ng tainga niya ang hiyaw nito. Tila umikot naman ang paningin niya at bahagya siyang nahilo dahil doon. "Mateo, ilag!" Pagkasigaw ni Esmeralda ay napamulat ng mata si Mateo, doon niya nakita ang nakangising tiktik na papasugod na sa kaniya. Iwinasiwas niya sa ere ang kaniyang itak dahilan para muli niyang matamaan ang nilalang at napaatras naman siya para lumayo nang bahagya rito. Bumagsak sa lupa ang buto''t balat na katawan ng tiktik at halos pagapang itong umaangil kay Mateo. Laylay ang isa nitong braso na nahagip ng itak ni Mateo, kasabay ang nakakangilong tinig nito habang iniinda ang sakit at hapdi ng naputol nitong kalamnan. "Ano ka ngayon, akala mo siguro makakaisa ka sa akin. Hay*p kang tiktik ka, dinumihan mo pa itong t-shirt ko, alam mo pang paborito ko ito?" Gigil na wika ni Mateo, hindi alintana ang nakakahilakbot na anyo ng aswang. Umangil ang tiktik at mabilis na sinunggaban si Mateo, ngunit bago pa man mahagip ng matutulis nitong kuko si Mateo ay ang itak na ni Esmeralda ang sumalubong dito. Sa isang iglap, nahati sa dalawa mula sa dibdib ang nilalang at bumagsak ito sa lupa nang wala ng buhay. S§×arch* The N?vel(F)ire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Ano bang pinagsasasabi mo, Mateo? May oras ka pa talaga sa mga gan''yang biro mo? Umayos ka nga." Saway ni Esmerald. Magkasabay nilang inatake ang huling tiktik na papalapit sa kanila. Dalawang itak ang sumalubong rito, at wala itong nagawa nang tila papel siyang pinunit ng itak ni Mateo at Esmeralda. Dahil sa pinaghalong orasyon at pinahid na kalamansi at bawang sa talim ng itak ay tila papel rin itong natupok, katulad ng mga naunang nalapatan ng itak. Humihingal na napasalampak naman sa lupa si Mateo. Dahil baguhan, higit na mas iniinda niya ang pagod sa bawat laban nila. Nakatayo naman si Esmeralda at dinampot ang tatlong sisiw na naiwang pumapalag pa sa lupa. Isinilid niya ito sa iisang bote at binalot sa itim na tela bago inilagay sa nakasukbit na bag sa tagiliran niya. "Tatlo sa isang gabi, nakakatuwa talaga kapag lumalapit na lang sa''yo ang iyong biktima." Pabulong pang wika ni Esmeralda. "Ano ''yon, bakit mo dinampot at itinago?" Naguguluhang tanong ni Mateo. "Trabaho ko ang kunin ang mga sisiw at mutya na nangagaling sa mga aswang na napapaslang ko. Sa ganitong paraan, nababawasan ang posibilidad ng kanilang pagbangon muli." "Ibig sabihin, hindi lang ang pagpaslang sa kanila ang misyon? Kun''di pati na rin ang pagkolekta mo sa mga sisiw at mutya nila?" "Oo, dahil sa oras na mapasakamay ito ng kalibonan, palalakasin nito ang mga sisiw upang ibigay sa panibago nitong magiging amo. At ang taong masasalinan nito ay magiging mas malakas kaysa sa nauna nitong pinanggalingan." Paliwanag ni Esmeralda habang pabalik na sila sa bahay. Hindi na sila nag-abala pang iligpit ang natitirang parte mg bangkay ng mga aswang dahil paniguradong magiging abo rin ang mga ito kinabukasan. "Ano naman iyong Kalibonan? Grabe, sa dami ng uri ng aswang, parang dinaig ko pa ang nag-aaral sa elementarya ngayon. Nangangapa talaga ako." Kakamot-kamot sa ulo na wika ni Mateo. Natawa naman si Esmeralda at tinapik ang balikat ng binata. "Ganiyan rin ang una kong reaksiyon noong tinuturuan pa ako ni amang. Hayaan mo at paisa-isang ipapaliwanag ni amang sa''yo ang lahat. Sa ngayon, ituon mo lang muna ang panahon mo sa pagpapatalas ng pakiramdam mo at kailangna mas mabilis ka rin, para makabawi ka agad sa oras na masunggaban ka nila." Muling napakamot si Mateo at napatango. Aminado ang binata sa kaniyang pagkakamali, masyado siyang naaapektuhan ng nakakangilong tinig ng aswang kung kaya nawala siya sa konsentrasyon. Chapter 21 Chapter 21 - 21Nang makapasok na sila sa bahay ay mabilis naman isinara ni Ismael ang pinto. Sinuri nito ang dalaga at napabuga ng hangin nang makitang wala itong sugat o galos man lang. "Mabuti naman at walang nasugatan sa inyo. Napat*y niyo ba? Ilan ang umatake?" Sunod-sunod na tanong ni Ismael. "Opo amang, tatlo ho sila. Bukas, wala nang bakas ang maiiwan sa kanila. Kamusta ho rito?" "Sumakit ang tiyan ng nanay ni Kaled pero nawala rin, siguro noong nawala na ang atensyon ng mga aswang sa kaniya. Mabuti naman kung gano''n, siguradong hindi na sila aatake ngayon, magpahinga na kayo, Magtabi-tabi na muna kayong magpamilya, dito na kami maglalatag sa sala para sigurado, huwag niyo na lang isasara ang bintana at panatilihin niyon nakasabit ang buntot-pagi sa ibabaw ng bintana ninyo." "Oho, Ka Mael, maraming salamat ho." "O ito, mga bata, uminom muna kayo ng tubig. Ikaw naman Mael, hindi mo sinabi sa akin, na anak mo pala ang manunugis mo, at sino naman itong binatang ito? Kamag-anak mo rin ba?" tanong ni Nanay Merly matapos iabots a kanila ang pitsel ng tubig. "Ampon po si Mateo ni Tatay, siya rin ang nag-aalaga ng bukid ni tatay. Bagong manunugis lang ho ang batang iyan ''Nay Merly." sagot ni Ismael. "E, gano''n ba. Mabuti naman at may manunugis ka sa tabi mo. Ang tatay mo noon, walang manunugis kaya naman palaging napapahamak." Umiiling na wika ni Merly, napatango naman si Ismael dahil noon bata pa siya ay natatandaan niyang lging nasusugatan ang tatay niya, kung umuuwi ito sa bahay nila ay punong-puno ito ng dug* o ''di kaya naman ay akay-akay na ng mga tanod o ng ibang tao dahil wala nang malay. Ngunit sa kabila nito, batikang albularyo si Armando at napakarami na niyang natulungan noon kapanahunan niya. "Oo nga po, nasuwertehan lang talaga na itong anak ko eh, magaling talagang makipaglaban. Ipinanganak na yata siya para sa larangang ito." Nakangiting wika ni Ismael. "Pansin ko nga, pero Mael... A, hayaan mo na nga, basta, mag-ingat na lamang kayo. Lalo ka na hija, Nararamdaman kong marami ka pang susuunging panganib at kung hindi ka mag-iingat, malalagay sa alanganin ang buhay mo," matyalinhagang paalala ni Merly kay Esmeralda. "Opo, maraming salamat Lola Merly," saad ni Esmeralda at nagningning naman ang mga mata ng matanda. "Tama, lola ang itawag mo sa akin. Nakakatuwang magkaroon ng apo sa katauhan mo hija." masayang wika pa ng matanda. Kinaumagahan, nagising si Esmeralda sa sigaw ni Sonia, napabalikwas naman ng bangon ang dalaga at pupungas-pungas na tumakbo patungo sa silid. Doon ay nakita niyang hirap na hirap na ang ginang habang napapapilipit sa sakit ng tiyan. Napatulala na lamang si Esmeralda dahil sa sitwasyon habang, natataranta naman ang mga tao sa loob. Nahimasmasan na lamang siya nang iaabot sa kaniya ni Sylvia ang anak nitong si Ria. "Esme, pasensiya na, ikaw na muna ang bahala kay Ria, Rimo, lumabas muna kayo ni Ate Esme ha, doon lang kayo sa labas, magiging okay din si Mama mamaya." Wika ni Sylvia at nagkukumahog na itong naghanda ng mga inuutos ni Nanay Merly. Nakatulalang umatras naman si Esmeralda ngunit ang paningin niya ay nakatuon pa rin sa nahihirapang si Sonia. Tila may kung anong kumurot sa puso niya habang nakikita itong nahihirapan. Napapakunot pa ang noo niya habang naririnig niya ang bawat palahaw nito. "Amang, ganoon ba talaga kapag nanganganak? Hirap na hirap at masakit?" Tanong ni Esmeralda habang nasa sala sila naghihintay, kalong-kalong pa rin niya si Ria habang katabi naman nila si Rimo. "Oo anak, lahat ng nanay ay pinagdadaanan ang ganiyang paghihirap kapag nanganganak, sabi nga nila, kapag nanganganak ang mga nanay, nasa isang hukay na ang isa nilang paa." tugon ni Ismael. "Ibig sabihin, dinanas rin ng tunay kong ina ang paghihirap na iyan? Napapatanong tuloy ako, sino ba talaga ang mga magulang ko, kung naghirap rin ba siya sa panganganak sa akin o kung ano ba ang nangyari noon matapos niya akong ipanganak at bakit ako nasa gubat." Wala sa sariling wika ni Esmeralda. Napabuntong-hininga naman si Ismael at hindi na nagsalita pa. Makaraan ang ilang minuto, tumahimik na sa kuwarto at ang sumunod nilang narinig ay ang matinis na iyak ng sanggol. Kumislap naman ang mga mata ni Esmeralda nang marinig ang iyak na iyon at halos sabay pa silang lumapit ni Ismael sa silid. Napangiti naman ang dalaga nang makita ang munting sanggol sa kamay ni Merly at nililinis na ito. Matapos mabalot ang bata sa malinis na puting tela, ay inilagay na niya ito sa tabi ni Sonia. Hilam ng luha ang mga mata ng ginang, ramdam at bakas sa mga hikbi nito ang kasiyahan at kalungkutan. Masaya dahil ligtas niyang naipanganak ang bunso niya at lungkot dahil, lalaki itong hindi masisilayan ang kaniyang ama. "Babae ang anak mo Sonia, masaya akong nailuwal mo siya ng malusog at ligtas sa kabila ng samo''t saring banta na nakapalibot sa pamilya niyo." wika ni Merly. Matapos makita ang bata ay muli nang lumabas si Ismael at Esmeralda. Nakasalubong naman nila si Mateo na noo''y kagagaling naman sa kusina. "Tiyo, nakapagluto na po ako ng almusal, nakita ko kasing abala ang lahat at siguradong wala pang kain, kaya nangialam na ako sa kusina nila." wika ni Mateo. Natuwa naman si Ismael sa sinabi ng binata. Tinapik niya ito sa balikat at sabay na silang pumunta sa kusina. Nagtimpla rin ng kape si Ismael at isinabay na niya ang mga kasama nila upang mainitan naman kahit papaano ang kanilang mga sikmura. "Naku, nag-abala pa ho kayo, kami ang dapat na nag-aasikaso sa inyo dahil bisita namin kayo. Pero nabaligtad ho yata, maraming salamat po." Sambit ni Sylvia. "Walang anoman hija, Sige na, sabay-sabay na tayong kumain. Nagpaluto na rin ako kay Esme ng lugaw para sa Mama niyo." saad ni Ismael. Sabay-sabay na silang kumain nang mga oras na iyon, habang si Nanay Merly naman ay pinakain na si Sonia ng lugaw. Sa kalagitnaan ng kanilang almusal, humahangos namang pumasok si Rimo sa kusina. "Kuya Kaled! Kuya Kaled! Si Don Hernan ho, nasa labas." sigaw ni Rimo habang tumatakbo. Humihingal itong huminto sa harapan nila. S~ea??h the N??eFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Si Don Hernan? Ang aga naman yata." Nagtatakang tanong ni Kaled. Nagsalubong pa ang mga mata nila ni Sylvia at umiling naman ang huli. "Ang mabuti pa harapin na natin siya Kaled, gusto ko rin namang malaman kung ano ang sadya niya sa bahay natin sa ganito kaagang oras." wika naman ni Sylvia. Agad na tumayo ang magkapatid at lumabas ng kusina, sumunod naman si Ismael at Esmeralda sa dalawa. Sa pagharap pa lamang nila sa isang nakapormadang matanda agad na napakunot ang noo ni Esmeralda. Ganoon din ang naging reaksiyon ni Ismael nang masilayan ang matanda sa labas. "Magandang araw sa inyo Kaled, Sylvia. Nabalitaan ko, nanganak na ang inyong ina. Ito, tanggapin niyo." Inabot ng matanda ang isang basket na puno ng prutas. Akmang tatanggihan ito nang magkapatid nang bigla nagpatiuna si Esmeralda at tinanggap mula sa kamay ng matanda ang basket. "Maraming salamat ho, Don Hernan, tamang-tama ho, kailangan ito ni Tiya Sonia ngayon dahil kailangan niya nang magpapalakas sa kaniya." nakangiting wika ni Esmeralda. Napatingin naman sa kaniya ang matanda at maamo itong ngumiti. "Walang ano man, kung hindi mamasamain hija, kaano-ano mo ang pamilyang ito?" Tanong ng Don. "Pamangkin ho ako ni Tiya Sonia, kapatid niya po itong amang ko." Walang kautal-utal na sagot ni Esmeralda. Tumango-tango naman ang matanda at masaya itong nakipag-usap sa dalaga. Natahimik naman ang magkapatid at sumasagaot lang kapag tinatanong. "Hayaan po ninyo Don Hernan, kapag nagka-oras na po, dadalaw ho ako sa inyo, gusto ko rin naman makita ang taniman ng saging ninyo. Sa totoo lang hindi pa ako nakakita ng taniman ng saging. Doon kasi sa lugar namin, puro bahay lang ang nakikita ko." masiglang wika ni Esmeralda, napapangiwi na lang si Mateo sa naririnig. Nang makaalis naman ang matanda at nasigurado nilang malayo na ito ay agad nilang isinara ang pinto. Humugot naman ng malalim na hininga si Esmeralda at inilapag sa maliit na mesa sa sala ang basket. "Esme, bakit mo tinanggap? Tatanggihan sana namin e," takang tanong ni Kaled. "May napansin kasi akong kakaiba, amang, napansin mo rin ba?" baling na tanong ng dalaga kay Ismael. "Oo, Esme. Patingin nga ng ibinigay niya." sambit ni Ismael at sinuri ang basket. Mula sa ilalim ng mga prutas, isang nakatuping papel ang kanilang nakita. Kinuha iyon ni Ismael at binuklat at ganoon na lamang ang pagtataka at gulat ng magkapatid nang mabasa ang sulat na iyon. Sulat kamay iyon ni Don Hernan, alam nila dahil minsan na nilang nakita ang sulat nito na ibinigay noon sa kanilang ama. Iyon ang huling sulat na nabasa ng kanilang ama bago ito nagkasakit at namat*y. "Ibinigay niya tapos sasabihin niya na huwag nating kakainin? Ano ba ito, bakit parang pinaglalaruan niya tayo?" galit na wika ni Kaled. Bakas sa mukha nito ang sobrang poot at pagkalito. "Huminahon ka hijo, kung galing nga sa Don ang sulat na ito, ibig sabihin hindi siya kalaban at nasa sitwasyon siya ngayon na wala siyang magawa kun''di ang sumunod at gumagawa lang siya ng paraan para bigyan kayo ng babala." Saad naman ni Ismael. Naihilamos ni Kaled ang palad sa mukha dahil sa sobrang inis. "Pero Ka Mael, bakit hindi pa niya kami diretsuhin? Bago namat*y si papa noon, may sulat rin siyang natanggap mula sa Don, at ang sinasaad nito isang pagbabanta, umalis na daw kami rito hanggat maaga pa kung ayaw naming malagasan paisa-isa. Pati ba iyon babala rin?" naluluhang tanong ni Kaled. "Kaled, huminahon ka, baka tama si Ka Mael. Makinig muna tayo." Pag-aalo ni Sylvia sa kapatid. Huminga naman ng malalim si Kaled at pinilit na huminahon. Chapter 22 Chapter 22 - 22Nang makita nilang mahinahon na si Kaled ay doon naman nila pinaliwanag sa magkapatid ang kanilang obserbasyon. "Kung gano''n, balak mong pasukin ang mansyon? Nahihibang ka na ba, kung tunay ang obserbasyon niyo na hawak ng mga halimaw na iyon sa leeg ang Don, paano kayo nakakasigurong ligtas ka doon?" Tanong ni Kaled. Ngumiti si Esmeralda at tinapik ang balikat ni Kaled. "Dahil anak ako magaling na albularyo, kaya magiging ligtas ako. Ako na ang bahala roon, si amang naman ang bahala sa inyo rito." "Paano naman ako, bakit parang pakiramdam ko, naiitsapuwera ako?" Nakabusangot na tanong ni Mateo at natawa naman sila. Dahil sa tanong ng binata ay doon na gumaan ang tensyon sa pagitan nila. Lumipas pa ang ilang araw at doon na nagdesisyon si Esmeralda na tunguhin ang mansyon ng Don. Sa bungad pa lamang ay agad na niyang napansin ang isang pamilyang nagmamasid sa kaniya. Masama ang tingin ng mga ito sa kaniya, ngunit nagkunwari siyang hindi niya ito napapansin at masigla pa siyang tumayo sa harap ng malaking tarangkahan at kumatok doon. Nakatatlong katok pa siya nang bumukas ang maliit na pinto sa gilid nito, bumungad naman sa kaniya ng isang may katandaang lalaki na nakasuot ng pang guwardiyang uniporme. "Magandang umaga ho, nandiyan ho ba si Don Hernan?" maagap niyang tanong, napakamot naman ng noo ang matanda at alanganing ngumiti. "Nandito, pero sino ka nga ulit, ineng?" "Ah, pakisabi ho, si Esmeralda, pamangkin ho ni Sonia na taga riyan sa kabilang dako ng palayan." Sagot niya at napansin niya ang biglang pagningning ng mata ng matanda. Tila ba naabisuhan na ito ng Don na darating siya, isa sa mga araw na ito. Malugod siyang inanyayahan ng matanda papasok ng tarangkahan. Nang makapasok na siya ay napansin naman niya ang pagkawala ng mga matatalim na tingin sa kaniya. Gumaan na rin ang kaninang mabigat niyang pakiramdam. Sinuri naman niya ang buong lugar at napatunayan niyang walang kahit anong bahid ng awra ng mga aswang ang naroroon, bukod sa mga bakas na malamang ay naiiwan kapag dumadalaw ang mga ito. Ibig sabihin lang, walang aswang sa pamilyang iyon o kahit sa mga taong nananatili sa manyon. Inihatid siya ng guwardiya sa bukana ng mansyon, doon ay nakita naman niyang nakaabang na sa pintuan ang Don. Maamo ang ngiting ibinungad nito sa kaniya at agad siyang sinenyasan na pumasok. Pagpasok sa loob ay nakita niya ang mga pangontrang nakasabit sa mga bintana. "Pasensiya ka na hija, kung hindi kita nasalubong, alam mo naman, kapag nasa labas ako ng mansyon, naaapektuhan ako ng kapangyarihan ng mga nilalang na iyon. Dito lang ako nakakalaya, salamat nga pala at tinungo mo ako rito." Wika ng Don, umupo ito sa malaking upuan at itnuro naman ng matanda ang isang mahabang sofa sa dalaga. "Marami pong katanungan ang pamilya ni Kaled, kung bakit ho dahil sa sulat niyo, namatay ang tatay nila? Kayo raw ho ang nagbigay ng sulat na iyon." Tanong ni Esmeralda. Marahas na bumuntong-hininga ang matanda, umiling-iling ito at nasapo ang noo. "Isang pagkakamali, at matagal ko nang pinagsisisihan iyon. Hindi dahil binigay ko ang sulat nang araw na iyon, kun''di dahil hindi ko iginiit na basahin niya at bigyan ng halaga." Nakayukong wika nito, animo''y nakikipaglaban ito sa konsensya at kalungkutang dinaramdam niya. "Maaari niyo po bang ipaliwanag?" "Hindi sana kami aabot sa sitwasyong ito kung hindi ako nagmatigas noon. Hindi sana mawawala ang panganay ko kungmas naging bukas ako sa mga gusto niya. Siguro nga ay matanda na ako, at dala ng katandaan naaapektuhan na rin nito ang aking pag-iisip at pag-unawa." Wika ng matanda at bigla naman itong humikbi. Isang babae naman ang dumalo rito at agad na inalo ang matanda. "Lolo, wala kang kasalanan, huminahon ho kayo, baka kung ano pa ang mangyari sa inyo, maiiwan na po akong mag-isa rito." Nag-aalalang wika naman ng babae. Dalaga ito na halos kasing-edad lang ni Esmeralda. Matangkad ito at may maputing balat, bilugan ang mga mata nitong punong-puno ng pag-aalala habang ang mga labi naman nito''y kakulay ng mapupulang rosas. Noon lang nakakita si Esmeralda nang ganoon kagandang babae, walang panama ang mga dalaga sa bayan nila na palaging laman ng usapan ng mga kalalakihan. "Paano ako hihinahon kung ang kapatid mo hawak pa rin nila? Paano ako hihinahon kung ang mga pinsan at tiyahin mo ay patuloy pa ring may nagbabanta sa buhay nila?" Hagulhol ng matanda. Doon na pinagtagpi-tagpi ni Esmeralda ang mga impormasyong nakuha niya sa Don. S§×arch* The Nov§×l?ire.n(e)t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Hindi lang ito basta-basta nagbibigay ng babala sa pamilya ni Kaled, may malaking ugnayan ang mga ito kaya ito ginagawa ng matanda. Ugnayan na tanging kamat*yan lamang ang makakaputol. "Tama ho ba ang hinuha ko, na ang ama nina Kaled ang panganay na tinutukoy niyo? Pero bakit hindi alam ng magkakapatid o kahit ni Tiya Sonia na kayo ang ama ng asawa at ama nila?" Tanong ni Esmeralda at doon na ikinuwento ng matanda ang nangyari noon. Bago pa man nagkaroon ng pamilya ang panganay niya. Nagmula sa marangyang angkan ang pamilya ni Don Hernan, mayroon siyang dalawang anak, lalaki ang panganay niya at babae naman ang bunso. Bukod sa mayaman ang pamilya nila, nagmula rin ang angkan nila sa linya ng mga manunugis, dahil sa mataas na katungkulan ng Don sa angkan, may matagal nang kasunduan sa pagitan niya at isa rin makapangyarihan Don sa bayang kinagisnan nila. Ang kasunduan ay nagsasaad ng pag-iisang dibdib ng panganay na anak na lalaki ni Don Hernan at panganay na anak na babae ng naturang Don. Pero nang magkaisip si Danilo, ay nagkaroon ito ng sariling paniniwala. Bagaman, niyakap nito ang larangan ng panunugis, ang hindi lamang nito nagustuhan ay ang kasunduang naganap. Dahil may katigasan ang ulo nito at lumaking maprinsipiyo, nasira ang relasyon nang mag-ama. Naglayas si Danilo at iniwan ang pamilya niya. Nagapakalayo-layo ito, malayo sa koneksyon ng ama, malayo sa koneksyon ng pamilyang mapapangasawa niya. Hanggang sa mapadpad nga si Danilo sa bayang ito at nakilala si Sonia na isang simpleng dalaga noon. Nahulog ang loob ni Danilo sa dalaga, at ganoon din ito sa kaniya. Hanggang sa nabuo nga ang pamilya nila, nagkaroon sila ng isnag malusog na anak na babae. Bagaman naging mahirap ang buhay nila noong una, nagsumikap si Danilo hanggang sa maging maayos ang buhay nila. At ang isang anak ay nasundan pa ng isa, na ikinatuwa naman ni Danilo dahil isang lalaki. Buhat noon ay naging mas matiwasay ang buhay nila, naging marangya katulad nang nakagisnang buhay noon ni Danilo sa poder ng kaniyang ama. Nang mabuntis sa ikatlong pagkakataon si Sonia ay dito naman natunton ni Don Hernan ang kinaroroonan niya. Lumipat ang Don sa naturang bayan at nakilala ito bilang isa sa pinakamayamang hasyendero sa bayan. Hindi naging maganda ang unang pagkikita nila dahil naunahan ng galit si Don Hernan at agad na isinumbat sa anak ang ginawa nitong paglayas at pagkasira ng relasyon sa pagitan nang kanilang pamilya. Hindi napigilan ni Danilo ang bugso ng damdamin kung kaya''t sa halip na maayos ang relasyon sa pagitan nang mag-ama ay lalo itong nagkalamat. Lumipas ang maraming taon at naging matiwasay ang buhay hanggang sa tumanda na si Don Hernan at ang dating tikas niya ay nawala. Natunugan ito ng kanilang mga kalaban, lalo na ang angkan ng mga tiktik na mortal nilang kalaban. Sumunod ang mga ito sa bayan na iyon at agad na pinonterya ang pamilya ng Don. Dahil sa pagkasira ng relasyon ng mag-ama, hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang Don na kaisapin ang anak. Hanggang sa tuluyan siyang mahawakan sa leeg ng mga aswang, dinukot nang mga ito ang kaniyang isang apo at anak na babae. Dahil dito naging sunod-sunuran ang matanda sa bawat ipagagawa ng mga nilalang ng dilim, sa takot na hindi na niya muling masisilayan pa ang anak at apo. Wala namang kaalam-alam si Danilo sa mga nangyayari hanggang sa isang liham ang natanggap niya mula sa kaniyang ama. Itinabi niya ito ngunit hindi ito pinag-aksayahan ng panahon na buksan o basahin man lang, hanggang sa isang araw, tuluyan siyang nilukob ng sakit. Unti-unting nanghina ang kaniyang katawan hanggang sa tuluyan na siyang binawian ng buhay. Napatulala na lamang si Esmeralda sa istoryang ibinahagi sa kaniya ng Don. Ganoon kalalim ang ugnayan ng dalawang inaakala niyang dalawang magkaibang pamilya. Dugo ang nagdudugtong sa mga ito, ngunit ang kabilang panig ay walang kamuwang-muwang. "Don Hernan, naiintindihan ko ang takot niyo, pero ang pagpunta ko ba rito ay makakasama sa ugnayan mo sa mga aswang?" "Pinalabas ko sa kanila na inuuto kita, hihingin ko sana ang tulong mo Esmeralda. Alam kong isa ka ring manunugis, nababasa ko sa mga mata mo at sa bawat kilos mo iyon. Pakiusap, ipaliwanag mo sa kanila ang sitwasyon. Ayoko nang malagasan pa ng kahit isa pang pamilya. Matanda na ako, at ayoko nang maglibing pa ng mas bata sa akin." Mangiyak-ngiyak na pakiusap ng Don. Nabakas ni Esmeralda sa mukha ng matanda ang matinding pag-aalala at pagkabahala. "Kahit hindi niyo po sabihin, Don Hernan, narito po talaga kami para tulungan ang pamilya ni Kaled. Kailangan ko ng oras na makilala at malaman akung gaano karami ang kalaban namin dito. Kung sino-sino ba sila. Sa ngayon, ipagpatuloy lamang ninyo ang pagpapanggap. Makakaasa kayong ipapaliwanag ko sa pamilya ni Kaled ang lahat." Nang magpaalam na si Esmerlda ay napabuntong hininga naman ang Don. Bagaman kinakabahan, mas minabuti niyang huwag ito ipakita sa kaniyang mukha. Matigas na tinitigan niya ang papalayong dalaga. Mula sa gilid ng kaniyang mata ay kitang-kita niya mula sa nakabukas na gate ang bulto ng tatlong lalaki na nakamasid sa kanila. Chapter 23 Chapter 23 - 23Tahimik na binagtas ni Esmeralda ang daan pabalik sa bahay nina Kaled. Nakatuon ang paningin niya sa daan ngunit ang pakiramdam niya ay nakatuon sa kaniyang paligid at aa mga nilalang na nagmamasid. Nagkunwari siyang walang nararamdaman at inilabas ang ibinigay na itim na tela ni Don Hernan. "Ano naman kaya ito? Ang sabi ni Don Hernan, ilagay ko raw ito sa inumin sa bahay mamaya, mabisa raw itong pampaayos ng pakiramdam. Ang bait naman pala ng Don pero bakit parang ayaw sa kaniya nina Kaled at Tiya Sonia?" May kalakasang wika niya, saktong maririnig naman ng mga nilalang na palihim siyang sinusundan. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pag-atras ng mga nilalang sa paligid niya. Nawala ang mga presensiyang nagbabantay sa kaniya, marahil dahil binanggit niya ang tungkol sa binigay ng Don. Dali-dali na siyang bumalik sa bahay nina Kaled. Pagdating ay sinalubong naman siya ni Ismael. Tinipon nila ang mag-anak sa loob ng silid ng kanilang ina at doon mahinahon at detalyadong ipinaliwanag ni Esmeralda ang lahat ng nalaman niya mula sa Don. Napuno ng katahimikan ang buong silid, halos pare-parehong hindi makapaniwala ang mag-anak. Maging si Sonia ay walang kaalam-alam, dahil hnd naman nabanggit sa kaniya ng asawa ang tungkol sa tunay nitong pamilya. Ang alam lang niya, ay tumakas siya dahil sa isang bagay na ayaw niyang gawin at ayaw niyang magpatali sa isang bagay na hindi bukal sa kaniyang puso. "Kung ganoon, si Don Hernan, lolo namin?" si Rimo ang unang bumasag sa katahimikan. Tila ang tanong na iyon ang naging dahilan upang makahinga ang mga tao doon sa silid. "Ibig sabihin ang sulat na iyon ay isang babala? Pinapaalis niya kami dito, hindi dahil ayaw niya sa amin, kun''di dahil sa mga aswang na balak kaming saktan?" Sunod na nagtanong ay si Kaled, bakasa sa mukha nito ang pagkalito. "Oo tama ka Kaled, ginawa iyon ng Don para sana mailayo kayo rito, malaking banta sa mga aswang ang Papa niyo, dahil naging manunugis na ito bago pa man umalis sa poder ni Don Hernan. KUng sakaling nabasa ng papa mo ang sulat, magtataka siya at siguradong mag-iimbestiga, malalaman niya ang nangyari sa pamilya ng Tatay niya, pero hindi niya binasa, nagkaroon ng oras ang mga aswang para lapatan ng sakit ang Papa niyo hanggang sa bawian siya ng buhay." Paliwanag naman ni Esmeralda. "Sa ngayon, umakto kayong normal, magkunwari kayong wala pa ring alam, kung ano ang trato niyo sa Don, ganoon ang ipakita niyo lalo na kapag nasa labas ng mga pamamahay niyo. Gagawa ako ng paraan na mapuntahan ang kuta nila, at hanapin doon ang anak at apo ng Don."Dugtong pa ni Esmeralda. Tumango naman si Ismael, walang pagdududa itong sumang-ayon sa plano ng dalaga. "Huwag muna kayong magpapaabot ng hapon sa labas, kung may kinakilangan kayong gawin, mas maigi kong sa umaga at kung kailan tirik ang araw niyo gagawin. Kung maari, magbaon kayo ng luya o bawang sa inyong bulsa kung lalabas kayo, habang hindi pa ako nakakagawa ng pangontra sa palipad-hangin ng mga masasamang nilalang." Abiso naman ni Ismael sa magkakapatid. "Maraming salamat po talaga sa inyo, kung hindi dahils a inyo, hindi namin malalaman ang lahat ng ito at habang-buhay na kaming magagalit sa pamilya na Don." wika ni Sylvia at umiling naman si Ismael. "Huwag ka munang magpasalamat hija, hindi pa kayo ligtas, wala pa kaming ginagawa. Sa ngayon, sumunod na muna kayo, kung kinakailangan niyo talagang lumabas ng hapon o gabi, magpasama kayo kay Mateo at Esmeralda. Ang bahay naman ay ligtas, dahil nandito pa kami ni Nanay Merly." tugon naman ni Ismael. Nagsitanguan naman ang magkakapatid, matapos ang pag-uusap na iyon bumalik na sila sa normal nilang mga buhay. Nagwawalis si Esmeralda sa bakuran, habang si Mateo naman ay nagsisibak ng kahoy. "Mat, pagtapos natin rito, punta tayo doon sa talipapa," "Talipapa? May talipapa ba rito?" maang na tanong ni Mateo sa dalaga. "Oo, doon sa bandang dulo, may nakita akong maliit na talipapa roon nang dumalaw ako sa mansyon. May bibilhin lang ako, mabilis lang naman tayo." Tugon naman ni Esmeralda habang inililigpit ang hawak na walis tingting at dustpan. "O, siya sige, patapos na rin naman ako rito." sambit naman ni Mateo at nagmadali na sa pagsisibak ng kahoy. Matapos ay kumuha lang ng basket si Esmeralda at naglakad na sila patungo sa talipapa na sinasabi ng dalaga. Pagdating nila sa talipapa, nakita agad nila ang umpukan ng mga tao sa kabilang dako , nasa masukal na parte iyon at puro talahib lang ang nakikita. Malakas rin ang bulung-bulungan ng mga tao sa palibot kung kaya''t mabilis nila itong nilapitan upang makiusyuso na rin. Pareho pa silang napatakip ng ilong nang makita ang isang bangkay ng babae na halatang buntis, wakwak ang tiyan nito, wala na ang mga lamang-loob at maging ang bata sa sinapupunan nito ay wala na rin. Nagkatinginan pa si Esmeralda at Mateo dahil sa nakita. "Kilala niyo ba ang babaeng iyan? Parang hindi naman iyan taga-rito," ani ng isang ginang. "Oo, baka taga kabilang baryo, o kaya doon sa bayan," saad naman ng isa. "Grabe, nakakatakot naman iyan, tatlong buntis na iyan na nakita dito sa lugar natin, ano bang akala nila sa bayan natin ,tapunan ng mga bangkay?" Nababahalang wika naman ng isa pang nakikiusyuso. "Dili na nahabag, ano bagang may gawa niyan, dili kaya aswang?" Tanong pa ng isang ginang. Umugong ang bulong-bulungan sa paligid dahil sa tanong na iyon. "Kung pagbabatayan ang sinapit ng kaawa-awang biktima, hindi magagawa iyan ng mabangis na hayop, simot ang lamang-loob, pati ang walang kamuwang-muwang na sanggol sa tiyan ng babae kinuha, aswang nga ang may gawa niyan." "Diyos ko, saan naman galing ang mga aswang na iyan, marami pa namang buntis ngayon dito sa atin." Hindi na nagtagal pa roon sina Esmeralda, dahil dumating na rin ang mga kawani ng baranggay at inasikaso ang bangkay. Namili na lamang sila sa talipapa at matapos ay mabilis na silang bumalik sa bahay. "Liyab, natunton mo ba kung saan nila tinatago ang bihag?" Tanong ni Esmeralda nang pumasok sa loob ng silid niya ang uwak na si Liyab. Sa hindi inaasahan, biglang nagkatawang tao sa kauna-unahang pagkakataon si Liyab sa harap niya. Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Esmeralda. Ito ang unang pagkakataong nakita niyang nagpalit ng anyo si Liyab. Matangkad ito, may maputing balat na tila kumikislap, may matuulis itong tainga na maihahalitulad mo sa nga dahon. Itim na itim ang buhok nito at may buntot ito sa likod. Maamo rin ang pagmumukha nito, ang kasuotan naman ni Liyab ay tila hinabing mga dahon at balat ng isang puno. Kakatuwa ngunit matalinhaga, nababalot ng hiwaga ang buong pagkatao ng bagong anyo ni Liyab na pinakita sa kaniya. "Liyab, ikaw ba iyan? ''Yan ba ang tunay mong anyo?" Tanong ni Esmeralda. Ngumit naman at bahagyang tumango ang binata. S§×ar?h the ¦ÇovelFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Oo Esme, sa wakas ay nagawa ko ring palitawin sa mortal na mundo ang tunay kong anyo, marahil dahil nalalapit na ang pagsapit ng ika-dalawampu''t isang kaarawan mo." Sagot ni Liyab sa malumanay nitong tinig. Tila ba tinatangay iyon ng hangin at napakalamig nito sa kaniyang pandinig. Napakurap-kurap pa si Esmeralda habang pinagmamasdang mabuti ang anyo ng binata. "Ano ka ba talaga, isa kang engkanto, tama ba?" Muling tanong ni Esmeralda. "Tama, isa akong Mahomanay, engkantong nangangalaga sa mga hayop sa kagubatan. At tungkol naman doon sa unang kataungan mo, natagpuan ko ang kuta nila subalit wala akong nakikitang bihag, bagama''t may nararamdaman akong presensya ng tao doon. Marahil ay nababalot ng sabulag ang pinaglalagyan nila ng bihag." "Gano''n ba, wala ka na bang magagawa para maalis ang sabulag na ito?" "Susubukan ko ang makakaya ko. Alam mo namang kahit makapangyarihan ang uri ko, limitado ito dito sa mundo niyo. Pero huwag kang mag-alala dahil gagawin ko lahat para makita sila. Sa ngayon, magmatyag na lang muna kayo at huwag kang susugod sa lugar na iyon." Paalala ni Liyab. Napangiti naman si Esmeralda at tumango. Nang maglaho na si Liyab at muling naging uwak palalabas sa kaniyang bintana ay isinara na niya iyon. Naglakad na siya patungo sa sala kung nasaan ang kaniyang ama. "Amang, nakita na ni Liyab ang kuta ng mga aswang. Tama ang unang hula natin. Pero hindi niya matagpuan kung saan mismo nakatago ang dalawang bihag. Nararamdaman lang niya ang presensya ng mga ito pero hindi niya matunton." Anunsyo ni Esmeralda. Sa pagkakataong iyon, nahulog sa malalim na pag-iisip si Ismael. "Malakas na sabulag o di kaya''y orasyon na gawa ng mangkukulam o mambabarang. Kung malakas ang ang sabulag siguradong hindi basta-basta ang makakalaban niyo rito Esmeralda. Mas maigi kung hintayin muna natin na matunton ni Liyab ang pakay natin bago tayo kumilos." Wika ni Ismael. "Iyan din ho ang bilin ni Liyab, amang. Sa katanuyana, nasilayan ko na rin ang tunay niyang anyo. Isa siyang mahomanay, ''yon ang sabi niya." "Mahomanay? Aba, isang mahomanay ang gabay mo? Malalakas na uri ng mga engkanto ang mahomanay, tagapangalaga sila ng mga hayop sa kagubatan, madalas ay inililigtas nila mula sa masasamang mangangaso ang mga hayop sa gubat. At ang tanging paraan lamang para malayan kang makapangaso sa kanilang teritoryo ay ang pag-aalay. Ngunit, nabibilang din ang mga mahomanay sa pinakamababait na uri ng engkanto. Hindi ako makapaniwalang ang uwak na iyon na simula''t sapol kasama mo na ay isa pa lang mahomanay. " Umiiling-iling na wika ni Ismael habang napapaisip. Chapter 24 Chapter 24 - 24Lumipas pa ang ilang araw, at magkakasunod na bangkay ulit ng buntis ang kanilang nabalitaan natagpuan sa masukal na parte ng bayan. Nabahala na nang husto ang mga awtoridad, subalit hanggang ngayon ay wala pa rin silang maisagot sa lahat ng katanungang ipinupukol sa kanila. Ang mga biktima, kung hindi mula sa kabilang baryo ay sa katabing bayan naman nagmula. May mga kapamilya na rin ang mga ito na nagpunta sa kanilang bayan upang magtanong sa baranggay ngunit kahit ang mga ito ay walang alam sa kung ano ba talaga ang nangyayari doon. Hanggang sa isa pang araw ang lumipas, isang buntis ang nagreklamo sa baranggay na binisita umano ng isang nilalang sa kanilang bubong. Muling nabahala ang mga mamamayan dahil maging sa bayan nila ay umaataki na ang mga nilalang. "Wala na talaga silang takot, kahit dini ay nagaatake na sila." "Oo nga mare, narinig mo ba, ang bahay daw ni kumareng Luisa inatake rin, aba''y buntis ang anak no''n. Sinisira pa daw ang bubong nila," "Diyos ko, talaga ba mare? Nakakatakot naman iyan," Ganiyan ang mga usapan na naririnig ni Esmeralda nang mapadaan siya sa kumpulan ng mga chismosa sa daan. Muli niyang tinungo ang lugar kung saan natatagpuan ang mga bangkay, sinuyod niya ang parteng iyon at napagtanto niya na sa dulong parte ng kasukalan ay ang maliit na daan patungo sa purok ng pinaghihinalaan nilang aswang. Nanliit ang mga mata ni Esmeralda na nakatingin doon. Akmang hahakbang siya at papasukin ang ang maliit na eskinita ay may isang kamay naman ang pumigil sa kanya. "Ate, huwag ka po riyan, mapanganib po." Babala ng bata. "Bakit bata?" Tanong niya at umiling ito. "Hindi niyo po ba alam na mapanganib diyan? May mga halimaw po riyan, nangunguha sila ng mga buntis at mga babae." Sagot naman ng bata. Bahagyang umupo si Esmeralda para makaharap niya ng maayos ang bata. Subalit sa pagtama ng mata niya sa mga mata ng bata ay bahagya umikot ang kaniyang paningin. Itim na itim ang mga mata nito at ang repleksiyon niya ay nakabaligtad sa mga mata ng bata. Kung ordinaryong tao lang sana siya ay marahil kanina pa siya natumba sa harap nito. Ngunit napaglabanan niya ang nakakahilong sensasyong dulot ng pagtingin sa mga mata nito. "Ate, huwag ka pong matakot, hindi po ako masama. Binibigyan ko po ng babala ang mga babaeng nagagawi rito. Pero ayaw nilang papigil kaya sinasapit nila ang sinapit nila. Sabi ng ate ko, hangga''t maaari ay hindi namin puwedeng pakialaman ang mga tao, hayop lang ang kakainin namin."paliwanag pa ng bata. Napangiti naman si Esmeralda habang natatarantang nagpapaliwanag ang kausap. Tinapik niya ang ulo nito at bahagyang ginulo ang buhok ng bata. "Alam ko, salamat sa babala, pero kahit pasukin ko ito, hindi naman ako mapapaano. Maaari mo ba akong dalahin sa ate mo?" Tanong ni Esmeralda at tumango naman ang bata. "Halika ate, doon ang bahay namin." Itinuro nito ang kabilang dako ng bukid. Nasa labinlimang minuto rin ang binubo nila para marating ang kubong nakatirik sa gitna ng palayan. Napapalubutan ng nagyayabungang palay ang bahay na iyon. Malinis at maayos ang bakuran, may mga alagang manok, pato at sa kabilang gilid ay may tatlong kambing na nakatali sa bakuran at isang kalabaw. "Mga alaga po namin iyan ate, ''yong kalabaw, ginagamit ni ate sa palayan bago magtaniman." Saad ng bata nang mapansing natuon doon ang paningin ni Esmeralda. "Ate, pasensiya ka na, maaari ko po bang malaman ang pangalan mo?" Tanong ng bata. "Esmeralda,tawagin mo na lang akong Ate Esme." Nakangiting sagot naman ng dalaga. "Ako nga po pala si Liya, ang ate ko po si Amihan. Kami lang pong dalawa ang nakatira rito, halika po ate, pasok ka po sa bahay namin." Hinatak siya ni Liya papasok sa bahay. Namangha naman si Esmeralda dahil napakalinis ng kubo, hindi mo aakalaing mga aswang ang nakatira roon. Mabango rin ang ihip ng hangin at wala siyang sangsang na naaamoy doon. "Ate Amihan, may gusto pong kumausap sa inyo." Tawag ni Liya. Isang magandang babae ang sumilip mula sa kusina. Mahaba ang buhok nitong nakalugay, morena ang balat, maamo rin ang mukha nito na may mapupungay na mata at matangos na ilong. Kung hindi lamang sa kulay ng balat nito ay aakalain mong banyaga ang dalagang iyon. Nang magtama ang kanilang mga mata ay doon napagtanto ni Esmeralda kung anong uri ng aswang ang mga ito. "Isa kang mandurugo?" Bulalas ni Esmeralda at napatingin kay Liya. Tumango ang bata at bigla namang lumapit ang babae kay Esmeralda. Inamoy-amoy nito ang katawan niya at hinayaan lang din niya ito. "Kakaiba ang amoy mo. Ako nga pala si Amihan, anong sadya mo sa aming munting tahanan?" Tanong ni Amihan sa malamyos nitong boses. Mahinhin at tila hindi nagmamadali. "Ako si Esmeralda, nagkataon lang naman, wala talaga akong pakay, pero may itatanong sana ako." "Esmeralda, napakagandang pangalan. Ano ang itatanong mo? Maupo ka muna." Alok nito, naupo naman si Esmeralda at doon na niya inilahad ang mga katanungan niya. "Nais mong malaman kong anong uri ng aswang ang umaatake sa lugar na ito at sa karatig bayan? Hindi ka ba natatakot?" Mahinahong tanong ni Amihan sa kaniya. Ngumisi naman si Esmeralda at pormal nang nagpakilala sa babae. Nanlaki naman ang mata ni Amihan sa nalaman. Bumuntong-hininga ito at mahinhing umupo sa harap ng dalaga. "Pamilyar ka ba sa uri ng aswang na kung tawagin ay matrukulan?" "Matrukulan? Ngayon ko lang narinig ang pangalang iyon." Sagot ni Esmeralda. Malalim siyang napaisip. "Matagal na kaming naninirahan sa lugar na ito, at nararamdaman ko kung may pumapasok na ibang aswang sa bayang ito. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang dumating sa lugar na ito ang isang angkan ng mga tiktik. Nitong nakaraan lamang may naramdaman akong mga matrukulan na nambibiktima sa mga karatig bayan. Ilang beses ko na rin silang binalaan ngunit sadyang matatapang ang mga matrukulan. Mga aswang sila na ang pangunahing biktima nila ay mga buntis. Kapag ang buntis malapit nang manganak, ''yon ang mas gusto nila." Salaysay pa ni Amihan. "Pero ang kaibahan naman ng mga matrukulan sa mga tiktik, kapag wala nang buntis sa lugar nila, dinudukot nila ang mga babae at binubuntis, at kapag hinog na ang sanggol sa tiyan ng nanay niya, saka nila ito kakainin." Dagdag pa ni Amihan. Dahil sa huling sinabi ni Amihan, nakaramdam ng matinding pagkasuklam si Esmeralda sa mga matrukulan, mas masahol pa ang mga ito sa tiktik, dahil kahit sariling dugo nila ay hindi nila pinalalampas, malamnan lang ang kanilang mga sikmura. Hanggang sa pag-uwi ay malalim ang iniisip ni Esmeralda. Kailangan niyang malaman kung sino-sinong pamilya pa ang may buntis sa lugar na ito. Sa kaniyang pag-iisip ay hindi na niya namalayang nasa tapat na siya ng bahay nina Kaled. Naulinigan na lamang niya ang boses ni Mateo na tinatawag siya. Nang bumalik siya sa kaniyang huwesyo ay nasa harapan na niya si Mateo. "Saan ka galing, kanila ka pa hinahanap ni Tiyo Mael. May mga pumuntang tagabayan dito, tatlong pamilya at bawat isa ay may kasamang buntis, naibalita kasi ni Ate Sylvia na may albularyo dito sa bahay nila." Balita ni Mateo at doon kumislap ang mga mata ni Esmeralda. "Talaga? Nasa loob pa ba sila?" Sabik na wika ni Esmeralda, hindi na siya naghintau pa ng sagot at dali-daling pumasok sa bahay. Doon ay naabutan niya si Ismael na kinakausap ang mga ito. Tatlong buntis nga ang naroroon, malalaki na ang mga tiyan nito at tila malapit na rin ang kabuwanan ng dalawa. Naroroon din si Nanay Merly na siya namang nag-aasikaso sa mga buntis. "Amang, sila lang ba ang buntis dito? May iba pa ba?" Tanong ni Esmeralda. "Sa ngayon, tatlo pa lang amg lumapit sa atin, hindi ko alam kung ilan pa ba ang natitira, sa usaping iyan, kailangan na nating makipag-ugnayan sa baranggay." "Makikipagtulungan kaya sila sa atin?" Takang tanong ni Esmeralda. "Tinungo na ni Kaled ang kapitan, naisip ko rin na tipunin sa iisang lugar ang mga buntis, nang sa gayo''y hindi tayo mahirapang protektahan sila. Kapag watak-watak kasi, mahihirapan tayo." Saad ni Ismael at natawa naman si Esmeralda. "Ganiyang din ang iniisip ko amang, mag-ama talaga tayo. Siyanga po pala, maaari ko po ba kayong makausap nang tayo lang?" "Oo naman, tara doon sa likod bahay. " Aya ni Ismael. Pagdating naman sa likod ng bahay, inilahad ni Esmeralda ang pagtatagpo ng landas nila ng isang mandurugo. S~ea??h the Novel?ire(.)ne*t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Kakatuwa amang, dahil kahit aswang ang magkapatid na iyon, hindi ako nakakaramdam ng panganib sa kanila. ''Yong pakiramdam ko sa kanila, parang iyong pakiramdam kapag nakakaharap ako ng mga albularyo na tulad mo. Purong kabutihan sa kabila ng kadilimang bumabalot sa kanilang pagkatao. Si Amihan din ang nagsabi sa akin ng tungkol sa nga matrukulan." "Bukod sa kanila, may mga umaaligid pa ring tiktik sa bayang ito. Mukhang ginawang pugad na ng mga aswang ang lugar na ito. Marahil dahil sa mga buntis na nandito." Umiiling na wika ni Ismael. "Oo nga ho amang, wala ding nagawa ang magkapatid na mandurugo, bukod aa bata pa si Liya, nag-iisa lang si Amihan. Wala siyang laban sa dalawang angkan ng aswang na biglang sumakop sa bayan nila. Pero ang sabi niya, handa siyang makipagtulungan kung kinakailangan." Saad naman ni Esmeralda at napangiti si Ismael. Masaya siyang makita at marinig ang mga desisyon ni Esmeralda. Patunay na malawak ang pag-unawa nito sa mga bagay-bagay. Natitimbang nito ang tama at mali, at nababasa kung sino ang dapat pagkatiwalaan at hindi. Chapter 25 Chapter 25 - 25Matapos ang pag-uusap ay binalikan na nila ang mga bisita nila. Malugod namang pumayag si Sylvia na pansamantala ay doon muna tutuloy ang tatlong buntis sa bahay nila. Panatag namang iniwan ng kani-kanilang pamilya ang kanilang mga anak at nangakong babalik kinabukasan. Sumapit ang gabi at halos lahat ng aso sa bayan ay nakaharap sa bahay nina Kaled. Bagaman punong-puno ng pangontra, hindi maiwasang mangamba ng mga buntis sa loob. Nasa lima ang buntis na matagumpay nilang natipon sa loob ng pamamahay nina Kaled. Naroroon naman sina Sylvia para pakalmahin ang mga ito at si Nanay Merly para siguruhing, magiging maayos ang mga ito sa pagdaan ng gabi. "Mukhang marami pa tayong bisita ah." Sambit ni Kaled. Hawak-hawak nito ang itak habang nakatayo at nakasilip sila ni Mateo sa bintana. "Ang daming aso sa labas, grabe pakiramdam ko may pagpupulong na magaganap ang mga asong iyan," bulalas ni Mateo. "Humanda kayo, dahil nararamdaman kong papalapit na sila." Untag ni Esmeralda, muli siyang natahimik at ipinikit ang mga mata. Sa isang iglap naramdaman niya ang presensiya ni Liyab na dumating. Pagmulat ng kaniyang mga mata, muli niyang nasilayan ang nakabibighaning anyo ng nilalang. Muli din niyang naamoy ang malabulaklak nitong aroma na kahit sino ay mapapakalma. "Malapit na sila Esme, nasa limang aswang ang nakita kong papalapit rito." Wika ni Liyab. Tumayo si Esmeralda at mabilis na lumabas, sumunod naman si Mateo at naiwan sa loob si Kaled na kulang na lang ay manginig dahil sa takot. Si Ismael naman ay napapakunot pa ang noo, dahil maging siya ay naaamoy ang hangin, alam niyang isang nilalang ang pumasok sa bahay na naging sanhi ng pagiging alerto at paglabas ng kaniyang anak. Sa isip-isip pa niya, marahil iyon ang sinasabi ni Esmeralda na gabay niya. Sa paglabas naman ni Esmeralda ng bahay ay agad na sumalubong sa kanila ang maalinsangang hangin. Sabay-sabay na umaalulong ang mga aso sa harap ng bakuran habang ang mga ulo nito''y nakatingala sa kalangitan. Ilang sandali pa ay nakarinig na sila ng mga kaluskos, umalerto silang dalawa. Hawak ang itak at balisong, inililibot nila ang paningin sa paligid, pilit na inaaninag ang bawat madilim na kasukalan sa palibot, kung may paggalaw ba o hudyat na may nagkukubli doon. "Nasa mga talahib sila, humanda kayo!" isang pamilyar na boses mula sa itaas ng puno ang kanilang narinig. Nakilala ito ni Esmeralda at napatingala pa siya sa puno ng mangga na naroroon. Mula sa mga naglalakihang sanga nito, nakita niya si Amihan na bahagyang nasa aswang nitong kaanyuan. Kung paano nito napapanatili ang wangis nitong tao sa kabila ng anyong parang ibon nitong katawa, ay hindi niya alam. "Amihan, mabuti at nakarating ka." "Sabi ko naman sa''yo darating ako, kanina pa ako rito nagbabantay, hindi lang ako makapasok sa bahay dahil sa mga pangontra. Alam ko rin na nandiyan na sa loob ng bahay ang mga buntis. Napakatalino ng naisip niyo para mapalabas ang mga hinay*pak na mga aswang na ito." Wika pa ni Amihan. Sabay pa silang napalingo sa unahan nang marinig nila ang mabangis na angil na nagmumula roon. Lalong tumindi ang pag-alulong ng mga aso. Nahigit pa ni Mateo ang hininga nang makita ang napakagandang wangis ni Amihan, ngunit bahagya rin itong napangiwi nang masilayan ang katawan nitong mabalahibo at ang napakalaking itim na pakpak na animo''y katambal na ng mga braso nito. "Ano siya, aswang rin ba siya, Esme? Ang ganda naman niyang aswang , pero bakit ganiyan ang anyo niya, para siyang ibon?" Takang tanong ni Mateo. "Malamang aswang siya. Pero mabuti siyang aswang, kaya iwasan mong makipaglaban sa tabi niya mamaya, para hindi siya manghina sa mga dala nating pangontra." Paalala ni Esmeralda. Tumango naman si Mateo bilang pagsang-ayon, Napaantanda pa si Mateo at nag-usal ng mabilis na panalangin bago hinalikan ang talim ng kaniyang punyal. "O, Diyos na mahabagin, kayo na po ang bahala sa akin." Sambitb pa niya. Isang malakas na atungal ang nangibabaw sa paligid kasabay ng sigawan sa loob ng bahay, Isang nilalang ang lumabas mula sa masukal na kugon sa tabi ng palayan, Nanlilimahid ito sa kulay putik na likidong bumabalot sa katawan. May mga makakapal at matutulis itong balahibo sa buong katawan, hugis tao ito na may pagkakuba, sabog-sabog ang manipis nitong buhok na animo''y isang libong taon na nang huling mapadaanan ng suklay. Umaapaw rin sa malaki at nakabukang bunganga nito na punong-puno ng matutulis na ngipin ang malalapot nitong laway. Sa kabuuan, kahindik-hindik ang itsura nito at sino man ang makasaksi ng ganitong nilalang ay paniguradong papanawan ng ulirat. Sa muli nitong pag-angil ay nagsilabasan na rin ang iba pa nitong kasama. Walang sali-salitang una nitong inatake si Mateo na noo''y tila nagulat pa sa kaniyang nasaksihan. Mabilis naman siyang itinulak ni Esmeralda at halos matumba ito pabalik sa pintuan ng bahay. Mabilis na nagpambuno si Esme at ang isang maturukulan sa lupa, iwinasiwas ng dalaga ang kaniyang itak at nahagip niya ito sa braso dahilan upang lumayo ito sa kaniya. Dahil sa ginawa nito, umatake naman ang mga kasamahan nito ng sabay-sabay sa dalaga. Hindi naman nagpatinag si Esmeralda at bukas-loob na hinintay ang mga ito sa paglapit sa kaniya. "Akala niyo ba, nag-iisa lang ako? DIyan kayo nagkakamali. Liyab, ngayon na!" Sigaw ni Esmeralda at mula sa lupa ay tila isang punong umusbong doon si Liyab, Sinangga nito ang pag-atake ng mga matrukulan at isang puwersa ang pinakawalan nito dahilan para maitulak niya palayo ang mga nilalang. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon si Amihan na dagitin ang isang matrukulan gamit ang naglalakihang kuko nito sa paa. Sa ere ay sinubukang magpumiglas ng nilalang, napangisi naman si Amihan at gigil na tinusok ang hawak na nilalang gamit ang kaniyang matatalas na kuko. "Dahil sa mga uri niyo, naging magulo ang pamumuhay ng mga tao sa bayang inaalagan ko. Sabi ko naman sa inyo, hindi ko kayo kaya dahil nag-iisa ako, pero darating ang araw na makakahanap ako ng kakampi na siyang tutulong sa akin na pabagsakin kayo, At ito ang araw na iyon."Wika pa ni Amihan, sabay bitaw sa nilalang nang mapagtanto niyang nasa mataas na sila. Bumulusok pababa ang nilalang at isang nakakagimbal na tunog ang nilikha ng bumagsak na katawan ng aswang sa lupa. Halos mapisat ang bungo ng nilalang at nagkanda-lasog-lasog ang buo nitong katawan. Nang makita ito ng iba pang matrukulan, nagpakawala ang mga ito ng nakakagimbal na pag-atungal. kasabay nito ang pag-alulong ng mga aso sa paligid nila. Halosa mabalot ng gimbal at takot ang buong bayan dahil rinig na rinig nila ang ingay na nililikha ng mga aswang. "Diyos ko, ano na ba ang nagyayari sa mundo natin, napakarami nila sa labas." Bulalas ni Kaled, nanginginig sa takot ang kaniyang buong katawan at kulang na lang ay maihi pa siya sa kaniyang salawal. "Huminahon kayo, huwag kayong gagawa ng ingay, dahil naririnig kayo ng mga aswang sa labas." Mahinahong wika ni Sylvia sa mga umiiyak na buntisd. Hindi na sila magkamayaw sa pagpapatahan sa mga ito. Sino nga ba naman ang hindi matatakot, kahit si Slyvia ay nanginginig na sa takot pero pinaglalabanan niya ito. Si Nanay Merly naman ay mahinahon pang nagtimpla ng mainit na gatas para sa mga ito at inilapag iyon sa maliit na mesa kung saan sila naroroon. "Walang magagawa ang pag-iyak niyo sa takot, magtiwala kayo sa mga taong nakikipaglaban sa labas. Higit kanino man, dapat tayo ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanila, Huminahon kayo at uminom ng mainit na gatas, Sige na, tumahan na kayo, pagkatapos niyong uminom, magdarasal tayo ng sama-sama." nakangiting wika ni Merly. Napangiti naman si Sylvia at tinanguan ang matanda. Samantala, habang nagaganap iyon sa loob ng bahay, patuloy namang nakikipaglaban sina Esmeralda at Mateo kasama ang Mandurugong si Amihan at ang engkantong si Liyab. Ang apat na natitirang matrukulang ay tila hayok na hayok habang mabilis na umaatake sa kanila. Ang bilis nila ay animo''y maihahalintulad na ni Esmeralda sa mga nakasagupa na niyang sigbin, bagama''t mas mabagal ang mga ito, para sa tulad nilang tao ay mas mabilis pa rin ito, lalo na kay Mateo na baguhan pa lang sa pakikipaglaban. Dahil dehado sa pabilisan, naging mautak na lamang ang binata. Nang akmang susunggaban na siya ng matrukulan, mabilis na dumukot ng asin si Mateo at isinaboy ito sa kalaban. Napahiyaw ang nilalang at nanlilisik na napatingin kay Mateo habang hawak ang nasaktang mukha. "Ano ka ngayon? Akala mo siguro dahil mabilis ka, hindi kita magagapi. Humanda ka ngayon, dahil ako naman?" Sa isang mabilis na kilos, iniangat ni Mateo ang itak at hinataw sa nilalang. Dahil nasasaktan pa ito ng asin, hindi ito agad nakailag, ang talim mg itak ni Mateo ay malakas na bumaba mula sa kanang leeg nito patungo sa kaliwang dibdib kung saan naroroon ang puso ng aswang. Dinig na dinig ni Mateo ang paghiwa ng talim sa laman at mga buto ng nilalang. Halos mangilabot siya at nakaramdam ng bahagyang panghihina ang kaniyang mga tuhod. Pero pinaglabanan niya ito, lalong humigpit ang hawak niya sa itak at buong lakas na hinugot iyon mula sa katawan ng matrukulan. Kasabay ng pagbulwak ng nangingitin nitong d*go, ang pagbagsak ng katawan nito. S~ea??h the N?velFire(.)net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Chapter 26 Chapter 26 - 26Matapos mapatumba ni Mateo ang kaniyang kalaban, tumalsik naman sa kaniyang kinaroroonan ang katawan ng isa pang matrukulan. Wala na itong ulo at tila ba sinadyan itong inilagay sa ibabaw ng natalo niyang nilalang. Napalingon na lamang si Mateo at nakita niya si Amihan na pababa na sa ere. Nang lumapat ang paa nito sa lupa ay nagbago na rin ito ng anyo. Doon ay nasilayan ni Mateo sa unang pagkakataon ang taong anyo ng babae. Napapailing pa si Mateo at nagkibit ng balikat abgo itinuon ang pansin sa kalaban ni Esmeralda. Mas malaki ng ilang beses sa nakalaban niya ang kaharap ngayon ng dalaga. Sa pakiwari niya ay ito ang pinuno ng grupo na umatake sa kanila. Sa kabilang banda naman ay patuloy din pinaglalaruan ng isang di nakikitang nilalang ang isa pang matrukulan. Para itong baliw sa kaniyang paniningin na nakikipaglaban sa hangin. Kitang-kita ni Mateo ang pagtapyas ni Esmeralda ng ulo ng kalaban nito. Napakabilis ng pangyayari nang mga sandaling iyon, Sa isang iglap lang ay gumugulong na ang ulo ng halimaw sa lupa at ang katawan nitong akma sanang kakalmutin si Esmeralda ay nabitin at ngayong bumubulwak na ang masasaganang d*go nito. Isang malakas na sigaw ng halimaw ang siyang naging hudyat ng pagtatapos ng laban, bumagsak rin nang wala ng buhay ang isa pang nilalang sa lupa. "Ang kukunat ng mga balat nila, mabuti at napatumba niyo na rin ang mga kalaban niyo. sa ngayon, paniguradong hindi na sila mangangahas na umatake pa, pero paniguradong babalik sila." Wika pa ni Esmeralda habang pinupunasan ang kaniyang itak. "Tama ka, sandali lang silang tatahimik, magmamatyag at hahanap ng panibagong pagkakataon para makasalisi. Kaya kailangan pa rin nating maging alerto. Mga sanga pa lang ang nakakalaban natin at hindi pa ang piunaka-ugat nila." Sang-ayon naman ni Amihan. Naglaho na rin nang tuluyan si Liyab matapos ang labanan, si Esmeralda at Mateo naman ay sandaling nanatili sa labas ng bahay para kausapin si Amihan. Dahil kasi sa mga pangontra, hindi makapasok ang dalaga sa bahay nila Kaled. "Madaling araw na, kailangan niyo nang magpahinga, maraming salamat, dahil pinagkatiwalaan niyo ako." Wika ni Amihan at tuluyan nang nagpaalam sa dalawa. Nang mawala na sa paningin nila si Amihan ay pumasok naman sila sa bahay. Doon ay mahinahon silang sinalubong ni Ismael, na siyang natitirang gising na lang sa mga tao doon sa loob. "Mabuti naman at ligtas pa rin kayong natapos. Magpahinga na kayo. Bukas na tayo mag-usap-usap, alam kong pagod na kayo." Wika ni Ismael. Tumango naman si Esmeralda at diretsong tinungo na ang sala kung saan sila nagpapahinga. Sakto naman nakapaglatag na doon si Ismael. Walang imik na siyang nahiga at ipinikit ang kaniyang mata. Kinabukasan, tinanghali na ng gising si Esmeralda. Nagising siya sa amoy ng nilulutong sinangag at tuyo. Napabangon siya at bahagyang inilibot pa ang paningin sa paligid. Napakamot pa siya ng ulo nang marinig ang mga nag-uusap-usap sa kusina. Gising na pala ang mga buntis at kasalukuyan silang magtitipon-tipon sa kusina para mag-almusal. Marahil ay kagigising lang din ng mga ito. Pagdating naman niya sa kusina, mga nakangiting mukha ng mga babae ang bumati sa kaniya. Si Nanay Merly naman ay kasalukuyang nagluluto habang si Sylvia ang nagtitimpla ng gatas sa mga ito. Para silang naging isang buong pamilya sa bahay na iyon. Maalaga si Sylvia sa mga babae na parang mga kapatid niya ito. "Magandang umaga, hija." Bati sa kaniya ni Nanay Merly. Ngumiti siya at tinugon rin ito mg pagbati. Matapos mag-almusal, isang hindi inaasahang bisita ang dumating sa bahay nila Kaled. Ang matandang guwardiya sa mansyon ni Don Hernan. Hindi na ito magpaligoy-ligoy pa at mabilis na inilahad ang nais nito. "Sige ho, manong. Susunod ho kami sa inyo. Mauna na po kayo." Wika pa ni Esmeralda. Ilang sandali pa, matapos umalis ng matandang guwardiya ay gumayak na rin si Esmeralda kasama si Mateo at Ismael. Mabilis naman silang pinapasok ng guwardiya at iginaya sa loob ng mansyon. "Wala bang nakapansin sa inyo?" Tanong ng Don. "Wala ho, may problema po ba Don Hernan?" Tanong ni Esmeralda. "Esmeralda, pasensiya na kung walang pasabi ko kayong pinatawag sa mansyon. Pero nababahala ako dahil biglang nagkasakit ang apo kong si Hanna. Biglaan ang mga pangyayari, dalawang araw matapos kang pumarito ay nagkalagnat siya. Inakala namin na simpleng lagnat lang ito sa una, pero nang magtagal ay lalo siyang nanghihina. Hindi na tumatalab ang mga gamot na nabibili sa botika, maging ang mga gamot na nireseta ng mga doktor sa bayan." Saad ng Don, bakas sa boses at mukha nito ang pag-aalala. Agad naman silang iginaya ng Don patungo sa silid ng apo nitong si Hanna. Pagpasok pa lamang ay agad na nakaramdam ng bigat si Esmeralda. Gayon din si Ismael na mabilis na lumapit sa dalaga. Pinulsuhan niya ito ngunit sa. Pagdampi pa lamang ng kamay ni Ismael sa balat ng dalaga ay agad itong napahiyaw na tila napapaso. Umigtad ito sa higaan at namilipit sa sakit. "Masama ito, kinukulam ang anak niyo Don Hernan, ang nakakapagtaka lang, hindi ko matukoy kung paano niya ito nakuha. May gamit ka po ba ng apo ninyo na hindi pa nalalabhan. Iuong ginamit niya bago siya magkaganito." Tanong ni Ismael. "Amang, mabigat ang pakiramdam ko sa kaniya, aswang ba ang may kagagawan ng pagkukulam?" Tanong ni Esmeralda at tumango naman si Ismael. "Oo, at malakas ang isang ito."sagot ni Ismael at kaagaran na siyang naghanda para sa isasagawang pagtatawa sa dalaga. Matapos ang ritwal ng pagtatawas, tatlong imahe ang kanilang nakitang nabuo sa palanggana. "Amang, tama nga ba ang nakikita ko, tatlong pigura iyan, at ang isa ay isang tao?" "Oo anak, tama ka ng pagbasa sa imahe. Ang isang pigura ay sa aswang, ang isa ay sa mangkukulam habang ang pangatlo ay isang tao. Don Hernan, nitong nakaraang araw, nagkaroon ka ba ng bisita bukod sa anak ko?" Baling tanong ni Ismael sa matandang Don. "Bisita, bukod kay Esmeralda, marami akong naging bisita sa mansyon. Pero, may dalawa ang nagtagal at nakausap rin ang aking apong si Hanna." Saad ng Don. Sa pagkakataong iyon ay napaisip siya ng malalim at napapailing. "Imposible, hindi maaring siya." Iiling-iling na wika ng Don. "Don Hernan, maaari ka ba naming makausap, iyon sanang walang makakarinig na kahit sino." Ranong ni Esmeralda at tumango naman ang matanda. Dinala sila ng Don sa isa pang silid na kalapit lamang ng silid nito. "Ano ang sasabihin mo hija?" "May nais sana akong ipakiusap, sa ngayon, nasa bahay nila Kaled ang mga buntis sa bayang ito. Mahihirapan kaming gamutin ang anak niyo kung nababahala kami sa kalagayan ng mga babae at nina Kaled. Ibig ko sanang imungkahi sa inyo na ilipat sa mansyon niyo ang pamilya ni Kaled at ang mga buntis." Agad na kumislap ang mga mata ni Don Hernan sa marinig. Nabakas ni Esmeralda ang pagkasabik sa mga mata ng Don. "Walang problema. Malaki ang bahay, at may mga silid na bakante. Maaari silang ilipat rito. Pero paano aila ililipat gayong may mga aswang ring nakamatyag sa mansyon namin? Hindi kaya mahihirapan kayo?" Tanong ni Don Hernan. "Kami na po ang bahala, madaling araw kami kikilos, sa oras na magsiuwian na ang mga magmamatyag sa mansyon." Saad naman ni Esmeralda. "Sang-ayon ako sa mungkahi mo. Naway maging maayos ang paglilipat niyo sa kanila rito. Nasasabik na rin akong makausap sila. " Halos naiiyak pang wika ng matanda. Nang araw ding iyon, pinauwi ng Don ang kaniyang mga katulong at katiwala sa mansyon sa mga sari-sarili nitong bahay. Ang naiwan lamang ay ang matandang guwardiya na siyang tanging pinagkakatiwalaan naman ng Don. sea??h th§× Nov§×l?ire.n(e)t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Mag-iingat kayo, doon kayo sa likod dumaan dahil nariyan na naman sila nagmamasid." Pabulong na wika ng guwardiyan nang makalabas na sila ng mansyon. "Salamat ho manong." Tugon ni Mateo at nagmadali na silang umalis. Sa likod sila dumaan kung saan tanaw nila ang malawak na palayan. Sinundan lamg nila ang mga pilapil hanggang sa marating naman nila ang likurang bahagi ng bahay nila Kaled. Noon lang napagtanto ni Esmeralda na mainam palang daanan iyon sa oras na ilipat na nila ang mga babae at malaki ang maitutulong ni Amihan rito. Nang makabalik na sila ay umalis naman si Esmeralda. Dumaan na siya sa harapan na tila ba noon lamang siya nakalabas. Dala ang kaniyang basket ay nagpunta siya sa talipapa para numili ng mga gulay. Nagkunwari siyang pumipili ng isda nang mamataan niya si Amihan na nakatayo sa ''di kalayuan at nakamasid lang sa kaniya. Bahagya siyang kumaway rito na tinugon naman ng babae. Matapos makapamili ay dahan-dahan na siyang naglakad patungo sa kubo ni Amihan. "Ako ang sadya mo at hindi talaga pamimili,ano?" Nakangiting wika ni Amihan, kaswal itong nakikipag-usap na animo''y matagal na silang magkaibigan. "May pagbabago sa plano..." Hindi na magpaligoy-ligoy pa si Esmeralda at kaagaran namang inabisuhan ang dalaga sa plano nila. Walang pag-aalangan si Amihan na pumayag. Kinagabihan ay maagang nagpahinga ang lahat, hindi nila inalintana ang mga pag-alulong ng mga aso sa kanilang paligid. "Hindi ka pa ba magpapahinga Mateo?" Tanong ni Esmeralda nang maabutan niya ang binata sa kusina na nagkakape. "Bukas na siguro kapag nakarating na tayo. Mauna ka na, gigisingin na lamang kita kapag nangahas na pumasok ang mga hinay*pak na mga aswang na ''yan. " "Ikaw ang bahala, hindi mo naman kailangang magbantay dahil, nasa labas si Liyab at Amihan na nagbabantay. At sa nangyari kahapon, mangingilag pa silang umatake. Hanggang ganyan lang sila, magmamatyag at magmamasid. " Wika pa ng dalaga at humiga na sa nakalatag na kutson sa sahig ng sala. Chapter 27 Chapter 27 - 27Bago sumapit ang alas-tres ng madaling araw ay gising na silang lahat. Ginayak nila ang kanilang mga sarili at nagdala lamang ng kakaunting gamit. Tulad nang napagplanuhan nila, sa likod sila nang bahay dumaan. Naglalakad ang mga babae habang si Ismael naman sa likuran ay nagsasaboy ng pinulbos na dilaw na luya. "Ano ''yong binubuhos ni Tiyo sa hangin? Bakit parang ang baho naman yata, makati sa ilong."reklamo ni Mateo. "Makati sa ilong, ano ka aswang? Luyang dilaw ''yan na dinurog. Ginagamit yan para hindi tayo maamoy ng mga aswang na nagmamasid doon sa harap ng bahay." paliwanag ni Esmeralda. Napakamot naman ng ulo si Mateo at pasimpleng kinamot rin ang ilong, para kasi siyang nakakaamoy ng pulbos ng paminta, pakiramdam tuloy niya ay kaunti na lang at babahing na siya. Pero dahil sa kanilang sitwasyon ay pinigilan niya ito, napangisi naman si Esmeralda subalit hindi na nagsalita pa. Nang dumating na sila sa likod ng mansyon ni Don Hernan, ay naroon na ang matandang guwardiya na kaagaran silang pinagbuksan ng gate. Dali-dali naman silang pumasok at tumuloy na sa mansyon. Pagkapasok pa lamang sa mansyon ay doon na tuluyang nabahing si Mateo. Sunod-sunod iyon at kulang na lang ay kapusan siya ng hininga. Nagtawanan naman ang mag-amang Ismael at Esmeralda dahil dito. Napawi nito ang tensyong kaninang nararamdaman ng lahat. Natawa na rin ang mga babae at maging si Nanay Merly at napangiti at napabuga ng hangin. "Mabuti naman at ligtas kayong nakarating, Sige na, pumanhik na kayo sa ikalawang palapag, nakabukas na ang magiging silid niyong lahat doon." Wika ng Don. Nangilid ang mga luha ng matanda nang mapatingin sa magkakapatid na Kaled, Sylvia at Rimo. "Pasensiya na kung biglaan itong paglipat ninyo. Hindi ko naman talaga hangad na sirain ang buhay niyo, matagal ko nang tanggap ang pagkakaroon ng pamilya ni Danilo rito. Patawad kung masyado akong nilamon ng aking takot, hindi ko man lang nagawang protektahan kayo." mahinahong paliwanag ng Don. Napapsinghot na iniiwas ni Kaled ang kaniyang paningin sa matanda, habang si Sylvia naman ay hindi na napigilan ang sarili na hindi maiyak. "Totoo ba, lolo ka namin?" si Rimo ang siyang unang naglakas ng loob na magtanong. Napalingon naman si Kaled at maging si Sylvia ay napatingin rin sa Don, naghihintay ng kasagutan nito. "Totoo, iyon. Anak ko ang papa niyo, kaya lolo niyo ako." nakangiting sagot ng Don, ngunit hindi nito naitago ang luhang kumawala mula sa mata ng matanda. Habang nag-uusap naman ang magpapamilya, tahimik na lumisan si Mateo at Ismael. Si Esmeralda naman ay bumalik sa labas upang kausapin si Amihan. "Maraming salamat sa tulong mo, pasensiya ka na din kanina sa isinaboy ni amang, hindi ka ba nasaktan?" tanong ni Esmeralda. "Hindi naman, may ibinigay naman si Ka Ismael na pantakip sa ilong, at isa pa, sanay ako sa amoy ng luya, bawang at kalamansi." wika naman ni Amihan. "Ang sabi ni Don Hernan, may kubo siya rito na maaari niyong tuluyan ni Liya, ngayong nasa iisang lugar na ang mga taong kailangan ng mga aswang, hindi na tayo mahihirapan. Walang pangontra sa unang palapag ng bahay ng Don, kaya malaya pa rin kayong makakagalaw dito." "Sige, aayusin ko lang muna ang kubo namin, bukas bago maghapon, lilipat kami." Matapos ang kanilang maiksing pag-uusap ay nagpaalam na si Amihan sa kaniya. Napabuntong hininga naman si Esmeralda at tinungo ang malaking puno ng balete na nasa loob lang din ng bakuran ni Don Hernan, nasa tabi lang iyon ng pader sa likurang bahagi kaya naman malayo ito sa mapagmatyag na mata ng mga nagmamasid. Inilapat niya ang palad roon at pabulong na nag-usal ng mga dasal. Walang laman ang punong iyon kaya naman minabuti niya itong gisingin upang matirhan ni Liyab pansamantala. Ilang sandali pa ay lumitaw na sa tabi niya si Liyab. Umupo ito sa ilalim ng puno ng balete at ngumiting binati ang dalaga. Bagaman nakaupo, nakakamanghang halos magkapantay pa rin ang kanilang mga ulo. Matangkad si Liyab at ang tangkad nito ay maikukumpara niya sa dalawang normal na taong pinagpatong. "Malakas na kakampi ang mga mandurugong katulad ni Amihan. Batid kong hindi pa siya nakakatikim ng dugo at karne ng tao, sa kabila ng pagiging mandurugo niya, ganoon rin ang kapatid niya. Likas sa magkapatid ang pagiging busilak ang kalooban." Wika ni Liyab. "Tama ka, ramdam ko rin iyon. Siya nga pala, kumusta ang pagmamatyag mo sa kanila?" "Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang eksaktong kinaroroonan ng mag-ina. Pero pasasaan ba''t mahahanap ko rin sila." Nakangiti pa ring wika ni Liyab. Napangiti na rin si Esmeralda at napatitig lang sa binata. Malamlam ang mga mata nito habang nakatitig rin sa kaniya. Agad na napansin naman ni Esmeralda ang panghihina ng kausap. Bumuga siya ng hangin at marahang idinampi ang kaniyang kamay sa mukha ng binata. "Magpahinga ka muna, bukas, ako naman ang lalakad. Bawiin mo ang lakas mo dahil sa mga susunod na araw ay siguradong kakailanganin kita." Kumunot ang noo ni Liyab ngunit wala itong nagawa at tumango na lang. Napangiti naman si Esmeralda nang makita ang pagsang-ayon ni Liyab. Alam niyang kahit na makapangyarihan ang uri ni Liyab, may mga panahong nauubusan rin ang mga ito ng lakas, lalo pa at nasa mundo sila ng mga mortal. Kailangan din nilang bumalik sa kanilang mundo upang doon magpalakas muli. Nang tuluyan nang maglaho si Liyab sa paningin niya ay doon lamang siya magdesisyong bumalik sa loob. Sa mga oras na ito, naabutan niya ang Don at si Sonia na nag-uusap. Pareho nang nakangiti ang mga ito at tuwang-tuwa naman ang matanda habang karga ang bunso nitong apo. Kinabukasan, tahimik na silang nag-aalmusal sa mahabang hapag ng mansyon. "Huwag kayong mahiya, kain lang." Masayang utos ng Don sa mga babae. Malapad ang pagkakangiti nito at bakas talaga sa mukha ng matanda ang labis na kasiyahan. Karga pa rin nito ang sanggol habang kumakain pa ang ina nito. Nasa hapag na rin si Hanna na bagama''t mahina pa ay nakangiti pa ring nakikipag-usap sa mga pinsan niya. Matapos ang almusal, inalalayan naman ni Sylvia si Hanna pabalik sa silid nito, kung saan ay sinimulan na siyang gamutin ulit ni Ismael. "Bakit parang nakikita ko si papa sa nangyayari kay Ate Hanna? Ate, parang ito rin ang nangyari noon kay papa, hindi ba?" Puna ni Rimo at nagkatinginan naman si Sylvia at Kaled. Noon lang din nila napagtanto na may pagkakatulad nga ang mga nararamdaman ni Hanna sa nangyari noon sa kanilang ama. "Mawawala rin ba si Ate Hanna?" Muling tanong nito na may takot sa mga mata. "Ang bibig mo Rimo, hindi mangyayari iyon dahil nandito si Ka Ismael. Tutulungan nila ang ate Hanna mo, hindi siya marutulad kay Papa, hindi na tayo mababawasan pa." Giit ni Sylvia bagaman kahit aiya ay nakakaramdam na ng matinding takot at kaba. Pabiling-higa ang ginagawa ni Hanna habang patuloy na hinihilot ni Ismael ang tiyan ng dalaga. Nag-uusal ito habang ginagawa iyon. Namumuo ang pawis sa noo ng lalaki habang tagaktak naman nag pawis ng dalaga. Napapakunot pa ang noo ni Esmeralda dahil ramdam niyang lumalaban ang kung sino mang nagpapahirap sa dalaga. Sear?h the novel(F~)ire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Hindi lamang ang dalaga ang nahihirapan, kun''di maging ang kaniyang ama. Hingal na hingal naman si Ismael nang matapos ang unang pag-oorasyon niya. "Napakalakas ng mangkukulam na ito. Nahihirapan akong sugpuin at putulin ang sakit na ipinapataw niya sa apo ni Don Hernan." Wika ni Ismael, dali-dali naman siyang inabutang ng maligamgam na tubig ni Esmeralda. "May maitutulong ba ako, amang? Sabihin niyo lang." "May naiisip ako, pero imposible, mahihirpaan pa rin tayo. Pero, kung mapapasakamay natin ang mutyang ito, mapapadali nag paggaling ni Hanna. Malalabanan niya ang kulam." Sagot naman ni Ismael. "Mutya? Anong mutya iyan Ismael?" Tanong ni Don Hernan. "Ang mutya ng tubig Don Hernan. Maari itong matagpuan sa mga bukal, lawa, o talon o kahit saan lugar na may tubig. Mabisa ito sa pagpapagaling ng mga sakit, at mabisang panlaban rin ito sa kulam at barang. Pampasuwerte rin ang natong ito sa may tangan." Sagot ni Ismael. "May kilala akong nagtatangan ng mutya ng tubig, pero naisasalin ba ang kapangyarihan na iyon?" Tanong ni Don Hernan. "Hindi maaring isalin ang kakayahan, lalo kung hindi ito kadugo o napiling tagapagmana. Mas mabisa ang mga mutyang wala pang kinikilalang tagatangan, mas maigi rin kung ang mutyang ito ay may basbas ng nangangalaga rito. " Sagot ni Ismael at tumingin kay Esmeralda. Agad namang nakuha ng dalaga ang punto ng kaniyang ama. Kailangan niyang lumisan upang hanapin ang mutyang iyon. At isang lugar lang ang dapat niyang balikan, ang lugar kung saan siya madalas noon. "Ako na po ang bahala amang, narito naman si Mateo, at mamaya darating na rin si Amihan, magkakaroon kayo ng matibay na proteksyon laban sa magtatangka sa inyo." Wika ni Esmeralda at tinanguan naman si Mateo. Kinahapunan ay inabangan ni Esmeralda ang pagdating ni Amihan at Liya. Nakakatuwang pagmasdan ang malapad na ngiti ng bata nang makita ang bakuran ng Don. "Wow, Ate Amihan, dito ba tayo titira? Grabe, ang lawak-lawak naman ng bakuran. Tapos, ang laki-laki ng magiging bahay natin." Masiglang puna ng bata. "Oo Liya, dito muna kayo pansamantala. Marami kasi tayong kalaban kaya dapat sama-sama tayo. Don Hernan, ito nga po pala ang magkapatid na Amihan at Liya, mga aswang rin po sila perp mababait sila. Sila po ang poprotekta sa inyo habang wala ako." Pakilala ni Esmeralda sa mga ito. "Kinagagalak ko kayong makilala, lagi ko kayong nakikita noon sa bayan, tama nga ang hinuha ko sa iyong magkapatid. Pero natutuwa akong nasa panig pa rin kayo ng kabutihan sa kabila ng dugong nananalaytay sa inyong mga ugat." Nakangiting wika ni Don Hernan na ikinagulat naman ni Amihan. Chapter 28 Chapter 28 - 28Nang makita ni Esmeralda ang gulat at pagtataka sa mukha ni Amihan ay agad niyang pinaliwanag rito ang angkang pinagmulan ni Don Hernan. Doon ay mas naintindihan pa ng dalaga ang pinupunto nito. Napangiti siya at ipinakilala naman ang kaniyang kapatid. Matapos ang pagpapakilala ay tumuloy na sina Amihan at Liya sa kanilang kubo. Malaki ang kubong iyon, kumpara sa tinitirhan nila sa gitna ng palayan. Maaliwalas rin ang buong loob ng kubo, Kompleto ang mga kagamitan at may dalawang maliit na silid rin na sakto lamang sa kanilang magkapatid. "Ate, ang gaganda naman ng gamit nila rito, talaga bang puwede nating gamitin ang mga ito. Tingnan mo, malambot rin ang higaan, gawa sa kawayan pero may malambot na bagay sa itaas. Ang sarap sigurong matulog diyan." puna ni Liya na ikinatawa naman ni Esmeralda. "Masarap matulog diyan Liya, subukan mo, ang sabi ni Don Hernan, malaya klayong gamitin ang mga bagay na narito." tugon ni Esmeralda. "Talaga po Ate Esme, ang bait naman pala ng Don, akala ko dati, masama ang ugali niya kasi mayaman siya." inosenteng wika naman ni Liya. "Kaya dapat, araw-araw kang maglilinis sa loob ng bahay ha, kapag wala kami ni Ate Esme, panatilihin mong maayos at malinis ang bahay. Para hindi naman sayang ang kabaitan sa atin ng Don." "Opo ate, ako po ang bahala. kahit isang butil ng alikabok, wala silang makikita." masiglang tugon ni Liya at natawa naman si Esmeralda at Amihan. Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbyahe na pabalik sa bayan ng Luntian si Esmeralda. Pagbaba sa dulo ng bayan ay agad na niyang tinahak ang daan patungo sa paanan ng bundok, halos tanghali na rin nang marating niya ito at sa daan, may nakakasalubong ring siyang mga tao na halatang kakababa lang din sa bundok para mangahoy. "Ineng, aakyat ka ba ng bundok?" tanong ng isang matandang lalaki, may bitbit itong isang bungkos ng kahoy na huminto sa lilim ng isang puno sa gilid ng daan. "Oho, manong. Doon ho ba kayo galing?" "Oo, pero ineng, nag-iisa ka? Delikado ang pusod ng gubat sa taas, huwag kang gagawi roon, kung mangunguha ka ng kahoy, dito ka lang sa bungad." saad pa ng matanda. Napakunot naman ang noo ni Esmeralda sa narinig, paanong naging mapanganib ang pusod kung nandoon ang kanilang bahay. "Sige ho manong, mauuna na ho ako para makababa ako agad." nakangiti lang niyang wika at nagpaalam na sa matanda. Naiwan itong nakatingin lang sa papalayo niyang likuran. "Mag-iingat ka." Sigaw pa nito. Itinaas lang ni Esmeralda ang kamay bilang tugon at walang lingon-lingon nang nagpatuloy sa paglalakad. Pagtapak pa lamang niya sa bungad ng gubat ay nakaramdam na siya ng kakaiba. Tila ba nababalot ng makapal na hamog ang buong lugar na tanging siya lamang ang nakakakita. Panaka-naka pa siyang nakakasalubong ng mga matatanda at binatang nangangahoy sa bungad at ilan sa mga ito ang nagbigay rin ng babala sa kaniya. Gayunpaman, pinagpatuloy lang niya ang paglalakad hanggang sa marating na niya ang matarik na bahagi ng bundok. Tumingala siya sa mga matatayog na puno at kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa lugar. Naging mabigat na ang dating maaliwalas na kagubatan. May nararamdaman rin siyang mga kakaibang nilalang na ngayon ay naninirahan na sa kagubatang iyon, partikular sa mataas na bahagi ng kabundukan. Hindi niya alintana ang mabato at matarik na daan paakyat. Napakabilis ng mga galaw niya habang inaakyat ang malalaking bato. Iyon kasi ang mas mabilis na daan patungo sa pusod ng gubat. Nang malagpasan niya ang mabatong parteng iyon ay natanaw naman niya ang maliit na talon, dinig na dinig niya ang lagaslas ng tubig na bumabagsak mula roon. Mula sa talong iyon, mabilis na niyang nilakad ang makitid na daan patungo sa kanilang tahanan. Pagdating ay agad niyang namasdan ang naging sitwasyon ng kanilang dating tahanan. Sa tagal na hindi na niya ito nadadalaw ay tila nabalot ng mga baging ang kanilang bahay. Naging mayabong din ang mga damo sa bakuran at ang kanilang hardin ay natatakpan na ng mga damo. Napansin rin niya ang isang kumpol ng mga kahoy sa gilid ng kubo nila. Bago lang iyon at sigurado siyang may naglagay ng mga ito doon. Akma sana siyang tutuloy sa kubo, isang sigaw ang agad na nagpatigil sa kaniya. Isang batang lalaki ang nakita niyang tumatakbo patungo sa kaniya, mukha itong katutubo dahil sa kasuotan nito. Wala itong damit pang-itaas at maikling hinabing tela naman ang tanging saplot nito sa ibaba. May tali ang buhok nito at mga palamuting makukuha sa mga hayop sa kagubatan. "Huwag kang pumasok diyan, mapanganib ang nilalang na naninirahan diyan." Sigaw ng bata. Bago pa man siya makapagtanong ay agad naman niyang naramdaman ang isang nilalang na tila gumagapang sa lupa. Mabilis itong kumikilos sa kaniyang likuran at nagulat na lamang siya nang bigla siyang sunggaban nito. Pumulupot sa katawan niya ang dambuhala nitong katawan. Doon lang niya napagtanto na isang malaking ahas pala ang tinutukoy ng bata. Nakita niyang may inihagis rito ang bata na siyang nagpakalas naman ng pagkakalingkis ng ahas sa kaniya. Kinuha naman ni Esmeralda ang pagkakataon na makawala, tumalon siya palayo sa nilalang at doon niya nakita ang wangis nito. Napakalakung ahas nito, kulay berde ang buo nitong katawan habang may matutulis itong buhok na kulay pula, malalaki ang kaliskis nito na animo''y nag-iiba pa ng kulay. Napakalaki rin ng bunganga nitong halos kayang lamunin ng buo ang isang matabang tao. "Isang markupo ang ahas na iyan, isang engkantong ahas na napadpad sa ating mundo. Bakit ka narito, hindi ka dapat narito dahil mapanganib para sa inyong mga tao." Wika pa ng bata. Noon lang din napagmasdang mabuti ni Esmeralda ang bata, sa kabila ng bata nitong katawan, bakas sa mga kalamnan nito na batak ito sa digmaan at mabibigat na trabaho. "Sino ka bata, bakit alam mo ang tungkol sa nilalang na iyan?" "Mamaya ko na sasabihin, sumama ka sa akin, hindi tayo maaaring magtagal rito dahil hindi ka titigilan ng nilalang na iyan kung ipipilit mong lumapit sa bahay na iyan." Hinatak na siya ng bata at wala na siyang nagawa kun''di ang magpatianod rito. Mula sa bahay ay naglakad pa sila ng ilang oras hanggang sa marating na nila ang isang maliit na kumonidad. May limang kubo ang nakatirik doon at may namataan rin siyang mga tao na abala sa kani-kanilang mga gawain. Sa kanilang pagdating, sabay-sabay na napahinto ang mga ito at matamang napatingin sa kanila. Dire-diretsong hinatak naman siya ng bata patungo sa may kalakihang kubo na napapagitnaan ng lima pang maliliit na kubo. "Apo Salya, narito na po ako." Anunsyo ng bata. "Saan ka na naman ba galing na bata ka, ilang ulit ko ba dapat sabihin sa''yo na iwasan mo ang lu¡ª" Napahinto sa pagsasalita ang matanda at mapatingin kay Esmeralda. "Lola naman eh, kung hindi ako nagpunta roon, hindi ko maililigtas ng buhay ng dayong ito." Reklamo ng bata. "Dayo ba kamo, iyang kasama mo. Ineng, bakit ka ba naparito sa gubat, hindi ka va nasabihan ng mga matatanda na mapanganib sa pusod? Lalo na doon sa abandonadong kubo?" Ani ng matanda. "Ano ho ba ang nangyari, hindi ito ganito dati, at sino ho kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Esmeralda. "Nanggaling kami sa kabilang ibayo, napadpad rito dahil sa pagsunod namin sa nilalang na iyon. Ang Markupo ay isang uri ng nilalang na pinaniniwalaang alaga ngbmga engkanto, nakita mo ba ang wangis niya? May pulang korona sa ulo, malatinik na dila at ang malaking pangil niya sa bunganga, malatinidor din ang dulo ng buntot nito. Hindi naman mapaminsala ang nilalang na iyon subalit kapag naistorbo ito o nagambala ng mga taong walang alam sa mga tulad niya, siguradong isang malaking gulo ang mangyayari. Sana sa iyong pagbaba sa bundok, huwag mo na sanang banggitin sa iba ang nakita at nalaman mo rito." Mahabang paliwanag ng matanda. "Lola, sa tingin ko at may hindi tayo pagkakaunawaan, hindi po ako naligaw o nagawi lang dito. Sinadya ko ang lugar na ito dahil sa isang misyon. Ang bahay na iyon ay dating bahay namin ng tatay ko. Kaya ako nagtataka kung paano at bakit naging tirahan iyon ng nilalang na tinatawang niyong Markupo. Sa ngayon ay hindi ito ang misyon ko kaya palalagpasin ko muna ito. Sadyang nagmamadali ho ako ngayon na magawa ang misyon dahil buhay ng isang tao ang nakasalalay rito." Umiiling na paliwanag ni Esmeralda. Nanlaki ang mga mata ng matanda at napanganga naman ang bata. "Misyon? Ano namang misyon?" "Anak ho ako ng isang albularyo, at isa rin po akong manunugis. Inutusan ho ako ng aking amang na hanapin ang mutya ng tubig para sa isang taong may sakit. Hindi kayang labanan ni Amang ang kulam sa katawan ng pasyente niya at ang mutya lang ng tubig ang makatutulong sa kaniya." Paliwanag ni Esmeralda. "Mutya ng tubig? Lola, hindi ba''t doon sa talon sa loob ng isang kuweba, may nakita tayo roon, pero hindi natin kinuha dahio sabi mo may darating na siyang magiging tagahatid nito? Hindi kaya ang babaeng ito ang sinasabi sa mga pangitain mo?" Wika ng bata. Napabalik-balik ang tingin ni Esmeralda sa mag-lola. Maging ang matanda ay tila nahulog sa malalim na pag-iisip. Pilit na binabalikan ang mga pangitaing inilahad sa kaniya ng kaniyang mga gabay. S~ea??h the Novel?ire(.)ne*t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Chapter 29 Chapter 29 - 29Tumikhim ang matanda at bahagyang ipinilig ang ulo. "Sa inyo ang bahay na iyon? Albularyo kamo ang tatay mo Ineng? Kaya pala ang paligid ay taniman ng mga halamang gamot." Wika ng matanda. "Oho, pero saka ko na ho babalikan ang bahay namin. Tatapusin ko muna itong iniuutos ni amang. Salamat ho sa pagbibigay ng babala sa akin. Kailangan ko na hong puntahan ang sinasabi niyong kuweba." Wika ni Esmeralda at tumango naman ang matanda. Pero bago siya umalis, may ibinigay itong lubid sa kaniya na ayon dito ay magagamit niya sa pagkuha ang mutya. Hindi man lubos na naintindihan, minabuti niyang tanggapin ito at malugod na nagpasalamat dito. "Ate, sandali! Hintayin mo ako." Isang tawag ang muling nagpahinto sa kaniya. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang paglalakbay nang humahangos na humabol sa kaniya ang batang si Dodong. "Bakit ka sumunod, may kailangan ka ba?" "Sasama ako, ate. Alam ko ang daan patungo roon at alam ko rin ang eksaktong kinaroroonan ng mutya. Mapapadali po ang pagkuha niyo kung kasama niyo ako." Wika pa ng bata at napangiti si Esmeralda. Natutuwa siya sa pagiging masigla ng bata kaya naman hinayaan na niya itong sumama sa kaniya. Tulad nga ng sinabi ng bata, mabilis nilang narating ang kuwebang tinutukoy nito. Nasa masukal itong parte ng gubat na napapalibutan ng matatayog at mayabong na kapunuan. Makitid ang mabatong daan papasok roon, at sa bawat gilid ay matarik na bangin. Kapag hindi ka nag-ingat ay maaari kang mahulog sa ilalim. "Hindi ito naaabot ng mga tao, dahil masyadong matarik at mapanganib. May mga naririnig pa kaming usapan noon, na may mga naaksidente na raw dito." Madaldal na bata si Dodong kaya ang dapat na tahimik na paglalakbay ni Esmeralda ay naging maingay at masigla na ikinatuwa naman ng dalaga. "Minsan ko nang nagawi ang daan patungo rito pero hindi ako umabot rito. Ito ang unang pagkakataon na nakarating ako sa lugar na ito. Paano pala kayo napadpad dito, Dodong, Saan ba kayo galing?" "Hindi ko alam ate kong paano ko sasabihin, pero maniniwala ka ba kung sasabihin kong galing kami sa ibang mundo? Hindi ibang lugar ha, ibang mundo, kung saan naninirahan ang mga gabay at mga engkanto." Saglit na napahinto si Esmeralda at tiningnan ang bata. Hindi ito tumatawa at walang bahid ng pagbibiro sa mukha nito. "Kayong lahat?" Tanong ni Esmeralda. "Hindi ate, kami lang ni Lola, ang mga taong nakita mong kasama namin, kabilang sila sa isang tribong namumundok, layunin nila ang mapangalagaan ang kalikasan , may mga babaylan rin sa grupo nila at napasama lang kami sa kanila dahil nagkataong narito ang nilalang na hinahabol namin." "At alam nilang nanggaling kayo sa ibang mundo?" Tanong ulit ng dalaga. "Opo, dahil si Lola isa rin babaylan, hindi ko alam ang buong istorya bakit doon kami nakatira pero simula pagkabata doon na ako namulat, kasama ang mga nilalang na hindi pangkaraniwan sa mundong ibabaw." Namamanghang napatingin naman si Esmeralda sa bata. Dahil sa tinuran nito, naunawaan niya kung bakit ganoon na lamang kagaan ang loob niya sa bata, at bakas rin sa katawan nito ang pagiging kakaiba nito sa ibang normal na bata. Lumaki ito sa ibang mundo, sa kabila ng pagiging tao nito. Tila lumipad tuloy ang isip niya sa mga ikinukuwento ng bata at hindi na niya namalayang nasa harap na sila ng bunganga ng kuweba. "Nandito na tayo ate." Tumingala si Dodong at napatingala na rin si Esmeralda, sa hinaba-haba ng kanilang paglalakad ay inabot na sila ng dapit-hapon. "Sandali lang ate, maghahanap lang ako ng maaari nating gamiting siga sa loob ng kuweba." Wika ni Dodong, maliksi itong tumakbo palayo at naiwan siyang nakatingala naman sa kuweba. Malaki ang bukana ng kuweba ngunit kapansin-pansing tila hindi ito naaabot ng liwanag ng araw o buwan. Masukal ang parteng nakapalibot dito subalit ang mismong bunganga ay wala kang makikitang damo bukod sa mangilanngilang maliliit na halamang namumulaklak. Ang iba pa nga ay nakadikit pa si pinakadingding ng kuweba. Nilapitan ito ni Esmeralda at bahagyang inamoy ito. Namangha pa siya nang maamoy ang mabango nitong halimuyak. Kakaiba rin ang bulaklak nito dahil sa tuwing naabot ito ng liwanag ay tila nagiging maliwanag rin ito. Hindi niya alam kung anong klaseng halaman iyon dahil ito ang unang beses na nakita niya ito. Nang makabalik si Dodong, may dala na itong makapal na kahoy na kasing-laki lang ng braso niya, may nakapulupot na tela doon. Paglapit ay agad na iniabot ni Dodong sa kaniya ang kahoy. Yumuko naman ang bata at agad na kumuha ng dalawang bato para ipagkiskis ito sa tapat ng maliliit na sanga. Muli na namang napamangha si Esmeralda sa bata, maaasahan na ito sa kabila ng bata nitong edad. Bukod doon, matalino rin ito at may angking bilis. Nang makagawa na ito ng apoy, agad naman inabot ni Dodong ang kahoy upang kunin sa dalaga. Itinapan niya ito sa nagniningas na sanga. Nang magliyab ang kahoy ay sinimulan na nilang maglakad papasok sa loob ng kuweba. "Talagang alam na alam mo ang lugar na ito, ano?" "Opo ate, madalas kasi ako nagagawi rito para pagmasdan ang mutya. Napakaganda kasi nito. Kung hindi lang dahil sa mga pangitain ni Lola, malamang kinuha ko na ito. Pero dahil ginagalan namin ang mga gabay, hindi kami maaaring tumaliwas sa kanilang mga utos at paalala." Tugon ng bata. "Pero paano kung hindi ako ang tinutukoy sa pangitain ng lola mo?" Tanong ni Esmeralda at natawa naman si Dodong. "Ikaw ''yon ate. Dahil ang sabi sa pangitain, isang babae. At ikaw lang naman ang babaeng nangahas na akyatin ang bundok na ito." Sagot ng bata at natawa na rin si Esmeralda. Lumipas pa ang kalahating oras ay narinig na ni Esmeralda ang rumaragasang tubig sa ilog at ang marahas na pagbaksak ng tubig mula sa talon. Tunay ngang may talon sa loob ng kuweba, at hindi iyon maliit. Dahil nang marating nila ang talon ay namangha si Esmeralda dahil parang nasa kabilang dimensyon na siya ng mundo. Malamig ang hangin roon na mamasa-masa, marahil dahil sa bumabagsak na tubig ng talon. May mga halaman ding tumutubo roon. "Kakaiba naman ang mga halaman dito. Paano sila nabubuhay kung hindi man lang inaabot ng sinag ng araw ang lugar na ito. Tingnan mo, mapusyaw na kukay berde ang kulay nila pero kung dito sa malayo, para silang nagliliwanag." Manghang turan ni Esmeralda. "Alam mo ba ate kung saan talaga tumutubo ang mga halamang iyan? Sa mundo ng mga engkanto. Subukan mo silang hawakan." Dahil sa matinding kuryusidad, marahang umupo si Esmeralda at h Sinubukang hawakan ang mga halaman. Nanlaki ang mga mata niya nang tumagos doon ang kaniyabg mga kamay. Animo''y tubig itong nagalaw dahil sa bahagyang pag-alon nito sa hangin. "Naiintindihan mo na ba kung paano sila nabubuhay kahit walang sinag ng araw? Ang totoo, hindi sila mabubuhay sa loob ng kuwebang ito pero doon sa mundo ng mga engkanto, oo." Nakangiting wika ni Dodong. "Nakakamangha talaga, hindi ko lubos akalain na may ganitong nangyayari sa tunay na mundo. Pero Dodong mas nakakamangha ka, ang bata mp pa pero napakarami mo ng alam. " "Marami talaga akong alam ate kung mundo ng engkanto ang pag-uusapan pero mangmang pa rin ako sa mata ng mga tao kung ang pag-uusapan ay ang tunay na mundo." Tugon ng bata at napatango naman si Esmeralda. May punto ito, lumaki si Dodong sa mundo ng mga hindi nakikita, at ang mundong tunay ay tila isang malaking hamon para dito. "Hayaan mo kapag naayos ko na ang pinapagawa sa akin, babalikan ko kayo, kung gusto mo ipapasyal kita sa mga bayab sa baba, ituturo ko rin sa''yo ang mga alam ko," wika ni Esmeralda at kumislap sa tuwa ang mga mata ni Dodong. "Talaga, sige ate, hihintayin ko ang pagbabalik mo." Tuwang-tuwang tugon ng bata. Matapos ang maikling tagpo nilang iyon ay naging seryoso namang ang mukha ni Dodong, lumapit ang bata sa gilid ng ilog at itinuro ang kumikislap na bato sa gitna nito. S§×ar?h the ¦ÇovelFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Nakikita mo ba ang nagliliwanag na batong iyon, ate? Ang parang malinaw na kristal na nagkukulay asul at berde? Iyon ang mutya ng tubig. Mag-iingat ka ate dahil ang lalim ng ilog na ito ay taliwas sa nakikita mo." Tanong at paalala ni Dodong sa dalaga. Muling sinipat ni Esmeralda ng tubig at nagtaka siya dahil parang mababaw lang naman ito kung titingnan, kung malalim man ay siguradong hindi ito aabot sa kaniyang ulo. Pero nagkamali siya, dahil nang lumusong na siya sa tubig ay nagulat pa siya nang bumulusok paibaba ang kaniyang katawan. Tila bumigat ng sampong beses ang kaniyang bigat at tuloy-tuloy siyang pumailalim sa tubig hanggang sa maabot niya ang dulo nito. Mabilis niyang dinampot ang mutyang tinutukoy ni Dodong, hindi niya pinansin ang iba pang mga kristal na nasa paligid niya na animo''y inaakit siya. Kung gaano siya kabilis nakarating sa ibaba ay kabaligtaran naman nito ang paglangoy niya paitaas. Dahil sa bigat ng kaniyang katawan, pahirapan ang pag-usad niya paitaas. Pakiramdam niya ay hinahatak pa siya lalo paibaba. Tumingala siya at naaaninag pa niya si Dodong na tila naghihintay sa itaas. Unti-unti na niyang nararamdaman ang pagkawala ng hangin sa kaniyang baga. Ngunit kahit anong gawing niyang pag-usad ay tila napako ang kaniyang katawan sa ilalim ng tubig. Chapter 30 Chapter 30 - 30Patuloy na ipinadyak ni Esmeralda ang paa upang makalangoy siya paibabaw ngunit tila ba mayroong pumipigil sa kaniya. Pagtingin niya sa ibaba ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang nilalang na nanlilisik ang mga matang nakahawak sa kaniyang mga paa. Dahil hindi makapagsalita at kailangan rin niyang pigilan pa ang hininga, mabilis siyang gumalaw at sinubukang sipain ang nilalang na nakahawak sa kaniya, upang makawala rito. Ilang beses pa niyang ginawa ito hanggang sa tuluyan siyang makawala rito. Ngunit akmang aangat na siya ay napakaraming katulad na nilalang pa ang umatake sa kaniya. Napakabibilis nitong lumnagoy patungo sa kaniya at kaniya-kaniyang hawak ang mga ito sa parte ng katawan niya. Muli siyang hinatak ng mga ito paibaba, at ilang beses din siyang nakainom ng tubig dahil sa pagpupumiglas. Habang nakikipagbuno siya sa mga halimaw, napansin niya ang lubid na nasa tagiliran niya na tila umiilaw. Nanlaki ang mga mata niya at naalala niyang ibinigay ito ng matanda sa kaniya. Dahil dito, mabilis siyang kumilos at hinugot ang lubid na iyon. Makapal iyon na animo''y baging, gawa iyon sa kung anong uri ng halaman o ugat ng puno na parang hinabi para maging lubid. Iwinasiwas niya ito sa tubig at namangha pa siya nang tila tumigas iyon at tumama sa mga nilalang na pumipigil sa kanya. Dinig pa niya ang matitinis na atungal ng mga nilalang nang matamaan ng lubid. Kinuha naman niya ang pagkakataong iyon para mabilis na makatakas sa nga nilalang. Hawak pa rin niya sa kaniyang kaliwang kamay ang mutya ng tubig habang nasa kanan naman ang lubid na ginagamit niyang panghagupit sa mga nilalang na magtatangkang hawakan siya. Nang makaalpas siya sa tubig ay mabilis siyang gumapang sa sahig ng kuweba para makalayo doon. Umuubo pa siya habang isinusuka ang mga tubig na aksidenteng nainom niya. "Ate, nakuha mo ba?" Agap na tanong ni Dodong. Dinaluhan siya ng bata at hinagod ang kaniyang likod habang patuloy niyang inilalabas ang mga tubig sa sistema niya. Nang mahimasmasan siya ay tumango naman siya at ipinakita sa kanang kamay niya ang mutya ng tubig. "Ang galing mo ate, paano mo nalaman ang tamang paggamit ng lubid ni lola? Nakita ko iyon, ang galing mo kanina. Rinig na rinig ko mula dito ang nasaktang iyak ng mga halimaw na iyon. Grabe, nakakita sila bigla ng katapat nila." Natawa naman si Esmeralda, saglit siyang napaupo at isinandal ang likod sa malaking bato. "Nakakagulat ang mga halimaw na iyon. Akala ko noong una, sadyang bumigat lang ang katawan ko, huli ko nang nalaman na may nakahawak na palang nilalang sa mga binti ko. Ano ba ang mga iyon, hindi naman sila engkanto ''di ba?" "Mga nilalang sila na walang pangalan, mas mababa sila sa engkanto at hindi mo rin sila maihahanay sa mga tamawo o laman-tubig. Ang sabi ni lola, ang mga nilalang na iyon ang siyang pumipigil sa mga nangangahas na kumuha ng mutya ng tubig. Parang pagsubok lang sila. Ang kailangan lang, alam mo kung paano mo sila lalabanan. Halika na ate, gabi na, lalamigin ka kung magtatagal tayo rito sa loob ng kuweba." Wika ni Dodong. Nang mapakiramdaman na niyang nagbalik na ang kaniyang lakas, tumayo na si Esmeralda at sabay na silang naglakad ni Dodong palabas ng kuweba. Katulad ng sinabi ni Dodong, unti-unti nang naramdaman ni Esmeralda ang pagbaba ng temperatura sa loob ng kuweba. Nang makalabas naman sila sa bunganga ay doon na naramdaman ni Esmeralda ang maalinsangang hangin na naghuhudyat ng isang dahilan. "Dito talaga magsisimula ang huling pagsubok, ate. Humanda ka, dahil lahat sila, nais mahawakan ang mutya na iyan." Sambit ni Dodong, mabilis na hinugot ng bata ang sandata nito sa tagiliran. Dahil walang dalang itak, ang lubid ang ginawang sandata ni Esmeralda. "Tingnan mo nga naman, nagbabalik ang bantay ng gubat. Ano ka ngayon, wala na ang bahay niyo dahil pinamahayan na ito ng Markupo. Nasaan ang tatay mong albularyo, inuuod na ba sa lupa?" Patuyang wika ng isang nilalang. Dumagundong ang lupa sa bawat hakbang nito. Napakunot naman ang noo ni Esmeralda nang makilala kung sino ito. "Ang lakas naman ng loob mong magpakita sa akin. Baka nakakalimutan mo, nasa akin pa rin ang mutya ng kapatid mo, at anong sinasabi mong kinakain ng uod? Maayos na nabubuhay si amang, at tumataba pa nga, hindi tulad mo, pangit ka na nga, lalo ka pang pumangit ngayon." Sarkastikong tugon ni Esmeralda at hinampas ang nilalang ng hawak niyang lubid. Malakas na atungal ang kumawala sa nilalang dahil sa pagdampi ng lubid sa katawan niya. Kitang-kita ni Esmeralda kung paano tila nagliyab ang balat nitong tinamaan ng lubid. Ang resulta, para itong nahiwa ng matalim na utak at nasunog dahil sa apoy. "Esmeralda, ibigay mo sa akin ''yang mutya kung ayaw mong dumanak ang dugo mo sa gubat na binabantayan mo!" Galit na galit na sigaw ng nilalang. "Hindi ako t*nga para ibigay sa inyo ito. Lalasunin niyo lang ang mutya at gagamitin sa masama. Kunin mo kung kaya mo, ni hindi ka nga makalapit ''di ba?" Humalakhak si Esmeralda at muling hinagulit ang aswang ng lubid. Ito lamang ang nangahas na kalabanin siya habang ang iba ay nanatiling nakamasid, naghihintay ng pagkakataong makasalisi ng atake, pero dahil nasa likod niya si Dodong at nagbabantay, walang nangahas na gumalaw. "Kahit kailan talaga, sagabal ka sa amin!" Sigaw ng nilalang sa malaki at malahalima2 nitong boses. Nang akmang susugod na ito kay Esmeralda ay mabilis naman tumalilis si Dodong at sinalubong ang halimaw. Buong lakas na itinarak ng bata ang hawak na itak sa leeg ng nilalang. Bumaon ang kalahati ng talim ng itak sa leeg ng nilalang at bumulwak ang d*go nito. Walang pag-aatubiling hinatak naman ng bata ang itak, dahilan para mahiwalay ang ulo ng nilalang sa katawan nito. S§×arch* The N?velFire.n§×t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Ang dami mong sinasabi, naalibadbaran ako sa boses mo." Sambit pa ni Dodong at hinarap ang mga nilalang na patuloy lang na umaangil sa kanila. "Kayo diyan, mag-isip-isip na kayo kung aatake kayo. Kung gusto niyong matulad sa pangit na to, sige sugod lang. Pero isa lang ang magiging resulta ng laban. Lahat kayo hahalik sa lupa, habang kami ni Ate Esmeralda, uuwi ng masaya!" Maangas na sigaw ni Dodong. Bahagya pang natawa si Esmeralda dahil bigla niyang naalala ang kahanginan ni Mateo. Parehong-pareho ang mga ito kung magsalita, may yabang pero may ibibuga naman. Noon lang din niya nakita ng harapan ang abilidad ni Dodong. Mabilis itong kumilos at ang hagupit nito ay maihahalintulad mo na sa lakas ng isang binata. Dahil naman sa sinabi ng bata, dahan-dahang nagsi-atrasan ang mga aswang. Walang nangahas na umatake sa kanila. "Iyan, ganiyan dapat, huwag na kayong babalik, dahil kung makikita ko pa kayi sa gubat na ito, pati pang-upo niyo ay hihiwain ko ng pinong-pino." Banta ni Dodong. Malakas na tawa ang kumawala sa bata nang makitang nag-uunahan nang makatakas ang mga aswang. "Mga duwag naman pala ang mga iyon. Akala ko ba mabagsik ang mga aswang dito. Wala pa rin pala silang panama sa mga itim na tamawo na nakakasagupa ko eh." "Hindi talaga lalaban ang mga iyon sa''yo. Kitang-kita nila kung paano mo walang kahirap-hirap na pinutol ang ulo ng kanilang pinuno eh. At isa pa, mga ordinaryong aswang lang ang mga iyon. Kung hindi asbo, marahil kiwig ang iilan sa mga iyon." "Gano''n ba ate? Sayang naman pala, akala ko pa naman may mahirap tayong makakalaban. Balak ko pa sanang magpakitang gilas sa''yo eh. Hindi mo tuloy nakita ang umaatikabong aksyon kapag lumalaban na ako." Wika ni Dodong habang umaarte pa itong tila may kinakalaban. Natawa lang si Esmeralda at pinagpatuloy na nila ang paglalakad pabalik sa munting baryo nila Dodong. Malalim na ang gabi nang makabalik sila, naghihintay naman sa labas ng kubo si Apo Salya na tila kanina pa naghihintay sa kanila. May maliit na siga sa harapan ng bahay at nangangamoy din ang usok na galing sa sinunog na kora at goma. "Lola, nakabalik na kami." Masiglang anunsyo ni Dodong. "Ang kulit mo talagang bata ka, pinag-alala mo na naman ako ng husto. Esmeralda, hindi ba pinasakit ng batang ito ang ulo mo?" "Hala,si lola, hindi ako nagkulit sa lakad ni ate, tinulungan ko pa mga siyang marating nang mas maaga roon." "Totoo po iyon lola, malaki po nag naitulong ni Dodong sa akin." Tugon ni esmeralda habang nakangiti. "O ''di ba, ikaw lang talaga lola ang walang bilib sa akin eh. Nakakatampo ka naman lola." Sumimangot si Dodong at pinagkrus pa nito mga braso. "Hay naku, ang dami mo talagang palusot. Ay siya, tara na sa loob, naghanda na ako mg hapunan. Esmeralda, dito ka na magpalipas ng gabi, magpalit ka na rin muna ng damit roon at baka magkasakit ka pa diyan sa suot mo." Utos ng matanda at sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng kubo nito. Chapter 31 Chapter 31 - 31Matapos magbihis ay pinagsaluhan na nila ang simpleng inihanda ng matanda para sa kanilang hapunan. Mabilis nila itong tinapos at saka naman sila tumungo s asilid ng matanda. Doon, ay itinuri ni Apo Salya kay Esmeralda ang ritwal para mapagana ang mutya. Ilang oras din ang hinintay ni Esmeralda hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog na siya. Madalin araw na ng gisingin siya ng matanda dahil tapos na ang paghahanda sa mutya. "Naku, lola, pasensiya na ho at nakatulog ako. Hindi ko na napigilan kagabi." paumanhing wika ni Esmeralda. Ngumiti namansi Apo Salya at marahang umiling. "Madali na lamang ang paghahanda sa mutya, mas mahirap ang ginawa mo kaya hindi nakapagtatakang, pagod ang katawan at utak mo. Ito na ang mutya ng tubig." Iniabot ni Apo Salya sa kaniya ang isang pulang tela. Marahan niya itong binuksan at doon niya nasilayan ang isangmaliit na puting bato. Nagtaka pa siya dahil kahapon ay nagbabago pa ito ng kulay noong nasa ilalim ng tubig. "Sadyang ganiyan ang kulay niyan kapag walang nararamdamang panganib ang mutya. Sige na, humayo ka na at ibigay iyan sa bago niyang tagatangan. Alam kong hindi ikaw ang gagamit niyan kun''di ibang tao. Mag-iingat ka, kapag may mga katanungan ka, bumalik ka lamang dito." paalala ng matanda. "Maraming salamat ho, lola. Napakalaki ng naitulong niyo sa akin. Babalik ho ako, kapag naayos ko na ang mga dapat ayusin." wika ni Esmeralda at nakangiting tumango naman ang matanda. S~ea??h the ¦ÇovelFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Hindi pa man sumisikat ang araw naglakad na pababa ng bundok si Esmeralda. Muli niyang nadaanan ang kanilang bahay at nakita niyang umiikot at umaaligid roon ang malaling ahas na nakasagupa niya. Bagama''t nais niyang kalabanin ang nilalang ay pinagpaliban na muna niya ito at mas itinuon ang pansin sa mabilis na pagbabalik sa bayan nina Kaled. Halos pagabi na rin nang makaratingg siya sa mansyon ni Don Hernan. "Amang, nasa akin na ho ang mutya!" Anunsyo ni Esmeralda at napaantanda ang Don dahil sa tuwa. Dali-dali na nilang tinungo ang silid ni Hanna. "Anak, madalo ka, ipatong mo sa kamay niya ang mutya. Makokontra nito nag mga pagpapahirap na ibinabato ng mangkukulam sa kaniya. At mas mapapadali ang paggamot ko sa kaniya." Utos ni Ismael. Umupo si Esmeralda sa gilid ng higaan at kinuha ang pulang tela na ibinigau sa kaniya ng matanda. Binuksan niya ito at kinuha doon ang puting kristal na kalaunan ay tila nagbago ng kulay. Nagtataka man ay mas minabuti na lamang niya ang manahimik, ipinatong niya sa kamay ng dalaga ang mutya at doon ito nagkulay madilim na lila. "Nararamdaman ng mutya ang kulam kaya nagbabago siya ng kulay. Malalaman natin kung nakawala na sa kulam si Hanna kapag bumalik na sa puti ang kulay ng kristal. Esme, kunin mo ang sariwang panyawan sa aking basket, isama mo na rin itim na luya at ang langis." Muling utos ni Ismael. Matapos maibigay sa ama ang mga pinakuha nito ay sinimulan na ni Ismael ang panggagamot kay Hanna. Gabi nang matapos ang ginagawang panggagamot ni Ismael kay Hanna. Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang nanumbalik ng kulay ng mutya ng tubig. Napabuga ng hangin si Ismael at pinahid ang pawis na namuo sa kaniyang noo. "Nakawala na siya sa kapangyarihan ng kulam. Hangga''t nasa kaniya ang mutya ng tubig, hindi na siya tatablan ng kahit anong mahika na nagmumula sa dilim." "Diyos ko, maraming salamat Ismael. Salamat dahil hindi kayo nagdalawang-isip na tulungan ako." Halos manikluhod na ang Don dahil sa sobrang tuwa. Hinaplos ng matanda ang kamay ni Hanna na noo''y maayos nang natutulog. Wala ng bakas ng paghihirap sa mukha nito. "Amang, maaari ko ba kayong makausap." Wika ni Esmeralda, tumango naman si Ismael at sumunod na sa anak. "Amang, may mga pagbabagong nagaganap sa ating bahay sa bundok. Isang nilalang ang nakita kong namamahay doon at ayon sa mga napagtanungan ko, ang tawag sa nilalang ay isang Markupo. May alam ho ba kayo sa nilalang na ito, amang?" Tanong ni Esmeralda. "Markupo? Pamilyar ang pangalang iyan, pero hindi ako sigurado." "Bukod doon, nakilala ko rin ang maglolang Salya at Dodong. Ayon sa kanila, nanggaling sila sa mundo ng mga engkanto at nagawi lang dito para sundan ang nilalang na iyon." "Ano ang plano mo kung gano''n?" Tanong ni Ismael. "Pagkatapos natin rito at kapag nakabalik na kayo kay lolo, aakyat ulit ako ng bundok para linisin ang tirahan natin. Hindi ako papayag na sisirain lang ng nilalang na iyon ang pinaghirapan natin." Sagot ni Esmeralda at napatango naman si Ismael. "Walang problema anak, sa ngayon, ituon muna natin ang ating biong atensyon sa problema dito. Ngayon nakaalpas na sa kulam ang apo ni Don Hernan, paniguradong makakatunog na ang mga kalaban na may tumutulong sa Don." "Iyon din ho ang nasa isip ko amang. Bukas, siguradong may darating tayong mga bisita." Nakangising wika naman ni Esmeralda. Kinaumagahan, isinuot ni Esmeralda ang naiwnag uniporme ng mga kasambahay ni Don Hernan. Habang sina Ismael naman at Mateo ay nasa harding at nag-aayos doon. Ang mag-anak naman ni Kaled at nanatili lamang sa ikatlong palapag ng bahay, kasama ang iilan pang mga buntis na sinagip nila. "Natutuwa akong malaman na nasa maayos nang kalagayan si Hanna. Sabi ko naman sa''yo amigo, pasasaan ba''t magiging maayos din ang lahat." Wika ng kausap ni Don Hernan. Iyon ang matalik niyang kaibigan at kasangga noong kabataan niya. Ito rin ang ama ng babaeng dapat ay mapapangasawa sana ng kaniyang panganay. "Pablo, maraming salamat. Nakakatuwang kahit na hindi naging maayos ang nangyari noon sa atin, nananatili kang mabuti sa pamilya ko." Nakangiting wika ni Don Hernan. "Marapat lang naman siguro iyon Hernan. At isa pa, napakatagal na ng pinagsamahan natin. At ang nangyari sa mga bata ay hindi natin kontrol. May sarili silang mga utak at pagpapasiya. Sayang lang at hindi ko na naabutang buhay pa si Danilo, nais din sana siyang makita at mausap ulit ni Criselda. Ang batang iyon, tumanda na at lahat-lahat, si Danilo pa rin ang bukang-bibig." Natatawang wika ni Don Pablo. "Siya nga ba? Hindi na ba nag-asa2a si Criselda?" Tanong ni Don Hernan. "Hindi na, buhat nang umalis si Danilo ay hindi na nagawang magmahal pa ni Criselda. Pero ganoon tala amigo. Hayaan mo na at matagal na iyon. Masaya na din naman ngayon ang anak ko sa tinatahak niyang landas ngayon." Saad naman ni Din Pablo. Lahat nang pag-uusap ay hindi nakaalpas sa pandinig ni Esmeralda. Tahimik lang siyang nakatayo sa gilid habang naghihintay na utusan siya ni Don Hernan. "Maiba ako Hernan, napakabata naman yata ng kinuha mong kasambahay. " Puna ni Pablo nang mapatingin kay Esmeralda. "Pamangkin iyan ng dati kong katulong, inirekomenda sa akin bago siya umalis. Mabait naman kaya kinuha ko na at isa pa, mas maigi rin dahil may nakakausap si Hanna sa bahay, lalo kapag wala ako." "Sabagay, tama ka nga naman. O siya, hindi na ako magtatagal, ikamusta mo nalang ulit ako kay Hanna. Sa susunod na pagdalaw ko, aasahan kong makikita ko na siya." Paalala naman ni Don Pablo. "Sige amigo, mag-iingat ka ." Sambit ni Don Hernan. Inihatid nito hanggang sa tarangkahan anh kaibigan. Pagkabalik niya sa mansyon ay napakuyon agad ang kaniyang kamao. Nakatitig siya sa hawak na bato at nagkukulay lila at itim iyon. Bato iyon na ibinigay ni Ismael sa kaniya bago pa man niya tanggapin sa loob ng bahay ang matalik na kaibigan niya. "Bakit siya pa?" Tiim-bagang na tanong ni Don Hernan. Nanlulumo ang mga matang napatitig siya kay Esmeralda. "Sabihin mong nagkakamali lang ang bato Esmeralda. Sabihin mong hindi si Pablo ang may kagagawan ng lahat ng kamalasan sa pamilya ko, sabihin mong wala siyang kinalaman sa pagkamat*y ng nag-iisa kong anak na lalaki." Tumulo ang luhang pilit niyang pinipigilan. Hindi makapaniwala ang Don na sa lahat ng sinabi ng kaibigan nito at wala doon ang katotohanan. "Kailanman ay hindi nagsisinungaling ang bato, Don Hernan." Giit ni Esmeralda. Lihim na pala siyang tinatraydor ng matalik niyang kaibigan na itinuring na din niyang kapatid. Nais niyang magwala ngunit ayaw niyang mag-eskandalo dahil sa mga bisita niya. "Tama ba ang narinig ko lo, kaibigan niyo ang may kagagawan ng pagkawala ni Papa? Siya rin ang nagpakulam kay Hanna?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kaled. Nasa hagdan ito, tila naestateang nakatingin sa kanila. Napalingon naman si Hernan at Esmeralda rito. "Kaled, halika rito." Tawag ni Hernan sa apo. "Ang kaibigan kong si Pablo, siya ang may kagagawan ng lahat." Pikit-matang pag-aamin ni Don Hernan. "Huminahon kayo, kahit gaano pa kalaki ang galit niyo sa kanila, hindi tayo maaaring magpadalos-dalos. Inutusan ko na si Liyab na sundan ang Don. May hinala ako na nasa kaniya ang anak niyong babae at apo, Don Hernan. Kaya hindi sila matagpuan ni Liyab sa kuta ng mga aswang. " Wika ni Esmeralda. "Ibig mo bang sabihin, kasabwat niya ang mga aswang? Imposible, isa siyang manunugis, hindi kailanman magsasanib puwersa ang mga manunugis sa mga aswang." Kaila ni Don Hernan. "Ngayon ka oa ba magdududa , Don Hernan. Nasa harapan mo na kanina ang kasagutan sa mga katanungan mo. Isang aswang na mangkukulam ang nagpahirap kay Hanna, kaya ganoon na lamang kalakas ang epekto nito sa apo niyo. Kung kaya niyang utusan ang mga iyon, malamang, kasabwat niya ang mga aswang." Giit ni Esmeralda. Chapter 32 Chapter 32 - 32Natahimik si Don Hernan dahil sa sinabing iyon ni Esmeralda, tila hindi kayang i-proseso ng utak niya ang lahat ng nalaman niya. Sumasakit ang dibdib niya habang iniisip niya ang maraming taong pagkakaibigan nila ay tila naging basura lang sa kaibigan niya. "Don Hernan, alam kong mahirap tanggapin, malalim ang naging samahan niyo dahil pareho kayong manunugis noong kabataan niyo. Pero hindi lahat ng tao ay katulad niyong mag-isip. May mga taong mabilis madaya ng kanilang kinikimkim na galit. Sa tingin ko oras na para komprontahin niyo ang kaibigan niyo kung ano ba talaga ang naging problema." Payo ni Esmeralda. Sumang-ayon naman si Ismael sa suhestiyon ng anak. Kalaunan, hinayaan muna nilang makapag-isip ang matanda. Hinayaan nila itong timbangin ang mga bagay-bagay bago sila gumawa ng kilos. Tanghali nang bumalik sa mansyon ang presensiya ni Liyab, muli ay sa likod ng bahay sila nagkita, sa malaking puno kung saan pansamantala itong nakatira. "Nasa isang malaking bahay na bato nga ang anak at apo ng Don, Esme. At tulad ng sinabi mo, bantay-sarado ang buong bakuran ng mga aswang. Ang nakakapagtaka lang ay paano naging magkakampi ang dating magkalaban?" Maging si Liyab ay tila naguguluhan sa mga nangyayari. "Esme, pakiramdam ko ay mas malalim na pinaghuhugutan ang galit ng kaibigan ni Don, Hernan. Subalit, naniniwala pa rin ako na hindi dapat umabot sa pagpat*y ang lahat." Umiiling na dagdag ni Liyab. "Kung gano''n, kailangan na itong malaman ni Hernan, karapatan niya ang malaman ito. Buhay ng anak at apo niya ang nakasalalay rito." Sambit ni Esmeralda. Nang maglaho na si Liyab sa harapan niya, saka naman siya bumaba at muling nilapitan ang matanda. Maingat niyang inilahad sa matanda ang nalaman kay Liyab. Ganoon na lamang ang panlulumo ni Don Hernan sa narinig. "Walang-hiya siya. Winalang-hiya niya ang napakaraming taon na pinagsamahan at pagkakaibigan namin. Winalang-hiya niya ang propesiyong inaatang sa amin. Dahil lang sa isang kasunduang hindi natupad, ginaganito niya ang pamilya ko? SIno ba siya sa akala niya para magpataw ng parusa. Sobra-sobrang parusa na ito. Ano bang naging kasalanan ko at ng mga anak ko? Ginusto lang naman ni Danilo na hanapin ang tunay niyang kaligayahan. Ano ba ang mali roon? Tinikis ko ang ilang taon na hindi kasama si Danilo, kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na sana pinahaba ang mga taon na hindi siya kasama. Kung alam ko lang sana na babawiin siya sa akin sa ganitong paraan, sana¡ª" naputol ang lahat ng sasabihin niya dahil napahagulgol na sa iyak ang matanda. Sapo-sapo nito ang dibdib habang pilit naman siyang pinapakalma ni Esmeralda. "Wala kang pagkakamali Don Hernan, wala akong nakikitang mali kun''di pagsasakripisyo sa parte mo. Sadyang, nabulag ng galit ang kaibigan niyo. Siguro naman oras na para komprontahin mo siya sa tunay na rason kung bait kayo umabot sa ganito. BAtid kong may malalim na pinaghuhugutan ang kaibigan niyo. Kung wala man, mas mapapadali ang paggawa natin ng desisyon. Subukan muna nating buksan ang isip at puso natin sa mga sasabihin niya. Huwag mong hayaang galit rin ang mamayani sa puso mo sa pagkakataong ito Don Hernan." Mahinahong paalala ni Esmeralda. Hinayaan na lamang ni Esmeralda na maglabas ng sama ng loob ang matanda. Nanatili lamang siya sa tabi nito at matiyagang hinintay ang paghinahon nito. Tuluyan lamang itong huminahon nang makita nito ang bunsong apo sa anak niyang si Danilo. Ang tawa ng bata ang siyang nagpakalma sa matanda. "Pasensiya ka na ha, apo. Naging mahina ang lolo, hindi niya naipagtanggol ang papa mo kaya hindi mo na siya nakilala pa. Hayaan mo, gagawin ni lolo ang lahat para makuha ang hustisya." wika pa ni Don Hernan sa bata. Tatawa-tawa lang naman ang sanggol na animo''y natutuwa kapang naririnig ang boses ng matanda. "Lo, tutulong po ako, hindi ako papayag na mauuwi lang sa wala ang nangyari sa amin, nawalan kami ng ama, at pinahirapan nila si mama. Kung hindi lang dahil sa tulong nina Esmeralda, Mateo at Ka Ismael, marahil ay hindi rin makakaligtas ang bunso namin." wika ni Kaled, nakahawak naman sa braso niya si Sylvia. Umiiyak na rin ito at maging si Rimo na nasa gilid ay hindi na rin napigilan ang mapahikbi. "Napakarami na ang nadamay, tama ka Esmeralda, oras na siguro para tapusin ang lahat ng kabaliwang ito. Nang sa gano''n, makapamuhay na ang lahat sa tahimik. Matanda na ako, nais ko na lang ang magkaroon ng tahimik na buhay kasama ang pamilya ko. Nakikiusap ako sa''yo, iligtas mo ang aking anak at apo, nais ko pa silang makasama." Umiiyak na pagmamakaawa ni Don Hernan. Natahimik naman si Esmeralda at napatingin kay Ismael at Mateo. Tumango ang mga ito at napangiti na rin siya, bago binalikan ng tingin ang matanda. Marahan niyang tinapik ang balikat ng matanda at muli itong pinakalma. "Kung hindi namin kayo balak tulungan, wala na dapat kami rito. Hayaan niyo Don Hernan, babawiin natin ang anak at apo ninyo. Manalig lamang ho kayo sa Maykapal, hindi niya pababayaan ang mga nagtitiwala at nananalig sa kakayahan niya." saad pa ni Esmeralda. Nang araw ding iyon ay nanatili si Esmeralda sa harap ng puno ng mangga sa likod ng mansyon. Tahimik siyang nagninilay kasama si Liyab, habang si Mateo naman ay patuloy na inihahanda ni Ismael. Hindi lang iisang angkan ng aswang ang kanilang haharapin. Hindi pa nila alam ang tunay na bilang ng natitirang aswang, kaya dapat mas mabawasan pa nila ito bago dumating ang araw ng huling pagtutuos. Nang gabing iyon, kasama ang iilan sa mga pinagkakatiwalaang trabahador ni Don Hernan at iilan pang taga-baranggay ay sumama sina Mateo at Esmeralda sa pagroronda. Pansamantala nilang ginawang pahingahan at tagpuan ang bahay nina Kaled. Doon ay pinanatili nila ang kaalaman ng ibang mga tao na naroroon pa rin ang pamilya ni Kaled sa loob. Sa ilang gabing pagroronda nila, halos nakakatimbog at nakakapat*y sila ng hindi bababa sa dalawang aswang, kung papalarin ay nakakalima sila. Ganoon karami ang aswang na walang habas na nanalakay sa mga pamilya sa bayang iyon at sa karatig bayan pa. "Nakailan na ba tayo? Grabe, napakaraming aswang na pala ang naninirahan sa bayan natin, wala pa rin tayong alam. Kung hindi pa naging talamak ang biktima, wala pa rin tayong alam." Iiling-iling na wika ng isang tanod. "Oo nga pre, hirap talaga nang walang alam." "Ang mahirap kamo ang hindi paniwalaan kahit pa lantad na ang ebidensya, hindi pa rin tayo naniwala." Wika naman ng isa. Nagkatinginan naman si Esmeralda at Mateo, pareho lang silang nagkibit-balikat. Para sa mga simpleng tao at walang kaalaman, mahirap nga naman talaga ang maniwala sa mga nilalang na ni sa hinagap ay hindi mo aakalaing nabubuhay sa mundo kasama ang mga tao. "Hindi pa naman huli ang lahat, ngayong nakita niyo na ang katotohanan, mas malaya na kayong ipagtanggol ang mga sarili niyo at ang ibang tao sa panganib na dulot ng mga nilalang na noon ay hindi niyo pinaniniwalaan." Ani Mateo. Nagtanguan naman ang mga ito bilang pagsang-ayon sa sinabu ng binata. "Sa tingin ko, malaking bilang na rin ang nabawas natin sa kanila. Karamihan sa napat*y natin ay mga tiktik at iilan naman ang mga matrukulan, pero lahat sila ang punterya ay mga buntis. Mabuti na lang talaga at hindi nila mahagilap ang ibang mga buntis ang ang natitirang nasa bayan ang binabalik-balikan nila." Wika ng isa pang tanod. "At buti na lang may alam ang mga kasama natin, grabe kayo, parang hindi kayo mga bata ah." Puna naman ng isa sa kanila. "Ito na kasi ang kakambal ng ikinabubuhay namin. Kaya may alam talaga kami. Kaya kayo, huwag niyong babalewalain kahit ang pag-alulong lang ng mga aso. Mas maigi pa rin na nakapaghanda kaysa sa wala. " Wika pa ni Mateo. "Tama si Mateo, ang simpleng pagbaliktad ng walis-tingting sa gabi ay isa ng proteksyon para hindi kayo mapasok ng mga aswang sa loob ng bahay niyo. Magsunog naman kayo ng goma kung nais niyo silang itaboy, lalo kapag may bata o buntis sa loob ng pamamahay niyo." "At hindi lang dapat sa aswang kayo dapat handa, dahil kahit ang mga tao ngayon ay mas nakakatakot na sa kanila, lalo na ang mga halang ang bituka." Dagdag naman ni Mateo sa tinuran ni Esmeralda. Kinabukasan, muling bumalik sina Esmeralda at Mateo sa mansyon ng Don, para kausapin ito sa magigibg hakbang nila. Napagdesisyonan nila ang pagbisita sa bahay na tintirhan ni ni Don Pablo. S§×arch* The Nov§×l?ire.n(e)t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Ang alam ko ay umuupa lamang sila sa lugar na iyon. Hindi tagarito si Pablo, at kamakailan lang din siya nakapunta rito." Sambit ni Don Hernan at tila natigilan. Noon lang din napagtanto ng Don, nagkataon lang ba talaga na naroon ang kaibigan niya o sadyang alam na nito na naroroon sila. Siya na mismo ang lumapit dahil na rin sa nahihirapan na ang mga aswang na pasunurin ang Don. "Talagang napaglaruan ako ng kaibigan ko. Masyado talaga akong nagtiwala." Natatawa na lamang na wika ng matanda pero bakas pa rin sa boses nito ang sama ng loob. "Ginamit niya ang pagtitiwala mo para makalapit sa inyo. Hindi makapasok ang mga aswang sa mansyon kaya siya na mismo ang lumapit dahil alam niyang tatanggapin mo siya. Doon na nagkaroon ng pagkakataon ang mangkukulam na lapatan ng sakit si Hanna, dahil wala itong proteksyon." Wika ni Ismael. Chapter 33 Chapter 33 - 33"Mas mahirap na kalaban ang mga taong hindi natin inaakalang kalaban na pala natin. Hindi natin alam, kapag nakatalikod na tayo ay saka nila tayo sasaksakin." Dagdag na wika naman ni Esmeralda. "Ano na ho ang plano natin Don Hernan? Ngayong nabawasan na ang bilang ng mga aswang, siguradong nasa problemadong sitwasyon na ang panig ni Don Pablo. Sa tingin ko oras na para ikaw naman ang kumilos." Untag ni Ismael at napatango naman ang Don. "Bukas, saktong kaarawan ng anak niyang si Criselda, dadalaw ako sa tirahan niya para magbigay ng regalo at pagbati. Kaya niyo bang pumasok nang hindi natutunugan?" Tanong ni Don Hernan sa kanila. "Kami na po ang bahala doon Don Hernan, mag-iingat kayo, mahinang proteksyon lang ang maibibigay namin sa inuo para hindi makatunog ang kaibigan niyo at ang mga aswang sa paligid. Pero huwag kayong mag-alala, dahil kaya pa rin kayong protektahan nito laban sa mga karaniwang aswang na tauhan ng Don Pablo na iyon." Saad ni Ismael. Iniabot naman ng lalaki ang isang kuwentas na may hugis bala na palawit. "Salamat dito, nananalig akong magiging maayos ang lahat. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa tulong niyo." Mahinahon nang wika ni Don Hernan. Hapon na nang muling maibalik ang buntis na nagpresenta bilang pain sa mga aswang. "Maraming salamat sa tulong mo, napakalaki ng naitulong mo sa amin para magapi ang mga aswang, tapos na ang misyon mo kaya, magpahinga ka na muna dito. Ligtas ka na rito at hindi ka na magagambala pa ng mga aswang." Wika ni Esmeralda. "Walang anoman, bayan din naman namin ito, naisip ko lang na, kung hindi ako kikilos, mananatili ang takot at pangamba sa amin. Paano namin isisilang ng matiwasay ang aming mga supling kung ganitong wala pa man ay may banta na sa amin?" Tugon ng babae. "Napakatapang mo hija, halika na, may inihanda akong pampainit ng sikmura, makakapagpahinga ka na rin dito." Sabad naman ni Nanay Merly at inalalayan na papasok ang babae. May kalakihan na rin kasi ang tiyan nito at sa hinuha nila ay kabuwanan na ng babae. Nang araw ding iyon, ginamit nila ang lahat ng oras nila para maghanda. At habang naghahanda sila ay inihahanda rin ni Don Hernan ang sarili niya. Pinatawag niya sina Esmeralda kinahapunan at nagtipon-tipon sila sa sala ng mansyon. Kasama ang iilan sa mga tauhan niya at mga tanod ni Kapitan, binuksan niya ang isang malaking baul na naglalaman ng mga sandatang kalimitang ginagamit ng mga manunugis laban sa nga aswang. "Walang ibang panlaban na gagana sa mga aswang kun''di ito. Tanggapin niyo ang mga ito, nagmula pa ito sa angkan namin at nababasan ito ng mga albularyo noon." Wika ni Don Hernan. Unang lumapit si Ismael at sinuri ang mga sandata. Karamihan doon ay buntot-pagi at mga bolo. May mga nakasamang pana at palaso rin doon at punyal. "Mas magiging mabisa nga kung ito ang gagamitin. Sige na kumuha na kayo, huwag na tayong mag-aksaya ng panahon. Kaunting oras na lang para kabisaduhin niyo ang paggamit ng mga ito." Wika naman ni Ismael. Kinuha ni Mateo ang bolo at ang pana at palaso. Isa-isang lumapit naman ang iba sa baul para kumuha ng magiging sandata nila. Matapos ay dumiretso na sila sa likod ng mansyon para magsanay sa paghawak ng kanilang gagamitin. "Ayos lang ba talaga iyon Don Hernan. Ramdam ko na bukod sa basbas ng mga albularyo ay maybmga baong mutya ang bawat sandata." Tanong ni Ismael, ngumiti naman si Don Hernan at umiling. "Wala iyan para sa tulong na maibibigay nila sa pagliligtas sa aking anak at apo." Nakangiting tugon naman ng matanda. "Matanda na ako at hindi na ako ang dating ako. Hindi ko na kayang makipagsabayan sa mga aswang tulad noong kabataan ko. Panahon na siguro para naman maibigay ang pangangalaga sa mga sandatang iyon sa mga henerasyon ngayon. Nakita ko naman sa kanila na disidido sila. Kung darating ang panahong ayaw na nila, maaari nilang ipamana iyon sa mga susunod pang henerasyon." Dagdag pa ng matanda. Naunawaan naman ni Ismael ang nais ipahiwatig ng matanda. Kinahapunan, maaga pa silang nagsipagpahinga. Sa pagsapit ng gabi, sama-samang naghapunan ang lahat ng tao sa loob ng mansyon. Kasama ang limang buntis ang mag-anak ni Kaled, sina Esmeralda, Mateo at Ismael at si Nanay Merly, taimtim silang nag-alay ng panalangin bago ang hapunan. Matapos ang hapunan ay nagpababa lang sila ng kinain at agad na ring nagsitulog. Kinaumagahan, alas nuebe nang gumayak si Don Hernan kasama si Esmeralda bilang alalay niya. Hindi na niya isinama pa si Hanna dahil ayaw niyang makita nito ang mangyayari roon. S§×ar?h the N??elFir§×.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Nailagay ko na ho, Don Hernan ang mga regalo sa sasakyan, aalis na ho ba tayo?" Tanong ni Esmeralda na noo''y nakabihis na ng simple ngunit mas pormal nang damit. Tatlong lalaki naman ang kasama nila kabilang si Mateo bilang bodyguards kunwari ng Don at isang driver na siyang magmamaneho ng sasakyan. Habang sina Ismael naman kasama si Amihan at ang ibang kasama nila ay papasok lamang kapag natanggap na nila ang hudyat ni Esmeralda. "Oo, nakahanda na ba ang lahat, tayo na at baka tanghaliin pa tayo." Wika naman ng Don, suot-suot na niya ang masaya niyang mukha na animo''y walang kaalam-alam. Nasa kasunod na bayan ang inuupahang bahay ni Don Pablo, bagama''t hindi malayo, napakapangit naman ng daanan patungo roon na siyang nagpapatagal sa kanilang byahe. Masyado kasing malubak ang daanan at kaliwa''t kanan at taniman ng tubo o di kaya naman ay kugunan. Eksaktong alas-onse naman nang marating na nila ang mas maayos na daanan at doon na mas naging matiwasay ang byahe nila. Medyo liblib rin ang bahay na iyon, nahihiwalay ito sa mga kabahayan at ang mismong bahay ay napapalibutan ng mga puno ng santol. Huminto ang kanilang sasakyan sa harap ng isang malaking tarangkahan. Agad naman itong nagbukas nang magpakilaka si Don Hernan. Nang mapasok na nila ang lugar ay agad na umikot sa paligid ang mga mata ni Esmeralda. Pare-pareho nilang nakita ang pagkulo ng langis na hawak nila. "Kumpirmado, Don Hernan, may mga aswang nga rito." Mahinang bulong ng isang lalaki sa tabi ng Don. "Huwag kayong pahahalata, malalakas ang pakiramdam ng mga iyan. Unakto lang kayong normal." Bulong rin ni Esmeralda. Tinanguan niya si Mateo at tumugon rin ito ng tango sa kaniya. Naunang lumabas si Esmeralda at inalalayan si Don Hernan pababa ng sasakyan. Nakaalalay ang dalaga sa matanda hanggang sa marating nila ang harapan ng bahay kung saan naghihintay ang kaibigan nitong si Don Pablo. Kunot-noo at may gilat sa mga mata nito. Maaninag rin ni Esmeralda ang pagkabalisa sa sistema ng matanda. Animo''y hindi talaga niya inaasahan ang kanilang pagdating. "Amigo, kamusta!" Masyang bati ni Don Hernan. Nag-aalangan man ay walang nagawa si Don Pable kun''di ang sagutin ang kaibigan. "Amigo, nasorpresa mo naman ako, anong sadya natin bakit ka naparito?" Tanong ng matanda. "Kaarawan ngayon ni Criselda, narito ako para personal na ibigay ang aking regalo. Nais ko ring kamustahin ang anak mong iyon." Tugon ni Don Hernan. Saglit na nalukot ang ekspresyon ng mukha ni Don Pablo, napakabilis lang niyon ngunit hindi ito nakatakas sa paningin ni Esmeralda. "G¡ªgano''n ba amigo, halika, pason kayo, pasok." Agad na tugon ni Don Pablo nang makabawi. Nagyakap pa amg mga ito at masayang nag-akbay papasok sa bahay nito. Si Esmeralda naman ay inutusan na ang mga kasama nilang lalaki na ipasok ang mga regalong inihanda ni Don Hernan para sa anak ng kaibigan niya. May limang kahon iyon na nababalot pa ng makukulay na papel. "Napakarami naman yata ng regalong inihanda mo amigo, hindi na bata si Criselda para regaluhan ng ganyan." Natatawa pang wika ni Don Pablo, sa kabila ng tawa nito ay nahimigan ni Don Hernan at Esmeralda ang pait sa bawat katagang binibitawan ng matanda. "Naku, hayaan mo na at ilang kaarawan na rin niya ang pinalagpas ko. Sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako sa inaanak ko. Nasaan na ba siya?" Tanong ni Don Hernan at natigilan naman si Don Pablo. Napatingin siya sa kaibigan at tila hindi alam ang sasabihin. Nagtatakang napakunot naman ang noo ni Don Hernan dahil sa biglang pagbabago sa timpla ng ekspresyon ni Don Pablo. "Bakit amigo, may problema ba?" Tanong niya at napabuntong-hininga naman ang kausap. "Nais mo ba talaga siyang makita?" "Oo naman!" "O siya, sige, pero mamaya na. Doon muna tayo sa sala at nang makapag-usap." Nakangiting wika ni Don Pablo. Sumang-ayon naman si Don Hernan at sumunod na sa kaibigan. Magkaharap sila sa sofa at doon ay sinimulan nilang balikan ang kanilang pinagsamahan noon. Tahimik lang naman na nakikinig si Esmeralda sa mga ito habang ang paningin naman niya ay nakamasid sa paligid. Nang makita niya ang isang ginang na may dalang inumin at pagkain ay umalerto naman siya. "Amigo, uminom ka muna at kumain. Mamaya-maya lang ay nakahanda na rin ang tanghalian. Pasensiya ka na hindi ko alam na darating ka kaya hindi ko ito napaghandaan." Wika ni Don Pable. Mabilis naman kumilos si Esmeralda at magalang na sumabad sa usapan ng dalawa. "Paumanhin po Don Pablo, mahigpit na bilin kasi ng doktor ni Don Hernan na bawal sa kaniya ang mga pagkaing hindi natural." Napatingin naman sa kaniya ang matanda at agad niyang napansin ang talim ng mga titig nito. "Oo nga pala, hindi ko nasabi amigo, tumatanda na talaga ako at mahina na rin kahit ang sikmura ko. Napakarami nang pinagbabawal. Huwag kang mag-alala at hindi naman ako magugutom, may dalang pagkain si Esme para sa akin." "Gano''n ba, sige! Manang pakibalik na lamang nito sa kusina." Utos ng Don sa kasambahay. Hindi nakaligtas sa pang-amoy ng dalaga ang nagkukubling alingasaw ng ginang. Isa itong aswang at ang pagkaing inihanda nila para kay Don Hernan ay may lason. Iyon ang klase ng lason na hindi basta-basta malalasahan o maaamoy. Kung paano niya nalaman, iyon ay dahil nasa tabi niya si Liyab nang mga panahong iyon. Chapter 34 Chapter 34 - 34Nang mapansin ni Liyab ang kakaibang itsura at amoy ng pagkain ay agad niya itong sinabi kay Esmeralda. Doon naman pumagitna ang dalaga at gumawa ng kuwento tungkol sa mga pinagbabawal na pagkain para kay Don Hernan. "Ako man ay tumatanda na rin, mabuti ka pa at kahit papaano ay may mga apo ka," saad ni Don Pablo at malungkot namang napangiti si Don Hernan. "Alam mo naman siguro ang pinagdadaanan ng pamilya ko. Nawawala ang anak at isang apo ko. Hindi ko rin alam kung nasaan ang pamilya ni Danilo. Si Hanna na lang din ang natitira sa tabi ko.napakasaklap ng buhay minsan." Malungkot na wika ni Don Hernan, sa lob-loob niya, kanina pa niya nais halungkatin ang buong bahay para mahanap ang anak at apo niya. Pero dahil may plano na sila, tinikis niya ang pananabik sa mga ito at itinuon ang pansin sa mapanlinlang niyang kaibigan. "Alam ko amigo, hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring balita?" Tanong ni pablo sa kaniya. Umiling naman si Don Hernan at uminom ng tubig na baon nila. "Wala pa, ni hindi ko nga alam kung buhay pa ba sila o wala na." nalulungkot niyang tugon. Sa bawat tanong ni Don Pablo at bawat tugon ni Don Hernan, nakatuon ang pansin ni Esmeralda sa ekspresyon ng nauna. Samo''t saring emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito, may poot, pangamba, takot at panibugho. Ngunit kahit anong gawin niyang pag-aanalisa, wala siyang nakikitang pagsisisi sa mata nito o di kaya naman ay awa. Habang ang mga salita niya ay puno ng pag-aalala at awa sa kaibigan, bakas sa mga mata nito ang kasiyahan para sa pagdurusa ni Don Hernan. Napapailing na lamang si Esmeralda at lihim na naawa kay Don Hernan. Matagal pa silang nag-usap hanggang sa muling na namang lumabas ang ginang para tawagin sila para sa tanghalian. Sumunod naman sila sa kusina at muli nang inalalayan ni Esmeralda si Don Hernan sa paglalakad. "Huwag kang kakain ng mga pagkaing may karne Don Hernan," bulong ni Esmeralda at tumango naman ang matanda. Pagdating nila sa hapag ay nakita nila ang magarbong handa na inihanda para sa kanila. Agad na hinanap ni Don Hernan ang anak ng kaibigan niya, nang makita niyang wala roon ang hinahanap ay hinarap naman niya si Don Pablo. "Pablo, nasaan na si Criselda, hindi ba siya sasabay sa atin?" Inosenteng tanong ni Don Hernan. Agad na sumama ang timpla ng mukha ni Don Pablo, ilang segundo lamang iyon dahil nagawa pa rin niyang ngumiti nang sumabad sa usapan ang isang lalaki. "Masama po ang pakiramdam ng aking kasintahan, Don Hernan. Kasalukuyan siyang natutulog kaya hindi siya makakasabay sa atin ngayon." "Oo nga naman amigo, hayaan muna natin siyang magpahinga." Nakangiting wika pa ni Don Pablo. Nagpaubaya naman si Don Hernan at umupo na sa kaniyang upuan. Hinayaan naman niyang si Esmeralda ang kumuha ng pagkain niya, tahimik na pinagsilbihan ng dalaga si Don Hernan, hindi alintana ang masasamang tinging ipinupukol sa kaniya ng mga nakaupo sa harap ng hapag lalo na si Don Pablo at ang lalaking nagsalita kanina. Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay tila hindi na nakapagtimpi si Don Pablo. Marahas na inilapag nito ang hawak na kubyertos sa mesa at naglikha iyon ng malakas na tunog na ikinagulat naman ni Don Hernan. "Amigo, sadya yatang binabastos mo ako?" Wika ni Don Pablo. Maang na napatingin naman sa kaniya si Don Hernan at marahang inilapag ang hawak na kubyertos sa plato. "Anong ibig mong sabihin, amigo? Hindi ko yata maintindihan, sa paanong paraan kita nababastos?" Sear?h the nov§×lF~ire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Lahat na lang ng inihanda ko ay tinatanggihan mo, hindi ka naman ganiyan dati," sumbat ng matanda. Marahang natawa si Don Hernan at animo''y hindi pinansin ang matalim na titig ng kaibigan. "Sinabi ko naman sa iyo, tumatanda na ako at marami ng bawal sa akin, gulay at prutas na lang ang kinakain ko ngayon, umiiwas na talaga ako sa mga karne," marahang tugon ng Don at lalong nanggigil sa galit ang kausap. Kuyom ang palad, inihampas ng matanda ang kamao sa mesa. Nanlalaki naman ang mata ni Don Hernan sa iginawi ng matalik niyang kaibigan. "Tama na, tama na ang pagpapanggap. Hernan, ngayong nandito ka na. Oras na para maningil ako sa lahat ng atraso mo." Galit na sigaw ni Don Pablo. Bakas sa mukha nito ang panggigigil, halos malukot nang husto ang mukha ng matanda at namumula rin ang mukha nito sa sobrang galit. "Atraso, baka nagkakamali ka, Amigo," sambit ni Don Hernan. "Hindi ako nagkakamali, napakalaki ng atraso mo sa akin Hernan. Sinira mo ang masayang buhay na pinangarap ko para sa akin at sa anak ko!" Nagimbal si Don Hernan sa narinig. Napakuyon ng palad ang matanda at tiim-bagang na tinitigan ang kaibigan. "Kaya mo ba ginagawa ang lahat ng ito? Kaya ba pinapat*y mo si Danilo? Kaya ba dinukot at pinahihirapan mo ang anak at apo ko? Kaya ba pinakulam mo si Hanna? Ano ba ang atraso ko para gawin mo ang lahat ng iyon?" Sumbat ni Don Hernan, nanlalaki ang mga mata ng kausap dahil sa narinig. "Alam mo?" Gulat na tanong ni Don Pablo. Pagkaraan ng ilamg segundo ay sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ng matanda. "Kung gano''n hindi na pala ako mahihirapan, oo ako ang gumawa ng lahat ng iyon. Dahil sa anak mo nawala ang nag-iisa kong anak, dahil sa''yo nasira ang buhay ko. Dahil sa''yo, tinalikuran ko ang liwanag at niyakap ko ang kadilimang kinamumuhian ko." "Kung ano man ang ginawa mo sa buhay mo, desisyon mo iyon. Walang kinalaman si Danilo roon. Traydor ka Pablo, gin*go mo ako. Anak ko ang pinat*y mo. Ibalik mo sa akin si Grace at Hazel!" Sigaw ni Don Hernan at doon na nagsitayuan ang mga tao sa hapag. Nanlilisik ang mga matang pinalibutan sila ng lima katao. Alam ni Esmeralda na lahat ng taong naroon ay hindi normal at purong mga aswang kaya naman nakangisi siyang tumayo sa likuran ng Don. "Sige, sugod. Para makita niyo ang hinahanap niyo. Akala niyo ba nagpunta kami rito nang hindi handa?" Patuyang wika ni Esmeralda. Hinugot niya mula sa kaniyang beywang ang nakataling buntot-pagi at hinataw ito sa hangin. Agad na nagsipag-angil ang mga nilalang at bahagya pang nalukot ang mga mukha ng mga ito. "O, ano, hindi kayo makapagpalit ng anyo? Hindi kami t*nga para magpaabot ng gabi rito. Kung ako sa inyo, ibalik niyo sa amin ang ang mga binihag niyo. Iyon lang naman ang nais namin." Wika ni Esmeralda. Bawat nilalang na magtatangkang lumapit sa kaniya ay hinahagupit niya ng buntot-pagi. Bagaman nasa katawang-tao pa rin ang mga ito ay nasasaktan pa rin sila sa bawat pagtama ng buntot-pagi sa balat nila. Agad na inilayo roon ni Esmeralda ang Don at lumipat sila sa sala kung saan nakatayo na sina Mateo. "Tapos na kami sa labas Esme, lahat sila naigapos na namin at siguradong katakot-takot na sakit ang dadanasin nila kapag magpapalit sila ng anyo mamaya." Anunsyo ni Mateo. "Don Pablo, alam na namin na kayo ang ugat ng lahat ng pat*yan sa bayan namin at sa mga karatig bayan," wika pa ng kapitan. Sa halip na matakot ay tila baliw na natawa si Don Pablo sa mga nangyayari. "Talaga ba? Kung gano''n, hayaan niyong ihayag ko sa inyo ang totoong pinagmulan ng lahat ng ito." Humahalakhak na wika ni Don Pablo. Para itong baliw na tumatawa hanggang sa tuluyan itong napatigil at prente itong naupo sa malkaing upuan. "Hindi ka pa rin nagbabago Hernan, sa buong buhay natin, isa ka sa pinakamasuwerteng tao na nakilala ko. Masuwerte ka sa buhay, sa anak at sa asawa. Sa lahat na lang ng bagay ikaw ang masuwerte." Panimulang sumbat ni Don Pablo. Bawat salitang binibitawan nito, nakahalo roon ang inggit at galit. Hanggang sa umabot ito sa punto ng usapan nila noon na pagpapakasal sa nag-iisa niynag anak sa panganay ni Don Hernan. Hindi makapaniwala si Don Hernan sa nalaman. Nagpakamat*y si Criselda dahil hindi natuloy ang kasunduan, nag-iwan ito ng katagang kung hindi rin naman sila ni Danilo ang para sa isa''t isa, para saan pa ang buhay niya. Dahil walang ibang pamilya, at si Criselda ang natatanging naiwan sa kaniya. Nakipagkasundo si Don Pablo sa mga aswang na buhayin ang anak niya. Kapalit nito ang pagtulong naman niya sa mga aswang na manghagilap ng pagkain. Niyakap ni Don Pablo ang kadiliman noon ay nilalabanan nila nang magkasama. Nanlulumong napapailing lang si Don Hernan sa kinalabasan ng lahat. Inaamin niyang may pagkakamali siya. Hindi na sana sila humantong sa ganito kung hindi na lamang siya pumayag sa kasunduan noong una pa lang. "At dahil sa anak mo, kaya ang pinakamamahal kung anak ay parang hayop na kumakain ng mga bangkay. Hindi masilayan ang araw at palaging wala sa kaniyang sarili." "Walang kasalanan si Don Hernan sa nangyari sa anak mo Don Pablo. Ikaw ang nagdesisyon mg lahat, ikaw ang nagdala sa anak mo sa pagdurusa niya. Pinili niya ang mawala dahil ayaw na niyang maghirap pero binuhay mo siya para maghirap ng habang buhay. Hindi ka ba nakokonsensya sa ginawa mo? Bakit si Don Hernan ang sinisisi mo. Pareho kayong nawalan dahil lumayo din nag anak niya sa kaniya." Laban ni Esmeralda ngunit lalo lamang nanlisik ang mga mata ng matandang Don. Tila hindi na nito iniintindi ang lahat at wala nang umiikot sa sistema niya kundi galit. Chapter 35 Chapter 35 - 35Hindi matapos-tapos ang sumbatan at paliwanagan sa pagitan ng dalawang Don dahil naging sarado na ang puso at isip ng isa. Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa hindi nila namalayan ang tuluyang pagbabadya ng paglubog ng araw. "Nais mong makita si Criselda hindi ba? Sige, pagbibigyan kita." Nakangisi siyang tumingin sa matangkad na lalaki at tumango naman ito. Bahagya pa itong umangil bago nilisan ang sala. Sa pagbabalik nito, hatak-hatak na nito ang isang malaking hawla. Umalingasaw ang amoy ng nabubulok na laman sa buong bahay at kamuntikan pang maduwal si Don Hernan. Awtomatikong napatakip naman sina Mateo at Esmeralda sa kanilang mga ilong. Sear?h the N??eFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Criselda, anak, narito ang ninong Hernan mo, kamustahin mo siya!" Humahalakhak na wika ni Don Pablo at ginising ang nilalang na nakayukyok sa hawla. Dahan-dahang nagtaas ito ng mukha at bumungad sa kanila ang naaagnas nitong mukha, buhaghag ang manipis nitong buhok na tila nauubos na rin. May mga uod pang labas-masok na sa kalamnan ng bawat parte ng katawan ng babae. Halos wala na itong pinagkaiba sa isang nabubulok na bangkay, pero ang mas nakakapangilabot do''n, ang nanlilisik nitong mga mata at ang mga matutulis nitong pangil na nangingitim na. Nakaririmarim ang buong kabuuan ng babae at tila naitulos si Don Hernan sa kinatatayuan nito. "Ano, Hernan, bakit hindi ka makakibo diyan?" patuyang tanong ni Don Pablo sa kaniya, nawala na ang maamo nitong mukha at napalitan ito ng mabalasik na anyo na makikita mo lamang sa mga taong nawawala na sa sariling pag-iisip. "Anong ginawa mo sa anak mo Pablo, bakit nagkaganito si Criselda?" Kahit papaano ay napamahal na sa kaniya ang babae, dahil inaanak nga niya ito at nakita niya ito mula pagkabata hanggang sa magdalaga ito. Pagak na tumawa si Don Pablo, nanlilisik ang mga matang binalingan niya ng tingin ang kaibigan. "Huwag mo akong pakitaan ng huwad mong awa Hernan, kung naaawa ka, hindi mo dapat hinayaan ang anak mo na iwan si Criselda? Siya ang nagtulak sa anak ko para magpakamat*y, siya rin ang nagtulak sa akin na gawing halimaw ang aking anak, para lang may makasama ako!" Sigaw ni Don Pablo. "Ikaw lang ang nagdesisyon ng lahat ng ito. Hindi mo man lang isinalang-alang ang nararamdaman ng anak mo. Sa palagay mo ba natutuwa siya sa kinahinatnat ng katawan niya? Sa palagay mo ba malaya ngayon ang kaluluwa niya? Isinangla mo ang kaluluwa niya sa d*monyo, Pablo. Pinahirapan mo lang ang anak mo." Giit ni Don Hernan, nais sana niyang lapitan ang nakahawlang nilalang, ngunit mabilis siyang pinigilan ni Esmeralda. "Don Hernan, hindi na siya ang babaeng kilala mo dati. Huwag kang lalapit, dahil nakikita kong wala nang kaluluwa ang isang iyan. Ang mutyang inilagay sa katawan niya ay kompleto na at hindi na siya maibabalik sa normal, kamatayan na lamang ang magpapalaya sa kaniya at sa kaniyang pagod na kaluluwa." Wika ni Esmeralda at nanlaki naman ang mata ni Don Pablo at mabilis na humarang sa hawla. "At akala niyo ba ay papayag ako sa balak niyo? Magkakamatayan muna tayo. Tutal narito na lang din kayo, ako na ang magpapasiya ng inyong paglaho sa mundong ito." Galit na sigaw ni Don Pablo, isang baril ang mabilis na hinugot ng matanda sa tagiliran nito at mabilis na itinutok iyon sa ulo ni Don Hernan. Napakaiblis ng mga pangyayari, bago pa man makakilos si Esmeralda ay nagawa nang itutok ni Don Pablo ang baril nito kay Don Hernan. Kasabay ng mabilis nitong galaw ay ang pag-angil naman ng mga taong nakapalibot sa kanila. Nang ilibot ni Esmeralda ang paningin, napansin niyang nanlilisik na ang mga mata ng mga taong iyon, may iilan pang nangungulubot na ang mga mukha. "Nagsisimula na silang magbago ng anyo," alistong wika ni Mateo, mahigit ang pagkakahawak niya sa hawak na itak at tumayo sa gilid ni Esmeralda. Hindi sila makagawa ng aksyon dahil sa pangambang makakalabit ni Don Pablo ang gatilyo at mapahamak nang wala sa oras si Don Hernan. "Akala niyo ba ay naisahan niyo na ako? Akala niyo ba matatalo niyo ako kung maigapos niyo man ang mga tauhan ko sa labas? Wala sa labas ang malalakas, kun''di narito sa loob." Wika ni Don Pablo at isa sa mga ito ang mabilis na nagpalit ng anyo at sinunggaban ang pinakamalapit na taong kasama nina Esmeralda. Napahiyaw ito sa gulat at muling napasigaw nang tumusok sa kalamnan nito ang matatalas ng kuko ng nilalang. "Sige, sugod!!!" sigaw ni Don Pablo. Tulad ng inaasahan, sabay-sabay na umatake ang mga aswang na naroroon sa loob ng mansyon kasama sila. Ang malala pa, ay tila biglang dumami pa ang bilang ng mga iyon. Nasa walo lamang ang bilang nina Esmeralda, kasama si Don Hernan subalit ang mga kalaban nila ay nasa higit sa sampo o dalawampu. Hindi na ito napagtuunan ng pansin ni Esmeralda dahil naging abala na siya sa pagsangga sa mga atake ng mga nilalang, habang ginagawa ito ay itinutuon din niya ang pansin sa pagprotekta sa matandang Don. Bagama''t, may hawak na buntot-pagi ang matanda at matapang rin itong nakikipaglaban sa mga aswang kasama sila, matanda pa rin ito at marami na itong kahinaan. Ibang-iba ang lakas at bilis ng mga aswang kumpara sa mga tao, kaya hindi maiiwasang masugatan sa labanang iyon. Mahapdi at masakit ang bawat kalmot na galing sa matutulis na mga kuko ng mga nilalang. At halos lahat ng kasama nila ay may mga sugat nang iniinda. Si Mateo at Esmeralda lang talaga ang nananatiling wala pang tama. Gayon pa man, doble rin ang hirap nila sa pakikipaglaban sa mga aswang na halos sabay-sabay na umaatake sa kanila. Mabilis na initak ni Esmeralda ang papasugod na babaeng aswang sa kaniya, tinamaan niya ito sa balikat ngunit patuloy pa rin ito sa pagsugod na tila hindi iniinda ang sakit. Akmang kakalmutin sana siya ng nilalang nang mabilis siyang umilag at sinipa ito ng ubod nang lakas. Natumba ang aswang at nagkaroon ng pagkakataon si Esmeralda na sabuyan ito ng asin. Humiyaw sa sakit ang babae at naitakip ang kamay sa mukha niyang tinamaan ng butil ng mga asin na ngayon ay umuusok na at tila ba naaagnas pa. Parang pinaghalong tunog ng kinakatay na baboy at nasaktang aso ang tunog na lumalabas sa lalamunan ng nilalang. "Nakakatuwang makitang nahihirapan ka Hernan, hindi ka ba nakokonsensiya? Nagdala ka pa talaga ng mga tao rito para lang isama sa paghihirap mo?" patuyang wika ni Don Pablo habang humahalakhak ng malakas. Sa kabila ng samo''t saring palahaw, hiyaw at angil sa buong paligid, nangingibabaw ang maladem*nyo nitong tawa. Tila hayop na nagwawala naman mula sa hawla nito si Criselda, pilit inaabot ang mga dugong nagkalat sa sahig. "Baliw ka na Pablo, pati anak mo pinahihirapan mo, dahil lang sa ano? Takot kang mag-isa? Hindi mo man lang naisip na dahil sa ginawa mo, lalo mo lang inilagay sa kapahamakan ang anak mo." Sigaw ni Pablo habang patuloy na hinahataw ng hawak niyang buntot-pagi ang aswang na nais siyang atakihin. "Huwag mo nang pag-aksayahan ng laway ang taong iyang Don Hernan, hindi rin niya maiintindihan dahil nabulag na siya ng kaniyang galit sa''yo. " Wika ni Esmeralda at mabilis na pintulan ng ulo ang aswang na hawak niya. Inihagis ito ni Esmeralda sa paanan ni Don Pablo na ikinagitla naman ng matanda. "Mga mabababang uri lang ang mga ito, hindi ko kailangan ang kanilang mga bato. Mateo, punteryahin niyo ang kanilang mga tiyan, sa bandang ilalim ng kanilang pusod dahil nandiyan ang kanilang mga mutya." Sigaw ni Esmeralda at umalerto naman ang kaniyang mga kasama. Dahil hindi nila masabayan ang mga aswang, pinagtulungan ng iba ang mga ito. Samantalang sina Mateo at Esmeralda naman ay walang kahirap-hirap na pinapatumba ang mga kalaban at walang pagdadalawang-isip na itinatarak ang kanilang mga punyal sa parteng sinabi ng dalaga. Nagmistulang digmaan ang naganap sa loob ng mansyon ni Don Pablo. Walang kaalam-alam ang mga kabahayan sa labas sa mga nangyayari sa loob. Dahil nagsisimula nang gumabi ay wala na ring namamataang tao sa labas. Malayo rin ang agwat ng susunod na bahay dahilan para walang nakapansin sa nakaririmarim na labanan sa loob. "Sumuko ka na Pablo, ibalik mo na sa akin ang anak at apo ko." Muling pagsusumamo ni Hernan, kahit papaano ay itinuturing pa rin niyang kaibigan ang matanda. Bagama''t galit siya, naroroon pa rin ang awa at simpatiya niya sa lalaking naging kasangga niya noon. "Hindi ako susuko!" Sigaw ng matanda at mabilis kinalabit ang baril na hawak niya. Bago pa man niya ito makalabit ay tila kidlat na nasipa ni Esmeralda ang kamay ni Pablo dahilan para ang balang tatama sana sa dibdib ni Don Hernan ay lumihis at dumaplis sa braso ng matanda. Parehong natumba ang dalawang matanda, ang isa ay dahil sa tama ng baril at ang isa naman ay dahil sa sipa ni Esmeralda. Akmang itatarak na ni Esmeralda ang punyal kay Don Pablo, biglang lumitaw naman si Liyab upang pigilan siya. "Esme, tandaan mo, tao siya!" Malumanay na wika ni Liyab at tila nahimasmasan naman si Esmeralda. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang halos gahibla na lang ang pagitan ng talim ng punyal sa dibdib ng matanda. Dahil sa galit ay saglit siyang nawala sa sarili, mabuti na lamang at naroroon si Liyab upang pigilan siya. Maingat na kinuha ni Liyab ang punyal sa kamay ni Esmeralda at mabilis na inihagis iyon sa papasugod na aswang. Bumagsak nang walang buhay ang nilalang at marahas namang napabuntong-hininga si Esmeralda. "Muntik na naman ako, salamat Liyab." Pasasalamat ng dalaga at tumayo na. Nang ilibot niya ang paningin sa paligid ay nakita niyang halos napatumba na nila ang mga aswang sa loob ng mansyon. Karamihan sa mga ito ay tiktik at maliit na bilang na lang ang mga matrukulan. Nang mapabaling naman siya sa aswang na nasa hawla ay napailing na lamang siya. Chapter 36 Chapter 36 - 36Itinali nila sa isang bangko si Don Pablo, habang ang mga katawan naman ng mga aswang ay tinipon nila sa labas ng bakuran at doon sinunog kasama ang mga bato nila. "Sigurado ka bang hindi mo na kukunin ang mga mutya sa katawan nila?" Tanong ni Liyab sa dalaga. Umuling si Esmeralda habang pinagmamasdan ang apoy na tumutupok sa katawan ng mga aswang. "Hindi na kailangan, mababang uri sila at hindi pa sila ang matataas na uri ng kanilang lahi." Tugon ni Esme at bahagya namang natawa si Liyab. "Sabagay, may punto ka naman. Pero alalahanin mo, kailangan mo pa rin kumuha ng mutya ng mga aswang, hindi maaari ang laging ganito." Paalala ni Liyab. "Sapat na ang mutyang kukunin ko sa nilalang na nasa hawla. Kakaiba ang isang iyon dahil patay na siya nang malagyan ng mutya at muli siyang nabuhay bilang isang aswang. Nalalapit siya sa lahi ng maranhig pero kakaiba dahil ang mutya niya ay kagaya sa mga tiktik." Saad ni Esmeralda. "Mas delikado ang mutya na iyan dahil maaari itong gamitin ng mga taong ganid sa kapangyarihan. Kaya ang mutyang iyan ang kukunin ko." Dagdag pa ni Esmeralda at pumasok na sa loob ng mansyon. "Anong gagawin mo, lumayo ka kay Criselda!" Sigaw ni Don Pablo habang pilit na nagpupumiglas na makawala sa pagkakatali niya. "Hindi niya kasalanan kung bakit siya nagkaganito. Biktima lang din siya, kaya hindi ako ang kukuha ng mutya, kun''di si Liyab." Wika pa ni Esmeralda at napatingin sa engkanto. Tumango naman si Liyab habang papalapit sa tabi ni Esmeralda. Bukod kay Mateo at Ismael, wala nang ibang nakakakita kay Liyab, kaya naman inakala ng lahat na si Esmeralda lamang ang gumagawa ng lahat. Marahang binuksan ni Esmeralda ang kulungan at tila hayok na umatake sa kaniya si Criselda. "Sige, Criselda. Pat*yin mo silang lahat!" Sigaw ni Don Pablo ngunit ang inaasahan niyang magigibg resulta ay hindi nangyari, bagkus, walang kahirap-hirap na napigilan ni Esmeralda si Criselda sa pagitan lamang nang pagpigil niya sa ulod nito. "Magpahinga ka na, Criselda." Sambit pa ni Esmeralda. Doon na kumilos si Liyab at iniangat ang kamay patungo sa mukha ng aswang. Sapilitang napanganga ang nilalang habang may tila hindi nakikitang puwersa ang humahatak ng mutya mula sa kalooban ng aswang. Pilit itong nagpupumiglas at nangingibabaw ang mga pag-atungal nito na sumasabay naman sa mga huni ng uwak at alulong ng mga aso na nasa labas ng bahay. Ilang minuto rin siyang nagwawala at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni Esmeralda, subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi nito kayang makaalpas sa pagkakahawak ng dalaga. "Ah, Manong Mael, ano pong nangyayari, bakit hindi kayang makawala ng aswang sa mga kamay ng anak niyo?" nagtatakang tanong ng isang tanod. Napabuntong-hininga naman si Ismael at nagdahilan na lamang sa mga ito. "Ang lakas naman ng orasyon na iyan Manong Mael, walang magawa ang aswang eh, pero ano bang ginagawa niya, bakit hindi na lang natin paslangin ang aswang, hindi ba''t mas mapapadali ang pagkuha sa mutya kapag ganoon ang ginawa natin?" tanong naman ng isa pang tanod. "Kung mga aswang na halang ang kaluluwa, oo. Pero hindi sa pagkakataong ito, biktima lang din si Criselda ng galit ng kaniyang ama, hindi niya ginusto ang maging alagad ng dilim, kaya ito ginagawa ni Esmeralda, para bigyan ng walang sakit na kamat*yan ang babae." paliwanag naman ni Ismael at nagtanguan naman silang nakikinig. Muli na nilang itinuon ang pansin sa ginagawa ni Esmeralda. sa Pagkakataong iyon, ay hindi na nagpupumiglas ang aswang, nakatingala ito habang nakabuka ang bibig. Nanklalaki ang mga mata nito habang tila naninigas naman ang buo nitong pagkatao. May kung anong orasyon na ibinubulong si Liyab sa tabi ni Esmeralda, habang magkapatong ang mga kamay nila, hanggang sa isang itim na bato ang lumulutang palabas mula sa bunganga ni Criseld. Nang tuluyang mapasakamay ni Esmeralda ang bato ay mabilis niya itong isinilid sa botelyang may lamang langis. Bumagsak naman ang katawan ni Criselda subalit bago pa man ito lumapat sa sahig ay tuluyan nang naagnas ang natitirang laman nito hanggang sa tuluyan na itong naging kalansay. Ganoon na lamang ang pagkagulat ng mga nanonood, at napasigaw naman si Don Pablo dahil sa nasaksihan niyang pagkawala ng kaniyang anak. Nagwawala ito habang umiiyak hanggang sa dahan-dahan rin itong huminto at natulala na lamang sa hangin. Nanlulumong napaluhod naman si Don Hernan sa harap ng mga kalansay ni Criselda, umiiyak na humihingi ng tawad ang matanda rito. Kasalanan niya at kasalanan ng kasunduan kung bakit nasira ang mga buhay ng dalawang taong mahalaga sa kaniya¡ª ang anak niyang si Danilo at inaanak na si Criselda. Ang pinakamasaklap pa, nasira ang matagal na nilang pagkakaibigan ni Don Pablo. Lumipas ang gabing iyon na halo-halong emosyon ang namayani sa puso nila. Ginalugad nila ang buong bahay at natagpuan nila si Grace at Hazel sa basement ng bahay na nasa ilalim lang din nito. Halos mamayat ang mga ito at walang kalakas-lakas. Mabuti na lamang at marami silang kasamang lalaki na siyang tumulong sa pagbubuhat sa mga ito. Ni ang pagkilos ay hindi magawa ng dalawa dahil sa sobrang panghihina. Sa kanilang paglabas sa bahay ay sumalubong naman sa kanila ang grupo nila Amihan at Kaled na siyang tumugis naman sa mga aswang na nagsubok na tumakas. Pareho pang duguan ang mga damit ng mga ito at may mga sugat rin si Kaled sa braso at mga hita nito. "Kaled, may mga sugat ka!" nag-aalalang puna ni Don Hernan. "Ayos lang po ako lo, kaunting galos lang po ito." saad naman ni Kaled. S§×arch* The ¦ÇovelFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Nagawa naming puksain ang mga aswang na tumakas kanina, mukhang nagawa niyo rin ang dapat rito. Sa wakas ay matatahimik na ulit ang bayang ito at ang bayang pinoprotektahan ko." wika naman ni Amihan at napangiti si Esmeralda. Hindi na sila nag-aksaya pa ng oras at agad na silang bumalik sa mansyon ni Don Hernan. Pagkarating ay agad na nilapatan ng paunang lunas sina Grace at Hazel. Umiiyak na humihingi ng tawad si Don Hernan sa mga ito. Halos hindi matapos-tapos ang paghingi niya ng tawad na siyang nagpapasakit naman sa puso ni Kaled at Sylvia. Napapayuko na lamang silang dalawa dahil noon, sobra-sobra rin ang galit nila sa taong iyon. Noong hindi pa nila alam ang totoo. Ngayon naging malinaaw na ang lahat, labis na lungkot at pagkaawa naman ang nararamdaman nila. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ng matanda, hinayaan na lamang nila itong umiyak hanggang sa nagawa na rin nitong makontrol ang kaniyang emosyon. "Tapos na po, lolo. Wala kayong kasalanan. Siguro nagalit man kami noon sa''yo, dahil hindi namin alam ang totoo, pero wala na po iyon, napatawad na namin kayo. Hindi kayo nagkulang, tao ka lang din at hindi ka Diyos," wika ni Kaled habang pigil ang luha. Ramdam ni Esmeralda ang emosyong nagbabadyang kumawala sa binata. "Salamat apo, hindi niyo alam kung gaano ako nagtiis na hindi kayo mayakap noon, para lang mailayo kayo sa mata ng kalaban. Pero mali pala iyon, dapat hindi na ako naglihim, dapat ay kinausap ko na lang ng mahinahon ang papa mo. ''Di sana''y magkakasama pa tayo ngayon." Malungkot na saad ni Don Hernan. "Iniadya ang lahat Don Hernan, minsan kailangan nating masaktan para mas makita natin ang halaga ng bawat bagay at bawat buhay na pinagkakaloob sa atin ng panginoon. Subukan na lamang nating tanggapin ang lahat at isiping, lahat ng namayapa ay ligtas na at payapa sa kabilang buhay." Tinapik ni Esmeralda ang balikat ni Don Hernan habang mahinahong sinasambit ang mga katagang iyon. Natahimik naman ang mag-anak at tila malalim na napaisip. Natapos ang gabing iyon na nakasama na ni Don Hernan ang pamilya niya, bagama''t naroroon ang lungkot, natutuwa na rin siya dahil sa wakas ay nagawa niyang mailigtas ang anak at mga apo niya. Kinaumagahan, maagang nagising si Esmeralda at nakaramdam agad siya ng bigat sa kaniyang katawan. "Esme, bakit parang namumutla ka yata, dapat nagpahinga ka muna doon, tapos na ang laban." Puna ni Ismael nang makita ang anak na nakatanaw sa labas ng mansyon. "Amang, hindi ko nga rin alam, medyo mabigat nga ang ulo ko. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil parang nababahala ako sa sitwasyon ng kubo natin sa bundok. Para kasing may nangyayaring hindi maganda roon." Sagot naman ni Esmeralda. "Magpahinga ka muna anak. Tandaan mo tao ka lang din, makapaghihintay naman ang obligasyon na iyan." Paalala ni Ismael at napangiti naman si Esmeralda. "Alam ko po, amang. Luya at bawang lang ang katapat nito. Panigurado magiging maayos rin ako mamaya. Kamusta na nga pala ang anak at apo ni Don Hernan?" "Sa ngayon, maayos na ang lagay nila, kailangan lang nilang maalagaan ulit. Ginutom sila ng husto doon, at napakalaki ng ipinayat nilang dalawa, kaya kahit paggalaw ng kamay, hindi pa nila magawa. Pero naniniwala akong malakas ang dalawang iyon, dahil nagawa nilang mabuhay sa lagay na iyon." Saad ni Ismael at napatango naman si Esmeralda. "Mabuti na lang at naabutan natin silang humihinga pa, hindi ko lubos maisip ang magiging reaksyon ni Don Hernan." "Tama ka. Sobrang pasakit na ang dinanas ni Don Hernan, siguro naman ay nahabag na sa kaniya ang Panginoon, kaya iniwan niya ng buhay ang dalawang iyon." Wika ni Ismael at natahimik naman si Esmeralda. Siguro nga ay tama ang kaniyang ama. Nahabag na sa matanda ang Panginoon dahil sa dami ng pasakit nito sa buhay. Nabawi man ni Don Hernan ang pamilya niya, may sugat pa rin ang puso niya dahil sa nangyari sa kaniyang kaibigan. Tuluyan nang nabaliw si Don Pablo at nanh kunin ito ng mga pulis ay idineretso na nila ito sa kulungan ng mga may problema sa utak. Hindi kinaya ng matanda na makita ang muling pagkawala ng kaniyang anak kaya tuluyan na itong nawala sa katinuan. Kahabag-habag at nakakalungkot ang sinapit nito, marahil ay iyon na rin ang naging kaparusahan niya sa lahat ng kasalanang nagawa niya. Hindi man siya mausig ng batas ng mga tao, paniguradong ang batas ng Diyos ang kaniyang kinahaharap ngayon. Chapter 37 Chapter 37 - 37Lumipas ang ilang araw, nakauwi na rin ang mga buntis na kinupkop nila sa sari-sarili nilang mga pamilya at paunti-unti nang nakakabawi ng lakas si Grace at Hazel. Nakakangiti na rin ang mga ito lalo na kapag naririnig nila ang tawa mg bunsong anak ni Danilo. Dahil naman sa magandang reaksyon ng katawan ng mga ito, ay napagdesisyunan na ring bumalik nina Mateo, Esme at Ismael sa bayan ng Luntian. Masaya silang nagpaalam sa pamilya ng Don at natuwa naman sila dahil kasalukuyan nang nakatira ang pamilya ni Kaled kasama ang lolo nila. Naging panatag na rin si Ismael dahil alam niyang naroroon lang din sa malapit si Amihan na magsisilbing tagabantay ng bayang iyon. Ano''t ano pa man, alam na ng dalaga kung saan sila hahanapin, sakaling may manggulo ulit sa tahimik nilang bayan. Halos hapon na rin nang makabalik sa bahay ang maglolo, si Mateo naman ay agad na ring dumiretso sa bukid dahil, matagal na ring napabayaan ang taniman nila. Pagdating sa bahay, agad namang sumalubong sa kanila ang bunganga ni Silma. Napapailing naman si Ismael at agad na inilagay sa loob ng kubo ang mga gamit nila bago tuluyang pumasok sa bahay at hinarap si Silma. "Nasa labas pa lang, rinig na rinig ko na bunganga mo. Ano ba naman ''yan Silma, hindi ka ba mabubuhay kung hindi ka magbubunganga?" saway ni Ismael sa nagtatatalak nitong kapatid. Tila nagulat pa ang ginang nang makita sila roon, umayos naman ang nakakunot nitong noo at agad na nagreklamo sa kapatid. "Paanong hindi ako magbubunganga, Kuya? Iyong magsasaka ni tatay, kay bibilis kapag uutang, pero kapag magbabayad na eh, nag-uunahan nang makahanap ng lusot. Hindi naman siguro tayo bangko para utangan lang nang utangan. Aba, ano sila sinusuwerte?" S§×ar?h the N??elFir§×.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Hay naku, Silma. Sino ba ang nagpautang, wala naman akong natatandaang nagpapautang tayo?" tanong ni Ismael sa ginang. "''Yong asawa ni Marie, naawa lang naman ako doon sa kaibigan kong iyon dahil nga kabuwanan na kaya pinahiram ko para sa panganganak. Eh, nalaman ko hindi naman pala doon ginasta ng hinay*pak niyang asawa, kaya siningil ko. Ayon, ang dami nang palusot, ginagamit pa si Marie." Tugon ni Silma at nasapo na lamang ni Ismael ang noo. "Si Nestor? Sabungero ang taong iyon at halos lahat alam na hindi talaga nagbabayad iyon. Anong aasahan mo. Alam mo na ngang mahirap singilin, pinautang mo pa." Umiiling na wika ni Ismael at naupo na sa mahabang bangko na gawa sa kawayan. "Esme, magpahinga ka muna, lumabas ka na lang mamaya kapag maghahapunan na." Utos ni Ismael na agad namang sinunod ng dalaga dahil sa dalawang dahilan¡ª una, pagod na talaga siya at pangalawa, ayaw niyang marinig ang mga salitang ibabato na naman sa kaniya ng kaniyang tiyahin. Pagpasok sa silid ay agad na niyang inihagis ang sarili pahiga sa higaan niya. Dinampot niya ang unan at mabilis na isinaklob iyon sa kaniyang ulo para hindi marinig ang ingay na nagmumula sa labas. Halos madilim na rin nang muli niyang imulat ang kaniyang mata, naramdaman niya ang malamig na kamat na humahaplos sa kaniyang pisngi. "Esme, mabuti naman at gising ka na." Ang malumanay na tinig ni Liyab ang siyang nabungaran niya. Nakita niya itong nakatunghay sa higaan niya habang malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Napangiti naman si Esmeralda at marahang bumangon. "Nakatulog pala ako," napakamot na lang si Esmeralda sa kaniyang ulo. Tahimik na rin at halatang mahinahon na ang kaniyang tiyahin. "Bumabawi ng lakas ang katawan mo, masyadong nasagad ang lakas mo sa ginawa nating orasyon para hatakin ang mutya sa katawan ng aswang. Sa susunod, hindi na talaga ako papayag na gagawin natin iyon." Ang kaninang malamlam na mata ni Liyab ay bigla namang tumalim. Subalit saglit lang iyon dahil agad din itong napalitan ng ngiti. "Alam ko naman, pero hindi ako mangangakong huli na iyon. Dahil kung mahaharap ulit ako sa ganoong sitwasyon, gagawin ko pa rin ang nararapat. Salamat Liyab, dahil pinahintulutan mo akong gawin iyon. Alam kong mas matindi ang epekto nito sayo, pero ginawa mo pa rin." Nakangiting wika ni Esmeralda. "May magagawa pa ba ako? Alam ko namang matigas talaga ang ulo mo. Ang mabuti pa, pumunta ka ngayong gabi sa puno doon sa bukid, mas magiging madali ang pagbabalik ng lakas mo roon." Suhestiyon ni Liyab at agaran din ang paglaho nito. Napakamot lang ng ulo ang dalaga bago kumuha ng damit at dumiretso na sa banyo para maligo. Matapos, ay tumungo naman siya sa sala at doon niya naabutan ang kaniyang ama habang masayang nakikipag-usap sa kaniyang lolo. Mukhang wala doon si Tiya Silma dahil tahimik ang bahay. "O, mabui naman at gising ka na, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Ismael nang makita siyang papalapit rito. "Medyo maayos na po, amang. Magpapaalam ho, sana ako na doon muna ako magpapalipas ng gabi sa kubo sa bukid." Wika ni Esmeralda at nagkatinginan naman ang dalawa. "Bakit hija, inaway ka na naman ba ng tiyahin mo?" Tanong ng lolo niya. Agad namang napailing si Esmeralda at ngumiti. "Hindi ho, ang totoo niyan, suhestiyin po iyon ng gabay ko, kaya kailangan ko talagang manatili roon, lo." Sagot ng dalaga. Nakakaintinding tumango naman si Ismael at mahinahong kinausap ang ama. "Hayaan niyo na si Esme, itay. Naroon naman si Mateo para bantayan siya. Sige na Esme, magdala ka na lamang ng makakain mo roon, bukas ng umaga, papanhik rin ako sa bukid para kamustahin ang mga pananim nating halamang gamot. Mukhang kailangan nating pagtuunan ng pansin ang mga iyon." Masayang wika ni Ismael. "Mabuti pa nga, matagal na rin akong hindi nakakabisita sa bukid, sasama na rin ako, kaysa naman maburyong ako rito at makinig sa mga reklamo ni Silma. Iyong kapatid mong iyon, walang katahimikan sa buhay. Lahat na lang pinupuna." Umiiling na wika naman ng matanda. Matapos maihanda ni Esmeralda ang mga dadalhin ay nagpaalam na siya sa ama at lolo niya. Madilim na ang kalangitan ngunit naging tanglaw niya ang maliwanag na ilaw galing sa mga poste. Panatag rin siyang naglalakad sa daan dahil alam niyang wala naman siyang makakasalubong na tao patungo sa bukid nang gano''ng oras. Makalipas ang ilang minuto ay narating rin niya ang maliit na daanan patungo sa bukid ng kaniyang lolo. Tinahak niya iyon hanggang sa matanaw niya ang malaking puno ng mangga na ngayon ay nagliliwanag dahil sa mga alitaptap na namamahay roon. Dahil din sa kumpol ng mga alitaptap, nagmistulang malaking ilaw iyon sa gitna ng kadiliman sa bukid. Natanaw rin niyang nakatingin si Mateo sa puno ng mangga habang nakaupo ito sa labas ng bahay nito. Napatayo naman ang binata nang makita siyang paparating. "Esme, gabi na, bakit ka nagpunta rito?" Tanong ni Mateo na noo''y sumasalubong na sa kaniya. Kinuha ng binata ang bitbit niyang basket at ito na rin ang nagpasok nito sa kubo ni Esmeralda. "Napag-utusan lang." Nakangiting tugon ni Esmeralda. "Nagpasabi ka sana para nasundo kita kanina. Nagpunta ako kanina sa bahay niyo pero natutulog ka. May bata kasing nagpunta rito kanina at hinahanap ka. Pero ang sabi niya babalik na lang daw siya sa susunod na araw. Hindi ko na rin naitanong ang pangalan niya dahil nagmamadali siya." Kuwento ni Mateo at napatango naman ang dalaga. "Nagdala ako ng hapunan, sabayan mo na ako." Alok ni Esmeralda at masayang tumugon naman ang binata. Ito na rin ang kumuha ng maiinom nilang tubig sa banga. Pagkatapos kumain ay agad namang tinungo ni Esmeralda ang puno ng mangga. Doon ay tahimik siyang naupo at sumandal sa katawan nito, habang si Mateo naman ay tahimik lang din na nakamasid sa di kalayuan. Mangha at gulat naman ang namutawi sa mukha ni Mateo nang makita niya na palibutan ng mga alitaptap si Esmeralda. Dumapo iyon sa bawat parte ng katawan ng dalaga na animo''y kinalulugdan siya ng mga ito. Halos buong gabi na nasa ganoong posisyon lang ang dalaga at nakatulugan na rin ni Mateo ang pagbabantay rito. Naalimpungatan lamang siya nang marinig ang unang pagtilaok ng kaniyang tandang sa kabilang bakod. Pupungas-pungas na napabalikwas si Mateo mula sa kinahihigaan niyang papag at agad na hinanap ng kaniyang mata si Esmeralda. Napabuntong-hininga lamang siya nang makitang naroroon pa rin naman ang dalaga at mukhang mahimbing na rin itong nakatulog sa ilalim ng puno ng mangga. Hinayaan lamang niya ito at hindi na inistorbo pa, mukhang komportable kasi ang mukha ng dalaga sa pagkakahiga nito sa damuhan. Pansin rin niya ang nakapatong na tila makapal na tela na hindi niya mawari kung sa anong materyales gawa. Dali-dali naman siyang bumalik sa bahay niya para kumuha ng kahoy na gagamitin niyang pangsiga sa kalan ng dalaga. Kinuha na rin niya ang maliit niyang takure at mabilis na bumalik sa bakuran ng kubo ni Esmeralda. Papasikat na rin ang araw nang muling magising si Esmeralda, tulad nang inaasahan, nahing magaan na ang katawan niya at nawala na rin ang bigat ng ulo na nararamdaman niya simula nang matapos ang huling misyon nila. Agad niyang naamoy ang mabangong sinangag at pritong tuyo at naririnig pa niya ang pagkiskis ng sandok sa kawali. Pagbangon niya ay napansin agad niya ang isang balabal na siyang ginamit na pangkumot sa kaniya. Saglit oa siyang nag-inat at binati ang mga nilalang na noo''y nakamasid lamg din sa kaniya bago tinungo ang pinanggagalingan ng mabangong amoy. Chapter 38 Chapter 38 - 38Nang marating naman niya ang harapan ng kubo niya, nakita niya si Mateo na nagluluto. Hawak pa nito ang isang tasa ng mainit na kape habang, pakanta-kanta pa sa paghahalo. Hindi napigilan ni Esmeralda ang matawa dahil sa nakita. "Ano ba naman ''yan Mateo, para ka namang baliw diyan. Sigurado ka bang malinis ''yang niluluto mo? Baka may orasyon na iyan ha!" natatawang puna ni Esmeralda. Napalingon naman sa kaniya si Mateo at napangisi. "Ano bang pinagsasasabi mo, hindi ako marunong no''n." Kakamot-kamot sa ulo na sagot ni Mateo. "Para ka kasing nag-oorasyon eh, tinalo mo pa si amang." wika ni Esmeralda. Pareho pa silang natawa at naupo na si Esmeralda sa isang bangko ''di kalayuan naman doon sa pinaglulutuan ni Mateo. "Mag-almusal ka nga muna, simple lang ito dahil hindi pa ako nakakapunta ng bayan para makapamili, gusto mo ba ng kape?" tanong ni Mateo habang isinasalin ang sinangag sa isang malaking plato. sea??h th§× nov§×lF~ire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Matapos ang kanilanag simpleng almusal, siya namang pagdating nina Armando at Ismael. "Amang, ang aga niyo naman, nakapag-almusal na ba kayo?" tanong ni Esmeralda habang nagmamano sa lolo at sa ama. Kinuha naman ni Mateo ang bitbit na basket ni Ismael at pinatong ito sa papag. "Tapos na kami, mukhang nasimulan mo nang ayusin ang taniman, Mateo, nagpahinga ka ba kahapon?" tanong ni Ismael at tumango naman ang binata. "Opo t''yong, nagpahinga naman ako noong makabalik tayo, hapon ko na rin sinimulan ang pagbubunot ng damo sa taniman, hindi nga ako nangalahati eh," sagot ni Mateo habang napapakamot sa ulo. "Hayaan mo na, pagtulungan na lamang natin," wika naman ni Ismael. Makaraan ang ilang sandali ay nagismula na rin silang magtrabaho sa bukid. pinagtuunan naman ng pansin ni Esmeralda ang taniman niya ng luya. Sinuri niya kung nagkakalaman naman ba ang mga itinanim niya. Ganoon na lamang ang tuwa niya nang sa pagbunot niya ay nakita niyang malaki at marami ang laman ng luya niya. "Aba, mukhang maganda talaga ang lupa rito, napakaraming laman naman ng luyang iyan at malalaki pa," puna ni Ismael. "Oo nga amang, nakakatuwa." masayang wika ni Esmeralda. Sa kalagitnaan naman ng kanilang pagtatrabaho isang ginang ang nakita nilang paparating bitbit ang isang bata. Hinahanap nito si Ismael. "Ano pong pakay natin, ale?" tanong ni Mateo. "Ah, hinahanap ko si Ka Ismael, ''yong albularyo, ipapahilot ko sana itong anak ko." malumanay namang sagot ng ginang. "Ako ho si Ismael, napano ho ba ang bata?" Tumayo ng tuwid si Ismael mula sa kinayuyukuan nitong lupa at napatitig sa bata. "Amang, kami na po muna dito, tingnan niyo na po muna ang bata, mukhang may iniindang sakit eh." saad ni Esmeralda habang matamang nakatingin sa bata. Mula sa basket ng luya na naipon niya, ay kumuha siya ng luyang itim doon at ibinigay kay Ismael. Nakakaunawang tumango naman si Ismael at inakay na ang mag-ina na sumunod sa kaniya. "Ano ''yon, bakit nagbigay ka ng luya?" tanong ni Mateo. "Nabati ng aswang, mukhang nanggaling ang mga iyon sa isang lugar o may nakasalubong silang aswang, walang pangontra ang bata at hindi talaga malabong mababati siya." sagot ni Esmeralda at bumalik na sa pag-aani ng mga luyang itim. Ilang oras pa ang ginugol nila hanggang sa tuluyan na ngang sumapit ang tanghalian. Bumalik naman sa kubo sin Mateo at Esmeralda at naabutan nilang hinihilot pa rin ni Ismael ang bata sa papag. "Paano ba nahulog ang batang ito, ginang, at bakit hinahayaan niyong umakyat sa matataas na lugar ang batang ito?" tanong ni Ismael habang hinihilot ang balikat ng bata. "E, hindi ko nga ho malaman, nagulat na lamang kami na nasa taas na siya ng puno ng santol, nakalambitin. Nang mahulog siya, nasalo naman siya ng kuya niya, pero napuruhan pa rin itong braso niya. Ilang gabi rin siyang nilalagnat, inilapit namin siya sa isang hilot sa bayan, pero sa halip na guminhawa ang bata ay lalong namilipit ito sa sakit kinagabihan. Nataon naman kasing wala kayo roon sa bahay niyo o kahit dito sa bukid, kaya nagtagal ng ganito ang pilay ng anak ko." salaysay naman ng ginang. Agad na kumunot ang noo ni Esmeralda nang marinig ang tungkol sa hilot. "Ale, kakilala niyo ba ang hilot na iyon?" tanong ni Esmeralda at napailing naman ang ginang. "Hindi, pero inirekomenda siya sa akin ng isang kapitbahay, magaling naman daw pero mukhang hindi rin pala. Kung magaling siya, bakit gabi-gabi nasasaktan ang anak ko?" "Hindi dahil sa pilay kung bakit nasasaktan ang anak niyo ale," wika ni Ismael at kunot-noong napatingin naman ang ginang sa kaniya. "Ano pong ibig niyong sabihin, Ka Ismael? May iba pa bang dinaramdam ang anak ko?" naguguluhang tanong ng ginang at napabuntong-hininga naman si Ismael. "Nabati ang anak mo misis, at isang aswang ang dahilan kung bakit nasasaktan ang anak niyo. Natanggal ko na ang marka ng aswang sa kaniya, maging ang epekto ng bati, itong itim na luya, huwag mong tatanggalin sa kaniya, mabisang pangontra ito para hindi siya tablan ng ano mang engkantasyon ng aswang." Inisa-isa ni Ismael ang mga bilin sa ginang. Matapos mahilot ang pilay ng bata ay nagpaalam na rin ang mga ito. Saktong nakabalik na rin si Mateo na bumili ng kanilang tanghalian. Sabay-sabay na silang kumain habang masayang nagkukuwentuhan. Nasa ganoong sitwasyon sila nang mapansin ni Esmeralda ang pagkabahala ng mga nilalang sa bakuran nila. Napapakunot ang noo niya habang kumakain ngunit hindi niya ito pinahalata sa mga kasamahan. Ganoon pa man, hindi nakaligtas kay Ismael ang iginagawi ng anak. Pagkatapos kumain ay sinundan naman niya sa likuran ng bakuran nila si Esmeralda. Nakita niya itong nakayuko sa lilim ng puno habang may kung anong kinakausap. Batid ng lalaki na mga nilalang iyon na hindi nakikita at madalas, ay tanging si Esmeralda lamang ang nakakakita sa mga ito. Agad namang napalingon si Esmeralda nang maramdaman ang presensya ng kaniyang ama. "Amang, mukhang kailangan ko nang pumanhik ng bundok, maging ang mga nilalang na lumipat rito ay nababahala na sa sitwasyon ng dati nating tirahan. Ayon sa kanila, nalalason na ang lupa at unti-unting namamat*y ang mga halaman at hayop na nagagawi roon." Nag-aalalang wika ni Esmeralda. "Naiintindihan ko Esme, ang akin lang ay mag-iingta ka. Ikaw na lang ang natitirang alaala sa akin ng aking asawa, ayokong napapahamak at nasasaktan ka, alam mo iyan." "Alam ko ho amang, mag-iingat ho ako. Kasama ko naman si Liyab. Kailangan ko lang talagang gawin ito." Paliwanag naman ni Esmeralda. Nang gabing iyon ay muling nanatili si Esmeralda sa lilim ng puno kasama ang mga nilalang na naging kaibigan na niya. Tulong-tulong ang mga ito sa pagbabalik ng lakas ni Esmeralda at pagpapagaling sa mga sugat niyang natamo noong huling laban niya. Kinabukasan, maaga pa lamang ay nag-ayos na si Esmeralda. Ibinilin rin niya kay Mateo ang kaligtasan ng kaniyang lolo at ama. Alam niyang matatagalan siya sa misyon niya sa bundok dahil hindi aswang ang makakalaban niya kun''di isang nilalang na nagmula pa sa mundo ng mga engkanto. Alam niyang malakas rin ito at aminado siyang wala siyang karanasan kung paano haharapin ang isang markupo o ano ba ang kakayahan nito. "Sigurado ka na ba riyan, Esme. Makakaasa ka naman na babantayan ko at tutulungan si Tiyo Ismael pero paano ka doon?" Tanong ni Mateo. "Kasama ko si Liyab, hindi nila ako pababayaan, basta ako na ang bahala, babalik ako, pangako iyan." Sambit ni Esmeralda at wala na ngang nagawa pa si Mateo kun''di ang hayaan siya. Hindi pa man sumisikat ang araw ay tinatahak na ni Esmeralda ang mahabang daan patungo sa paanan ng bundok. Lakad-takbo ang ginagawa ni Esmeralda para mas mapadali at nakasunod lang naman sa kaniya si Liyab sa anyo nitong uwak. Pasikat na ang araw nang marating ni Esmeralda ang paanan, humihingal siyang napaupo sa malaking bato at sandaling nagpahinga para uminom ng tubig. Napatingala pa siya sa masaganang kabundukan na minsan nilang naging tirahan. Chapter 39 Chapter 39 - 39Dumampi ang malamig na hangin sa balat ni Esmeralda. Napabuntong-hininga na lamang siya bago muling isinilid sa bitbit na bag ang sisidlan ng kaniyang tubig. Makaraan pa ang ilang minutong pahinga ay muli na niyang tinahak ang daan paakyat. "Ineng, ikaw na naman, mukhang napaaga yata ang akyat mo ngayon?" Puna ng isang matanda. Ito rin nag matandang nakasalubong niya noong unang balik niya sa bundok. Tulad ng dati, may bitbit itong itak at kumpol ng mga kahoy na halatang nanggaling a itaas. "Magandang umaga ho, tatang. Opo, medyo inagahan ko na para hindi ako abutin ng hapon rito. " Sagot naman niya at napangiti ang matanda. Lumabas ang bungal-bungal nitong mga ngipin. "Tama iyan, huwag kang magpapaabot ng hapon, lalo na sa gabi. Maugong na ang bali-balita tungkol sa isang nakakatakot na halimaw sa pusod ng bundok, kaya huwag kang gagawi roon." Paalala ng matanda habang matamang nakatingin sa dala niyang basket. "Salamat ho tatang, tatandaan ko po ang mga bilin niyo. Sige ho, mauuna na ako." wika naman niya at nagpatuloy nang maglakad paakyat. Ramdam ng dalaga na nakasunod pa rin ang mga tingin sa kaniya ng matanda at nang malayo na siya rito ay narinig pa niya itong sumigaw na mag-iingat siya at ipagdarasal nito ang ligtas niyang pagbabalik. Lumingon naman si Esmeralda at saktong tumalikod naman ito at tuloy-tuloy nang lumabas ng bundok bitbit ang mga kahoy nitong dala. PInapatuloy na ni Esmeralda ang paglalakbay hanggang sa marating na nga niya ang kinatitirikan ng kubo nila. Tulad ng sinabi ng kaniyang mga kaibigan, halos nangamat*y na ang mga damo at halaman sa paligid ng kanilang bahay. Maging ang lupa sa palibot ng bakuran nila ay tila naging itim na. Nawala na ang dating ganda ng lugar na iyon, habang nakamasid sa ''di kalayuan, narinig niya ang pag-ihip ng ahas. Hindi iyon kalakasan, sapat lang para umabot sa kaniyang matalas na pandinig. Batid niyang nararamdaman nito ang kaniyang presensya at ang tunog na iyon ay tila babala sa kaniya. Marahan siyang umatras at lumayo pa roon, tinahak naman niya ang makipot na daan patungo sa maliit na baryo sa gitna ng gubat kung saan naman nakatira ang tribo nina Apo Salya at Dodong. Pagdating ay agad naman niyang nakita ang mga tao roon na kaniya-kaniyang ginagawa ang kani-kanilang mga gawain sa araw-araw. Isang bata naman ang mabilis na tumakbo sa kubo ni Apo Salya upang ibalita ang kaniyang pagdating. Huminto siya at inilibot ang mga mata, napansin naman niya ang pag-iiba ng lupa roon. Animo''y unti-unti na rin natutuyot ang lupa at may mga parte na rin nan natutuyo ang mga pananim. Sa paglingon niya sa kubo ay nakita naman niya ang paglabas ni Apo Salya. "Magandang umaga ho, Lola Salya." bati ni Esmeralda at agaran ding nagmano sa matanda bilang paggalang rito. "Kaawaan ka, mabuti naman at nakabalik ka Esme, pinababa ko si Dodong para hanapin ka, pero hindi ka niya naabutan." "Nasaan na nga po pala si Dodong, Lola?" tanong ng dalaga matapos maibaba ang dalang basket sa lupa. sea??h th§× N?velFire.n§×t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Nasa talon, kumukuha lang ng tubig, natuyo na kasi ang sapa na malapit rito. Hindi na maganda ang lagay ng lupa at nalalason na ito dahil sa laway ng markupo." Tugon naman ng matanda, nakaalalay lang si Esmeralda rito habang naglalakad sila patungo sa sapa na sinasabi nito. Alam niyang may sapa nga malapit roon at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makitang tuyo na nga ito, maging ang mga damo at puno at lanta na. Tila ba dinaanan ito ng matinding tagtuyot. "Noong una, nasa bakuran lang ng kubo niyo ang nilalang na iyon, ngunit isang araw, namataan namin siya lumabas at umiikot na sa buong lugar. Iyon ang naging sanhi ng pagkalanta at pagkatuyo ng mga lupa. Tila ba isang sumpa ang hatid ng lasong nagmumula sa laway nito," paglalahad ng matanda. "Ganoon katindi ang epekto niya, paano ba lalabanan ang nilalang na iyon lola, ngayon lang ako nakatagpo ng uri niya at inaamin ko, hindi ko alam kung paano magagapi ang isang iyon o kaya ko bang pantayan ang lakas nito," sabi ni Esmeralda. Napabuga siya ng hangin at napailing. "Alam ko naman iyon, kaya nga minamadali ko si Dodong, para maihanda ko na kayo pareho, hindi maaaring magtagal ang nilalang na iyon dito sa mundo ng mga tao, Hindi ninyo siya kailangan paslangin, pahihinain lang siya para maibalik namin siya sa mundong nararapat sa kan''ya," paglilinaw naman ni Apo Salya. "Gagawin ko ho ang nararapat lola, kailangan ko lang hong malaman amg lahat patungkol sa nilalang na iyon." Saad naman ng dalaga at nakangiting tumango na ang matanda. Bumalik na sila sa kubo at doon na nila hinintay ang pagbabalik ni Dodong. Buhat buhat pa nito ang dalawang balde ng tubig at iniabot ito sa isang nakakatandang babae. Kasunod nito ang iba pang kalalakihan na may kaniya-kaniyang bitbit din na balde ng tubig. Nang makita naman siya ng bata ay mabilis itong tumakbo palapit sa kaniya. "Ate Esme, mabuti naman ay narito ka na. Lola magsisimula na ba agad tayo?" Usisa ni Dodong. "Oo Dong, hindi na tayo mag-aaksya pa ng oras kaya sumunod na kayo sa akin sa loob ng kubo." Tugon ng matanda bago ito tumalikod at naglakad na patungo sa kubo at pumasok roon. Sumunod naman sila sa loob at naupo sila sa harapan ng matanda. "Ang totoo niyan Esme, alam kong may gabay ka at isa siyang mahomanay na siyang nangangalaga noon dito sa gubat. Nang makarating kami rito, ramdam ko pa ang presensya niya mgunit kalaunan ay naglaho na lang ito bigla na siyang naging dahilan upang magjng kampante ang nilalang at tuluyang pinamahayan ang kagubatang ito." Paglalahad ni Apo Salya habang may kung anong nilalagay sa baga na nasa harapan lang din nila. "Ang Markupo ay isang serpente na namamahay sa kabundukan sa mundo ng mga engkanto, tinuturing itong isang Diyos ng iilan ngunit napakapanganib ng nilalang na ito. Nakakamat*y ang laway nito at maging ang hininga nitkng lumalabas sa bunganga nito." Pagpapatuloy ng matanda. Napatingin naman si Esmeralda sa mga nilalagay ng matanda sa apoy¡ª kamangyan, luya at kung ano-anong dahon. Kalaunan, naglabas ito ng pulang tela at kinuha ang abo mula sa ilalalim ng baga. Pinalamig niya ito saglit bago inilagay sa pulang tela. "Ano po ang bagay na iyan lola?" Tanong ni Esmeralda. "Ang bagay na ito ang siyang gagamitin niyo para patulugin ang Markupo. Hangga''t maaari huwag na huwag niyong tatangkain na kitilan ng buhay ang nilalang, ayos lang na masugatan ito, dahil maghihilom rin ito kapag naibalik na siya sa tirahan niya." "Eh, lola, mabisa ba ang pulbos na iyan sa halimaw na ''yon, kakarampot lang naman ''yan tapos ang laki-laki ng halimaw." Tanong ni Dodong at napailing naman ang matanda. "Hindi ito gagana sa kaniya kung malakas pa siya. Kailangan niyo muna siyang pagurin at pahinain, pero hindi rin iyon basta-basta dahil malakas ang isang iyon." Sagot ni Apo Salya at napakunot-noo lang si Esmeralda. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung paano ang gagawin niya para mapahina ang nilalang na iyon. "Kung narito lang sana si Liyab," sambit pa niya sa isipan niya. Magmula kasi nang makatuntong siya sa lupa ng kagubatan ay naglaho na si Liyab, marahil ay ipinatawag ulit ito sa mundo ng mga engkanto. Ganoon naman lagi ang gabay niyang iyon, panatag rin naman siya dahil dumarating ito sa oras ng kagipitan para sagipin siya. "Isa lang ang maipapayo ko sa iyong dalawa, iwasan niyo ang matamaan ng laway ng markupo o kahit mabugahan ng hininga nito," paalala pa ni Apo Salya sa kanila. Napakaraming bilin ng matanda at tinuro nito ang mga kailangan nilang malaman patungkol sa nilalang na iyon. Dahil nilalang ito na natural na naninirahan sa mundo ng mga engkanto at nabibilang rin ito sa nagpapanatili ng balanse ng kasamaan at kabutihan sa mundo, hindi nila ito dapat makitilan ng buhay. Iyon ang mas lalong nagpahirap sa misyon nila. "Grabe naman talaga si Lola, pinahirapan pa tayo. Ate Esme, kakayanin ba natin ang nilalang na iyon?" Tanong ni Dodong habang nagpapatulis sila ng kawayan. Gagamitin kasi nila ito bilang sandata laban sa nilalang na iyon. Masaktan man nila ito gamit iyon, hindi nila ito makikitilan ng buhay. "Hindi ko nga alam Dodong," simpleng sagot ni Esmeralda. Nahihirapan siyang sagutin ang bata dahil wala rin siyang maisip na sagot para rito. "Ano ang gagawin natin, puro iwas lang? Sa tingin ko bago natin mapagod ang isang iyon, tayo muna ang unang babagsak sa sobrang pagod, Ate." Napakamot ng ulo si Dodong. Maging ang bata ay naguguluhan. "Bahala na Dodong basta ang misyon natin, patulugin ang markupo at magawa iyon nang hindi tayo napapahamak. Hayaan mo at hihingi tayo ng tulong sa mga kaibigan ko." Wika naman ni Esmeralda. Bagama''t sinabi niya iyon, hindi rin siya sigurado kung handa ang mga itong tumulong sa kaniya. Kung hindi man, maiintindihan pa rin niya dahil ayon sa nalaman niya, mapaminsala rin sa mga laman-lupa ang lason ng markupo. Chapter 40 Chapter 40 - 40Matapos magpatulis ng maraming kawayan, sunod naman nilang inihanda ang mga halamang gamot at langis na kakailanganin nila sa oras ng kagipitan. Bawat isa rin sa kanila ay naglagay ng tig-tatlong pulang tela sa kanilang bulsa na naglalaman ng pulbos na siyang pampatulog naman sa nilalang. "Nakahanda ka na ba Dodong?" "Opo, Ate Esme," tugon ni Dodong. Mariing naikuyom ni Esmeralda ang pulang tela sa kaniyang palad, habang mataman itong pinagmamasdan. Pagkuwa''y napabaling naman ang tingin niya kay Dodong at napailing. "Dong, bukod ba sa iyo, wala nang ibang maaaring maging taga-protekta sa tribo niyo? May mga nakikita naman akong kalalakihan rito, bakit ikaw ang isinusugo ni Lola Salya, napakabata mo pa, ah." Hinaplos ni Esmeralda ang buhok ni Dodong. Nalulungkot siya para sa bata habang ang isang parte naman ng puso niya ay namamangha dahil sa pinapakitang tapang at determinasyon nito. "Noong una, hindi ko rin alam ate, pero ang sabi ni lola noong nagkaisip na ako, kakaiba raw ako, ipinanganak raw ako para maging isang mandirigma at obligasyon ko ang protektahan ang lahat laban sa kasamaan. Alam mo ba ate, doon sa mundo ng mga engkanto, nakakapamuhay kami na parang kauri lang din nila, hindi nila kami pinakikialaman, at kami, hindi rin namin sila pinakikialaman. Kapag may kailangan sila, malaya silang nakakahingi ng tulong sa amin, at tumutulong din naman kami bilang kabayaran ng tahimik naming buhay roon. Mas gusto ko nga roon, dahil walang problema, araw-araw masaya lang." Paglalahad ni Dodong. Nakaluhod naman si Esmeralda sa harap nito upang magpantay ang kanilang taas, tinitigan ng dalaga ng mariin ang mga mata ng bata at doon niya nakita ang kakaiba sa mga mata nito. "Ang sabi ni lola, pareho tayo. Hindi ka ba nagtataka ate, may bilis at lakas kang hindi normal sa mga tao. Ang kaibahan lang natin, dito ka ipinanganak at lumaki, samantalang ako, doon ako ipinanganak at lumaki. Ang pagkakaparehas lang natin, pareho nating hindi alam kung sino ang ating tunay na mga magulang," pagpapatuloy ng bata. "Nagtataka rin naman ako, pero saka na iyon. Kung iaadya ng Diyos na makilala ko na ang mga magulang ko, malugod ko iyong tatanggapin. Ayokong pangunahan ang plano niya para sa akin. Kung kailangan kong maghintay, maghihintay ako. Hindi ba mas maigi ang ganoon? Hindi tayo mapapagod maghanap ng mga bagay na hindi pa natin dapat mahanap sa ngayon. Alam mo Dodong, naniniwala kasi ako na lahat ng bagay na nangyayari sa atin sa mundong ito ay may dahilan. Siguro nga may dahilan ang Diyos para ibigay ako sa pamilya ni amang, may dahilan kung bakit ako iniwan ng aking mga magulang at marahil ganoon din ang nangyari sa''yo," saad ni Esmeralda. "Tama ka ate, ''yan din ang sabi ni lola sa akin, kaya nga hindi ko hinahanap ang mga magulang ko. At ginagawa ko na lang ang nararapat kong gawin para maipagpatuloy ang buhay ko." sang-ayon naman ni Dodong. Napangiti pa sila pareho bago sila tuluyang nagpaalam kay Lola Salya at sa mga tao doon sa tribo. Tahimik na nailang tinahak ang daan patungo sa dating kubo nina Esmeralda. Makaraan ang ilang minuto ay pumainlalang sa buong kagubatan ang isang kakaibang huni¡ª huni na noon lamang narinig ni Esmeralda. "Naririnig mo ''yon, ate? Kumakanta ang markupo, tuwing umaga, habang sikat ang araw, ganiyan ang ginagawa niya, hindi ko alam kung para saan niya ginagawa iyan, pero sa tingin ko, hindi magandang senyales ang tunog na iyan," babala ni Dodong. Nagkukubli sila sa mayabong na halamanan habang nagmamasid sa bakuran ng kubo. Agad naman nilang nasipat ang malahiganteng ahas na gumagapang sa lupa, nakatayo pa ang bandang ulo ito habang nakanganga. Kitang-kita ni Esmeralda ang mapupulang tila korona nito sa ulo at ang malaking pangil nitong nakausli sa magkabilang panig ng mukha ng nilalang. Kulay berde na maihahalintulad mo sa napabayaang lumot ang kabuuan ng nilalang. Nagbubuga ito ng kulay lilang usok at ang bawat pagpatak ng laway nito sa lupa ay tila ba asidong umuusok. "Ay, grabe, nakakatakot talaga ang nilalang na iyan. Ano, ate, susugod na ba tayo?" tanong ni Dodong. Mahigpit siyang napahawak sa kawayan at tila ba nagdadalawang isip kung ngayon na ba sila susugod o maghihintay pa sila ng tamang pagkakataon. "Teka lang Dodong, hintayin nating tumalikod siya. Magkabilaan tayo para malito siya, basta tandaan mo ang bilin ni lola, hindi dapat tayo madampian ng laway niya, ni makalanghap ng hininga niya," paalala ni Esmeralda at napatango naman si Dodong. "Sige ate, mag-iingat ako. Syempre, pagkatapos nito, ipapasyal mo pa ako sa bayan," wika ng bata na ikinatawa naman ni Esmeralda. Lumipat ng posisyon si Dodong ay marahan na sila lumapit sa bakuran. Hinintay nilang makampante ang nilalang bago nila sabay na sinunggaban ito. Gamit ang hawak nilang pinatulis na kawayan, sabay nilang itinusok ito sa katawan ng nilalang. Napakakapal ng balat nito na hindi man lang nila ito nasugatan. May kakaibang dulas rin ang makapal nitong balat dahilan para dumaplis lamang ang dulo ng matulis na kawayan sa katawan nito. Tumalilis ang ahas , sa kabila ang laki nito ay nakakamanghang napakabilis pa rin nitong kumilos. Dumura ito kaya mabilis silang umiwas. Kamuntikan pang silang matamaan, kung hindi lang sa angkin nilang bilis. "Naloko na, walang silbi ang kawayan, masasayang naman ang pulbos kung gagamitin natin ngayon. Dodong, mag-iingat ka!" Sigaw ni Esmeralda at saka muling inatake ang nilalang. Tinalunan niya ito sa ulo ay mahigpit siyang kumapit sa tuktok nito. Dinukot niya mula sa kaniyang tagiliran ang isang maliit na kawayan na nasa korteng punyal at isinaksak ito sa bandang ulo ng nilalang. Inakala niyang magkakaroon siya ng pagkakataong masugatan ito pero nagkamali siya. Malakas siyang ibinalibag ng ahas at napabitaw siya mula sa pagkakahawak dahilan para lumagapak siya sa lupa. "Ate!" Sigaw ni Dodong, akmang lalapitan niya si Esmeralda nang pigilan siya ng dalaga. "Diyan ka lang Dong, huwag mo akong alalahanin. Gustong makipaglaro ng nilalang na ito kaya pagbibigyan natin siya. Sige na Dong, gawin mo na ang parte mo." Nang marinig naman ito ng bata ay agad itong nakaunawa. Napangisi si Dodong at mabilis na tumakbo patungo sa likuran ng ahas at dinaluhong ito ng saksak. Mabilis na kumilos naman si Esmeralda at tumayo mula sa kinalalagpakang lupa at inatake rin ang nilalang. PInagtulungan nila ito at halos malito-lito ang nilalang kung sino ang uunahin sa kanilang dalawa. Salitan si Dodong at Esmeralda na nagpahilo sa Markupo. Gayon pa man, kahit anong gawin nila ay hindi pa rin nila maitulos ang pinatulis na kawayan sa makapal na balat ng nilalang. At sa pagdaan pa ang oras na sinusubukan nila itong pagurin ay sila ang nauubusan ng lakas at bilis. Parehong humihingal si Dodong at Esmeralda na lumayo sa nilalang para makapagpahinga, habang ang ahas ay patuloy na dumudura sa bawat lingunan nito. "Ayos ka pa ba Dodong?" tanong ni Esmeralda. Pareho silang nakasalampak sa lupa, salikod ng isang malaking puno, malayo sa kinaroroonan ng markupo, hingal na hingal at halos hindi na makagalaw pa. "Walang-hiya, paano natin masusugatan ang nilalang na ''yon, ate? Napaka-imposible dahil napakakapal ng balat ng isang ''yon!" reklamo ni Dodong, napahiga pa ito sa lupa habang patuloy na hinahabol ang hininga. "Pero Dong, napansin mo ba? Bumabagal ang kilos niya sa tuwing sabay tayong umaatake. Nalilito siya, ipagpatuloy lang natin ang ganoong stratehiya, pasasaan ba''t makakatama rin tayo. Mag-ipon muna tayo ng lakas, heto, uminom ka muna ng tubig." wika ni Esmeralda, sabay abot ng isang sisidlan na gawa sa kawayan. "Salamat ate." Inabot ni Dodong ang sisidlan at binuksan ito para uminom. Ilang minuto lang silang nagpahinga at nang makabawi sila ng lakas ay muli nilang binalikan ang nilalang. Sa pagkakataong iyon, sabay na silang umatake sa magkabilang anggulo at halos hindi na malaman ng nilalang kung ano ang gagawin nito. Nagpa-ikot-ikto ang ulo nito na tila litong-lito hanggang sa mapansin ni Esmeralda ang pagkahilo nito. Kinuha ni Esmeralda ang pagkakatong iyon para saksakin ang nilalang sa pagitan ng tuktok at ilalim ng ulo nito. Doon ay tila may malambot na parte siyang naramdama at doon tinusok nang walang pagdadalawang-isip ang hawak na pinatulis na kawayan. Isang malakas na tunog ang lumabas sa halimaw nang matagumpay na naitulos ni Emseralda ang hawak niyang kawayan. Tumalon pa siya palayo nang magwala nang husto ang nilalang. Mabilis ding lumayo si Dodong nang makita ang pagwawala nito. "Huli ka ngayon," sambit pa ni Esmeralda at nagkatinginan pa sila ni Dodong. Nagtanguan sila at sabay na inilabas ang tig-isang pulang tela na naglalaman ng pulbos. Tumakbo sila papalapit sa nilalang at diretsong pinakawalan ang pulbos sa mukha ng nilalang. Ilang ulit pang iwinawaksi ng nilalang ang ulo nito hanggang sa tuluyang bumagsak ang ulo nito sa lupa. Akmang lalapit na sana si Dodong nang pigilan siya ni Esmeralda. "Sandali, Dong. Tingnan mo, gising pa siya at bumubuga pa siya ng nakalalason niyang hininga. Mamaya mo na lapitan kapag tuluyan na siyang huminahon." Dinukot ni Esmeralda ang dalawa pang pulang tela mula sa kaniyang bulsa at hinagis iyon sa gawi ng nilalang. Nahulog ito sa bandang ulo ng nilalang at nabuksan, dahilan para sentro itong natapon sa bandang ilong ng nilalang. Naghintay pa sila ng ilang minuto hanggang sa mapagtanto nilang tuluyan nang namahinga ang nilalang. sea??h th§× N?velFire(.)net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Nang malapitan na nila ang nilalang ay lumitaw naman sa kanilang tabi si Liyab na noo''y malapad ang pagkakangiti. "Liyab, narito ka?" gulat na tanong ni Esmeralda at tumango naman ang nilalang. "Kanina pa, at nakita ko lahat." "Ito ba ang gabay mo ate, bakit kung kailan tapos na, saka siya nagpakita? Hindi ba niya obligasyon na tulungan ka sa mga misyon mo?" reklamo ni Dodong, halata sa boses nito ang pagkadismaya, marahil dahil sa pagod at sakit ng katawan na dinanas nito para lang magtagumpay sila. "Hayaan mo na Dong, natapos naman natin ang misyon. Halika na, gamitin na natin ang orasyon na itinuro ni Apo Salya para maikulong ang nilalang sa sisidlan," wika ni Esmeralda. "Hayaan niyong makabawi ako, ako na ang gagawa, buksan n''yo na lang ang sisidlan at ako na ang magkukulong sa kaniya." Chapter 41 Chapter 41 - 41"Hayaan niyong makabawi ako, ako na ang gagawa, buksan n''yo na lang ang sisidlan at ako na ang magkukulong sa kaniya," malamyos ang boses na wika ni Liyab. Agad namang tumalima si Dodong at kinuha ang sisidlang ibinigay sa kaniya ng lola niya at binuksan iyon. Napangiti naman si Liyab at agad na ikinumpas ang kamay sa ere, na tila may kung anong simbolo na isinusulat. Pagkuwa''y itinuro ni Liyab ang nilalang, jasabay nito ang pag-ihip ng malakas at napakalamig na hangin. Ilang sandali pa ay nakita ni Esmeralda ang pag-angat ng katawa ng nilalang hanggang sa binalot ito ng nakakasilaw na liwanag bago ito tuluyang hinigop ng sisidlan. Nang matapos naman nito ay nilapitan ni Liyab ang lupang minsang naging tirahan nila. Napailing pa siya dahil sa pagkasira nito, yumukod ito at dinampot ang isang dakot ng itim na lupang nabalot ng lason ng laway ng Markupo. Nakita ni Esmeralda ang pagbulong ni Liyab sa lupang nasa kamay niya bago ito inihipan. Ganoon na lamang ang pagkamangha ni Esmeralda at Dodong nanganumbalik ang dating natural na kulay ng lupa. Dahan-dahan ito kaya naman kitang-kita nila ang pagbabalik ng kulay sa buong lugar. Muling umusbong ang halaman at damo sa paligid. Ang dating mga nalanta na kahot ay muling nagkaroon ng buhay. Nagsibalikan na rin ang mga hayop na kalimitang naliligaw sa bakuran nila, hudyat na bumalik na nang tuluyan ang buhay sa bakuran nina Esmeralda. "Grabe, ate. Gano''n lang ''yon? Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalakas na gabay. Anong klase ba ang gabay mo ate?" Tanong ni Dodong habang patuloy nilang pinagmamasdan ang ginagawa ni Liyab. "Isa siyang mahomanay, Dodong. Ang sabi niya sa akin, isa siyang engkanto na nangangalaga ng mga hayop sa kagubatan." "Talaga, narinig ko na ang tungkol sa kanila kay lola, natural silang matulungin lalo na sa mga mangangaso na marunong rumespeto ng kalikasan. At mababait sila sa mga taong may mabuting puso para sa mga hayop. Kahit anong hayop pa iyan. Ganito pala ang wangis ng isang mahomanay." Manghang wika ni Dodong. "Oo, noong una hindi ko rin alam na isa siyang engkanto. Ang sabi sa akin ni amang, bata pa lamang ako, nasa tabi ko na ang isang uwak. Hanggang sa lumaki ako, kasama ko ang isang uwak at isang araw, nagpakita siya sa akin bilang isang engkanto at sinabi niya sa akin na siya ang aking gabay at isa siyang mahomanay. " Saad naman ni Esmeralda. "Napakahigawa tala ng mga gabay, ano ate? Sana paglaki ko, magkaroon din ako ng gabay na katulad ng gabay mo." Sambit pa ni Dodong. Matapos maisagawa ni Liyab ang mga kailangan niyang gawin, ay binuhat na nito ang sisidlan at magkakasama na silang bumalik sa tribo nina Dodong. Hapon na nang makabalik sila at ilang oras din ang ginugol ng dalawa para pahinain ang nilalang na iyon. Pagdating ay nakahanda na ang isahg piging para sa kanila. Nakita pa nila ang mga nakangiting ka tribo na sumalubong sa kanila at iginaya sila sa isang mahabang mesa. Agad namang kumulo ang tiyan ni Dodong nang makita ang handa sa mesa. Matapos makapag-alay ng dasal ay agad na nilantakan ni Dodong at Esmeralda ang mga pagkaing nakahanda para sa kanila. Habang natatawang inilapag naman ni Liyab ang sisidlan sa harap ni Apo Salya. Tila nakakaunawang yumukod naman ang matanda sa harap ni Liyab. "Pagpasensiyahan mo na ang mga bata, marahil sadyang gutom lang sila kaya nawala sa isip nila ang misyon nila." Wika ng matanda at nakangiting tumango naman si Liyab. "Walang anoman iyon, maraming salamat sa ginawa niyong pagprotekta sa kagubatang ito. Kasalanan din naman namin dahil pinabayaan naming walang bantay ang lugar kaya nagawa iting tirahan ng markupo. Nahirapan pa tuloy kayong hulihin ito. " Saad ni Liyab at napailing naman si Apo Salya. Halos hindi rin siya makatingin kay Liyab na tila ba isang mataas na uri ito at hamak na alipin lamang siya para magkaroon ng karapatan makipagtitigan sa kaharap. "Kuya Liyab, kain ka na din dito, sabayan mo kami ni Ate Esmeralda!" Alok ni Dodong. "Sige, papunta na ako." Sagot naman ni Liyab, saglit niyang tinapunan ng makahulugang tingin si Apo Salya bago lumapit sa dalawa. Umupo na si Liyab sa tabi ni Esmeralda at napatingin na lamang ang matanda sa mga ito habang napapailing. "Hatak talaga ng kalikasan, Diyos na makapangyarihan, kayo na ho ang bahala sa mga batang ito." Naiusal ni Apo Salya habang nakatingin sa tatlo. Dahil sa muling panunumbalik mg sigla ng kagubatan ay nagpasiya na rin bumaba ni Esmeralda matapos ang halos isang linggong pananatili roon. Isang kapre rin ang inatasan ni Liyab na siyang magigibg bantay ng kagubatan. Bukod pa roon, ilan sa mga laman-lupa ang pinabalik niya sa bakuran ng kubo nina Esmeralda. Doon na rin tumuloy si Apo Salya sa kubo nina Esmeralda para hindi na muling pamahayan ng kung anong nilalang ang gubat na iyon. "Lola, kapag kailangan po ninyo ng tulong, sabihin niyo lang po sa kapreng naninirahan dito sa puno, siya ang magdadala ng mensahe sa amin doon sa baba." "Maraming salamat hija. Huwag kang mag-alala, malakas pa ako at may mga makakatulong din naman ako rito. Pero kung saka-sakaling kakailanganin ko ang tulong mo, asahan mong ipapatawag kita agad." Sagot ni ng Apo bago binalingan si Dodong na noo''y malawak ang pagkakangisi. "Dodong, huwag kang pasaway sa ate mo, hinayaan kotang sumama sa kaniya dahil marami ka pang matututunan kasama siya." "Oo naman lola, kailan ba ako naging pasaway? Tsaka, magiging malaking tulong din naman po ako doon." Tila sabik na wika ng bata. Naiiling habang natatawa si Apo Salya dahil alam niyang makulit na bata si Dodong kapag wala ito sa seryosong sitwasyon. Sear?h the N?velFire(.)net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Esme, ikaw na sana ang bahalang dumisiplina sa batang ito. Huwag kang mangingiming paluin ''yan sa puwet kapag may ginawang kabulastugan." "Hala, si lola talaga. Napakabait kong bata para lamg mapalo sa puwet." reklamo pa ni Dodong at nagtawanan naman sina Esmeralda at ang matanda. Nang araw na iyon, magkasamang bumaba ng gubat si Dodong at Esmeralda mula sa gubat. Nang marating nila ang paanan, muli na naman nilang nakita ang matandang namumundok para manguha ng mga kahoy panggatong. "Hija, mukhang nagtagumpay ka sa lakad mo. Mabuti naman at nakababa ka na." Puna ng matanda. Napangiti naman si Esmeralda at lumapit sa matanda. "Lolo, kayo ho pala, opo, kaya ligtas na po ulit na umakyat sa gubat." Tugon ni Esmeralda at tumango naman ito. "Naramdaman ko ring nawala na ang makapal na hamog na bumabalot sa gitna, naging magaan na rin ang pakiramdam kapag umaapak ako sa paanan. Sino naman itong batang ito?" Tanong ng matanda. "Ah, si Dodong po ito lolo, kabilang po siya sa isang tribo na naninirahan sa pusod ng gubat. Sa ngayon po sila po ang magiging tagapagbantay ng gubat, pakisabihan na lamang po ang mga kalalakihan sa baryo niyo na kapag aakyat, magbigay galang na lang po sila lalo sa mga matatanda." Payo pa ni Esmeralda. "Sige, hija. Makakaasa ka." "Lolo, pauwi na rin ba kayo? Tulungan na po kita sa bitbit mo." Presenta ni Dodong. Mabilis itong kumilos at siya na rin ang nagtali ng mga kahoy bago ito isinukbit sa likuran niya. Natuwa naman ang matanda at sabay na nga silang lumabas ng gubat. Hapon na rin nang marating nila ang maliit na kubo ng matanda na nakatirik sa isang bakanteng lote sa tabi ng isang palayan. Nasa labas lamang iyon ng bayan ng Luntian. "Dito na lang ako mga bata, mag-iingat kayo. Ikamusta mo na lang ako sa Lolo Mando mo." Nakangiting wika nito. Napatulala naman si Esmeralda nang marinig ang tinuran nito. "Sabihin mo, kinumusta siya kako ni Mencio." Natatawa pang wika nito. "Sige po, ipapaabot ko ho." Napangiti na lang si Esmerlada. Matapos mailapag ni Dodong ang mga kahoy nito ay nagpaalam na rin sila sa matanda. Halos magtatakipsilim na rin nang marating nila ang kubo sa bukid. Nagulat pa si Mateo nang makita ang dalaga na paparating. "Esme, mabuti naman at nakabalik ka na. Kumusta ang lakad mo? Sino naman itong kasama mo?" Tanong ni Mateo nang makalapit na sa kaniya ang dalaga. "Maayos ang naging lakad ko, tapoa na rin ang problema sa itaas. Siya nga pala si Dodong, apo siya ng isang babaylan na ngayong naninirahan sa kubo namin ni amang. Pansamantalag dito muna siya." "Kayo po ba si Kuya Mateo? Ako po si Dodong, mabait po akong bata at masipag rin, kung kailangan niyo mg tulong, huwag ka pong mag-aalangang sabihan ako." Nakangiting wika ni Dodong na ikinatawa naman ng binata. Marahang ginulo ni Mateo ang buhok nito at saka niya inalok ang mga ito na pumasok muna sa kubo niya para maghapunan. "Wala bang nangyari dito habang wala ako Mateo?" Tanong ni Esmeralda habang kumakain sila. "Bukod sa araw-araw na pagtatalak ni aling Silma, wala naman. Payapa naman ang Luntian simula nang bumaba na kayo rito ni Tiyo Ismael. Pati mga mangkukulam nga tumahimik na, alam kasi nila na matutunton sila ni Tiyo kaya takot na sila. Kung may nangangahas man, mga taga-ibang baryo na hindi kilala si Tiyo." "Wala namang bago sa bunganga ni Tiya, hayaan mo siya, nasanay na rin naman ako. Siya nga pala Dong, bukas ipapakilala kita kay amang at Lolo Mando. Ihanda mo na lang ang tainga mo dahil siguradong marami tayong maririnig kay Tiya Silma. Huwag mo na lang pansinin iyon." "Huwag kang mag-alala sa akin ate. Hindi naman ako maramdamin, basta ba hindi ako nasasaktan ng pisikalan." Tatawa-tawang wika pa ni Dodong. Nang gabing iyon, payapang natulog si Esmeralda at Dodong sa kubo ng dalaga. Chapter 42 Chapter 42 - 42Kinabukasan, nanguha lamang si Esmeralda ng mga bunga ng talong at naghukay ng mga luya sa taniman bago nila tinahak ni Dodong ang daan pabalik sa bahay ni Armando. Papasikat pa lang ang araw nang dumating sila, binuksan naman ni Esmeralda ang tarangkahan at manghang-mangha naman si Dodong sa mga nakikita. Noon lang kasi siya nakakita ng bahay na gawa sa bato. "Hala ate, ang ganda pala ng bahay niyo rito sa bayan. Gawa sa bato, paniguradong matibay iyan, hindi basta-basta masisira ng mga aswang," puna ni Dodong. Natawa naman si Esmeralda dahil sa nakakaaliw na kainosentehan ng bata. Mulat sa mga bagay na hindi kapani-paniwala si Dodong habang wala naman siyang alam sa mga bagay na alam ng mga normal na tao. "Amang, narito na po ako," tawag ni Esmeralda, agad namang bumungad sa kaniya si Ismael na noo''y kagagaling lang sa kusina. Halatang nagluluto ito dahil bitbit pa nito ang sandok sa kanang kamay nito. "Anak, ikaw nga ba? Akala ko nagkakamali na naman ako ng pagkakarinig. Mabuti naman at nakabalik ka na," masayang wika ni Ismael, bakas sa boses nito ang kasiyahan. Napahinto naman ito nang mapatingin kay Dodong na noo''y nakangiti sa kaniya. "Magandang umaga ho, ako po si Dodong, Tatay Ismael. Ayos lang po ba kung Tatay Ismael ang tawag ko sa inyo?" Tanong ni Dodong, sumilay naman ang malapad na ngiti sa labi ni Ismael nang makita ang bata. "Amang, apo po si Dodong ng isang babaylan, siyanga ho pala, hinayaan ko si Lola Salya na doon na manirahan sa kubo natin sa taas, para hindi na pamahayan ng kung anong nilalang ang gubat. Itong si Dodong naman dinala ko na, para naman maturuan siya rito ng mga bagay na hindi pa niya alam. Ayos lang po ba amang kung ampunin na natin siya?" tanong ni Esmeralda at napatingin naman sa kaniya si Ismael. Napahaba ang tingin niya sa dalaga na animo''y hinahanap ang ano mang pag-aalinlangan sa mga mata ng anak. Nang makita niya ang determinasyon sa mga mata ni Esmeralda ay napangiti naman siya. "Oo naman, mukhang mabait na bata naman iyang si Dodong, ang magiging problema lang naman natin ay ang bunganga ng tiya mo. Pero hayaan niyo siya, hindi naman niya bahay ito, kung ayaw niya sa inyo, e''di umalis siya rito at bumalik na doon sa bahay niya." sagot naman ni Ismael na ikinatuwa naman ng dalawa. Katulad ng inaasahan nila, nang makita ni Silma si Esmeralda ay agad na nalukot ang mukha nito at dumoble pa iyon nang makita namang sarap na sarap sa pagkain si Dodong habang inaasikaso pa ng tatay nila. Aliw na aliw dito si Armando dahil iyon ang unang beses na nagkaroon ng batang lalaki sa pamamahay niya. Puro babae rin kasi ang apo niya at hindi na sila biniyayaan pa ng batang lalaki sa pamilya. "Inaampon mo ang batang ''yan kuya? Ang tanda na niyan ah, sigurado ka bang hindi galing sa masamang dugo ang batang iyan? Wala akong tiwala diyan, hindi ako papayag na amunin ang batang ''yan," tutol ni Silma, kulang na lang ay magdikit ang mga kilay nito habang masamang nakatingin kay Dodong. "Hindi ko naman hinihingi ang opinyon mo Silma, tandaan mo ako ang mas matanda sa ating dalawa, kung ayaw mong nakikita ang mga ampon ko, bumalik ka na sa bahay niyo. Kaya ko naman si tatay rito. Araw-araw na lang may problema ka sa anak ko, hindi ka ba nagsasawa, bakit hindi ka na lang maging masaya, lumalaki na rin ang mga anak mo at nakikita nila ang trato mo kay Esmeralda. Akala mo ba hindi ko napapansin ang masasamang tingin ng anak mo kay Esmeralda? Tumatahimik lang ako dahil ayoko ng gulo," wika ni Ismael. Natameme naman si Silma pero halatang hindi nito nagustuhan ang panenermon ni Ismael. "Silma, itikom mo na lang ang bunganga mo kung wala namang lalabas na maganda riyan, naririnig ka ng mga bata. Hindi ka ba nahihiya? PInalaki ba kitang gan''yan?" Mataas ang boses na sermon naman ni Armando. Kadalasan ay tahimik lamang si Armando sa away ng kaniyang mga anak, pero hindi lahat ng pagkakataon ay tatahimik lang ito. At kapag si Armando na ang nagsalita, siguradong tiklop na agad si Silma. Padabog na umalis si Silma sa harap ng mesa, hindi na nito tinapos pa ang pagkain niya at naiwan doon ang anak niyang babae. "Kaya ikaw apo, huwag na huwag mong gagayahin ang ugali ng mama mo." baling na wika ni Armando sa anak ni Silma. "Opo, lolo." Nagpatuloy lang sa pagkain ang dalaga at hindi na umimik pa. Matapos kumain ng agahan ay iginala naman ni Esmeralda si Dodong sa bayan ng Luntian, una nilang pinuntahan ang maliit na plaza sa sentro ng bayan. Doon ay nakita nila ang ilang mga kabataan na naglalaro ng basketball. Sa gilid naman ay may iba pag kabataang nanonood. sea??h th§× n?velFire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Grabe ate, ang ganda talaga dito sa inyo, napakaraming maaaring gawin kaysa doon sa bundok. Doon kasi, magsisibak ng kahoy, pag-iigib ng tubig lang ang madalas na pampalipas ng oras ko. Dito, puwedeng maglaro, mamasyal at marami rin akong nakikitang nagtitinda ng kung ano-anong pagkain at makukulay na bagay," sabik na wika ni Dodong na kulang na lang ay magtatalon sa tuwa. Habang nagkakasiyahan silang dalawa isang grupo ng mga kabataan ang lumapit sa kanila. Napahinto naman si Dodong nang isang plastic na may lamang tubig ang tumama at nawasak sa kaniyang ulo. Hindi man siya gaanong nasaktan, ay ganoon na lamang ang pagkunot ng noo niya bago binalingan ang taong nambato sa kaniya. "Bakit ka nambabato? Inaano ka ba?" tanong ni Dodong, mas malaki ang batang lalaki na kaharap nito at halatang mas matanda rin sa kaniya. "Aba, matapang pala itong bagong pinsan-pinsanan mo, Les." Tumawa pa ng malakas ang lalaki habang nakaakbay sa isa pang babae. "Hindi mo ba kayang pagsabihan ang mga kaibigan mo Leslie? Wala namang ginagawa sa inyo si Dodong ah, ano bang problema niyo?" galit na tanong ni Esmeralda. Napaangat naman ang kilay ng babaeng tinawag niyang Leslie habang nakangising umirap sa gawi niya. "Bakit ko sila pagsasabihan, ako ba ang nanay nila? At isa pa, talaga namang panira kayo sa ganda ng plaza, para kasi kayong mga langaw na umaaligid rito, huwag ng kayo rito, baka kung sino pa ang bumagsak at bigla na lang magkasakit dahil sa dala-dala niyong kamalasan." wika ni Leslie na siyang lalong nagpagalit kay Dodong. "Dodong? Seryoso? ang pangit naman ng pangalan mo bata, amoy imburnal," humagalpak ang mga ito ng tawa habang patuloy na binabato ng maliliit na basura ang bata. Tiim-bagang na tinitigan lang ng masakit ni Dodong ang mga ito. Isa-isa niyang pinasadahan ng masamang tingin ang mga lalaki at babaeng nakapalibot at nangungutya sa kanila. Maya-maya pa ay napalatak ang bata at pagak na tumawa. "Mabaho? Tingin ko sarili niyo ang tinutukoy niyo, ang tatanda niyo na pero, puro basura ang lumalabas sa bunganga niyo," laban ni Dodong. Dahil dito ay napikon ang lalaki at mabilis na kin''welyuhan ang bata. Ngunit bago pa man niya mahawakan ang damit ni Dodong ay agad naman siyang pinatid ni Esmeralda dahilan para masubsob ito sa harapan ni Dodong. "Ilang palaka ang nahuli mo? Ang laki mong tao pero lampa ka naman. Hindi ako naghahanap ng gulo, namamasyal lang kami ni Ate Esmeralda rito, kayo ang lumapit, kayo ang unang nanlait, pero ngayong ibinalik ko sa inyo ang panlalait niyo, kayo itong pikon? Mga tao nga naman, tara na ate, binabawi ko na, hindi pala maganda sa plaza, ang daming basura, punta na lang tayo kay Kuya Mateo," pag-aaya ni Dodong at panabay na silang naglakad palayo. Hindi na nila pinansin pa ang pagtawag sa kanila ni Leslie dahil wala rin namang patutunguhan kung papansinin nila ito. Ngunit bago pa man sila makaabot sa daanan patungo sa bukid, nakita na ni Esmeralda ang nagkukumahog na si Silma kasama ang anak nitong si Leslie. Halatang nakapagsumbong ito kaagad sa nanay niya, dahil kitang-kita niya ang galit na galit nitong mukha. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito sa sobrang galit sa kanila. "Esmeralda, bruha kang babae ka. Sugo ka talaga ng dem*nyo. Anong ginawa mo sa anak ko? Bakit mo siya pinahiya sa mga kaibigan niya?" Malayo pa lang ay sigaw na ni Silma. Nakuha agad nito ang pansin ng mga taong naroroon. Dahil umaga, maraming tao sa daan dahil sadyang tumatambay ang mga iyon doon habang nagkakape at nakikipagtsismisan. "Pinahiya? Pinagsabihan lang sila. Paanong pinahiya. Sila itong nauna dahil binasa nila at binabato si Dodong. Ano bang kasalanan ng bata sa kanila?" Balik-tanong ni Esmeralda. "Anong karapatan mong pagsabihan sila, sino ka ba? Isa ka lang namang tagabundok na walang pinag-aralan. Pareho kayo ng mabahong batang iyan. Huwag kasi kayong pakalat-kalat kung saan-saan. Mas mabuti pang bumalik na lang kayo sa bundok, hindi kayo bagay rito." Singhal ni Silma sa kanilang dalawa. Tila nakahanap naman ng kakampi ang mga binatang nakaaway nila. Nang makita nilang sa kanila pumapanig ang nanay ni Leslie ay lakas-loob nilang tinulak si Dodong. Dahilan para matumba ito. Napaigik naman si Dodong nang tumama ang ulo niya sa isang bato. Mabilis naman siyang tinulungan ni Esmeralda at doon na napahawak si Dodong sa nasaktang parte ng ulo niya. Nang iangat niya ang kamay, nakita ni Esme na nabalot ito ng dugo. Napakuyom ng palad si Esmeralda at agad na sinugod ang binatang tumulak kay Dodong. Sinuntok niya ito dahilan para makatulog ito at bumagsak sa lupa. Ganoon na lamang ang sigaw ni Silma nang makitang tila patay na bumagsak ang binatilyo dahil lang sa suntok ni Esmeralda. Chapter 43 Chapter 43 - 43Nanlilisik ang mga matanda binalingan ng tingin ni Esmeralda ang mga kasamahan nito, tila nabahag naman ang bunto ng mga ito at singbilis pa sa alas kuwatro na na nagtatakbo ang mga ito. "Tagabundok kami? Marunong kaming rumespeto ng kapwa namin, sige, subukan niyo uling saktan si Dodong, ako ang makakalaban niyo." Sigaw ni Esmeralda sa mga nanonood. "Kahit kailan, problema lang ang dala mo sa pamilya. Isa kang sumpa, salot ka!" Sigaw pa ni Silma. "Wala akong ginagawang masama sa''yo tiya. Nirerespeto kita dahil kapatid ka ni amang at anak ka ng lolo. Pero kung sakitang pisikalan ang hanap mo, huwag mong kakantiin si Dodong dahil hindi ikaw ang nagpapakain at nagpalaki sa kaniya." Litanya ni Esmeralda bago marahang inalalayan si Dodong. Dahil sa sinabi niya ay lalong umigting ang galit ni Silma, tila ba bawat katagang lalabas sa bunganga ni Esmeralda ay nag-uungkat ng galit niya. Akmang sasabunutan niya si Esmeralda nang walang sabi-sabing isang ginang ang mas nauna. Malakas ang pagkakahatak ng ginang sa buhok ni Esmeralda dahilan para mawalan ng balanse ang dalaga at mapasalampak sa lupa. Hindi pa man din siya nakakahuma sa mga nangyayari, isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi. "Sino ka para suntukin ang anak ko?" sigaw ng ginang at tila doon lang nakahuma si Esmeralda. Napangisi siya at idinura ang dugo sa kaniyang bibig. Akmang muli siyang aatakihin ng ginang nang isang sigaw ang pumigil rito. "Hoy, tigilan niyo ''yan kung ayaw niyong ipatawag ko si kapitan!" humahangos na dumating si Mateo at agad na inilayo sa ginang si Esmeralda. "Esme, ayos ka lang ba?" tanong ni Mateo habang sinusuri ang namumulang pisngi ng dalaga. Bakas doon ang malapad na kamay ng babae at siguradong mamaya lamang ay mamamaga na ito. "Ayos lang ako, si Dodong ang may sugat sa ulo." wika ni Esmeralda habang tinatapunan ng masamang tingin ang ginang. "Lintik langa ng walang ganti, ate. Pero siguradong hindi ko na kailangang kumilos para makaganti, dahil may gagawa na doon." Mahinang sambit ni Dodong. Sapo-sapo pa rin ng bata ang nasaktan nitong ulo. "Anong sinabi mo? Kay bago-bago niyo rito, gulo agad ang dala niyo. Sino ka bang bata ka? At ikaw babae, sino ka ba?" paasik na tanong ng ginang. "Anak ko sila, bakit may problema ka ba?" Hindi nila namalayang dumating na pala sa lugar si Ismael. "Ka Ismael? Anak mo ang dalawang ito?" gulat na tanong ng Ginang. Tanyag ang pamilya ni Ka Armando sa lugar dahil takbuhan ng may sakit ang bahay nila at ngayong si Ismael na ang humahalili sa matanda ay naging kilala na rin siya sa bayan. Tila napahiya naman ang ginang at hindi alam ang gagawin, nagpabalik-balik ang tingin ng ginang kay Esmeralda, dodong at Silma at napapakunot-noo na lamang ito sa pagtataka. "Ano ba ang nangyari? Bakit nawalan ng malay ang anak ko?" tanong nito at napalatak naman si Mateo. "Aling Sonya, sumasali ka sa gulo nang hindi alam ang dahilan, nakasakit ka ng tao nang hindi inuusisa kung ano ba talaga ang nangyari?" Umiiling na tanong ni Mateo bago itinuro ang mga taong nanonood doon. "Hoy, kayo, sabihin niyo nga kung ano ba talaga ang totoong nangyari rito. Huwag niyo nang subukang magsinungaling dahil siguradong uuwi kayo na namamaga ang iilang parte ng katawan niyo dahil sa mga gabay ni Tiyo Ismael," pagbabanta pa ni Mateo. May iilan ang tumahimik, ngunit may iilan rin nanaglakas ng loob na isalaysay ang tunay na nangyari.Tila binuhusan naman ng malamig na tubig ang ginang na tinatawag nilang Sonya. Ngunit sa halip na humingi ng tawad ay padabog na itong lumayo para takasan ang nang-uusig na mga tingin ng taumbayan. "Ikaw naman Silma, sa halip na tulungan mo ang mga pamangkin mo, ikaw pa itong nagdala ng gulo. Kinampihan mo na naman ang mga barkada ng anak mo. Hindi ka pa rin talaga nagbabago, bahala ka kung may mangyari sa inyo, hindi talaga ako mangingialam. Mateo, dalhin mo muna sina Esme at Dodong sa bukid, doon ko na sila gagamutin." Iyon lang ang sinabi ni Ismael bago tumalikod at nangmartsa pauwi. KItang-kita naman ni Esmeralda ang paghabol ni Silma sa kaniyang ama. Nakita pa niya ang paglingon ni Lesli at pagtapon ng masamang tingin sa gawi nila ni Dodong. "Tara na Esme, para malapatan muna ng paunang lunas iyang sugat niyo, nagsisimula nang mamaga ang pisngi mo," wika ni Mateo. Nagsimula na silang lumayo sa lugar na iyon at tinahak ang daan patungo sa bukid. Lingid sa kanilang kaalaman na naging mainit ang diskusyon ng magkapait pagkabalik ng mga ito sa bahay. Maging si Armando ay dismayado sa ugaling pinakita ni Silma sa bayan. Naturingan itong anak ng isang albularyo ngunit ang ugali nito ay hindi nila nakakayang sikmurain. Nang makarating na si Ismael sa bukid, una niyang ginamot ang sugat ni Dodong sa ulo. Nasa kalagitnaan na ito ng pagbebenda nang magsalita ang bata. "Tatay Ismael, patawad po kung binigyan kita agad ng problema. Pero, hindi naman po talaga kami ang nagsimula. Lumayo na nga kami at pupunta na sana sa bukid pero hinarang kami nila." wika ni Dodong at napangiti si Ismael. Marahan niyang hinaplos ang ulo ng bata at nginitian ito. "Alam ko, hindi mo kailangang magpaliwanag," sagot ni Ismael. "Talaga po? Pero tatay, nakita ko po, may mangyayaring masama doon sa ale at sa anak niya. Dahil gumawa sila ng masama laban sa akin, sa amin ni Ate Esme, at hindi ko po sila mapipigilan doon." Umiling si Dodong at tinuro ang pisngi ni Esmeralda. "Nakita ko ring galit na galit si Kuya Liyab, at ang mga laman-lupa pagpasok namin kanina." Dito na biglang nabahala si Ismael, ganitong-ganito rin ang nangyari noon, noong minsan pagbuhatan ng kamay ni Roger si Esme at pinagtangkaang ibenta. Nagalit ang mga gabay at maging ang mga nilalang na hindi nakikita. Bumuntong-hininga si Ismael at napapikit na lang. "Hayaan mo sila, mas maigi ngang maranasan nila ito, magiging leksyon rin ito sa kanila. Pero sana, huwag humantong sa permanenteng parusa." Natahimik naman si Dodong at napatingin kay Esmeralda. Kinatanghalian, nag-asikaso ng mga alay si Esmeralda at Dodong para sa mga galit na gabay. Nagsagawa sila ng ritwal at nagpausok sa harap ng malaking puno ng mangga na siyang naging tahanan ng mga ito. "Dinggin niyo sana ang aming pakiusap. Tao sila at nagkakamali rin, hindi namin pipigilan ang pagpaparusa niyo pero maging mapagpatawad sana kayo. Isang paumanhin lang sa kanila, sana bigyan niyo pa sila ng pagkakataong magbago." Nakayukong wika ni Esmeralda. Si Dodong ay nag-usal rin ng pakiusap para sa mga gabay at nagbabantay sa kaniya bago yumuko hanggang sa lumapat ang noo niya sa lupa. Ilang beses rin nilang ginawa ang ganoong klaseng pagyuko hanggang sa maramdaman nila ang pag-ihip ng banayad at malamig na hangin, tanda na sumasang-ayon na sa nais nila ang mga gabay. Pareho pa silang nagkatinginan at napangiti bago nag-usal ng pasasalamat sa mga ito. Masaya nilang nilisan ang puno at tumungo na sa kubo ni Mateo para magtanghalian. Kinahapunan, "O, sabi ni Tiyo Ismael, dito na na muna kayo sa bukid, mukhang mainit pa rin talaga ang ulo ni Aling Silma. Hay naku, hindi ko talaga maintindihan kung anong pinaghuhugutan ng galit ni Aling Silma sa''yo." Napapailing na lang si Mateo habang pinapaypayan ang uling na pinapabaga nito. Mag-iihaw kasi siya ng hito na nabili nila sa naglalako kanina. "Bata pa lang ako, gan''yan na siya. Ako man ay naguguluhan, ang alam ko lang at kuwento ni amang, may ginawa ang asawa niya sa akin noong sanggol pa lang ako, tapos nagkasakit ang asawa niya hanggang sa nawala ito. Kaya ayon, galit na galit siya sa akin," wika naman ni Esmeralda. "Kung may ginawa sa''yo ang asawa n''ya, siguradong naparusahan iyon ng mga gabay. Hindi kasi basta-basta ang mga taong pinangangalagaan ng mga gabay. Ayaw nilang nasasaktan tayo o nadedehado. Hangga''t nasa tama tayo, kikilos sila para bumawi." Sabad ni Dodong at nagkatinginan naman si Mateo at Esmeralda. Kinaumagahan, tulad nang inaasahan, nabalitaan nila ang pagkakaroon ng sakit ni Sonya at ng anak niya. Nabalot ng pangamba ang pamilya nito at ng marinig ito ng mga kabitbahay, agad silang nabalot ng takot. Umaga pa lang ay nasa harap na ng bahay ni Armando ang pamilya ni Sonya para humingi ng tulong. Nag-iiyakan ang mga ito habang patuloy na nagmamakaawa na gamutin ang nanay at kapatid nilang bunso. sea??h th§× N?velFire.n§×t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "''Tay, hindi ba kayo naaawa sa pamilya ni Sonya, nagkasakit sila dahil sa salot na hatid ng mga inampon ni kuya," wika ni Silma. "Magtigil ka nga Silma, naririnig mo ba ang sarili mo? Anong salot? Kayo ang salot, ang mga ugali niyo ang nagdudulot ng salot. Hanggang ngayon ba bulag ka pa rin? Kailan ka ba maliliwanagan, inosente si Esmeralda at lalong inosente si Dodong. Mababait silang bata, kayo itong nananakit at nanggugulo sa kanila. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng anak na makitid ang utak. Umalis ka sa harap ko, kung ayaw mong ihambalos ko sa''yo itong tungkod ko." Galit na wika ni Armando. Sinapo nito ang dibdib at huminga nang malalim bago umupo. Padabog namang nagmartsa si Silma pabalik sa kuwarto nito, wala itong ibang nagawa kun''di ang magmaktol na parang batang napagalitan. "Hayaan niyo muna silang magmakaawa hanggang sa maunawaan nila ang kanilang ginawa. mamimihasa lang ang mga iyan kung hindi bibigyan ng leksyon. Hanggang pahirap lang naman sila, dahil napakiusapan na ng dalawang bata ang mga gabay na hindi sosobra sa limitasyon nila." Salaysay ni Ismael habang pasimpleng umiinom ng kape. "Huwag mo na ho masyadong pag-aksayahan ng lakas si Silma, pasasaan ba''t mauunawaan rin niya ang lahat." Chapter 44 Chapter 44 - 44Nagpatuloy ang pagmamakaawa ng mga tao sa harap ng bahay ni Armando, samantala, tahimik namang nakikinig sina Esmeralda at Dodong sa kuwento ng mga magsasaka tungkol sa mga nangyayari sa bayan. "Ayan na nga, grabe, nakakatakot talaga ang mga gabay. Pero sa tingin ko mas mabuti nga iyan, para naman mabawasan ang angas nila, akala kasi nila, porket mahina, puwede lang nilang pagmalupitan." Saad ni Mateo at nagtanguan naman ang mga magsasaka. "Tama ka Pre, isa rin kasi ''yang si Aling Sonya sa mga mapangmata rito. Kasi naman, ang asawa daw kuno niya nasa ibang bansa na at mayaman na daw ang pamilya nila, kaya ang tingin sa ating mahihirap, basura." Umiling ang lalaki at saka uminom ng tubig mula sa baso nito. Kasalukuyan silang nagpapahinga matapos ang ilang oras na pagbubungkal ng lupa. Si Esmeralda at Dodong naman ay bininyagan ang mga pananim na kakatanim pa lamang noong isang araw. Tulong-tulong sila sa mga gawain sa bukid at wala naman silang naging problema. Tuwang-tuwa din naman si Dodong dahil kahit papaano ay may nakakalaro siyang mga bata na anak naman ng mga magsasaka. "Tingnan mo iyong si Dodong, tuwang-tuwa ah," puna ni Mateo habang nagpapahinga sila. "Oo nga eh, wala kasing masyadong bata doon sa bundok at abala din siya sa mga gawaing mga matatanda na dapat ang gumagawa. Kaya nga nagdesisyon akong kunin muna siya sa lola niya, dahil iyon din naman ang hiling ng matanda. Nais niyang maiparanas kay Dodong ang buhay ng isang normal na bata," sagot ni Esmeralda at nakisali na rin sa usapan ang mga magsasaka. Ayon pa sa mga ito, natutuwa sila dahil kahit papaano ay nagagawa nilang maisama ang mga anak nilang walang bantay sa bahay doon sa bukid. "Ayos lang ho talaga, malawak naman po itong lugar natin at kung pahingahan naman bukas naman ho ang dalawang kubo at bakuran. Mas maigi nga po dahil may nakakalaro si Dodong, mabait na bata iyang kapatid ko at kaya ho niyang pangalagaan ang kaligtasan ng mga anak niyo." Napangiti si Esmeralda habang sinasabi iyon. Nagpasalamat naman ang mga ito. Saktong patapos na silang magtanghalian nang dumating ang isang tumatakbong bata, humahangos itong huminto sa harap nila at halos habulin nito ang hininga. "O, Jim, bakit para kang hinahabol ng sampong aso? Ano ba ang nangyari?" tanong ni Mateo sa batang dumating. S§×ar?h the n?velFire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Kuya Mat, nagkakagulo ngayon sa bahay nina Lolo Mando, ''yong anak ni Aling Sonya kinumbulsyon, muntikan na siyang mawala, mabuti na lang at naagapan ni Ka Mael." Balita ng bata. "Sinusubukan lang sila ng mga gabay, hindi siya kukunin dahil may kasunduan na kami," wika ni Esmeralda. "Pero ate, naghuhurumintado si Aling Silma dahil, kasalanan mo daw at kinukumbinsi niya ngayon ang mga tao na may dala ka raw na kamalasan." sagot naman ng bata at napakunot-noo lang ang dalaga. Dahil sa sinabi nito ay maging si Mateo ay nabahala, kung sakaling magtagumpay si Tiya Silma sa pangungumbinsi sa mga tao. Maaaring tugisin ng mga ito si Esmeralda. Napapailing naman si Esme at saka nagbuga ng malalim na hininga. "Tara na, mukhang lalaki lang ang gulo kung hindi ako magpapakita roon. Iisipin lang ng tao na ako talaga ang may kasalanan." Tumayo si Esmeralda at saka dinampot ang basket na inihanda niya kanina para sana ibigay sa kaniyang lolo at amang. Nagpaalam lang sila sa mga magsasaka at saka umalis kasama si Dodong. Nang marating nila bahay ni Armando, agad nilang nakita ang tumpok ng mga tao sa harapan nito. Mukhang doon na ginamot ni Ismael sa bahay nila si Sonya at ang anak nito. "Makikiraan lang po kami." Untag ni Mateo at doon na nakuha ang atensyon ng mga tao. Agad na dumapo ang mga mata nila kay Esmeralda at Dodong na noo''y tila walang pakialam sa kanila. Dretsong nakatingin lang ang mga mata nila sa kubo, dahil dalawang nilalang ang nakikita nilang nakapulupot roon. "Nandito sila ate, mukhang ibang pagpaparusa ang ginagawa nila ngayon." Mahinang bulong ni Dodong habang ang mga mata ay nakapagkit sa dambuhalang nilalang na animoy unggoy na nakadapa sa bubong ng kubo. Kulay itim ang mga balahibo nito. Sa unang tingin ay aakalain mong isa itong kapre. "Nakikita ko nga, tayo na." Aya ni Esmeralda at hinatak na papasok ang bata. Natahimik naman ang mga tao, may iilan na masama ang tingin sa kanila ngunit walang naglakas ng loob na lapitan o sumbatan sila. Paglapi nila sa kubo, ang boses ni Silma ang agad na umalingawngaw sa paligid na siyang naging dahilan naman ng bulung-bulungan ng mga tao sa paligid nila. "Nakita niyo na ang ginawa niyo? Dahil sa kamalasang dala niyo, nagkaganito si Sonya at ang anak niya." Matalim na wika ni Silma. Bumaba naman ang tingin ni Esmeralda sa dalawang bultong nakahiga sa dalawang papag na nasa kubo. Nakaupo naman si Ismael na tila ba may hinihintay, hindi ito gumagalaw, bagkus ay kalmado lang itong nakatingin sa dalawa niyang anak-anakan, may maliit na ngiti ang nakapagkit sa mga labi ng ginoo. "Sigurado ka bang kasalanan ko Tiya? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nagsimula ng gulo. Hindi ba''t marapat lamang na bigyan mo ng kaukulang eksplanasyon ang pamilya ni Aling Sonya?" "Ano''ng pinagsasabi mo, ikaw lang naman ang nagdadala ng malas dito. Simula nang dumating ka nagkanda-leche-leche na ang buhay ng pamilya namin. At hindi ka pa nakuntento, pati ibang tao dinamay mo pa." Sumbat ni Silma. Napangisi si Esmeralda at napailing. "Alam kong ikaw ang nagdala at nag-udyok kay Aling Sonya na sugurin ako. Hindi mo sinabi sa kaniya na ang anak niya ang unang nanakit, lahat ng kasalanan, itinambak mo sa amin ni Dodong, sinong ina ang tatahimik kung naaagrabyado ang anak niya? Kaya tiya, walang silbi ang pagmamaang-maangan mo." Kinuha ni Esmeralda ang pagkakatong iyon at naupo sa tabi ni Ismael, hinawakan niya ang kamay ni Sonya at tumingala sa bubong ng kubo. "Tama na ang pagpapahirap sa kanila, siguro naman ay natuto na sila. Maraming salamat, makakabalik na kayo sa tahanan niyo." Wika ni Esmeralda. Maging si Dodong ay napatango rin habang nakatingala. Nagtataka namang sinundan ng mga tao ang tinitingnan nilang dalawa ngunit nabigo lang sila. Ang tanging nakikita nila ay ang mga kahoy at ang bubong ng kubo na gawa sa nipa. Mayamaya pa ay namangha naman amg mga tao nang bumangon si Sonya na animo''y kagagaling lang nito sa mahabang pagkakatulog. Tila nalilito pa ito nang makitang napakaraming tao ang nakapaligid sa kaniya. Nang bumaling naman ang mata ng ginang sa mukha ni Esmeralda ay tila nahimasmasan ito at agad na napaiyak habang humihingi ng tawad sa dalaga. Tila nagising naman ang anak nito dahil sa palahaw niya. Bumangon rin ang binata at tulad ni Sonya, nagtataka itong napatingin sa paligid niya. Nang makita naman nito ang ina na humihingi ng tawad kay Esmeralda, napayuko ito na tila ba binalot ng hiya. "Simula nang hingin ko sa mga gabay ang buhay niyo, napatawad ko na kayo. Pero sana, huwag ng maulit ito sa amin o kahit sa kaninong tao na nakakasalamuha niyo. Ngayon, napagbigyan kayo pero hindi niyo alam sa iba, baka makatagpo kayo ng isang nilalang na hindi marunong magpatawad at maging huli na ang lahat." Wika naman ni Esmeralda, habang sinasabi ito ay nakatingin naman ang mata niya sa tiyahin niya. Umismid si Silma at saka mataray na tumalikod. Padabog na hinawi nito ang mga tao at saka nagmartsa na palayo sa kubo. Mangha at gilas naman ang naramdaman ng mga taong nakasaksi. Simula rin ng araw na iyon ay wala nang nagtangkang laitin o saktan si Esmeralda at Dodong. Naniniwala kasi sila sa mga nilalang na hindi nakikita at ang nangyari kay Sonya at sa anak nito ay nagsilbing leksyon para sa lahat. Tanging si Silma lamang ang tila hindi kumbinsido sa mga nangyari, at wala pa ring pagbabago sa pakikitungo nito kay Esmeralda at Dodong na pinagkibit-balikat lang naman ng dalawa. Isang araw habang naglalakad sila galing sa palengke, nakita nila ang anak ni Sonya na tika pinagtutulungan ng iilang kabataan. Tila ito naman ang nakakaranas ng panlalait mula sa mga dating kaibigan nito. "Duwag ka pala e'', dati ang tapang-tapang mo. Ano ''yon palabas lang. Nagpapaniwala ka naman sa mga gano''n. Palabas lang nila iyon para utuin kayo, nagpauto ka naman. Ibang klase ka talaga Luis." Singhal ng isang matabang lalaki at marahas na tinulak ang binatang si Luis. Natumba ito sa lupa at hindi man lang umimik. Dinuraan pa siya ng mga ito at mabuti na lang ay hindi iyon tumama sa kaniya. Kinantyawan pa siya ng mga ito bago tuluyang iniwan. Lulugo-lugo namang tumayo si Luis at saktong napadaan naman sa harapan niya sina Esmeralda at Dodong. "Bakit hindi ka lumaban, kaya mo naman sila, ''di ba?" Tanong ni Dodong at pagak na natawa ang lalaki. "Tingin mo, matapos ng nangyari sa akin, magagawa ko pang makapanakit ng tao? Sa tuwing iisipin kong dadampi ang kamao ko sa iba , naaalala ko ang pinagdaanan ko noong wala akong malay-tao." Sagot naman ng lalaki. Napakalaki ng pingabago nito dahil mas naging kalamado ito. Napangiti naman si Esmeralda at inaya ang binata patungo sa bukid. Napaangat naman ang kilay ni Luis ngunit sumama pa rin siya sa dalawa. Chapter 45 Chapter 45 - 45Pagdating sa bukid ay inilapag na ni Esmeralda ang mga pinamili nila sa kusina. Nakita niyang inilibot ni Luis ang mata sa palibot ng kubo niya. "Maupo ka lang diyan. Maaari kang pumunta rito kung gusto mo, kung kailangan mo ng takbuhan. Sa tingin ko kasi, ikaw naman ang nakikita nilang laruan dahil sa paglambot mo. Siya nga pala, ako si Esmeralda, ito naman si Dodong. Pareho kaming ampon ni Amang Ismael." Wika ng dalaga. "Ampon? Totoo nga na hindi ka tunay na pinsan ni Leslie? Totoo rin ba na ikaw ang dahilan kung bakit wala siyang ama?" tanong ni Luis at napalingon naman si Esmeralda sa binata. nawala ang atensyon niya sa ginagawa at saglit na napatulala sa binata. "''Yan ba ang sinabi ni Leslie sa''yo?" Balik na tanong ni Esmeralda at napabuntong-hininga. "Oo, ano, totoo ba ''yon?" "Kung sasabihin ko bang hindi ko alam, maniniwala ka? Napapagod na rin akong magpaliwanag kaya ikaw na ang bahalang humusga." Kibit-balikat na wika ni Esmeralda at binalikan na ang ginagawa. "Maiba pala ako, hindi ba''t kaibigan mo ang mga nang-aaway sa''yo? Anong nangyari at bakit parang ikaw naman ang napag-t-tripan nila?" tanong ni Esmeralda at natahimik naman si Luis. Narinig nila ang pagbuntong-hininga ng binata at doon na sumabad si Dodong sa usapan. "Hulaan ko, may pinapagawa sila sa''yo pero ayaw mong gawin, tama ba?" Tanong ni Dodong at nanlaki naman ang mag matani Luis sa narinig. Tama kasi ang hula ni Dodong. Alanganin pang napatango si Luis at napangisi naman si Dodong bago umiling. "Hayaan mo lang sila, nasasabi lang nila iyon dahil hindi nila dinanas ang pinagdaanan mo nang mga panahon iyon." Wika naman ni Dodong. "Kayo ba, hindi ba kayo galit sa akin? Paano niyo nagagawang kausapin ako na parang wala akong ginawang masama?" Nagtatakang tanong pa ni Luis. "Napatawad ka na namin. Kung tutuusin nga, sobra-sobra ang naging parusa sa inyo ng nanay mo. Sino kami para magtanim pa ng galit sa inyo. Alam naman naming nagsisisi na talaga kayo at ramdam namin na sinsero kayo, sapat na iyon." paliwanag ni Esmeralda. Nang araw ngang iyon ay tumambay si Luis sa bukid kasama sina Esmeralda at Dodong. Sa unang pagkakataon ay nagawa niyang makipagsalamuha sa mga tao, na noong una ay minamaliit niya. "Hindi ko alam na ganito pala kasaya rito, nakakatuwa pala ang buhay niyo, kahit hindi ganoong karangya, masaya kayo. Naisip ko kasi noon, ang buhay niyo, parang patapon na, nabubuhay lang kayo para kumayod pero wala namang pinapatunguhan. Ngayon naiintindihan ko na. Salamt Esme, dahil pinaranas niyo sa akin ito. Ayos lang ba kung araw-araw akong pumunta rito? Gusto ko rin kasing maranasan ang magtrabaho dito sa bukid, mukha kasing ang saya niyo." Wika ni Luis na nagpangiti sa dalaga at kay Dodong. Halos sabay pa silang tumango at nagtawanan. "Oo naman, ikaw ang bahala. Pero ayos lang ba iyon sa mga kaibigan mo?" tanong ni Esmeralda. "Hayaan mo sila, Hindi ba''t sabi mo nga, kung tunay ko silang kaibigan, hindi dapat nila kinukuwestyon ang pagbabago ko, mas maigi na rin ito, malalayo ako sa gulo." "Tama ''yan kuya Luis, dito ka na lang sa amin, mas marami kang magiging kaibigan rito na hindi ka iiwan kapag nasa alanganin kang sitwasyon," sabad ni Dodong at nagtanguan pa ang mga magsasaka. Natapos ang araw na iyon na magaan ang loob ni Esmeralda. Nang gabing iyon, nakatanaw siya sa malayo at dinadama ang malamig na simoy ng hangin sa kalaliman ng gabi. Sa isang iglap, lumitaw ni Liyab sa harapan niya. Nagitla naman ang dalaga at nasapo ang dibdib sa pagkagulat. Pakiramdam niya ay sandaling nahulog ang puso niya dahil sa pagkabigla. "Ano ka ba naman Liyab, bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa harapan ko." "Paumanhin kong nagulat kita Esme, napansin ko kasing napakalalim ng iniisip mo. May bumabagabag ba sa''yo?" Mahinahong tanong ng binatang engkanto. "Wala naman masyado. Naisip ko lang, sino kaya ang mga magulang ko, ano? At kung ano ang dahilan bakit nila ako iniwan sa gubat. May nangyari kaya sa kanila? Ano ang nagtulak sa kanila na iwan ako?" Tanong ni Esmeralda. Nang mga sandaling iyon ay natigilan na si Liyab, matama siyang napatingin sa dalaga. May kung ano sa mga mata niya na tila may nais sabihin. "Sa tingin mo, may pag-asa pa kayang makita ko sila? Kahit makilala lang man sana. At maunawaan ko ang lahat. Wala naman akong sama ng loob, sa katunayan, naging masaya naman ako sa buhay ko. Sadyang kulang lang dahil hindi ko sila kilala." Nakangiting wika ni Esmeralda. "Sa tingin ko, may takdang panahon para doon. Hayaan mong ang tadhana mo ang magdala sa''yo sa katotohanang iyon." Sagot ni Liyab at napangiti naman si Esmeralda. Tulad nang dati, matalinhaga pa rin ang kasagutan ng binata. "Hay, kahit kailan talaga, hindi ko maarok ang matatalinhaga mong sagot. Sige na nga, wala naman akong magagawa. Pero alam kong may alam ka, kung hindi pa ito ang tamang panahon, irerespeto ko iyon." Wika ng dalaga at natawa naman si Liyab. Matapos ang kanilang pag-uusap ay umalis na rin si Liyab sa harap niya. Nagmistula itong liwanag bago naging isang uwak at lumipad palayo. . Bumuntong-hininga si Esmeralda at saka tumungo sa kaniyang maliit na silid para makapagpahinga. Lumipas pa ang isang linggo at isang hindi inaasahang bisita ang dumating bahay ni Ismael na siyang nagpagulat sa buong pamilya. S~ea??h the N??eFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Roger? Ikaw nga ba ''yan?" Puno mg gulat na tanong ni Silma nang makita ang asawa. Malaki ang ipinayat nito na tila ba batak sa trabaho. Parehong hindi makapaniwala si Silma at Ismael sa kanilang nakikita. Maging si Armando ay nagitla nang makita ang lalaki. "Silma, ako ito." "Buhay ka? Paano? Napakatagal mong nawala, akala ko wala ka na, akala namin pat*y ka na. Bigla ka na lang nawala nang parang bula." Hindi na napigilan ni Silma ang maluha. Bagaman may katigasan ang puso nito at naiyak pa rin ito nang makita ang kaniyang asawang humigit-kumulang dalawapung taon nang nawawala. "Napakahabang kuwento, sasabihin ko ang lahay. Pero puwede bang kumain muna? Gutom na gutom na kasi ako at nauuhaw." Wika ng lalaki. Nagkukumahog namang inaya ni Silma si Roger sa kusina at agad na pinagsilbihan ito. Tila isang pulubing gutom na gutom si Roger at naiiyak na lang na tumitingin si Silma sa sinapit ng asawa. Hindi naman kumibo si Ismael at matiyagang naghintay na matapos kumain si Roger. Nang matapos ito ay pinagpahinga na muna siya sa sala at doon niya isinalaysay ang totoong nangyari sa kaniya. "Ibig mong sabihin, may kumuha sa''yo? Sino? At paano ka nila nakuha gayong nasa loob ka naman ng bahay, wala kaming nakitang tao na pumasok." Tanong ni Silma na halatang naguguluhan. "Hindi tao. Mga nilalang. Mga itim na nilalang, nakakatakot. Kinuha nila ako dahil naipataw na raw ang parusa sa mga kasalanan ko." Nanginginig na wika ni Roger. Panay din ang ikot ng mata nito sa paligid, animo''y may kinakatakutan. "Mga nilalang? Saan ka nila dinala?" "Hindi ko alam kong saan, pero napakaganda mg lugar na iyon. Pero dinala nila ako sa isang madilim na kuweba doon, pinagtrabaho nila ako ng halos isang daang araw." "Anong isang daang araw? Dalawapung taon kang nawala, isang daang araw? Kuya, ano bang pinagsasabi ni Roger?" Tanong ni Silma nang bumaling kay Ismael. "Isa lang ang sagot diyan, mga engkanto. At ang kuweba pinasukan mo ay may mabagal na pag-ikot ng oras. Isang daan araw, katumbas ang dalawampung taon dito sa mundo ng mga tao." Simpleng sagot ni Ismael, tinitigan niya ang mga mata ni Roger at napansin niyang wala namang mali roon. Hinawakan din niya ang palapulsuhan nito at normal din iyon. Kumuha siya ng insenso at pjnabaga ang uling sa isang maliit na kaldero, naglagay siya roon ng tatlong piraso ng insenso at pinausukan ang lalaki. Gamit ang langis na ginagamit niya para sa mga nabati ng mga engkanto, hinaplasan niya ang lalaki habang may kung anong ibinubulong sa hangin. Walang naging reaksyon si Roger kaya napatunayan niyang tunay nga ito. "Ano kuya, si Roger na nga ba ito?" "Oo, si Roger na iyan. Ang mabuti pa pagaphingahin mo muna siya, paliguin mo at bihisan para maging komportable siya. Pagkatapos, ipasuot mo ito sa kaniya para magjng proteksyon niya." Iniabot ni Ismael ang isang kuwentas kay Silma. Tinanggap naman ito ng ginang saka dali-dali nang nilisan ang sala. Naiwan doon si Armando at Ismael na nagkatinginan pa. "Ano sa tingin mo Itay?" "Hindi ako mapalagay. Pero sa kabilang banda, natutuwa akong natapos na ang parusa niya. Sana lang, dahil sa nangyaring ito, matanggap na ni Silma si Esmeralda. Ayokong dumating ang araw na siya mismo ang makaranas ng dinanas ni Roger sa mundong iyon. "Ako rin Itay. Siyanga po pala, malapit na ang ika dalawampu''t isang kaarawan ni Esme, gusto ko sanang maghanda kahit doon lang sa bukid. Siguradong matutuwa ang mga magsasaka lapag magpapakain tayo. " Wika ni Ismael, may sabik at ngiti sa labi nito at natawa naman si Armando. "Sakto talaga ang araw na iyon sa paani, oo naman isabay na rin natin ang taonang pakain sa mga magsasaka. Minsan lang naman magdiwang ng kaarawan ang batang iyon." Sang-ayon ni Armando sa anak. Chapter 46 Chapter 46 - 46Naging usap-usapan sa bayan ng Luntian ang muling pagbabalik ni Roger. Dahil sa sobrang tuwa ay kulang na lang magpapiyesta si Silma habang ipinapamalita ang muling pagbabalik ng kaniyang asawa. Naging maugong ang balitang ito hanggang sa umabot ito sa pandinig ni Esmeralda. "Talaga, nakabalik na si Tiyo Roger." "Oo sobrang tuwa nga daw ni Aling Silma, sana lang mabawasan na ang katarayan niya, ngayong narito na ang asawa niya." Isinalang na ni Mateo ang hawak na kaldero sa kalan. Kasalukuyan silang nasa labas ng bakuran at doon nagluluto ng kanilang pananghalian. "Hindi na nila isinapubliko kung saan nanggaling si Mang Roger, sinabi na lang na nagtrabaho ito sa ibang lugar at hindi agad nakabalik. May mga usap-usapan pa nga na nagkaroon daw ng kabit si Mang Roger, at bumalik lang nang iniwan siya ng kinakasama niya." Dagdag pangnkuwento ni Mateo. "Grabe namang isyu ''yan, ang mga tao talaga, walang magawa, gagawa at gagawa ng isyu." Umiiling na wika ni Dodong. "Likas na sa mga tao iyan. Hayaan mo sila," agad naman pinutol ni Esme ang usapan nilang iyon. Sa isip-isip niya, hindi naman mahalag iyon para paglaanan pa nila ng oras. Sa ngayon ay natutuwa siya na nakabalik na ang asawa ng tiyahin niya. Matapos makapagluto ay sabay na rin silang kumain. Nasa kalagitnaan na sila ng tanghalian nang dumating naman si Ismael sa kubo. Agad nila itong inaya na sumabay na ito sa kanila. Sear?h the Nov§×l?ire.n(e)t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Tamang-tama pala ang dating ko," wika ni Ismael at naupo na sa tabi ni Esmeralda. Matapos kumain ay si Dodong na ang nagligpit ng kanilang pinagkainan, naglakad-lakad naman si Ismael sa bakuran kasama si Esmeralda at tumayo sila sa harap ng malaking puno ng mangga. "Alam kong nabalitaan mo na ang nangyari sa bahay. Dumating na ang Tiyo Roger mo, maaari ba kayong umuwi muna ni Dodong sa bahay? Para naman kahit papaano ay makompleto ang pamilya natin. Kahit para na lang sa amin ng lolo mo." Tila nag-aalangan pang wika ni Ismael. Napangiti si Esmeralda at bahagyang tumango. Alam niyang mangyayari iyon at naihanda na rin naman niya ang sarili. Mas maigi na rin iyon para makita niya ang tiyuhin niya na minsang nagtangka sa buhay niya. Nais niyang maliwanagan kung bakit ganoon na lang kabigat ang naging parusa sa lalaki. Nais niyang malaman kung ano ba talaga ang ginawa nito sa kaniya. "Sige po amang, naiintindihan ko po. Ipaghahanda ko lang po ng masusuot si Dodong para naman maging presentable siya sa mata nila." Sang-ayon ni Esmeralda. "Sige, o,ito kunin mo idagdag mo muna para mabilhan mo na rin ang sarili mo ng bagong damit. Ikaw na ang bahala." Inabot ni Ismael ang pera na hindi naman hinindian ng dalaga. "Salamat amang, bukas ho, uuwi kami," tugon ni Esmeralda at maluwag na napangiti naman si Ismael. Nang hapon ding iyon ay magkasamang pumunta sa bayan sina Dodong, Mateo at Esmeralda. Naging matiwasay naman ang kanilang pamimili at bukod aa mga damit at bumili na rin sila ng bagong tsinelas at isinabay na rin nila si Mateo. Kinabukasan, maaga pa lamang ay umuwi na sina Esmeralda at Mateo sa bahay ni Armando. Sa gulat nila ay hindi nagbunganga si Silma. Hindi sila nito inimik at tanging tango lang ang tugon nito matapos nila itong batiin. "Aba, himala yata ate, mabait si Aling Tiya Silma ngayon," pabulong na puna ni Dodong. "Hayaan mo na, mamaya marinig ka pa, maganda nga iyon, hindi magkakagulo," mahinang tugon naman ni Esmeralda. Pagkapasok ay agad naman silang sinalubong ng isa pa nilang Tiyahin. Kabaligtaran ng pakikitungo ni Silma sa kanila ang init ng salubong ni Margarita sa dalaga. "Esme, naku ang laki-laki mo na. Dalagang-dalaga ka na talaga. Kamusta ka na?" Mahigpit na yakap ang agad na pumukaw sa atensiyon ni Esmeralda. Napangiti naman si Esmeralda at gumanti ng yakap rito. "Tiya Rita. Maayos po ako. Kayo ho kamusta? Mukhang lalo kayong gumaganda ah." Tugon ni Esmeralda, malapad ang pagkakangiti ng ginang sa kaniya. Tulad ng dati, mainit pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya katulad ng nararamdaman niya sa Lolo Armando at Amang niya. "Siyanga pala Tiya Rita, si Dodong, inampon na rin po siya ni Amang kaya kapatid ko po siya." Napayuko ang ginang at kumislap ang mga mata nito nang makita si Dodong. "Aba, kay gandang bata naman nito. Kamusta ka Dodong, ako ang Tiya Rita mo, bunsong kapatid ako ng Tatay Ismael mo." "Kamusta rin po kayo Tiya Rita, kinagagalak ko po kayong makilala." Sagot ni Dodong. Bakas sa mukha ng ginang ang pagkaaliw kay Dodong kaya hinayaan naman ito ni Esmeralda. Dahil maraming inaasikaso sa kusina, tumulong na rin doon si Esmeralda. "Esme, pakihiwa naman nitong mga patatas, isabay mo na rin ang iba pang gulay na kakailanganin natin para mamaya," utos ni Ismael. "Sige po amang." Kinuha na ng dalaga ang isang basket ng gulay na iniabot sa kaniya ng ama. Dinala niya iyon sa tarog at doon hinugasan. Dahil maraming ginagawa sa kusina, maging ang lababo ay puno na rin, may tatlong ginang doon na siyang nag-aasikaso naman ng mga karne, kaya minabuti na niyang dalhin iyon sa likod bahay kung saan may tarog sila na siyang kuhaan din nila ng malinis na tubig. Konektado kasi iyon sa bukal sa kabundukan na kita lamang sa likod ng bahay nila. Isa-isa niyang hinugasan ang mga gulay at habang ginagawa iyon, may malamig na hangin ang biglang dumaan na siyang nagpataas ng mga balahibo sa kaniyang katawan. Nang paglingon naman niya ay wala siyang nakita kun''di ang malawak na talahiban at ang mayabong na bundok. Pinagkibit-balikat lang niya ito at muli nang binalingan ang gulay na hinuhugasan. "Ate!" "Ay, Tiyanak!" Kamuntikan nang mabitawan ni Esmeralda ang hawak na patatas nang biglang sumulpot sa harapan niya si Dodong kasama ang anak ng tiyahin nilang si Margarita. "Dodong naman, bakit ka ba nanggugulat?" "Kasi Ate, pupunta lang kami ni Ana doon sa puno ng kaimito, mangunguha kami ng bunga, abala si tatay kaya sa''yo na lang kami magpapaalam." Wika ni Dodong. Napatingin naman si Esmeralda sa bunsong anak nng tiyahin niya at kumuha ito ng luyang itim mula sa kaniyang bulsa. "Ana, ilagay mo ito sa bulsa mo. huwag mong iwawala ha, mag-iingat kayo doon. Dodong bantayan mo ng mabuti si Ana, ikaw ang lalaki at ikaw ang mas matanda sa kaniya." paalala ni Esmeralda. "Opo ate, ako na po ang bahala sa kaniya." Masayang tugon ni Dodong at nagmamadali nang nagtatakbo ang mga ito. Muling napakibit-balikat naman si Esmeralda at muli nang itinuon ang pansin sa kaniyang ginagawa. Pagkatapos at bumalik na siya sa loob ng kusina at hiniwa na ang mga ito. Halos patanghali na rin nang matapos sila sa paghahanda. Naglatag sila ng isang mahabang mesa kung saan nila inilagay ang mga pagkain na niluto nila. May iilan naman mga kapit-bahay ang nagsidatingan upang batiin si Silma at ang pamilya nila. Napapangiti lang si Esmeralda habang kasama si Ismael na pinagmamasdan ang kapatid at ang pamilya nito. "Amang, nasuri niyo po ba ang tiyo?" tanong ni Esmeralda. "Oo, anak. Maayos naman pero may ilang parte lang na pinagtataka namin ng lolo mo. Ang alam ko kasi, hindi gano''n-gano''n lang na nagpapakawala ang mga engakanto ng mga pinaparusahan nila, lalo pa''t walang naging alay o kahit paghingi lamang ng tawad." "Baka naman ho, humingi ng tawad si Tiyo at pinatawad na siya." Wika naman ni Esmeralda ngunit umiling si Ismael. "Sana nga anak, sana nga. Ayoko man mag-isip ng masama pero kailangan pa rin namin tingnan ang lahat ng posibilidad para maingatan ang kaligtasan mo." Saad ni Ismael. Natahimik sila pareho matapos ang usapang iyon. Nakatuon lang ang mga mata nila sa mga nagkakasiyahang mga tao. Natapos ang kasiyahan bandang alas-dos ng hapon at ang mga natira na lamang ay ang malalapit na kaibigan ng pamilya. Ang mga kalalakihan ay nasa isang gilid at nag-iinoman kasama si Roger at tila masaya ang pinag-uusapan ng mga ito hanggang sa isang kaibigan nito ang nagbukas ng topiko tungkol sa pagkawala ni Roger sa bayan nila. "Roger, Pare, saan ka ba napadpad? Balita ko at kumakalat na balita rito, sumama ka raw sa isang babae, totoo ba ''yon?" Tanong ng lalaki. Lasing na ito at mukhang hindi na ito nakakaramdam kung tama ba o mali ang tanong niya. Natahimik si Roger sa pagtawa nito, kasunod rin ng pagtahimik ng ilan pang kaibigan niya. Napatingin sila pare-pareho sa lalaking nagtanong at napakunot-noo naman si Roger. "Anong sabi mo? May kumakalat na balita na sumama ako sa ibang babae?" Tanong ni Roger, nalukot ang mukha nito at nawala ang kaninang ngiti sa mga labi nito. "Iyon kaya ang naririnig ko, sabi ng mga tsismosa doon sa palengke. Bakit, hindi ba totoo? Ano ba ang totoo?" Tanong nito na tila hindi pa rin nakakaramdam. Dumilim ang mukha ni Roger at akmang kukuwelyuhan ang lalaki nang pigilan siya ng iba pa niyang kaibigan. "Tama na pre, lasing na si Rico. Hindi na niya alam ang sinasabi niya. "Awat ng isa pa nilang kaibigan. Marahas na napabuntong-hininga si Roger at padabog na nilisan ang mesa at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay. Nag-aalalang sumunod naman si Silma sa asawa at naiwang nagkakatinginan ang mga tao. Chapter 47 Chapter 47 - 47Agad ding sumunod sina Ismael at Esmeralda sa loob ng bahay. Doon ay naabutan nilang tila lumong-lumo si Roger at nakayukyok sa sofa habang si Silma naman ay tila problemado. "Ano ka ba naman Roger, hindi mo naman kailangang gawin iyon. Alam naman namin ang totoo at ang mga taong iyon, wala talagang magawa." Wika ni Silma habang patuloy na hinahaplos ang likod ng asawa. "Nakakainis lang Silma, isang pagkakamali lang naman iyon, pero kulang na lang ay pagdusahan ko ito ng habang-buhay." Parehong napahinto si Ismael at Esmeralda, nagkatinginan pa sila at hindi na nagpatuloy sa pagsunod. sa halip ay hinintay nilang matapos ang mga ito sa pag-uusap. "Ano ba kasi ang ginawa mo, bakit ka nila kinuha. Ilang beses na akong nagtatanong, pero hindi mo naman ako sinasagot ng maayos. Paano ka namin maiintindihan, paano ka namin matutulungan?" tanong ni Silma, bakas sa boses nito ang pagkalito. "Hindi ko naman sinasadya ''yon, hindi ko nga rin alam kung bakit ko nagawa iyon, ang huli kong natatandaan dinampot ko ang bata sa kuna niya dahil umiiyak siya. Ipaghehele ko sana tapos hindi ko na maalala. Nagulat na lamang ako na pinagagalitan na ako ni Tatay Mando tapos nagkakagulo na ang lahat. Hanggang sa magkasakit ako at kinuha na nila ako. Hindi ko talaga alam." Nagkatinginan sina Esmeralda at Ismael at pareho pa silang napakunot ang noo dahil sa narinig. Walang pagsidlan ang nararamdaman nilang pagkalito nang mga oras na iyon. Tila bumalik sa nakaraan si Ismael at muling nakita ang eksena kung saan muntik nang mapat*y ni Roger si Esmeralda. "Lalo akong naguguluhan Roger, ano ba talaga?" Ang impit na pag-iyak ni Silma ang siyang pumukaw sa atensyon ni Ismael, muli siyang bumalik sa kasalukuyan at nahimigan niya ang paghuhurumintado ng kaniyang kapatid. "Ako man ay naguguluhan Silma, ang totoo niya, hindi pa ako lubos na pinapatawad ng mga kumuha sa akin, pinakawalan nila ako dahil nais nilang pakilusin kung sino man ang naging puno''t dulo ng lahat ng ito." Saad ni Roger. Akmang may sasabihin pa ito nang bigla itong maudlot ng isang ginang ang lumabas mula sa kusina. "Manay Silma, nailigpit na namin ang mga kalat sa kusina, uuwi na ako." Ani ng ginang na kalalabas lang. "Ah, sige Manay, maraming salamat sa tulong niyo. Iaabot ko na lnag bukas ang bayad tulad ng napag-usapan natin. Magbalot ka na rin ng mga pagkain, para naman may madala ka sa mga anak mo." "Sige, maraming salamat." Sambit ng ginang at saka umalis. Nang mapadaan naman ito sa harapan nila ay nagpaalam na rin sa kanila ang ginang. "Amang ano sa tingin mo? Hindi kaya totoo ang sinasabi ni Tiyo Roger?" Tanong ni Esmeralda. Napapakunot ang noo ng dalaga dahil sa pagtataka. "Hindi ko rin alam ''nak, maging ako naguguluhan sa mga pangyayari noon." Hanggang sa gumabi ay naging palaisipan ang mga narinig nila sa mag-asawa. Hanggang sa makabalik sina Esme at Dodong sa bukid ay hindi pa rin ito mawala sa isip ng dalaga. Pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi ay tinungo niya ang puno ng mangga. Doon ay muli siyang nagnilay kasama ang mga kaibigan niyang hindi nakikita. "Ano ang bumabagabag sa iyo?" Tanong ni Liyab na agad namang lumitaw sa tabi niya. Nakaupo ito habang tila nagninilay ding katulad niya. Sear?h the n?velFire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Liyab,hindi ba''t kasama na kita kahit noong sanggol pa lamang ako. Alam mo ba ang nangyari noon sa akin?Bakit pinarusahan si Tiyo Roger?" Tanong ni Esmeralda. Nagkatitigan pa sila ay bahagyang napangiti si Liyab sa kaniya. "Ang alam ko lang ay galit na galit ang aking angkan nang makita ang ginagawa sa''yo ng lalaking iyon. Kinuha ka niya sa babaeng nag-aalaga sa''yo, sa kuna mo kung saan komportable ka. Dinala ka niya sa isang lugar, lugar kung saan isang lalaki ang naghihintay, kung hindi dumating si Armando, paniguradong nagtagumpay na siya. Iyon ang nakita ko sa pangitain na pinakita sa akin ng mga nakatatandang Mahomanay." Kuwento ni Liyab. "Pero bakit gano''n? Narinig ko ang usapan nila. Hindi raw niya alam ang nangyari, sabi pa niya, ipaghehele lang dapat niya ako, pero nang bumalik siya sa huwisyo, pinipigilan na siya ni Lolo." Wika naman ng dalaga. Maging ang binatang engkanto ay napakunot ang ulo. "Liyab, isa pa sa gumugulo sa isip ko. Bakit ganoon na lang ang reaksyon ng mga engkantong kalahi mo sa ginawa ni Tiyo? Bakit gano''n niyo ako kung protektahan. Sino ba talaga ako?" Tanong ni Esmeralda. Marahas na napabuntong-hininga si Liyab at hinaplos ang pisngi ng dalaga. "Mahalaga ka sa amin kaya ka namin pinoprotektahan. Mahalaga ka sa lahat ng nilalang na nagiging kaibigan mo dahil ikaw si Esmeralda, dahil anak ka ng mga magulang mo." Tugon lang ni Liyab, tulad ng dati, wala pa ring sagot sa mga tanong niya kun''di matatalinhagang kataga lamang na lalong gumigising sa kaniyang kuryosidad. "Sino ba sila? Alam kong kilala mo sila Liyab, pero bakit gano''n lagi ang sagot mo?" "Hindi ka pa handa Esme, hintayin mo ang kaarawan mo at doon ko ipapaliwanag ang lahat sa''yo. Kitain mo ako sa lugar kung saan una tayong nagkausap noong anim na taon ka. Doon ko ihahayag ang katunayan ng iyong pagkatao." "Handa para saan, Liyab?" Kunot-noong tanong ni Esmeralda. Halos magsalubong na rin ang kilay ng dalaga. "Handa para sa tunay mong laban." Isang ngiti ang iginawad ni Liyab sa dalaga bago ito tuluyang naglaho sa harapan ni Esmeralda. Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga nang makitang wala na ang kausap niya. Isinandal niya ang kaniyang likod sa katawan ng puno at napatingala sa kalangitan. "Hay, sino nga ba talaga ako? At anong laban ba ang tinutukoy mo Liyab?" Halos pabulong niyang tanong. Ilang sandali pa siyang nanatili sa ilalim mg phno ngangga bago niya napagdesisyunang pumasok na sa loob at mahiga sa kaniyang higaan. Kinabukasan, maaga pa lamang ay nasa bukid na si Esmeralda. Abala siya sa pagbubungkal ng lupa nang makita niya ang dalawang bulto ng tao nanpapalapit sa kanila. Napatayo pa noon si Dodong at tila inaaninag kung sino ang paparating. "Ate, kilala mo ba ang mga iyan?" Tanong ni Dodong. Napatayo na rin si Esmeralda at tiningnan ang mga bagong salta. "Hindi, baka magpapagamot kay amang." Tugon naman ni Esmeralda. Dalawang matanda ang mga ito at mukhang naghahabol pa mg hininga ang mga ito. "Magandang umaga ho, ano po ang atin?" Agarang tanong ni Esmeralda sa dalawang matanda. Saglit na huminto ang mga ito at nagpahinga. Nang makabawi ay agad namang ngumiti ang mga ito. "Magandang umaga rin ineng, nariyan ba si Ka Ismael, iyong albularyo?" Tanong ng matandang lalaki. "Ah, wala ho rito si amang pero kung mahalaga po ang kailangan niyo, ipapatawag ko po siya." "Mahalaga, ineng. Buhay ng marami ang nakasalalay rito. Maaari mo ba siyang ipatawag?" Tanong namang ng matandang babae. "Dong, tawagin mo nga muna si amang." "Sige , ate. Ako na po ang bahala. " Sagot ni Dodong at hindi na ito nag-aksaya pa ng panahon. Tumakbo na ang bata at mabilis na tinahak ang daan patungo aa bahay ni Ismael. Inalalayan naman ni Esmeralda ang dalawang matanda patungo sa kaniyang kubo at pinaupo ang mga ito sa papag. Maaga pa ng oras na iyon at sigurado siyang wala pang kain ang dalawa. "Kumain ho muna kayo, nilagang kamote lang po iyan, mamaya po ay maghahanda ako ng kanin at ulam para naman maging maayos ang ating almusal. Pagtiyagaan niyo na muna ito." Alok ni Esmeralda. Napaluha pa ang matandang babae habang tinatanggap ang isang mangkok na puno ng nilagang kamote. "Malaking bagay na ito ineng. Maraming salamat." Tugon ng matanda. Pinaghatian ng dalawa ang mga kamoteng iyon. Nagsalin naman siya ng tubig sa dalawang baso at inilagay ito sa harapan ng dalawang matanda. Halatang gutom ang mga ito, hindi niya alam kung saan ang mga ito nanggaling at hindi rin siya sigurado kung ilang araw na ang kga itong naglalakad patungo sa kanila para lang hanapin si Ismael. Nang matapos silang kumain ay tila nabunutan naman ng tinik ang dalawa. Agad ring nagpakilala ang mga ito bilang Diego at Rosa. "Dati kaming albularyo pero dahil sa katandaan ay nilisan namin ang propesyong iyon at ipinasa sa aming mga tagapagmana." Panimulang salaysay ng lalaki, sakto namang g Dumating na sina Dodong at Ismael nang magsimulang magkuwento ang mga ito. "Ako ho si Ismael, anak ni Armando. Galing pa kayo sa ikatlong bayan mula rito? Tama ba?" Tanong ni Ismael. "Tama ka , ikaw na nga ba si Ismael? Matutulungan mo ba ang bayan namin?" "Ano ho ba ang nangyari, bakit kayong matatanda ang narito? Bakit hindi na lamang kayo nag-utos sa mas mga bata pa?" Tanong ni Ismael. Umiling ang babae at inilahad sa harapan ni Ismael ang isang maliit na sisidlan na naglalaman ng mga maliliit na libro at mga medalyon. "Wala silang magagawa. Lahat ng malalakas ay hawak nila sa leeg. Ang mga tulad naming matatanda ay itinatapon nila palabas ng sarili naming bayan. Ngayon, pinamumunuan na kmi ng kadiliman at magwawakas lamang ito kung magagapi ang nilalang na nasa likod ng lahat ng ito." Sagot ng lalaki. Chapter 48 Chapter 48 - 48Natahimik si Ismael at napatingin kay Esmeralda. Kitang-kita niya ang naging kislap sa mga mata ng anak. Napailing na lang si Ismael at muling itinuon ang paningin sa dalawang matanda. Sa pakiwari niya ay mga albularyo rin ang mga ito. "Wala bang ibang mangagamot o albularyo sa inyo, kahit mga manunugis?" Tanong ni Ismael. Sabay pang umiling ang dalawang matanda at nanlulumong tumingin sa kanila. "Lahat ng nasalinan ng aming kakayahan ay walang awang pinaslang ng mga kampon ng nilalang na iyon. Wala kaming magawa dahil baguhan sila at kami ay matatanda na. Ang mga manunugis naman ay wala ng nagawa kun''di ang tuluyang magpasakop sa pamunuan nila dahil hawak ng mga nilalang na iyon ang buhay ng mga tao sa bayan namin." "Lahat sila?" "Hindi lahat, pero hindi sila makagalaw. Kung tutulungan niyo kami, hanapin niyo sa bayan ang tinguriang berdugo, naghihintay lang siya at ang grupo niya." Wika naman ng babae. Sa pagkakataong iyon napatango si Esmeralda. Nabuhay ang kuryusidad niya sa tinatawag na berdugo. Agad naman niyang kinausap si Ismael at nagdesisyon sila na tulungan ang mga ito. Pamilyar din naman kasi kay Esmeralda ang bayan ng Pahunay. Minsan na itong naikuwento sa kaniya ni Lolo Armando at ang bayang iyon ang bayan ng mga malalakas na manunugis. Kaya nagtataka siya kung paano nasakop ng iisang nilalang ang bayang iyon. "Lolo Goryo, matanong ko lamang po. Ano po ba ang kalaban natin rito?" Tanong ni Esmeralda. "Isang hanagob, isang uri ng aswang na nagmula sa pinagsamang sinaunang lahi ng bangkilan at pinakamalakas na gabunan. Malakas ang uri niya, kahit nag-iisa siya, kayang-kaya niyang patumbahin ang mga batikang manunugis namin. At kinatatakutan din siya ng iba pang uri ng aswang." Sagot ng lalaki. "Hanagob, talaga? Ano, Dong, sasama ka ba?" "Oo naman ate. Hanagob ''yan eh. Naririnig ko lang sila pero hindi pa ako nakakakita ng isa." Sabik pang wika ni Dodong. Natawa naman si Esmeralda at marahang ginulo ang buhok ng bata. "Mukhang may pagkakaabalahan na ulit kayo. Pero sana matapos niyo agad ang labang iyan Esme, malapit na ang kaarawan mo at maghahanda tayo," paalala ni Ismael. "Oho, amang naiintindihan ko po. Babalik po kami bago iyon." Nakangiting tugon ni Esmeralda. Nang umaga ding iyon ay kinausap ni Esmeralda si Mateo. Agad namang pumayag ang binata at naghanda na sila. Si Dodong naman ay naging abala sa pag-iimpake ng mga damit niyang dadalhin sa paglalakbay nila. Bukod doon, nagmistulang imbakan rin ng pagkain ang kalahati ng dala nitong bag. "Kung hindi ko lang alam na laban ang pupuntahan natin,aakalain kong magpi-picnic tayo sa dami ng pagkaing dala mo Dodong." Umiiling-iling na puna ni Mateo. . "Baka kasi malayo kuya, kaya kailangan maraming pagkain." Inosenteng wika naman ni Dodong. "Hayaan mo na Mat, may punto rin naman si Dodong. Tsaka ayaw mo no''n, hindi tayo magugutom." Tatawa-tawang wika ni Esmeralda. Nang makumpleto na nila ang kani-kanilang mga gamit ay nagpaalam na sila kay Ismael. May mga halamang gamot rin naman itong pinadala sa kanila para magamit nila sa oras na kailangan. Kasama nila ang dalawang matanda nang sumakay sila sa isang traysikel. Manghang-mangha naman si Dodong dahil noon lang din siya nakasakay sa ganoong uri ng transportasyon. "Grabe, hindi ka talaga mapapagod kung sasakay ka lang. Akala ko kasi lalakarin natin patungo sa lugar nila Lolo Goryo." Natatawang wika ni Dodong habang aliw na aliw sa mabilis na takbo ng traysikel. "Kung maglalakad tayo, hindi lang enerhiya natin ang masasayang, pati na rin oras. Nagmamadali nga tayo ''di ba. At isa pa, mas maiging makarating tayo sa bahay nina Lolo Goryo sa araw na ito para makapagplano muna tayo bago pasukin ang bayan nila." "Tama si Mateo, Dong. Kaya hawak ka lang diyan at baka mahulog ka. " Paalala pa ni Esmeralda. Halos apat na oras din ang itinakbo ng traysikel bago nila marating ang maliit na baryo na siyang itinuro naman ng dalawang matanda na hihintuan nila. "Nandito na tayo. Halina kayo''t magmadali, baka may makakita pa sa atin dito." Tawag ng matandang lalaki sa kanila. Isang maliit na bahay ang pinagdalhan ng mga ito sa kanila, hindi mo iyon mainhahalintulad sa kubo dahil kalahati nito at gawa na sa matibay na kahoy at ang kalahati naman ay bato. "May isang kilometro pa ang layo ng bayan namin dito pero, mas may alam kaming daanan na mas maikli. Kung tatahakin niyo ang bundok na ito sa likod, nasa tatlumpong minuto lamang ang gugugulin niyo. Pagdating niyo sa pinakatuktok, ay pababa naman ang landas na tatahakin niyo. Doon ay mararating niyo sa likuran bahagi ng bayan. Mas malapit rin iyon sa kinaroroonan ng mga manunugis." "Lola, malakas ba talaga ang hanagob? Ibig sabihin, malakas rin ang pakiramdam nila? Kung gayon, hindi kaya ang pagdating naming ito, malalaman niya?" Tanong ni Dodong. "Oo, Dodong, pero naalala mo ba ang pinahid nating langis kanina? Isa iyon sa magiging panangga natin para hindi tayo maramdaman ng hanagob. Sa ngayon, hindi niya maaamoy na may alam tayo, sa paningin at pang-amoy niya, normal na tao lang tayo. Hindi tayo dadaan sa likod, kun''di sa harap at magpapanggap tayong mga bakasyonista na napadpad lang sa bayan na iyon." Wika ni Esmeralda. "Sigurado ka hija?" Tanong ni Goryo, halata ang pag-aalala sa mukha nito. "Opo, Lolo Goryo. Kami ni Dodong ang dadaan sa harap at si Mateo naman sa Likod. Napag-usapan na namin ang mga ito. Maghihiwalay kami para makita namin ang bawat panig ng lagusan papasok at palabas ng bayan," paliwanag ni Esmeralda. Tulad ng kanilang napagdesisyunan, nagpalipas lang sila ng gabing iyon sa bahay ng matanda. Kinabukasan ay agad na rin silang lumisan, tinatahak ang daang napag-usapan nila. Malaki ang tiwala ni Esmeralda kay Mateo dahil alam niyang nahasa na ito ni Ismael at bukod pa roon, nakasunod rin sa binata si Liyab. Habang silang dalawa naman ni Dodong ay masayang naglalakad sa daan na animo''y namamasyal lang. "Ate, ayan na yata ang bayan," wika ni Dodong habang tinuturo ang malaking arko na siyang simbolo ng bungad ng bayan. "Ok nga Dong, tara na. Siguradong maganda ang bayan na iyan." Tugon naman ni Esmeralda. Pareho pa silang napatingala nang makita ang malaking karatula na nagsasaad ng pangalan ng bayan. Luma na iyon at halatang hindi naaalagaan. Gayunpaman ay ipinagsawalang bahala nila ito at nagbubulag-bulagang pinasok. Sa pagpasok pa lamang nila ay ramdam na nila ang bigat ng lugar. Maraming nakatirik na bahay ngunit kapansin-pansin na kaunti lamang ang mga tao roon. "Umalis kayo rito!" Singhal ng isang barakong lalaki. Bagama''t malaki ang katawan nito, kapansin-pansin ang panghihina nito sa ''di malamang dahilan. "Bakit naman ho? Nagbabakasyon lang naman kami, at balita namin maganda rito." Sabad ni Dodong. "Walang maganda rito, kaya umalis na kayo." Muling ulit ng lalaki. Ngunit isa pang lalaki ang pumigil sa kanila. "Oh, bakit mo naman pinaaalis ang mga iyan Paeng? Mukhang mga bakasyonista at halatang dumayo lamang para mamasyal eh. Pasensiya na kayo ha, ano ba ang sadya niyo?" Tanong ng kakarating pa lang na lalaki. Malapad ang ngiti nito sa labi at mukha ring mabait. "Hay salamat may matino ring makakausap. May nakapagsabi kasi sa amin na magandang pasyalan raw ang kabundukan rito at malinis ang mga batis at talon." Nakangiting tugon rin ni Esmeralda. Marahas na bumuntong-hininga ang naunang lalaki at padabog na umalis sa harapan nila. "Pagpasensiyahan niyo na sana ang isang iyon. Ayaw talaga no''n sa mga dayo. Namimihasa kasi ang iba at sinisira ang kagandahan ng lugar namin. Kaya kayo, huwag kayong magkakalat rito kasi si Paeng talaga ang magpapalayas sa inyo." Biro pa nito bago tinugon ang nauna nilang tanong. "Pero tunay ang mga narinig niyo. Kung gusto niyo, doon na lang kayo sa kakilala kong nagpapaupa." Alok nito at walang pagdadalawang-isip naman na sumama sina Esmeralda at Dodong. Hindi naman malayo sa bukana ang pinagdalhan nito sa kanila. Dikit-dikit ang mga bahay na halos magkakasing-laki lang. Sa bandang kanan naman ay nakita nila sa hjndi kalayuan ang paanan ng bundok. Kung hindi siya nagkakamali, iyon ang parteng sinasabi sa kanila ng dalawang matanda. At malamang ay doon rin ang lusot ni Mateo. "Loisa, mangungupahan daw sila." Sigaw ng lalaki sa isang babaeng abala sa pagsisibak ng kahoy. Napahinto ito at napatingin sa gawi nila. Saglit na tumagal pa ang pagkakatitig nito bago nito binitawan ang hawak na palakol at lumapit sa kanila." "Regan, nagdala ka na naman ng dayo. Hindi ba''t sinabi ko na sa iyo na wala na tayong tatanggaping dayo rito?" Inis na wika ng babae. Masama ang pagkakatitig nito sa lalaki at halatang hindi nito nagustuhan ang pagdadala nito sa kanila. "Miss, pasensiya na, kami kasi amg nagpumilit. Hindi naman kami magtatagal. Siguro mga tatlo hanggang apat na araw lang." Sabad ni Esmeralda. Nang magtama ang paningin nila ay agad niyang naramdaman ang malakas na awra ng dalaga. Marahil ay ito ang berdugong tinutukoy ng matanda. "Ako nga pala si Esmeralda at ito naman ang kapatid kong si Dodong. Ikaw si Loisa, hindi ba? Sana payagan mo kaming magbakasyon rito kahit ilang araw lang. Pangako hindi kami magkakalat o hindi namin sisirain ang kagandahan ng lugar niyo." Dagdag pa niya "Sandali lang Miss ha, kakausapin ko lang ang damuhong ito." Alanganing napangiti si Loisa at marahas na hinatak ang lalaki. Tahimik namang sumunod sa likuran nila si Esme para marjnig ang pag-uusapan ng mga ito. "Ano ka ba Regan, nahihibang ka ba? Tama na, hindi ka pa ba nakokonsensya?" "Loisa, dayo yan at paniguradong malayo ang pinanggalingan ng mga iyon. Sino pa ang maghahanap sa kanila? Kailangan natin ng alay dahil nalalapit na naman ang kabilugan ng buwan at manginginain na naman siya. Ayoko nang mabawasan pa tayo." "At ano, mga inosente ang ipapakain mo? Nababaliw ka na nga. Wala silang alam at hindi sila dapat madamay sa problema natin." "Loisa, mag-isip ka nga. Si Karen ang susunod na alay, kapatid mo iyon. Ayos lang ba sa''yo na makita siyang kinakain ng halimaw na iyon? Wala tayong laban sa kaniya dahil lahat ng armas na meron tayo kinuha niya. Ni asin wala tayo. Paano natin ipagtatanggol ang mga mahal natin sa buhay? Ito lang ang solusyon na naiisip ko at sana makinig ka na lang. Hindi na ikaw ang pinakamalakas rito , hindi na ikaw ang dating berdugo." Natameme naman ang babae sa tinuran ng kausap nito. Nang mga sandaling iyon ay bumalik na si Esmeralda sa harapan at nagpanggap na naghihintay pa rin sa kanila. Nang makita niya ang pagbabalik ng dalawa ay halatang nagkasundo na ang mga ito. "Sige, payag na ako pero hanggang apat na araw lang kayo rito. Bawal kayong lumabas sa gabi, pagpatak ng alas sais dapat nasa loob na kayo ng bahay. Ayoko rin na nag-iingay kayo sa gabi, hangga''t maaari, kahit anong kaluskos o tunog ang marinig niyo, huwag niyo na lang papansinin." Mahabang wika ni Loisa at masayang napatango naman ang dalawa. Labag sa loob na pinatuloy sila ni Loisa sa bahay na katabi ng tinitirhan nito. Ramdam ni Esmeralda ang bigat ng loob ng dalaga habang pinapaliwanag sa kanila ang mga gamit sa loob ng bahay na iyon. sea??h th§× ¦ÇovelFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Chapter 49 Chapter 49 - 49Dahil tanghali na ng dumating sina Esmeralda doon ay kumain na rin sila ng baon nila sa loob ng bahay. "Ate, kailan kaya natin makikita ang hanagob? Nasasabik na kasi akong masilayan ang anyo niya at kung gaano ba siya kalakas. Ewan ko ba, parang kumukulo ang dugo ko habang naiisip kong makakaharap natin siya. " Wika ni Dodong sa mahinang boses. "Ako nga rin eh. Pero mukhang sa kabilugan ng buwan, kaya dapat handa tayo sa araw na iyon." Tugon naman ni Esmeralda. "Ate, mga tao naman sila lahat dito, pero napansin mo ba, ang dami nilang mga latay at sugat. Kahit si Ate Loisa, pansin ko may iniinda siyang sugat sa tiyan niya." "Tama ka Dong, kailangan natin siyang makausap, kahit siya lang, hindi ito puwedeng malaman ng kahit sino sa mga kasama niya. Ang bilin ni Lolo Goryo, huwag magtitiwala sa iba bukod sa berdugo." Saad pa ni Esmeralda. Tumango nang nakakaintindi si Dodong habang nilalantakan ang pagkain niya. "Kamusta na kaya si Kuya Mateo, sana nakakita sila ng mapagtataguan ni Kuya Liyab. Mapanganib pa naman ang gubat dahil baka nag-iikot doon ang mga alipores ng hanagob." "Huwag kang mag-alala. Malakas ang kuya Mateo mo, at isa pa kasama niya si Liyab, siguradong makakahanap sila ng matataguang luhar na hindi maaamoy ng mga aswang." Matapos kumain ay lumabas na sila ng bahay, nagkunwari silang sinasamyo ang malinis na hangin habang pinagmamasdan ang kabuuan ng paligid. Maganda naman talaga ang lugar, mapuno, hindi gaanong mainit at malamig rin ang simoy ng hangin. "Grabe ate, ibang-iba ang hangin dito sa liblib kumpara mo sa malalaking bayan. Malinis at malamig." "Tama ka Dong, tara punta tayo roon,parang maganda sa banda roon." Itinuro ni Esmeralda ang paanan ng bundok kung saan may malawak rin na palayan bago ito. Akmang lalakad na sila palayo nang pigilan sila ni Loisa na nang mga oras na iyon ay buhat-buhat na ang sinibak nitong mga kahoy. "Kung nais niyo ay pasyalan, huwag kayong lalapit sa parteng iyan. Dito sa kabila, mas ligtas ang kabundukan rito." Wika ng babae. Napalingon naman si Esmeralda at pinag-aralang mabuti ang reaksyon ng babae. "Loisa, ayos lang ba kung magpasama kami sa''yo? Kung hindi lang naman nakakaistorbo?" Tanongni Esmeralda at tila saglit na nag-isip ang babae. Mayamaya pa ay inilapag nito sa silong ng kubo ang bitbit na mga kahoy at humarap sa kanila. "Mas maigi pa nga kung sasamahan ko kayo. Tayo na, habang maaga pa." Wika ni Loisa at nagpatiuna na itong naglakad, Nagkatinginan pa sila ni Dodong bago napangiti at sumunod sa likuran nito. Dinala sila ni Loisa sa kabilang parte ng kabundukan kung saan sinabi nitong mas ligtas. Katulad ng sinabi nito, wala silang naramdamang mabigat na presensiya sa lugar, bagkus ay nakita nga nila ang kagandahan ng kagubatang iyon. Sa isang sapa sila dinala ni Loisa, kung saan ang agos ng tubig ay banayad, hindi tulad ng sa ilog. Mabato ang daluyan ng tubig habang sa gilid naman ay nagtataasang puno. "Ang ganda naman dito Ate Loisa," puna ni Dodong at mapait na napangiti ang dalaga. "Maganda sana, kaso¡ª" naputol ang sasabihin niya nang tila may naalala. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Loisa at tumingin naman kay Esmeralda. "Maiba ako, bakit naman dito pa kayo nagbakasyon, ang alam ko, hindi lang naman ang bayan namin ang may magagandang tanawin at pasyalan. Sana hindi nalamang kayo nagpunta rito," wika ni Loisa na halos pabulong na ang huli. Napangiti naman si Esmeralda at hinawakan ang kamay ng dalaga. PGkuwa''y lumapit siya sa mukha nito at bumulong, na siyang nagpamulagat naman sa mga mata ng dalaga. "Si Lolo Goryo?" bulalas ng dalaga at napatango si Esmeralda. "Humingi sila ng tulong sa amin, kaya kami narito. Hindi naman talaga bakasyon ang pakay namin, kun''di ang tulungan kayo na palayain ang bayan na ito." saad ni Esmeralda at halos hindi na nakapagsalita si Loisa. Nagpabalik-balik ang tingin niya kay Esmeralda at Dodong, bakas sa mukha nito ang pagdududa. "Ate, magtiwala ka po, ikaw lang ang sinabihan namin dahil ang sabi sa amin, sa''yo lang kami dapat na magtiwala. Kaya ikaw lang din ang kailangan namin para makakilos sa misyong ito." Saad naman ni Dodong at tila doon naman nakahuma si Loisa. Maluha-luhang napayuko ito at nag-usal ng dasal ng pasasalamat bago hinarap ang dalawa. "Kung si Lolo Goryo nga ang nagpadala sa inyo, sige, magtitiwala ako sa inyo. Pero ano ba ang plano?" Tanong ni Loisa at doon na inilahad ni Esmeralda ang plano nila, pero hindi na niya binanggit pa ang tungkol kay Mateo at Liyab. Matapos maglibot ay sabay-sabay na rin silang bumalik sa tinitirhan nila. Pagdating naman ay nakasalubong nila ang unang lalaking bumara sa kanila noong unang pagdating nila sa bayan ng Pahunay. "Paeng, ano''ng ginagawa mo rito?" tanong ni Loisa. Agad namang nabaling ang masamang tingin ng lalaki sa gawi ni Esmeralda at Dodong. "Malamang dito ako nakatira, ba''t nandito pa ang mga iyan? Hindi mo pa ba sila pinapaalis?" Supladong tanong nito. Agad naman napangiwi si Esmeralda at napakamot naman sa ulo si Dodong. "Mga bisita ko sila, wala kang dapat na ipag-alala." Sagot ni Loisa at tinalikuran na ang lalaki. Napaismid naman ito at napalatak. "Naimpluwensyahan ka na rin ba ng pag-iisip ni Regan at ng iba? Nawawala na rin ba ang konsensya mo?" Kitang-kita ni Esmeralda kung paano napakuyom ng kamao ang lalaki habang tila pinipigilan ang galit na kumawala sa sistema nito. Umiigting rin ang mga ugat nito sa leeg habang mabigat ang bawat hiningang pinapakawalan nito. "Sabagay, simula nang mawala ang mga matatanda, paisa-isang nagiging duwag na ang mga tao rito. Nawala na ang dating bangis kahit ng berdugo. Mukhang nagiging jbang tao ka na rin Loisa. " Isang tumataginting na sampal ang natanggap ng lalaki mula kay Loisa na ikinagulat naman ni Esmeralda at Dodong. "Wala ka pa rin sa posisyon na magsalita ng gan''yan sa harap ko Paeng. Eh, ano naman kung katulad ko na rin ang pag-iisip ni Regan. Bakit kaya mo ba siyang harapin? Kaya mo ba siyang pigilan. Kung kaya mo, bakit hindi mo sila iligtas sa napipinto nilang..." Hindi naituloy ni Loisa ang sasabihin at nagkunwaring nagkamali lang ng sasabihin. "Hindi ito ang tamang oras para mag-usap. Esme, Dodong pumasok muna kayo sa loob, kakausapin ko lang si Paeng." Pakiusap ni Loisa at tumango naman si Esmeralda. Hinatak na niya si Dodong papasok sa bahay na inuupahan nila at hinayaang mag-usap ang mga ito. Sear?h the n?velFire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. May tiwala si Esmeralda na hindi nito sasabihin ang anomang pinag-usapan nila kanina sa bundok. Alam din niyang mapagkakatiwalaan si Loisa dahil iisa lang naman ang layunin nila. Ang dahilan kung bakit hindi ito maaaring malaman ng kahit sino ay dahil hindi nila alam kung sino sa mga ito ang kontrolado ng hanagob. Ayon sa dalawang matanda, ilan sa mga manunugis ang nasa ilalim ng isang kulam. At tanging si Loisa lamang ang siguradong hindi apektado nito dahil sa proteksyong ibinigay ni Lolo Goryo sa dalaga noon pa man bago pa sila sakupin ng hanagob. Halos ilang minuto rin bago makapasok si Loisa sa loob. Halatang nanggaling ito sa mainit na diskusyon. Namumula at halatang inis na inis ang dalaga. Nagpupuyos ang loob nitong umupo sa mahabang upuan sa loob ng maliit na sala ng bahay. "Mamayang gabi, babawasan natin ang mga tagasunod niya. Hindi natin kailangang umalis dahil sila ang magkukusang lalapit sa bahay na ito." Wika ni Esmeralda na siyang nakakuha naman ng atensyon ni Loisa. "Ngayong gabi?" Gulat na tanong ni Loisa at napangisi naman si Esmeralda. "Malapit na angbkabilugan ng buwan hindi ba? Kung gano''n, uunahan na natin siya, bago sumapit ang kabilugan ng buwan, lulumpuhin natin ang kawal niya." Paliwanag ni Esmeralda at napatango naman si Loisa. "Oo tama ka. Sige, maa maigi nga iyan. Maghahanda na ako. Ang mga gamit ko dadalhin ko rito ng paisa-isa." Tulad ng sinabi ng dalaga. Paisa-isa nga niyang dinala ang mga sandata niya. Buntot-pagi, kampilan at puntal na gawa sa tanso ang mga iyon. Matapos makita ang mga ito, napatango si Esmeralda at sinimulan na nilang lapatan ng orasyon ang mga iyon. "Albularyo ka rin ba Esme?" Gilat na tanong ni Loisa habang manghang pinagmamasdan ang paglalapat niya ng usal sa mga sandata nila. "Hindi, pero ang tatay namin, oo. Tinuro niya sa akin ito at nagagamit ko naman sa tuwing may laban ako. May alam rin ako ng kaunti sa panggagamot, ngunit mga simpleng bati at mga pisikal na sugat lang ang kaya ko. Hindi ko kaya ang ginagawang pagtatanggal ng yanggaw o ang pagtatanggal ng kulam o barang sa pasyente." "Pero napakagaling mo pa rin, lolo ko si Lolo Goryo na isang albularyo pero hindi ko na natutunan ang mga ito. Mas itinuon ko kasi ang lahat ng oras at lakas ko sa pagsasanay at pagtugis sa mga aswang. Akala ko sapat na iyon, ngayon ko napatunayang tama si Lolo. Hindi natatapos sa pagiging malakas ang lahat, kailangan pa rin ng kahit kaunting kaalaman para magtagumpay sa kahit anomang laban." "Ako naman ate, babaylan ang lola ko at may alam rin ako sa panggagamot. Pero mas gusto ko pa rin ang pakikipaglaban dahil doon ako masaya." Pambibida naman ni Dodong at nagkatawanan sila. Chapter 50 Chapter 50 - 50Matapos malapatan ng orasyon ang sandata. Ay tahimik na silang naghintay habang inihahanda ang mga gagamitin nilang pang-akit sa mga aswang. "Ano ang bagay na iyan?" Tanong ni Loisa bago inaamoy ang likidong nasa isang bote. Halos maduwal-duwal naman ang dalaga sa naamoy. "Anak ng tupa, Esme, ano iyan? Ang baho, parang amoy ng ta* ng manok na hinalo sa nabubulok na laman ng hayop." "Tama ka, pero huwag mong maliitin ang likidong ito, dahil para sa mga aswang, isa ito sa pinakamabangong likido. Maaakit silang hanapin at puntahan ang lugar na pinanggalingan ng amoy at doon natin sila sisiluhin. Para lang tayong mangangaso at ito ang pain." Nakangising wika ni Esmeralda bago nilabas ang isa pang sisidlan. Nang buksan naman ito ni Esmeralda ay tumambad naman sa dalaga ang kulay puting pulbos na walang amoy. Sear?h the N?vel(F)ire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Ang tawag dito, akonito. Isang uri ng pinulbos na halaman. Matindi ang epekto nito sa aswang dahil kapag ang isang aswang ay nasa anyong halimaw, magagawa ng pulbos na ito na pabalikin ng puwersahan ang nilalang sa pagiging tao nito. Kapag naman nasa katawang tao ito, mapupuwersa naman ang nilalang na magbago ng anyo sa pagiging aswang kahit umaga." Paliwanag ni Esmeralda at ganoon na lamang ang pagkamangha ni Loisa sa mga bagong kaalamang nalalaman mula kay Esmeralda. "Ibig sabihin maaarni nating magamit ito sa hanagob?" "Maaari, pero hindi ko alam kung gaano ito kaepektibo sa isang malakas na uri ng aswang, kung karaniwang aswang, paniguradong manghihina, hindi ko pa nasusubukan ito sa isang tulad ng hanagob." sagot ni Esmeralda at ibinigay kay Loisa ang isang maliit na bote ng akonito. "Huwag mong sagarin ang paggamit ng akonito dahil kakaunti lang ang dala ko. Mahirap din kasing makakuha nito," paalala ni Esmeralda at tumango naman si Loisa. Matapos ng paghahanda ay matiyaga silang naghintay sa loob ng bahay. Dahil sa mga kaganapan, nakaugalian na ng mga natitirang naninirahan roon ang balewalain ang ingay at mga kaluskos na naririnig sa tuwing sasapit ang dilim. Nagmimistula silang bulag, pipi at bingi dahil alam nila kung ano at sino lang ang may kagagawan nito. Kapag nagtangka silang lumabas o kahit sumilip lang ay siguradong sila na ang magiging hapunan ng mga nilalang ng dilim. Subalit nang gabing iyon, hindi ang mga kalabang nilalang ang mangangaso, kun''di sina Esmeralda, Dodong at Loisa. Nakaupo lang sila sa maliit na sala, tahimik na nagmamatyag sa mga kaluskos na naririnig sa labas. Paglapat ng dilim sa kabuuan ng kalangitan, siya namang pagkilos ni Esmeralda. Mula sa isang maliit na palanggana, gumawa siya ng siga at nagsunog roon ng ibat-ibang uri ng dahon, magkakasunod niyang inilagay sa apoy ang mga ito at ang panghuli ay ang langis. Umalingasaw ang nakakasulasok na amoy sa hangin kaya naman binuksan ni Dodong ang bintana. Maliit na siwang lang naman ang ginawa ng bata, sapat upang ang usok ay makaalpas mula sa loob. Naghintay pa sila ng ilang minuto hanggang sa makarinig na sila ng mga hingal at pag-angil sa paligid. "Nariyan na sila." Wika ni Loisa, bakas sa mukha nito ang kaba, dahil matapos ang ilang taong pagiging bihag ng katapangan niya, ay muli na niya itong mailalabas. "Sige lang, hayaan mo silang makalapit, hindi tayo magpapagod ngayong gabi, pero babawasan natin ang bilang nila nang hindi nalalaman ng kaniyang Panginoon." Wik naman ni Esmeralda. "Nakikita ko na sila ate, malapit na sila," sabik na wika ni Dodong. Mabilis nang kumilos ang bata at kinuha ang itak na tila himulma para lang sa kaniya. Tinungo ni Dodong ang likurang parte ng bahay at nasa bungad naman si Esmeralda habang nasa bintana si Loisa. Nang gabing iyon ay walang kaalam-alam ang mga tao sa nagaganap na laban. Tahimik, pulido at walang awang kinitilan ng buhay ng tatlo ang mga aswang na nagagawi sa kanila. Kung nakikita lang iyon ng iba ay siguradong maghahalo ang gimbal at galit sa sistema nila dahil sa kapangahasan nila na kalabanin ang mga alagad ng hanagob. Magkahalong saya, pagkasabik at satispaksyon ang naramdaman ni Loisa habang ang itak niya ay humihiwa sa kalamnan ng mga nilalang na noo''y tinutugis niya. Naroroon ang kasiyahang maipaghiganti ang mga kababayan nilang nauna nang napaslang ng mga ito. "Ano''ng pakiramdam na muli mong nahawakan ang itak mo Berdugo ng Pahunay?" Humihingal at nakangiting tanong ni Esmeralda. "Masaya, hindi ko maipaliwanag," natatawa pang wika ni Loisa. Sa pagkakataong iyon, tila muli niyang nakita ang sarili sa lupa ng digmaan. Muli niyang nakita ang dahilan kung bakit pa siya nabubuhay ngayon. "Esme, salamat, dahil muli mo akong hinatak paitaas. Akala ko, hindi ko na muling mararamdaman ang pakiramdam na ito. Akala ko tuluyan na akong magpapasakop sa kadilimang dati-rati''y kalaban ko lamang. Kayo ni Dodong ang nagbalik ng pag-asa sa puso ko. Pasensiya na rin pala sa naging masamang pakikitungo ko sa inyo." "Wala iyon Ate Loisa, naiintindihan naman namin. At mas maganda nga iyon, basta sa umaga, gano''n pa rin ang trato mo sa amin. Para walang makahalata." Saad naman ni Dodong. Madaling araw nang tuluyang lumabas si Loisa sa bahay at lumipat ito sa kabila. Nang mga pagkakataong iyon ay tahimik na ang paligid. Walang bakas na naiwan sa labas at palibot ng bahay, maging sa loob ay nakakamanghang walang naiwang bakas roon ang mga aswang. Maging ang mga dugo at katawan nila ay tila mga bulang naglaho. Kinabukasan, natural na nagising sina Esmeralda at Dodong, namasyal sila sa bayan at tinungo ang mga lugar kung saan lang sila puwedeng mamasyal. Tulas ng dati ay pansin pa rin nila ang tinginan ng mga tao sa kanila. Napansin din nila na halos lalaki na lang ang mga natitira roon at iilan na lang din ang mga babae. "Ate, napansin mo, bakit kaya puro lalaki ang itinira ng hanagob sa bayang ito? Hindi kaya siya natatakot na mag-aklas ang mga lalaki at matalo siya dahil sa bilang?" Pabulong na tanong ni Dodong. "Marahil, dahil alam niyang mas malakas siya at pinapakita niya sa mga manunugis na kahit malakas na sila ay wala pa rin silang binatbat." "May kakayahan ba ang mga hanagob na mangyanggaw, ate?" Muling naitanong ni Dodong at naapiling si Esmeralda. Maging suya ay hindi rin sigurado. Pumasok na rin sa isip niya na ang unang dahilan ay para yanggawin ang mga manunugis na malalakas. Kung magiging tagasunod niya ang mga ito ay siguradong masasakop niya ang susunod na mga bayan. "Hindi ako sigurado, pero sabi ni Lolo Goryo, ang hanagob ay nabuo dahil sa pinagsamang uri ng bangkilan at Gabunan, malalakas na uri ang mga ito, kung kaya man nilang mang yanggaw, magiging malaking problema iyon." Napapaisip na wika ni Esmeralda. Sa kanilang paglalakad, hindi nila namalayang narating nila ang isang pinagbabawal na parte ng lugar. Mula roon ay nakarinig sila ng lagaslas ng tubig at mahinang paghinga ng isang tao. "Ate, mukhang may tao yata." Puna ni Dodong. Parehong malakas ang pakiramdam nila, kaya naman kahit malayo o mahinang huni o kaluskos ay agad nilang nararamdaman. Marahan nilang tinahak ang maliit na daanang iyon hanggang sa marating nila ang isang malaking ilog. Banayad ang ragasa ng tubig habang ang buong paligid ay tila ba nagmistulang isang paraiso. "Ang ganda rito ate, bakit kaya ayaw nilang papuntahan ito sa mga dayo?" Tanong ni Dodong. Nang marinig ni Esmeralda ang batang boses ni Dodong ay napangiti siya. "Maganda, malinis, marahil ay pinoprotektahan nila ang lugar na ito. " Sagot naman ng dalaga. Habang nag-uusap sila ay muli silang nakarinig ng tunog sa bandang ilog. Tunog na tila may naglalakad at humahawi sa tubig. Napalingon sila at napatda ang kanilnag tingin sa ilog at doon nila nabungaran nag isang matangkad na lalaking walang pang-itaas na umaahon mula roon. Nakatingin rin ito sa kanila, ang mga mata nito ay kasing-dilim ng gabi subalit may kislap roon na tila umaakit sa kanila. Mahaba ang buhok nitong sumasayad sa balikat, maganda ang hubog ng katawan at bakas rito ang pagiging batak sa laban. Nakasuot ito ng maong na pang-ilalim kaya ang unang hula nilang isa itong engkanto ay nawala. "Sino kayo?" Tanong ng lalaki, malaki at baritono ang boses nito, dahil sa pagkabigla ay saglit na tila nawalan ng sasabihin si Esmeralda. Kung hindi pa siya kinurot ni Dodong ay paniguradong nakatulala lamang siya sa mukha ng binatang iyon. "Ha? Ano nga ulit ang tanong mo?" "Mga dayo ba kayo? Ngayon ko lang kayo nakita rito. Hindi ba nila sinabi na bawal ang mga tao sa gawing ito?" Muling tanong ng lalaki. "Ha? Ah, pasensiya na napasarap kami sa paglalakad nitong kapatid ko. Nasabi naman nila, sadyang hindi lang namin namalayan na nakarating na pala kami rito. At oo, dayo kami, apat na araw lang naman kami rito, pagkatapos no''n uuwi na rin kami sa bayan namin." Nakangiti nang tugon ni Esmeralda. "Gano''n ba, ang mabuti pa, bumalik na kayo, hindi kayo maaaring magtagal rito. Sasamahan ko na kayo palabas para hindi na kayo maligaw." Dinampot ng lalaki ang damit nitong nakasabit sa itaas ng puno at isinuot iyon. Tila alintana rito ang basa nitong pang-ibaba at walang lingon-lingon nang nilisan ang ilog na iyon. Wala namang nagawa sina Esmeralda kun''di ang sumunod rito. Nagkatinginan pa sila ni Dodong at bahagyang napatango. Ramdam kasi nila ang negatibong awra na nagmumula sa katawan ng binata, kabaligtaran ng maamo at maganda nitong mukha. Chapter 51 Chapter 51 - 51"Siya nga pala ako si Esmeralda at ito naman ang kapatid kong si Dodong. Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?" "Antonio, pero maaari mo rin akong tawaging Anton," sagot nito. "Bakit ka nga pala nando''n? Hindi ba''t sabi niyo bawal ang mga tao ro''n at bakit pala bawal? Pasensiya ka na kung nagiging matanong ako ha, nakakapagtaka naman kasi. Sa mga napuntahan naming lugar na mas liblib pa rito, wala namang pinagbabawal pero dito¡ª" sinadyang putulin ni Esmeralda ang sasabihin at nagkunwaring nagtataka. Nabakas sa mga mata niya ang matinding kuryusidad na nagpangiti naman sa binata. "Kabisado ko ang lugar, kaya alam ko kung saang lugar ako hindi dapat lalagpas." Tugon naman ng lalaki at napatango lang si Esmeralda bilang pagsang-ayon rito. Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang tatlo, wala ni isa ang nagsalita. Patuloy lang silang naglakad hanggang sa matanaw na nilang muli ang mga bahay sa bungad ng bayan. Doon ay nakita nilang lumabas ng bahay si Loisa at napatingin rin ito sa kanila nang may panagungunot sa noo. Tila naging balisa naman ang mga naroroon na siyang kumumpirma sa suspitsa ni Esmeralda. "Maraming salama Anton, pasensiya na ulit kung hindi namin namalayan na makarating roon. Mabuti na lang pala nandoon ka. Dito ka rin ba namamalagi, noong unang dating kasi namin rito, hindi kita napansin." matamis ang mga ngiting iginawad ni Esmeralda sa binata. Tila nangislap naman ang mga mata ni Antonio nang makita ang inosenteng tingin ng dalaga sa kaniya. "Baka nagkataon lang na nangangaso ako sa kabila noon, kaya hindi mo ako nakita, kabababa ko rin lang kasi rito." Sagot naman ng binata at tumango naman si Esmeralda. "Talaga Kuya Anton, nangangaso ka, ano naman po ang hinuhuli niyo? May mga baboy-ramo rin ba rito?" sabik na tanong ni Dodong. "Dodong, tama na, huwag mo nang kulitin si Anton, pasensiya ka na dito sa kapatid ko, hindi pa kasi nakakaranas ng ganyang gawain iyan at hindi pa siya nakakakita ng baboy-ramo." Sambit ni Esmeralda at natawa naman ang binata. "Gano''n ba. Ayos lang iyon. Lahat naman tayo dumaan sa pagkabata, at nauunawaan ko ang kuryusidad ng tulad ni Dodong." saad ni Antonio. Matapos ang maikling pakikipag-usap sa binata ay nagpaalam naman sina Esmeralda at Dodong na babalik na sa tinutuluyan nilang bahay. Kinahapunan, palihim na pumuslit si Loisa sa loob ng bahay na tinutuluyan nina Esmeralda at Dodong. Doon ay mas nakumpirma pa ni Esmeralda ang tunay na katauhan ng Antonio na lumapit sa kanila kanina. "Kung ordinaryong tao lang kami at wala kaming alam sa mga nilalang na tulad nila, ay paniguradong nahulog na rin ako sa mapang-akit na nilalang na iyon. Hindi ko maipagkakailang napakaganda niyang nilalang at marahil dahil iyon sa dugong bangkilan na nananalaytay sa katauhan niya." wika ni Esmeralda. "Kaya nga nagulat ako, akala ko talaga, napasailalim na kayo sa kapangyarihan niya. Mabuti na lang at malakas ang mentalidad niyong dalawa. Siya nga pala, ngayong nakababa na ang taong iyon dito, kailangan niyong mas mag-ingat pa. Nalalapit na ang kabilugan ng buwan , kaya naman, siguradong kayo na ang susunod na punterya niya bilang kaniyang pagkain." "Alam namin, mas maghanda ka Loisa, dahil ano mang oras sa linggong ito, kikilos na tayo." saad ni Esmeralda at tahimik na tumango naman si Loisa. Nang gabing iyon ay muli silang nakipaglaban sa mga aswang nang palihim. Humigit kumulang nasa pitong aswang rin ang kanilang nabawas nang mga oras na iyon. Nang muling mawala ang ingay sa paligid ay doon na rin naghiwalay ng landas sina Esmeralda at Loisa. "Ate, mukhang marami na tayong nababawas sa mga aswang na malapit rito, kamusta kaya doon sa kinaroroonan nina Kuya Mateo?" "Siguradong maayos ang lakad nila, huwag kang mag-alala. Ituon na lang natin ang ating atensyon sa misyon dito." saad ni Esmeralda habang isinasara na ang maliit na siwang sa tabi ng bintana. "Siya nga pala Dong, sa huling araw bago ang laban natin, kaya mo bang pumunta sa kabilang ibayo?" "Kabilang ibayo? Ibig mong sabihin sa mundo nila?" gulat na tanong ni Dodong. "Oo, pakiramdam ko kasi, hindi sasapat ang dala nating akonito sa hanagob. Hindi ba''t nakakausap mo sila, magtanong ka kung may halaman o kahit anong bagay ang makakatulong sa atin na pahinain ang kalaban." Saglit na napaisip si Dodong bago sumilay ang kakaibang ngiti sa kaniyang labi. "Sige Ate, tamang-tama, mukhang magigising na rin si Amad, siguradong maraming alam ang isang iyon." Sagot ni Dodongh at tumango naman si Esmeralda. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon na tanungin kung sino ang Amad na tinutukoy nito. Isa lang ang alam niyang sigurado, isang engkanto ang binabanggit nito. "Mabuti, sige na , magpahinga na tayo. Bukas ganoon ulit ang gagawin natin, mas maigi kung makikipaglapit tayo kunwari sa mga tao rito. Siguradong muling magpapakita si Antonio bukas." "Sige po ate." Kinabukasan, tulad nang napag-usapan nanatili sa bakuran sina Dodong at Esmeralda. Kausap nila ang mga taong naroroon at kahit naasiwa ay sumasagot naman ang mga ito sa kanila. Hanggang sa dumating na nga si Antonio. Tila masama ang timpla ng mukha nito nang dumating na agad naman napansin ng dalaga. "Magandang umaga, Anton, bakit tila napakalaki naman yata ng problema mo? Ang lalim ng pagkakakunot ng noo mo eh, may nangyari ba?" puna ni Esmeralda. Tila napawi naman ang kunot ng noo ng lalaki at sumilay ang ngiti sa mga labi ng binata. "Magandang umaga, wala naman masyado, ang mga alaga ko kasi, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanila, bakit hindi na sila nakakabalik pa. Dalawang araw ko na rin napapansin ang hindi nila pagbalik." simpleng tugon ng binata. Itinago ni Esme ang pagkakangisi habang nakayuko bago muling hinarap ang kausap. Pagharap ay sumilay ang nag-aalalang mga mata ni Esmeralda sa sinabi ng binata. "Mga alaga mo, nawawala? Ano ba ang mga alaga mo?" nagtatakang tanong ni Esmeralda, gayong alam niyang ang mga aswang ang tinutukoy nito. "Ah, mga baka. Marami akong baka, at ngayon kumakaunti na sila dahil sa hindi ko malamang dahilan," sagot ng binata. "Paano nawawala? Hindi ba''t malalaki naman ang mga baka, paanong nakukuha sila nang hindi mo napapansin? Kawawa ka naman pala, sayang din ang mga bakang iyon, hindi ba''t mahal ang bilihan ngayon ng karne ng baka?" "Kaya nga eh, kaya, nag-iikot-ikot rin ako, nagbabakasakali na makita ko sila o kahit ang mga katawan lang nila." wika ng lalaki. Tinapik naman ni Esmeralda ang balikat nito, bilang pagdamay sa kinahaharap nito. "Hayaan mo, makakarma rin ang mga taong kumuha ng mga baka mo. Siya nga pala, hindi ba''t kabisado mo naman ang buong bayan ng Pahunay, bakit hindi mo kami ipasyal. Nalalapit na rin kasi kaming umalis kaya, susulitin na namin ang ilan pang araw ng pananarili namin sa bayan niyo. Nakakalungkot naman kasi kung hindi namin malilibot ang maganda niyong bayan." Lumapad naman nag ngiti ni Antonio sa tinuran ni Esmeralda. Kumislap ang mapupungay nitong mata na tila nasisiyahan ito sa kagustuhan ni Esmeralda na libutin ang bayan kasama siya. "Ate, puwede bang dito na lang muna ako, kayo na lang ni Kuya Anton ang maglibot, hihintayin na lang kita rito." Wika naman ni Dodong na lalo pang nagpalapad sa ngiti ni Antonio. "Sigurado ka bang hindi ka sasama?" Tanong ng binata. Umiling si Dodong at tinuro si Loisa. "Magpapasama na lang ako kay Ate Loisa. Magpapaturo akong manguha ng isda doon sa punong." Tugon ni Dodong. "O siya, sige. Tara na ba Esme?" Ani ni Antonio at inaya ng umalis ang dalaga. Nilingon naman ni Esmeralda si Dodong at bilang isang ate, nagbilin itong huwag maglilikot at maging makulit kay Loisa. Matapos ang ilang paalala ay umalis na ang dalaga at si Antonio. Pinasok nila ang gubat at manghang-mangha naman si Esmeralda sa nakikita. Napakagandang lugar kasi ang pinagdalhan sa kaniya ni Antonio. Isang ilong iyon at rinig na rinig niya ang malakas na agos ng tubig. Ilang minuto pa silang naglakad hanggang sa narating nila ang isang mataas na talon. Malinis ng tubig at malamig rin ang simoy ng hanging pumapalibot roon. Hindi naman masukat ni Esmeralda kung gaano kataas ang talong iton, ang alam niya lang ay napakataas nito na halos hindi niya maaninag ang tuktok dahil sa liwanag ng araw. Napapalibutan rin ito ng puno ang maging ang bawat gilid nito ay may mga halamanang noon lamang niya nakita. Bagama''t namamangha ang una at nakapaskil na reaksiyon sa kaniyang magandang mukha, sa loob-loob niya ay alam niyang panlilinlang lamang ito ng nilalang na kasama niya. "Grabe, hindi ko alam na may ganito kagandang lugar, nakakalula ang talon at napakasariwa ng hangin, napakalamig pa, hindi tulad sa lungsod na pinagmulan namin." Manghang-manghang wika ni Esmeralda. Agad suyang tumakbo patungo sa tubig at nagtampisaw roon. S§×ar?h the N?velFire.n§×t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Ngunit nang dumampi ang balat niya sa tubig at agad na nagbago ito sa kaniyang paningin. Bumungad aa kaniyang mga mata ang isang nakakabahala at nakakagimbal na tanawin. Nakaririmarim ang kaniyang nasasaksihan ngunit nanatiling nakangiti at puno ng pagkamangha ang kaniyang mukha. Umikot-ikot pa siya sa tubig at kitang-kita niya ang mga katawan ng taong wala nang buhay sa ilalim nito. Kulay pula na rin ang tubig habang ang mga puno sa paligid ay tila natuyo na. Marahil ay dahil sa naging tambakan ng mga katawan ng kinawawang tao ang ilog na iyon. Chapter 52 Chapter 52 - 52Samo''t saring mga katawan ang kaniyang nakita. May matatanda, bata, binata at dalaga. Nay iilan din siyang sanggol na nakita at bawat isa ay bukas ang tiyab at wala ng puso at laman-loob. Agnas na rin ang mga katawan at dahil nakababad sa tubig ay tila namamaga ang mga ito habang paunti-unting kinakain ng mga uod na naroroon sa tubig. Mayamaya pa ay umahon na si Esmeralda at inikot ang parteng iyon hanggang sa talon. Magjng doon ay kitang-kita niya ang mga katawang tila itinapon na lamang roon. Tahimik siyang nag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga itong, nakakadena sa mga katawan nila. Wala silang katahimikan, naghuhumiyaw ang mga kaluluwa nilang humihingi ng tulong¡ª nagmamakaawang palayain na sila. Lihim na naikuyom ni Esmeralda ang kaniyang kamao habang tahimik na nangangako sa mga ito. "Nagustuhan mo ba ang lugar na ito?" Napalingon si Esmeralda nang marinig ang baritono nitong boses. S~ea??h the N??eFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Oo, napakaganda rito, sayang at hindi ito nakita ni Dodong." Tugon niya at ngumiti ng ubod nang tamis sa binata. "Pasasaan ba''t makikita rin niya ang lugar na ito. " Makahulugang wika ni Antonio. Hindi naman ito binigyang pansin ni Esmeralda at nagkunwaring tumitingin sa malinis na tubig ng ilog. Nang mapadaan ang kaniyang paningin sa itaas ng talon ay doon niya nakita ang mas nakakagimbal pang tanawin. "Bakit may problema ba?" tanong ni Antonio kay Esmeralda. Maang na napalingon ang dalaga at napangiti. Ikinubli niya sa kaibuturan ng sistema niya ang nararamdaman niyang poot at galit. "Wala naman, iniisip ko lang kung gaano ba kataas ang talon na ito, grabe ragasa ng tubig at halatang malinis," wika niya habang pilit na itinatago ang panginginig ng kaniyang kamay. "Mabuti naman at nagutsuhan mo rito, halika doon tayo, mayro''n akong kubo roon na madalas kong tambayan kapag nagagawi ako rito habang nangangaso." aya ni Antonio. Nang tumalikod ang binata ay nagpakawala naman ng buntong-hininga si Esmeralda, para pakalmahin ang sarili niya. Ayaw niyang mangibabaw ang galit niya ng mga oras na iyon dahil alam niyang hindi pa napapanahon. Hindi pa sila handa at kailangan pa niyang makumpirma kay Dodong kung natapos na nito ang ibinigay niyang misyon, bago pa man siya kumilos. Dinala nga siya ng binata sa isang maliit na kubo na napapalibutan ng makukulay na bulaklak. Tahimik na napalatak si Esmeralda, kung normal siyang tao ay siguradong mamamangha siya dahil sa ganda ng paligid niya, pero dahil isa siyang taong bukas ang ikatlong mata, kitang -kita niya kung ano ang totoo. Walang kabuhay-buhay ang paligid, maging ang mga puno at halaman ay tila pinagkaitan ng pag-usbong. Hinatak naman siya ng binata patungo sa loob ng kubo at nakita niya sa gitna nito ang samo''t saring prutas na nasa basket na nakapatong sa ibabaw ng isang maliit na mesa. Prutas iyon sa unang tingin, ngunit sa mga mata ni Esmeralda, litaw na litaw ang wangis ng nabubulok na mga karne at inuuod na lamang-loob. "Hindi ka na dapat nag-abala Anton, salamat sa pagsama mo sa akin rito. Akala ko talaga ay hindi kami masisiyahan sa pananatili rito, ngunit hindi kami nabigo ng kapatid ko. Napakaganda ng lugar niyo." Puri ni Esmeralda. Dinampot niya ang isang mangga at nagkunwaring inamoy-amoy iyon na tila nababanguhan pa bago ito muling binalik sa basket. Tila nasiyahan naman ang binata sa ginagawa ng dalaga. Lalo pang lumapad ang ngiti nito nang sumalampak sa papag si Esmeralda at pinagmasdan ang binata. "Natutuwa akong nagustuhan mo. Kumain ka lang kung nais mo, para talaga sa''yo iyan." Wika ng binata. Umiling si Esmeralda at ngumiti. "Mamaya na, nais ko munang magpahinga, ang haba ng nilakad natin at isa pa medyo inaantok na rin naman ako. Ayos lang ba kung umidlip ako saglit?" Tanong ng dalaga. "Oo naman, matulog ka lang diyan, babantayan naman kita." Malamyos ang boses nito. "Salamat." Tugon ni Esmeralda at saka ipinikit na ang mga mata. Bagaman hindi niya nakikita alam niyang nakangisi ngayon ang binata habang pinagmamasdan siya. Alam niyang hindi ito gagawa ng aksyon ngayon kaya naman panatag siyang umidlip sa lugar na iyon. Ilang oras din siyang nagbawi ng lakas ang katawan niya habang ang utak niya ay patuloy na nag-iisip ng mga bagay na kailangan niyang gawin. Halos hapon na nang magmulat ng mata si Esmeralda. Agad niyang napansin ang nawawalang presensiya ni Antonio sa lugar. Bumangon siya at agad na inilibot ang paningin roon. Dahil papalubog na ang araw, unti-unting nagbabago ang ihip ng hangin doon. Malagkit na maalinsangan ang pakiramdam ni Esmeralda. Agad niyang hinawakan ang punyal na nakatago sa ilalim ng kaniyang kamiseta bilang paghahanda. "Nalintikan na, mukhang hindi na siya makapaghintay pa. Sana lang talaga, nagawa ni Dodong ang pinapagawa ko sa kaniya." Mahinang bulong ni Esmeralda. Umihip ang maalinsangang hangin at agad siyang naging alerto nang makarinig ng mga angil sa paligid. "Anton, nasaan ka?" Tawag niya at umaktong natatakot. Alam niyang may nagmamasid sa kaniya nang mga oras na iyon. Dinig na dinig niya ang makakapal na hininga ng mga nilalang at ang mabababang angil na nagmumula sa lalamunan ng mga ito. "Akala ko ba babantayan mo ako, bakit mo ako iniwan?" Sigaw niya, dahan-dahang lumulubog ang araw at unti-unting lumalatag ang kadiliman sa lugar. Nang tuluyan nang namayani ang dilim doon na mas nging agresibo ang mga tunog na naririnig ni Esmeralda. Patuloy siyang nagkunwaring takot upang malinlang ang mga aswabg at lumabas ang mga ito sa kanilang pinagtataguan. Kasalukuyan pa rin niyang tinatawag ang pangalan ni Antonio nang isang malaking nilalang ang tumalon papalapit sa kaniya. Natumba siya sa lupa at dumagan sa kaniya ang mabigat nitong katawan. Umaalingasaw ang amoy nito, madulas na tila may malapot na kung anong nakakapit sa balat ng nilalang. Nandidiring itinulak naman ni Esmeralda ang nilalang na ikinagulat nito. Umaangil itong nanlalaki ang mga mata¡ª tila hindi makapaniwala dahil sa lakas na pinamalas ng dalaga. Nang pagkakataong iyon, inilabas na ni Esmeralda ang kaniyang punyal at mabilis na sinunggaban ang aswang. Nang makubabawan niya ito ay walang pagdadalawang-isip niyang ginilitan ang leeg ng nilalang. Ngunit bago pa man niya magawa ito ay nahawakan ng nilalang ang damit niya at malakas siyang hinatak nito bago siya marahas na ibinalibag sa lupa. Napasigaw si Esmeralda nang lumpat ang likod niya sa lupa. Napakalakas ng pagkakabalibag ng aswang sa kaniya at halos panawan siya ng ulirat nang mga oras na iyon. "Walanghiya ka," inis na sigaw ni Esmeralda, bumangon siya at muling dinampot ang punyal na dala, bago ito marahas na hinagis sa nilalang. Tinamaan nito ang kaliwang mata ng nilalang at kinuha ni Esmeralda ng pagkakataong iyon upang malapitan ito. Habang nagwawala sa sakit ang nilalang ay hinugot niya ang punyal at muli itong isinaksak sa kanangata nito. Dahilan upang bumagsak sa lupa ang aswang habang namimilipit sa sakit. Nang mga oras na iyon ay tila ba umakyat sa ulo ni Esmeralda ang galit na kanina pang gustong kumawala sa kaniya. Gamit ang punyal ay walang habas niyang sinaksak ang leeg ng nilalang hanggang sa tuluyan na nitong mailuwa ang mutya at mawalan ito ng buhay. Bago pa man bumagsak nagbkatawan nito sa lupa ay muli siyang nakarinig ng kaluskos at mga angil. Matitinis lang ang mga ito at tila ba nagmumula sa nilalang na mas maliit pa sa kaniya. Nang lingunin naman niya ang pinanggalingan ng unog ay doon niya nakita ang isang matandang hukluban¡ª uugod-ugod itong naglalakad papalapit sa kniya. Bagaman bakas sa mukha nito ang katandaang tila ba nilimot na ng panahon, bagaman uugod-ugod na ay nananatiling malakas ang tindig nito. Sa magkabilang gilid naman ng matanda ay ang mga alaga nitong tila ba mga kuneho na parang aso. "Ikaw pala ang napupusuan ng aming panginoon, tamang-tama kang maging alay sa darating na kabilugan ng buwan. Isang birhen na may kakayahang lumaban. Nakakatuwa naman, pero ineng, kung ako sa''yo maging masunurin ka na lamang at ipaubaya mo na sa amin ang iyong katawan." Humagikgik ito na parang bruha, lumitaw ang nangingitim nitong mga ngipin at tila may kung anong gumagalaw pa roon. Chapter 53 Chapter 53 - 53Napangiwi si Esmeralda at agad na hinarap ang matanda at ang mga alaga nito. Alam niyang mga umatraka ang mga iyon¡ª mabibilis at mapanganib ang mga ito na kung hindi siya mag-iingat ay paniguradong madedehado siya. "Mukhang hindi ka pangkaraniwan ineng, hindi na ako nagtataka kung bakit nagustuhan ka ng aming panginoon." muli ay wika nito. Umayos naman ng tayo si Esmeralda at sinamaan ng tingin ang matanda at ang mga alaga nito. "Panginoon? Sinong panginoon?" takang tanong niya habang ang mga mata niya ay nakatuon sa mgha umatrakang kasama ng matanda. Alam niyang mabibilis ang mga ito at patraydor kung umatake, isang barangan ang kaharap niya kaya hindi siya maaaring magpabaya. "Nakita mo na siya, nakausap at nakasama. Magbubulag-bulagan ako sa aking nakita. Pangahas ang isang iyon para pag-interesan ang babaeng para sa panginoon kaya nararapat lang ang ginawa mo sa kaniya." wika nito at napangisi naman si Esmeralda. Bahagya siyang napakamot sa ulo at natawa. Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang punyal at itinutok ito sa kaharap na matanda. "Wala naman akong dapat itago, siguro nga ito na ang tamang oras. Nakakasuka ang lugar na ito, ang dating napakagandang kagubatan ay nagmistula na lang na tapunan niyo ng mga taong biktima ninyo, at hindi ko iyon mapapatawad." Wika ni Esmeralda. Mabilis siyang tumakbo patungo sa matanda at binigwasan ito ng saksak gamit aang kaniyang punyal. Subalit bago pa man siya makalapit rito at sabay-sabay namang umatake sa kaniya ang mga umatraka. Dahil higit na maliliit at mabibilis at naunahan siya ng mga ito. Kalmot at kagat ang salitang dumampi sa balat ni Esmeralda ngunit hindi siya nagpadaig sa mga ito hanggang sa mapabagsak nga niya ang iilan sa mga alaga nitong umatraka. "Ang mga umatraka ko," sigaw nito, nanlilisik ang mga matang napatitig ang matanda sa gawi niya habang may kung ano itong binubulong sa hangin. Mayamaya pa ay tila nakaramdam siya ng pagkirot sa kaniyang tiyan. Nagtataka pa niyang nilingon ang matanda at nakita niyang nakaturo ito sa kaniya. "Imposible!" Sambit ni Esmeralda at mabilis na inatake ang matanda ngunit bago pa man niya magawa ay bumagsak nang hindi sinasadya ang kaniyang katawan sa lupa. Namilipit siya sa sakit ng tiyan at pakiramdam niya ay hinahalukay ito. Ipinilig pa niya ang ulo habang tila hindi makapaniwalang naaapektuha siya ng kapangyarihan nito. ISa lang ang ibig sabihin nito, isang malakas at ,mataas na uri ng barangan ang matanda, nakakaya niyang bigyan ng sakit ang mga tao kahit hindi niya ito nahahawakan o hindi nakukuhaan ng ano mang parte o bagay na nanggaling sa katawan ng kaniyang biktima. "Wala pang nangahas na saktan ang mga umatraka ko, napakalakas ng loob mong saktan at patayin sila gayong isa ka lang ding tao. At ang mga katulad mo, pagkain lang para sa amin." sigaw ng matanda. Lumapit ito sa dalaga at marahas siyang sinipa. "Kung hindi ka lang gusto ng panginoon, ay ngayon pa lang ay inuuod ka na. Pero dahil isa kang birhen, magiging lamang tiyan ka niya at siya na ang hihirangin pinakamalakas sa lahat." Tumatawa pang wika ng matanda. Marahas na hinablot ng matanda ang kaniyang buhok at hinatak siya nito patungo sa tabi ng ilog. Doon ay walang awa siyang inilublob ng matanda sa tubig at kitang-kita niya ang mga katawang nakalubog roon. "Nakikita mo ba ang mga iyan? Iyan ang mga taong walang ginawa kun''di ang tumaliwas sa pamumuno ng aming panginoon. Lahat sila ay naging alaala na lamang at ang mga natitira ay paniguradong mapapasam rin sa kanila sa susunod na kabilugan ng buwan. Lahat sila ay magiging handa sa piging na gaganapin , lahat sila magiging pagkain namin." Nanghilakbot si Esmeralda sa nalamang. Wala palang kaalam-alam sina LOisa sa tunay na hangarin ng hanagob sa kanila. Laht sila magiging pagkain, ibig sabihin, itinira silang malalakas upang maging pagkain lang ng mga aswang na naririto. Dahil sa nalaman, hindi na ininda ni Esmeralda ang pananakit ng kaniyang tiyan. BUong lakas siyang tumayo atibinalibag ang matanda. Tumilapon ito sa tubig at halos malunod dahil sa pagkagulat. S~ea??h the ¦ÇovelFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Walang ng inaksayang oras ang dalaga, hinablot niya mula sa tubiga ng matanda at muli itong ibinalibag pabalik sa lupa., Walang ano-ano''y tila naging isang hangin ang dalaga at sa isang iglkap at nasa harapan na siya ng matanda. Nanlalaki ang mga matang napatitig ang matanda kay Esmeralda at sa pagkakataong iyon ay may nakita siya sa mga mata nito na siyang nagpagulat ng husto sa kaniya. "Hindi ka ordinaryo? Isa kang¡ª " hindi na naituloy ng matanda ang kaniyang sasabihin nang mabilis na inikot ni Esmeralda ang leeg nito. May kung anong lumagutok roon at lupaypay na bumagsak ang matanda sa lupa nang wala ng buhay. Maging ang mga natitriang umatraka nito ay pinagkikitilan niya ng buhay. Wala siyang itinira at lahat ng napaslang niya ay itinapon niya sa ilog bilang alay sa mga buhay na naputol na naroroon. "Gusto mo ng laro? SIge, pagbibigyan kita," naibulong ni Esmeralda bago dinampot ang punyal sa lupa at nagmamadali nang bumaba sa gubat. dumidilim na, ngunit tulad ng dati ay malinaw niyang naaaninag ang daan kahit pa kakarampot lang na liwanag ang nasisilayan niya. Bandang alas siyete nang dumating siya sa bayan, wala ng tao sa labas at lahat ng bahay ay nakasarado na. Napabuntong-hininga si Esmeralda at dali-dali nang pumasok sa bahay na tinutuluyan nila. Doon ay nakita niya si Loisa na tila balisang naghihintay sa kanila. Wala si Dodong sa loob ng bahay at tanging ito lamang ang naroroon. "Esme, anong nagyari, bakit ganiyan ang itsura mo?" tanong ni Loisa, nagkukumahog itong lumapit sa kaniya at mabilis siyang inalalayan para makaupo. "Ano bang nangyari, bakit hindi ka na nakabalik, ang buong akala ko nakuha ka na, si Dodong bigla rin nawala kanina." "Maghanda ka Loisa, sabihan mo ang mga kasama mo, oras na para lumaban kayo. Wala silang ititira, lahat kayo ay magiging pagkain lang ng mga aswang sa kabilugan ng buwan. Tipunin mo sila rito, at ipapaliwanag ko ang lahat." Dahil sa sinabing iyon ni Esmeralda ay dali-daling lumabas ng bahay si Loisa. Pagbalik nito ay nakasunod naman sa kaniya ang iba pang mga kalalakihan. Nasa walong kalalakihan at tatlong babae ang kasama ni Loisa. "Ito na ba ang lahat?" Tanong ni Esmeralda at iniikot ang paningin sa mga naroroon. Agad namang napatda ang tingin niya kay Paeng na nooy malalim ang pagkakakunot ng noo. "Ano ''to Loisa? Kapag nalaman ito ng hanagob, siguradong lahat tayo mapapahamak." si Regan ang unang bumasag ng katahimikan. Halata rin sa iba ang takot at pangamba ng ginagawa nila ngayong pagtitipon-tipon. "Kahit hindi naman tayo magtitipon-tipon, lahat pa rin tayo mapapahamak. Makinig na lang muna kayo, kung nais niyo pang mabuhay at mabawi ang bayan natin, tumahimik kayo at intindihin niyong mabuti ang mga sasabihin namin." wika ni Loisa. Nang tumingin naman si Loisa sa kaniya ay agad nang sinimulan ni Esmeralda ang kaniyang mga sasabihin. Pagtataka, pagkabigla, ito ang iilan lamang sa mga ekspresyong nakita niya sa mga naroroon. Wala ni isa man sa kanila ang umimik, lahat ay tila naguguluhan. "Sino ka ba, bakit ka nangingialam sa amin? Maayos naman ang lahat, pero nang dumating lang kayo, may gan''yan nang nangyayari? Ano ''to Loisa, pati ba ikaw napaniwala na ng babaeng ito? Nangako ang hanagob sa atin na palalayain niya tayo sa oras na mabigyan natin siya ng mga birheng babae sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan, at ito na ang panghuli." wika ni Regan habang masamang nakatitig kay Loisa. "Hindi totoo ang pinangako niya," giit ni Esmeralda. "At paano mo nasabi? Hindi kaya nililinlang mo lang kami para mailigtas mo ang iyong sarili? Nasaan na ang kapatid mo? Pinauna mo na bang patakasin?" tanong ni Regan, agad na nagkatinginan ang mga naroroon, tila ba mas kumbinsido sila sa mga sinasabi ni Regan. Napangisi naman si Esmeralda at agad na kinuwelyuhan ang lalaki. Nagulat pa ito dahil sa kakaibang lakas na pinamalas ng dalaga, halos mapasubsob sa ere ang ulo niya dahil sa paghatak ng dalaga. "Takas? Kung may balak akong tumakas, wala ako ngayon sa harapan niyo. Napakadali lang para sa akin ang lisanin ang lugar na ito nang hindi napapansin o nasusundan ng kinatatakutan niyo. At para naman sa kapatid ko, malalaman mo mamaya kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa niya. Loisa, maghanda ka, at kayo, mamili kayo kung sino ang paniniwalaan niyo. Kung may natitira pang dugo ng manunugis sa pagkatao niyo, damputin niyo ang mga sandatang matagal na ninyong kinalimutan at lumaban kasama kami. Kung ayaw niyo naman, maghintay na lang kayo ng mga sundo niyo para payapa kayong maisalang sa kawa ng mga aswang." Wika ni Esmeralda at marahas na binitawan si Regan. Nang mga oras na iyon, humakbang si Paeng at nilapitan si Loisa. "Totoo ba? Lalaban na tayo? Natauhan ka na rin?" tanong ni Paeng, nagtutubig pa ang mga mata nito habang diretsong nakatitig sa mga mata ni Loisa. Nang tumango ang dalaga ay awtomatikong sumilay ang ngiti sa binata at niyakap ito. "Isa ka pa, nahihibang na kayong lahat. Bahala kayo, basta ako, hindi ako makikisali sa inyo." sigaw ni Regan at mabilis nang lumabas ng bahay. "Matigas talaga ang ulo ng lalaking iyon, pero natutuwa ako Loisa dahil ito na yata ang pinakamagandang naging desisyon mo," wika ni Paeng matapos ang isang mahigpit na yakap. Napaangat pa noon ang kilay ni Esmeralda at lihim na napangiti sa mga ito. nang makapagdesisyon na ang lahat, ay inilatag na ni Esmeralda ang magiging plano nila. "Biglang nawala si Antonio, at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon. Isa lang ang sigurado, sa oras na malaman niyang napatay ko ang isa sa mga tauhan niya at ang isa niyang barangan ay magkaka-ideya na siya sa kung sino ang gumawa nito." salaysay ni Esmeralda. Naging mahaba ang kanilang pag-uusap nang mga gabing iyon, at halos hindi sila nakatulog sa pangamba na baka bigla silang salakayin ng mga aswang. Ngunit ang inaasahan nilang iyon ay hindi nangyari, bagkus ang inaasahan nilang bisita ay nagpakita sa kanila, kinabukasan na. Chapter 54 Chapter 54 - 54Sumapit ang umaga na hindi sila nakatulog kahit idlip lang. Kasalukuyan nang naghahanda si Loisa ng mainit na tubig nang makarinig sila nang pagtawag sa labas ng bakuran. Binuksan ng babae ang pinto at bumungad sa kanila ang apat na kalalakihan na halatang nanggaling pa sa kabundukan. "Loisa, kung ayaw niyong maubos ang lahi niyo, isuko niyo sa amin ang babaeng dayo. Nagbaba na ng utos ang haring hanagob, at sa oras na mapasakamay na namin ang babae ay makalalaya na kayo." wika ng isang lalaki. "Paano kami makasisigurong, hindi binibilog ng hari niyo ang mga ulo namin?" tanong ni Paeng nang hindi kumibo si Loisa. "Aba, tumatapang ka yata ngayon Paeng, baka nakakalimutan mo, hawak pa rin namin ang kapatid mo." babala ng isa pang lalaki. Napangisi naman si Paeng at umakbay kay Loisa. "Matagal na ninyong ginagamit ang kapatid ko laban sa akin? Paano ako nakasisiguro na buhay pa nga siya? Alam niyo, may napagtanto ako, lahat kami rito, may hawak kayong mahal namin sa buhay pero nasaan na nga ba sila? Buhay pa ba sila? O baka ginag*go niyo lang kami pero ang totoo, matagal na silang naging lamang tiyan niyo. Umalis kayo rito, magtuos na lang tayo mamaya." Laban ni Paeng na ikinabigla naman ng mga kalalakihan. Nabakas sa mga mukha nila ang pagtataka at saglit na gumuhit sa mga mata nila ang pangamba. "Kung gayon, humanda kayo. Makararating ito sa aming panginoon." wika pa ng lalaki bago tumalikod ang mga ito. Noon lang din mas naintindihan ni Esmeralda kung bakit naging sunod-sunuran ang mga manunugis sa mga aswang. KUng gayon ay hawak ng mga ito ang kani-kanilang mga pamilya. Hindi niya masisisi ang mga ito kung bakit mas pinili nilang ibaba ang kanilang mga sandata kapalit ng buhay ng kanilang mga pamilya. Pero may punto rin si Paeng, matagal nang hawak ng mga aswang ang pamilya nila, sino ang makakapagsabing ligtas pa rin ang mga ito. "Kung hanggang dito lang ang buhay natin, siguro naman kagustuhan iyon ng panginoon, kung hanggang dito na lang tayo, mas nanaisin ko pang mamat*y nang lumalaban kaysa naman maghintay sa buhay na walang kasiguruhan." dagdag pa ni Paeng na sinang-ayunan naman ni Loisa at kalaunan ay sinang-ayunan na rin ng iba pa nilang kasama. Dahil tahasan na silang bumaligtad, nang araw din iyon ay naghanda sila. Muli nang humawak ng mga sandata ang mga manunugis at nagsanay habang ang iba ay naghahanda ng mga pangontra. Tanghali pa lamang ay nakapaghanda na sila. Maging ang mga sarili nila ay naihanda na rin nila sa maaaring kalalabasan ng gagawin nila. Walang paglagyan ang kaba sa puso ng bawat manunugis na naroroon. Habang si Esmeralda ay patuloy lang sa pagpapatalas ng kaniyang punyal. Saktong alad dos ng hapon nang lumitaw si Dodong, bitbit ang isang malaking sisidlan na animo''y hinabi pa sa iba''t ibang uri ng dahon. "Ate, nakakuha na ako. Pasensiya na dahil natagalan ako, ayaw kasi akong pakawalan ni Hagnaya, nakakainis talaga ang babaeng iyon." Masayang anunsyo ni Dodong at sabik na inilapag sa lupa ang bitbit at yumakap kay Esmeralda. "Mabuti naman, tamang-tama lang ang dating mo. May kaunting pagbabago sa plano dahil may nalaman ako. Pero ganoon pa rin naman ang takbo, lilipulin natin sila at makakapaglaro ka mamaya." Wika ni Esmeralda habang hinahaplos ang ulo ni Dodong. "Kaya nga ate, nasasabik talaga akong makaharap sa labanan si Antonio. Siya nga pala ate, may pinapabigay si Hagnaya sa''yo, sabi niya gamitin mo raw ito sa oras na kailanganin mo. Ikaw lang daw ang nakakaalam ng oras na iyon kaya pagkaingatan mo raw ito." Iniabot ni Dodong ang isang puting bato sa kaniya, magaspang iyon sa kamay ni Esmeralda ngunit may kakaibang lamig iyong hatid sa kaniyang palad. Agad naman niyang ibinulsa ang bagay na iyon at saka tinanong ang bata. "Si Hagnaya, ano ba siya?" Tanong ni Esmeralda. "Isa siyang bantay, bantay ng mga tamawo para hindi makapanakit ng mga tao. Isa siyang mataas na uri ng engkanto na nagpapanatili ng balanse sa mundong ito at mundo ng mga engkanto." Tugon ni Dodong. "Mayro''n din ako ng kagaya niyan ate, pero bata pa ako nang binigay niya sa akin iyon," dagdag pang kuwento ni Dodong. Tumango naman si Esmeralda at agad na pumasok sa isip niya ang isang bato rin na binigay sa kaniya ni Liyab noong bata pa siya. Kulay berde naman iyon habang ang isang ito naman ay puti. "Siya ba ang gabay mo Dong?" "Hindi ate, mabait lang talaga si Hagnaya sa mga taong tulad natin, mahilig siyang magbigay ng mga bato at mutya. Kapag ginamit mo ito sa mabuti matutuwa siya, pero kapag ginamit naman sa masama, mapaparusahan ka. Mahilig talaga siyang manukat ng tao, kung hanggang saan ang kabutihan niya o masisilaw sa kapangyarihan." Nagkibit-balikat naman si Dodong at agad na ring naghanda ng mga gamit niya. "Ibang klase naman pala iyang si Hagnaya. Pero, hayaan mo na, ang mahalaga, hindi natin ito gagamitin sa masama kaya hindi tayo mapaparusahan katulad ng iba." tugon ni Esmeralda at nagsimula na silang maghanda ng mga pinatulis na kawayan at itinayo sa palibot ng bahay ni Loisa. Doon kasi nila napagdesisyonang magtipon para hintayin ang papalusob na mga aswang. Bawat poste naman ng bakod ay nilagyan nila ng nakatiwarik na walis tingting. Bukod pa roon, lahat ng kanilang mga sandata ay ibinabad na nila sa dinikdik na bawang at asin. Ang mga pinatulis nilang kawayan ay ibinabad na rin nila sa bawang at asin. Ang mga babae naman ang siyang naghanda ng kanilang magiging pagkain bago ang kanilang laban. Nag-ihaw ang mga ito ng mga alaga nilang manok at baboy, tila ba nagkaroon ng fiesta dahil roon. "Kung ito man ang magiging huling haponang pagsasaluhan natin, ayos lang, ang mahalaga nabusog tayo. Kaya huwag kayong mahihiya, kain lang." Wika ni Paeng. Kasalukuyan na silang nagtitipon-tipon para kumain. Nasa isang mahabang mesa sila., katabi ng kanilang mga upuan ang kanilang mga sandata. Tulad ng sinabi ni Paeng, kumain sila at nagpakabusog, tila hindi nila alintana ang mga banta na mamaya-maya lamang ay kahaharapin na nila. "Ang sarap talaga, grabe nabusog ako." Wika ni Dodong, himas-himas pa ng bata ang tiyan nito. Maya-maya pa ay kumuha pa ito ng manok ant karne, ibinalot ito ni Dodong sa dahon ng saging at isinilid sa dala-dala nitong bag na palaging nakadikit sa kaniya. "O, akala ko ba busog ka na?" puna ni Esmeralda at ngumisi naman si Dodong. "Baka kasi magutom ako mamaya ate, mas mabuti na na may baon ako. Pagkain pa naman ang nagpapalakas sa akin." tugon naman ni Dodong at nagkatawanan sila. Gumaan ang atmospera sa paligid dahil sa sinabing iyon ni Dodong. At tulad ng ginawa niya, kaniya-kaniya na ring balot ng pagkain ang mga ito. Ika nga nila, tama si Dodong, bahala nang nakikipaglaban sa aswang ang mahalaga busog at hindi sila magugutom. Hinintay nila ang paglubog ng araw, nakatingin lang si Esmeralda sa papalubog na wangis nito, ang kaninang mainit na hangin dala ng sinag ng araw ay napalitan na ng malamig na simoy nito. Kasabay ng paglubog ng araw ang paglatag ng dilim. Sinindihan nila ang mga sulo sa bakod at palibot ng bahay na kinaroroonan nila. Nabalot sila ng pinaghalong kaba at kasabikan. Kitang-kita ni Esmeralda na tila ba hindi mapakali ang mga ito lalo na si Loisa. Nababanaag rin niya ang pag-aalinlangan sa mata ng dalaga. "Lakasan mo lang ang loob mo Loisa, matatapos rin ito at mababawi niyo na ang bayan niyo. Makakabalik rin dito ang mga lolo at lola niyo. Nasa labas lang sila, naghihintay ng inyong paglaya." wika ni Esmeralda, bahagyang tumangi si Loisa at napahigpit pa ang hawak nito sa itak. "Sana talaga, magtagumpay tayo. Para naman makasama ko na si Lolo Goryo." halos pabulong na wika ni Loisa. Matapos ay itinuon nila ang pansin sa labas ng bakurang kinaroroonan nila. Lumatag na ng tuluyan ang kadiliman sa buong kalupaan. Tanging tunog ng kuliglig at ang banayad na ihip ng malamig na hangin ang kanilang naririnig. Nanunuot ang lamig sa kani-kanilang mga buto, tila ang lamig na ''yon ay nakadagdag pa sa kabang kanilang nararamdaman. Habang sina Esmeralda at Dodong naman ay pangiti-ngiting nakatitig lang sa kanilang mga punyal na hawak. Halos sabay pang napatingala si Dodong at Esmeralda nang biglang tumigil ang mga huni ng kuliglig sa paligid. "Nandito na sila ate," bulalas ni Dodong. Inilabas na ng bata ang kaniyang punyal at saka ito binulungan. "Nararamdaman ko sila, maghanda na kayo." Paalala ni Esmeralda at naghanda na sila. Naging alerto sila at nagmatyag sa paligid. Isang grupo ng kalalakihan ang nakita nilang papalapit sa kanila. Halos karamihan sa mga ito ay may malalaking pangangatawan, na halos doble sa sukat ng isang ordinaryong tao. Napapagitnaan naman ng mga ito ang isang matangkad na lalaki¡ª si Antonio na noo''y nakasuot ng isang itim na kasuotan, kabaligtaran ng madalas nitong isuot sa tuwing nakikita nila noon. sea??h th§× novel(F~)ire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Nakakamangha, nakakabilib, hindi ko inakalang may makakapasok na tulad mo sa lugar na ito Esmeralda." Wika nito nang huminto sa harapan nila. May kalayuan rin ang kinatatayuan ng mga ito sa kanila. Tila nangingilag naman ang mga ito dahil sa mga pinatulis na kawayan at mga nakatiwarik na walis tingting na nakapalibot sa bakuran nila. Napangiti naman si Esmeralda at walang takot na humakbang paharap. "Katunayan lang na kayong mga aswang ay may kakulangan rin." Wika ni Esmeralda habang itinuturo ang kaniyang sentido. Tumawa naman si Antonio habang ang mga kasama nito ay umangil dahil sa galit at pagkainsulto. Chapter 55 Chapter 55 - 55Sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ni Esmeralda habang pinagmamasdan ang galit na galit na mga pagmumukha ng mga aswang na kasama ni Antonio. Habang ang lalaki naman ay nakangiti lang na nakatitig sa kaniya¡ª sinusuri at pinag-aaralan ang bawat kibot ng labi at mga galaw na ginagawa niya. "Natuwa ka ba sa pinakita kong ganda ng kagubatan, Esmeralda? Nararamdaman kong hindi ka isang normal na tao at kahit anong pangontra o proteksyon ang ilapat mo sa katawan mo, mararamdaman ko pa rin iyon. Alam mo bang nag-uumapaw ang puwersa sa katauhan mo? Kaya nga gustong-gusto kita. Birhen ka, at higit sa lahat kakaiba ka. Kung makakain ko ang puso mo, siguradong ako na ang magiging hari ng lahat." Wika ni Antonio, bakas sa gwapo nitong mukha ang pagkasabik at pagkaganid sa kapangyarihan. Tila ba ang mga mata nito ay tumatagos sa kaluluwa ng dalaga at nakikinita na niya ang kapangyarihang makakamit niya sa oras na mapasakaniya ang dugo at puso nito. Napangisi naman si Esmeralda at patuyang sinalubong ang mga titig ng lalaki. "Iyon eh, kung may kakayahan kang kunin ang puso ko, hanagob." sambit ni Esmeralda at tila doon nagregudon ang mga pag-angil ng mga kasama nitong aswang. Mabababang uri lang ang mga ito, at halatang hindi ito marunong mag-isip hindi tulad ng kanilang panginoon na animo''y walang reaksyon sa mga panunudyo niya. "Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa kagubatang ito at hindi nagawang makakilos ng mga engkanto at diwata na nangangalaga rito, pero isa lang ang sasabihin ko sa''yo. Pangahas ka, at galit na galit sila." Muli ay wika ni Esmeralda. Humalakhak naman si Antonio, lumabas ang matalas nitong mga pangil. "Mahina sila, syempre wala silang magagawa. Kita mo, ni hindi nila magawang mangialam." Tumatawang wika ni Antonio. Napakuyom naman ng kamao si Esmeralda. KItang-kita niya kung paano binaboy ng mga aswang ang buong kagubatan. Kahit ang mga tubig ay hindi nakaligtas sa kalapastanganan nila. Sinira nila ang buong kagubatan, at ginawa nilang paralisado ang mga nilalang na nangangalaga roon. Kapag naaalala niya ang mga engkantong nakalambitin sa talon na mga walang buhay ay umiigting ang galit niya sa mga ito. Hindi lamang tao ang kinitilan nila ng buhay kun''di maging ang mga nilalang na walang ginawa kun''di ang maisaayos ang kapaligiran. Sa kung paano ito ginawa ng lalaki ay hindi pa niya alam. Alam niyang malalakas rin ang mga engkanto ng gubat, pero dahil napat*y sila ni Antonio, kailangan niyang higit na mag-ingat rito. "Alam kong may ginawa ka sa kanila, at hindi kita mapapatawad," giit ni Esmeralda. "At sa tingin mo may pakialam ako? Magiging lamang tiyan lang kita, kaya maging ikaw walang magagawa." Sumenyas si Antonio at ilan sa mga alagad nito ang kumilos para atakihin sila. Nagsikilos na rin ang mga manunugis ata agad na sinalubong ang mga papalusob na mga aswang. Nagsalubong ang kanilang mga sandata at kuko ng mga aswang. Walang nais padaig¡ª nang oras na iyon, nagmistulang malawakang gyera ang nangyari, naging magulo ang lahat. Habang hayok na sinusunggaban ng mga aswang ang mga manunugis, hindi naman nagpapatalo ang mga ito. Bawat isa ay may pinaglalaban, higit lang na mas nananais ang pagnanais ng mga manunugis na mabuhay, kaya paisa-isa nilang napapatumba ang mga halimaw na minsan nang nagmalupit sa kanila. Nabalot ng kilabot ang buong bayan dahil sa nagaganap na laban. Nakakapanghilakbot ang mga atungal at sigaw ng mga aswang na animo''y nanonoot hanggang sa kanilang mga buto. "Dong, sa likod mo!" Sigaw ni Loisa nang makita ang isang dambuhalang aswang na papasugod sa likod ni Dodong. Mabilis na tumakbo si Loisa para sana tulungan ang bata ngunit sa hindi inaasahan ay napahinto siya nang makitang walang kahirap-hirap na sinangga ni Dodong ang malalaking kuko nito. Napanganga pa ang dalaga sa nakita, sino ang mag-aakalang kakayanin ng isang bata ang isang halimaw na hindi nila mapatumba noon. Dahil sa pagkabigla ay hindi namalayan ni Loisa ang isang nilalang na pagapang na umaataki sa kaniya. Isang punyal ang humagibis sa tabi ng mukha ni Loisa at sinundan niya ito ngtingin. Doon niya nabungaran ang isang aswang na ngayon ay nasa likod niya at akma na sana siyang aatakihin ngunit hindi natuloy dahil sa pagtarak ng punyal sa noo nito. Bumagsak sa lupa ang nilalang at muli siyang napalingon kay Dodong. "Ate, pokus lang, kaya ko ang sarili ko." Wika ni Dodong at muli nang hinarap ang malaking nilalang na kalaban nito. Dahil naman sa tinuran ng bata ay mas naging alerto na si Loisa, itinuon niya ang pansin sa ibang aswang na pilit kumakalaban sa kanila. Mayamaya pa ay may isinaboy na pulbos si Esmeralda sa hangin na siyang nagbago naman ng kanilang sitwasyon. Ang kaninang mga aswang na hayok nahayok na umaatake sa kanila ay namimilipit na sa lupa na tira nasasaktan. "Ano ang nangyayari? Bakit sila nagkakaganyan?" tanong ni Paeng, halos lahat sila ay natigilan. "Ano kayo ngayon, masakit ba? Masakit talaga iyan dahil matindi ang epekto niyan sa mga tulad niyong ahalang ang bituka." Kutya ni Dodong, lumapit naman siya kay Esmeralda at hinarap naman nila ang nag-iisang nakatayo sa gitna ng mga nahihirapang aswang. Tulad ng kanilang inaasahan, hindi eepekto kay Antonio ang akonito. malakas na uri siya ng aswang at nabibilang pa sa matatandang uri, kumbaga sa posisyon, isa siyang datu. "Paano na ''yan, nag-iisa ka na lang," wika ni Dodong na nagpangisi naman kay Antonio. "Mukhang napaghandaan niyo talaga ang pagpunta rito, pinahahanga niyo ako. Pero hindi uubra sa akin iyang panlaban niyo, dahil sa mahihina lang tumatalab iyan. At kung inaakala niyong sila lang ang mga alagad ko, nagkakamali kayo." sigaw ni Antonio. Itinaas nito ang kanang kamay sa ere at ikinumpas ito na tila nagbibigay ng hudyat. Naging alerto sila nang makarinig ng malalakas na angil mula sa kadiliman. Dumagundong ang mga yabag sa lupa at humalakhak si Antonio¡ª tila ba sigurado na ang kaniyang panalo. Nang humawi ang ulap at sumilay ang liwanag ng buwan doon nila nakita ang tatlong malalaking aswang na kapares ng nakalaban ni Dodong. "Ate, may naririnig ako sa ilalim ng lupa, mukhang hindi lang itong nakikita natin ang kalaban na paparating." wika ni Dodong. Tumango si Esmeralda at agad na nagbigay ng hudyat sa grupo ni Loisa. "Loisa, maghanda kayo, kami na ang bahala sa tatlong iyan, pagtuonan niyo ng pansin ang mga nasa ilalim ng lupa, mag-iingat kayo at huwag niyong hahayaang may mahatak ni isa sa inyo." "Sige, kami na ang bahala. Alam namin kung paano kontrahin ang mga tulad nila. Alam kong malakas kayo ni Dodong, napatunayan ko na iyon, pero Mag-iingat pa rin kayo." tugon ni Loisa at bulaik na sa mga kasama niya. sea??h th§× Nov§×l?ire.n(e)t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Sige, matakot kayo, nasisiyahan ako kapag nanginginig kayo sa takot. Mas masarap kainin ang takot." Humahalakhak na wika ni Antonio. Nanlilisik na ang mga mata nito at unti-unti na rin nagbabago ang kaanyuan nito. Kahit sa anyong aswang ay matikas pa rin ito. Kulay abo ang balat nito at maging ang buhok, kumulubot ang mukha nito at tila may mgha ugat na nag-umbukan sa buo nitong katawan. Napunit ang suot nitong itim na pang-itaas at lumantad sa kanila ang katawan nitong punong-puno ng bahid ng digmaan. "Hindi kami takot sa''yo, pangit ka lang pero hindi ka nakakatakot." wika ni Dodong sabay hagis ng punyal rito. Mabilis namang inilagan iyon ni Antonio at natawa pa. Napangisi naman si Dodong at ipinagpag ang kamay na animo''y nag-aalis ng dumi roon. "Gusto ko sanang sukatin ang lakas mo, pero ang sabi ni ate, may atraso ka pa raw sa kaniya, kaya ipapaubaya ko na sa kaniya ang pagpaparusa sa tulad mong anak ng dem*nyo." saad ni Dodong at saka hinarap ang tatlong malalaking halimaw. Agad namang napabaling si Antonio kay Esmeralda na noo''y nakatingin lang kay Dodong na kinukutya ang tatlong halimaw na iyon. "May oras ka pa para isuko ang sarili mo sa akin Esmeralda. Bibigyan kita ng pagkakataon mamili, buhay mo kapalit ng mga buhay nila. Palalayain ko ang bayang ito, ang kapalit, sasama ka sa akin nang walang angal." Nakangising wika ni Antonio. "Babalik ka sa lupa, bakit ako sasama? Bakit ba ang dami mong satsat, lumaban ka kung gusto mo akong makuha." saad ni Esmeralda. Hinugot niya mula sa kaniyangtagiliran ang buntot-pagi at hinagupit ito sa lupa. Umangil naman si Antonio sa nakita, tila ba naapektuhan ito nang makita ang hawak ng dalaga. "Alam mo ba kung ano ito? Buntot-pagi ito na ibinabad ko sa dagta ng akonito. At alam mo ba kung saan namin ito nakuha?" tanong ni Esmeralda at napangisi siya nang makita ang pagkabalisa sa mukha ni Antonio. Dahil rito, mabilis na kumilos si Esmeralda at dinaluhong ng atake ang lalaki. Nang bahagya na siyang malakait ay agad niyang hinagupit ang hawak na latigo sa aswang. Umilag naman ang kalaban ngunit hindi siya nagpatinag, patuloy niyang hinagupit si Antonio at patuloy rin itong umiilag. Ang mga aswang na aksidenteng natatamaan ng latigo ay agad na napapasubasob sa lupa at natutupok hanggang sa maging abo ang mga ito. Samantala, tuwang-tuwa naman si Dodong habang nakikipaglaban sa tatlong malalaking nilalang. Umaalingawngaw ang tawa nito habang tila pinaglalaruan lamang ang mga kalaban. Naging mas lalong marahas ang kanyang paggalaw, tila isang hayop na sabik sa labanan. Hawak niya ang kanyang itak na kasingkinang ng buwan, mabilis niyang iniiwasan ang bawat atake ng mga kalaban at sinusuklian ito ng mas mabagsik na mga hampas. Isang aswang ang sumugod sa kanya mula sa kanan, ngunit bago pa man ito makalapit ay inundayan na niya ito ng isang malalim na hiwa mula balikat pababa sa dibdib. Agad na bumagsak ang nilalang, nangingisay habang natutunaw ang katawan sa ilalim ng liwanag ng buwan. Sa isang iglap, ang natitirang dalawang aswang ay umatras, waring nag-aalinlangan kung itutuloy pa ba ang laban. Ngunit imbes na umatras si Dodong, isang malademonyong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. "Ano? Atras na kayo?" hamon niya, habang iniikot-ikot ang itak sa kanyang kamay. Chapter 56 Chapter 56 - 56Hindi na naghintay pa ng sagot si Dodong. Sa isang mabilis na hakbang, naglaho siya sa kanyang kinatatayuan at lumitaw sa likod ng isa sa mga aswang. Isang mabilis na saksak ang tumagos sa likod ng nilalang hanggang sa dibdib nito, sentro sa kaniyang puso. Ang huling natitirang kalaban ay napaatras, nanginginig, ngunit huli na ang lahat. Sa kabilang banda naman, nagsimula na ring umatake ang mga abwak sa grupo nina Loisa. Tulad ng sinabi ng dalaga, alam nga nila kung paano lalabanan ang mga ito. Sa kalagitnaan ng laban, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap na halos nagpanganga sa mga manunugis. Dumagundong ang lupa at inakala nilang marami pang abwak ang papalusob. Ngunit nang akmang papasuko na sila, nakita nilang tumalsik palabas ng lupa ang mga abwak¡ª duguan ang mga ito at nakapulupot ang mga baging sa dulo ng kanilang mga paa. Tila may buhay ang mga baging na iyon at walang habas silang ibinalibag sa lupa nang paulit-ulit. "May tulong, may tulong na dumating!" sigaw ng isang manunugis mula sa likuran. Mula sa ''di kalayuan, isang bulto ng lalaki ang nakatayo na nababalutan ng kadiliman. Sumilay ang ngiti sa labi ni Esmeralda nang makita ang silweta ng taong iyon. Alam niya kung sino ito at sigurado siyang napagtagumpayan na rin nila ang kanilang misyon. Nagmistulang mga inihaw na naglitawan ang mga abwak sa lupa. Umalingawngaw sa kadiliman ang sigaw ni Mateo at ang mga atungal ng mga aswang na ginagapos ng baging. Tumalilis ng takbo sa Mateo at agad na sinunggaban ng taga ang aswang na papalusob na sana sa likuran ni Dodong. "Kuya, tamang-tama lang ang dating niyo." Masayang wika ni Dodong at agad na ipinasa kay Mateo ang isang itak. Nasalo naman ito agad ng binata at agad na itinaga sa isa pang papasugod na aswang. Nagpatuloy ang laban at sa pagkakataong iyon ay magkatuwang na si Dodong at Mateo habang ang iba naman ay abala sa pagpat*y ng mga natitirang abwak na noo''y nasa ibabaw na ng lupa. Hanggang sa dumating na ang oras na ang tanging natitira na lamang ay si Antonio. Bagsak sa lupa, at humihingal na rin ang mga manunugis na kasamahan nila dahil sa pagod. "Sumuko ka na Antonio, napakaraming buhay na ang kinuha mo. Oras na para singilin ka." Sigaw ni Esmeralda, habol-habol ng dalaga ang hininga habang ang mga mata''y nakatuon sa kausap niya. "Susuko? Susuko lang ako kung mapapabagsak mo ako sa lupa Esme! Kahit kailan, hindi sumusuko ang mga Hanagob!" Paasik na wika ni Antonio, nanlilisik ang ngayong mapupulang mata ng binata. Bakas sa mukha nito ang galit at pagnanais na makitilan ng buhay si Esmeralda. "Talo ka na Antonio, hindi mo pa ba nakikita? Nag-iisa ka na, at marami kami at kahit kailan, hindi nagwawagi ang nilalang na masama ang itinatanim." "Nagwagi na ako, kung hindi ka lang dumating. Sinira mo ang mga bagay na sinimulan ko. Kaya hindi kita mapapatawad." Sigaw ni Antonio. Sa isang mabilis na pagkilos, dinaluhong niya ng kalmot si Esmeralda. Bago pa man ito tumama sa dalaga ay mabilis na nakaiwas ito. Sa pagkakataong iyon, nasangga ni Mateo ang atake nito ngunit dahil sa lakas ni Antonio ay tumilapon ng ilang metro ang binata. Kumilos naman si Dodong at inatake si Antonio. Tila isang sabik na bata si Dodong habang pinapaulanan ng taga ang nilalang. Nanlalaki ang mga mata nito na animo''y walang anggulong makakatakas sa paningin niya. Bawat hagupit ng kanyang itak ay tumatama sa laman ng kalaban, ngunit sa halip na mapaatras, lalo lamang nagiging mabangis si Antonio. Isang nakakabinging halakhak ang lumabas sa kanyang bibig habang tila hinihigop ng kanyang balat ang dugong dumadaloy mula sa mga sugat dahil sa mabilisan nitong paghilom. "Akala mo ba''y madali akong mapapatumba, bata?" wika ni Antonio, kasabay ng mabilis niyang paglapit kay Dodong. Isang mabilis na hampas ng kanyang kamay ang nagpatilapon sa bata. Walang pakialam si Antonio kung bata o matanda ang kaniyang kalaban. Isa lang ang mahalaga sa kaniya¡ª ang tapusin ang mga taong nagtatangka ng katapusan niya. Bumagsak si Dodong sa lupa, umangat ang alikabok na tila isang makapal na usok. Napaubo pa ito habang habol-hininga ngunit wala sa mata ni Dodong ang pagsuko. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang itak, bumangon, at muli siyang sumugod¡ª wala na sa kanyang isipan ang takot, kundi ang tanging hangaring tapusin ang halimaw sa kanyang harapan. Muling nagsalubong ang itak ni Dodong at ang mga kuko ni Antonio, subalit bigo pa rin ang bata na makapagdulot ng malubhang pinsala sa nilalang. Sa halip na mawalan ng pag-asa, ay tila isang sabik na sundalo si Dodong. Lumapad ang ngisi sa nga labi ng bata, walang pagsidlan ang kaniyang kasiyahan. Tila ba ang dugong matagal nang natutulog sa pagkatao niya ay nananabik at kumukulo at anomang oras, ay aalpas ito at magwawala. "Kung hindi kita kayang pasukuin gamit ang mga natutunan ko sa mundong ito, bakit hindi natin subukan ang natutunan ko sa kabilang mundo. Hari ka ''di ba? Puwes, paluluhurin ko ang isang harjng katulad mo!" Sigaw ni Dodong, kakaibang lenguahe ang lumabas mula sa labi ng bata, na maging sina Esmeralda at Mateo ay napatulala dahil sa gulat at pagkabigla. Ang batang boses ni Dodong ay animo''y dumadagundong sa bawat salitang binibigkas nito. Tila maging ang lupa ay nakikinig dahil sa bawat kataga, ay siya ring pagyanig nito. Umihip ang hangin at nahawi ang makakapal na ulap. Ang buwang kaninang nagtatago ay lumitaw at binigyan nito ng liwanag ang dating madilim nilang kinaroroonan. Napaangat ng mukha ang mgaanunugis at tila nakakakita sila ng isang himala. "Tingnan niyo ang buwan, nagkukulay pula. Pero bakit? Ano''ng ritwal ang ginagawa ng batang iyan?" Puno ng pangambang wika ng isa sa mga manunugis. Agad namang umilong si Loisa at pinaliwanag sa mga ito na kakampi nila si Dodong, na alam niyang hindi ito gagawa ng aksyon na maaari nilang ikapahamak. "Mukhang hindi ka rin ordinaryo bata, kung inaakala mong hindi ko alam ang ginagawa mo, nagkakamali ka. Dahil tulad mo, engkanto rin ang gabay ko!" Sigaw ni Antonio at nagsimula na rin itong magbigkas ng mga katagang hindi nila maintindihan. Lalong lumakas ang hangis, tila nagkaroon ng dalawang puwersa nagbubungguan¡ª parehong sumasalungat sa bawat isa. Habang nangyayari ito ay lumitaw naman sa tabi ni Esmeralda si Liyab at may kung anong ibinulong ito. "Sigurado ka, Liyab. Hindi ba kayo mapaparusahan? Pangingialam ito sa problema naming mga mortal." "Nagmula sa amin ang nilalang ma iyan Esme, napag-alaman kong tumakas siya mula sa mahigit isang daang libong taon niyang pagkakakilong sa isa sa mga kuweba sa mundo ng mga engkanto kaya hindi ito pangingialam kun''di pagtupad lamang sa aming tungkulin." "Pero ano itong sinasabi niyang engkanto rin ang gabay niya?" Nagtatakang tanong ni Esmeralda habang inihahanda ang mga ibinulong sa kaniya ni Liyab. "Isang itim na engkanto ang nagpatakas sa kaniya at ito ngayon ang nagbibigay pahintulot sa kaniya na maghasik ng lagim sa kalupaan kapalit ng mga kaluluwa ng mga taong napapaslang niya." Tugon ni Liyab, mula sa kanang kamay nito ay lumitaw ang isang pilak na kadena, kulay pilak iyon ngunit ang wangis nito''y kapares ng isang makapal na baging na madalas makita ni Esmeralda sa kagubatan. "Itim na engkanto? Hindi ba mapapahamak si Dodong?" Tanong ni Esmeralda. Umiling si Liyab at saka ibinigay ang kadenang iyon. Sa dalaga. "Katulad mo, may mga gabay rin si Dodong, mas kabisado niya ang paggamit ng kakayahan niya kaya hindi ka dapat mag-alala. Sundan mo lang ang lahat ng sasabihin ko. Alisin mo ang lahat ng pagdududa at kaba sa puso mo. Maniwala ka sa ating kakayahan Esme." Agad naman sumang-ayon si Esmeralda. Tinungo niya si Mateo at sinabihan itong ilayo roon ang mga manunugis na hindi na makakalaban. "Mas maigi kung lalabas kayo Mat, masyado nang magiging mapanganib sa inyo ang mga gagawin namin. Doon niyo na lamang kami hinatayin sa bahay nila Lolo Goryo." Wika ni Esmeralda at napabuntong-hininga naman ang binata. "Sigurado ka? Paano kung mapahamak kayo? Malakas ang aswang na kalaban niyo. Hindi siya basta-basta. " "Alam ko, kaya mas makakagalaw kmai ni Dodong kunv malayo kayo, hindi na kami mag-aalala na baka balingan niya kayo." S§×arch* The N?velFire(.)net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Wala na ba akong magagawa?" Tanong ni Mateo at umiling si Esmeralda. Ngumiti naman ang binata at tinapik ang balikat niya. "Sige, pero hihintayin ka nmain sa labas nitong bayan. Mag-iingat kayo ni Dodong. " Tugon ni Mateo at mabigat sa loob na tinalikuran ang dalaga. Napasundo naman ang tingin ni Esmeralda sa binata habang inaalalayan nito ang mga sugatan. Kumaway pa siya kay Loisa at sa grupo nito bago muling itinuon ang pansin sa kalaban nila. Chapter 57 Chapter 57 - 57Nang makita ni Esmeralda na nakalayo na ang kanilang mga kasama ay ibinaling naman niya ang atensyon sa kalaban nila. Patuloy ito sa pagbigkas ng mga usal. Marahil ay para tawagin ang sino mang gumagabay rito. Kinuha naman ni Esmeralda ang pagkakataong ito upang ilapat ang sinasabi ni Liyab sa paligid, paikot sa kinaroroonan nila. Nang matagumpay itong matapos ni Esmeralda ay nilapitan naman niya si Dodong upang magsilbing kalasag ng bata habang wala pa sa kasalukuyan ang huwisyo nito. Ayon kay Liyab, habang binabanggit ni Dodong ang ritwal ay hindi nito magagawang protektahan ang kaniyang sarili. Mabuti na lamang at mas nauna na nilang natapos ang mga alagad ni Antonio, kaya ang tanging pagtutuunan na lang ni Esmeralda ng kaniyang atensyon ay ang mga panibagong alagad ni Antonio na ipapadala ng gabay nito. Nang maglaon, lumitaw mula sa anino ng mga guho ang tatlong nilalang na may mga matang nagliliyab sa galit. Tila usok ang mga katawan nito mula sa ibaba habang solido naman ang pang-itaas ng mga ito. Hindi ordinaryo ang mga ito¡ª taglay nila ang kapangyarihang hinango mula sa itim na mahika, at bawat hakbang nila ay tila nagdadala ng sumpa sa lupa. Nangatuyo ang mga damo, maging ang lupa ay nabibitak sa pagkatigang. Animo''y hinihigop nito ang mga buhay ng anomang maapakan at mahawakan nito. "Esmeralda, huwag mo silang hayaang lumapit kay Dodong!" sigaw ni Liyab habang iginuguhit ni Dodong sa lupa ang huling bahagi ng ritwal. Alam niyang anumang pagkakamali ay maaaring humantong sa kanilang pagkabigo at ikakapahamak nila iyon, maging ng buong sangkatauhan. Hindi nag-atubili si Esmeralda,dahil nahaharap sa mapanganib na sitwasyon ay may naging determinado ang kaniyang bawat galaw at desisyon. Mabilis siyang sumalakay, hinugot ang punyal na inukitan ng mga sinaunang dasal. Naglikha ng liwanag ang ukit na iyon sa talim ng punyal niya. Isa-isa hinarap ng dalaga ang mga nilalang, umaasang mabibigyan niya si Dodong ng sapat na oras upang matapos ang ritwal. Ngunit biglang may humaginit na isang patalim mula sa hangin, umatras siya at saktong dumaan ang patalim na iyon sa mukha niya. Napalingon siya sa pinagmulan nito at isang lalaki ang nakita niya. Si Regan. Nakangisi ito habang may hawak pang isang patalim. Nanlilisik ang mga mata nito habang masamang nakatingin sa dalaga. Gulat at pagtataka ang agad na namutawi sa mukha ni Esmeralda. Paanong naroroon si Regan gayong kasama siya nina Loisa nang umalis kanina. "Regan?" aniya, hindi makapaniwala sa nakikita. "Anong ginagawa mo rito?" Ngunit sa halip na sumagot, lalo lamang lumalim ang ngisi ni Regan. Ibinato niya ang pangalawang patalim, kinailangang muling umiwas ni Esmeralda. Dumaplis iyon sa braso ng dalaga at tumusok ito sa puno sa likuran niya, tumagos hanggang kalahati ng talim. "Kakaiba ka talaga Esmeralda, pero nakatutuwang isang tulad mo nag magpapabagsak kay Antonio." Napakuyom ng kamao si Esmeralda. May kakaiba sa kilos ni Regan¡ªparang hindi na siya ang taong nakilala niya. Ang kanyang mga mata, na dati''y may bahid ng init at kakulitan, ngayo''y puno ng dilim. "Regan... ano''ng nangyayari sa''yo?" tanong niya, pilit hinahanap ang dating anyo ng kaibigan ni Loisa. Ngunit imbes na sumagot, mabilis na sumugod si Regan, bumunot ng isa pang patalim at inundayan siya ng matalim na saksak. Nagsalubong ang talim ng kanilang mga sandata. Kakiaba ang lakas na pinapamalas ng binata, tila hindi normal para sa isang taong katulad niya. S§×arch* The N?vel(F)ire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Nagpambuno sila, parehong walang nais magpatalo. Sumasabay sa bawat pag-atake ni Regan ang makadem*nyo nitong tawa. Noon lang din napansin ni Esmeralda ang itim na usok na nasa paanan nito. Napalingon siya nang marahas sa kinaroroonan ng tatlong nilalang at tama nga siya, dalawa na lamang ang naroroon, ang isa ay paniguradong sumapi na sa katawan ni Regan, kung paano ay hindi niya alam. Isa lang ang sigurado, hindi niya maaaring saktan nag katawang lupa ni Regan. Napalatak si Esmeralda, bahagya pang napamura dahil sa kinahaharap na problema. Habang nakikipaglabna si Liyab sa dalawang anino na iyon, siya naman ay umiiwas sa mararahas na pag-atakeng ginagawa ni Regan. "Hoy, Regan, alam kong naririyan ka pa at naririnig mo ako. Labanan mo ang nilalang na iyan, dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang-isip na saktan ang katawan mo." Sigaw ni Esmeralda. Ang totoo, hindi niya alam kung may ulirat pa bang natitira sa katawan ni Regan o tuluyan na siyang sinakop ng nilalang na sumanib sa kaniya. Hindi sumagot si Regan, bagkus ay mas naging marahas ang bawat pag-atake nito. Makailang beses pa niyang pinagtangkaang ibalibag si Esmeralda ngunit mabilis iyong nakokontra ng dalaga. Hanggang sa may naamoy siyang kakaiba na nagmumula sa katawan ni Regan. Amoy na maihahalintulad niya sa isang nabubulok na laman. Napasinghap si Esmeralda, bahagya siyang umatras habang pinagmamasdan ang anyo ni Regan. Hindi ito ang dating lalaking nakilala niya¡ª ang kanyang balat ay nagsimulang magkaroon ng maitim na bitak, at sa bawat pagkilos nito, tila may usok na lumalabas mula sa kanyang katawan. "Regan... ano ka?" mahina ngunit mariing tanong ni Esmeralda, nanatiling nakahanda sakaling muli itong sumugod. Sa halip na sumagot, isang malutong na halakhak ang lumabas sa bibig ng lalaki. Ngunit hindi iyon tunog tao¡ªbagkus, isa iyong malalim at matining na tunog, tila mula sa isang nilalang na matagal nang nakakulong sa kadiliman. "Matagal nang patay ang katawang ito," anito sa isang basag at malamig na tinig. "Isa lamang siya sa manikang aming inihanda para sa gabing ito at oras lang ang hihintayin, lahat silang naninirahan rito, lahat ng kaluluwa nila ay mapapasaamin." Nagsimulang lumamig ang paligid. Ramdam ni Esmeralda ang paggapang ng takot sa kanyang katawan, ngunit hindi siya maaaring umurong. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng isang nilalang na alam niyang nabuo dahil sa kadiliman at kasamaan. Pagkabahala para sa grupo ni Loisa ang agad na rumihestro sa mukha ni Esmeralda. Naggitgitan ang mga ngipin niya dahil sa galit. Maya-maya pa ay tila isang kidlat na kumilos si Regan, kisapmata lamang ang pagitan nang lumitaw ito sa harap ni Esmeralda. Sa kabutihang palad,mabilis na nakakilos si Liyab at sa isang makapal na baging tumama ang tulis ng patalim nitong isasaksak sana sa dalaga. Sa isang mabilis na pagkilos, niyakap ni Liyab ang dalaga at bahagyang inilayo sa nilalang habang sinusubukan nitong alisin ang patalim sa mga baging na nasaksak nito. "Mag-iingat ka, huwag kang magpapadala sa emosyon mo, nakakalimutan mo na naman ang mga paalala ko. Kasama nila si Mateo at alam na niya ang gagawin niya." Wika ni Liyab at hinaplos ang pisngi ng dalaga. Tila nahimasmasan naman si Esmeralda at agarang tumango. Nawala ang pag-aalala sa mukha niya at saka naman binalingan ng seryosong tingin ang nilalang. "Ibig sabihin ang nakaharap namin noon, hindi na siya?" "Oo, napag-alaman namin iyon dahil isang itim na engkanto ang aming nahuli habang ginagawa namin ang misyon. Nagplano kmai ni Mateo at alam naming aabot sa ganito. Ang pagsang-ayon niya sa utos mo ay kasama sa plano. Huhulihin niya ang mga nagpapanggap, siguradong magtatagumpay siya dahil may ibinigay akong makakatulong sa kaniya." Tugon ni Liyab. Dahil sa nalaman, muling nakontrol ni Esmeralda ang kaniyang nararamdaman. Tama si Liyab, hindi siya makakalaban kung paiiralin niya ang emosyon niya. Hindi niya kailangan ang mag-alala. Ang kailangan lang niyang gawin ay magtiwala sa mga kasama niya. Sa pag-ihip ng malakas na hangin, isang nagliliwanag na kadena ang lumitaw sa harapan ni Dodong, kapares iyon ng kadenang hawak kanina ni Liyab. Sa pagkakataong iyon, matagumpay na natapos ni Dodong ang ritwal, isang matangkad na babae ang lumitaw sa tabi nito hawak ang kadena. Umaalon ang buhok nitong nagliliwanag habang ang damit nitong tila hinabi gamit ang mga berdeng dahon ay kumikislap na animo''y nababalutan ng hamog sa umaga. Malaperlas ang kinang ng balat nito at isang mabangong halimuyak ang agad na bumalot sa buong paligid. "Sumuko ka na, Amagorong, ang pagkukubli mo sa katauhan ng nilalang na iyan ay hindi permanente, nasasakdal ka sa mundo ng mga engkanto at marapat lang na iyo itong pagbayaran." Ang malamyos ngunit madiing boses ng babaeng engkanto ang umalingawngaw sa paligid. Banayad ngunit mababanaag mo ang kariinan ng pinupunto nito. Humalakhak si Antonio, ang kaninang maladem*nyong mukha niya ay mas lalo pang naging dem*nyo. Umusli ang nangingitim nitong mga sungay sa ulo, dumilim ang kaninang kulay abo nitong balat habang naguumbukan ang naglalakihang ugat. Kumulubot rin ng bahagya ang balat sa noo nito dahilan para mas maging nakakatakot ang kaanyuan nito. "Sinasabi ko na nga ba, Dumara ang nauuna sa hanay ng mga lakan ni Kalantiao. Hinding-hindi ako magpapahuli, nakalabas na ako, naranasan ko na ang buhay sa napakagandang mundong ito," angil ng nilalang, hinugot nito mula sa ilalim ng lupa ang isang itim na balaraw. "Dumara, magsanib puwersa na tayo upang mahuli natin ang nilalang na iyan." Wika ni Liyab habang iginagapos ang tatlong aninong pinakawalan ni Antonio. Sa pagkakataong iyon, napagtagumpayang talunin ni Esmeralda ang aninong kumokontrol sa katawan ni Regan, bumagsak ang katawang lupa ni Regan at nagsimula na itong maagnas ng tuluyan. Doon lang napatunayan ng dalaga na matagal na talaga itong namayapa at marahil, kabilang na rin ang kaluluwa nito sa mga kaluluwang nakita niyang nakakadena sa ilog. "Liyab, sige, para sa mga kapatid nating nabiktima niya. Para sa mga taong naging sakripisyo para sa baluktot niyang hangarin at para sa sinira niyang kagubatan at mga hayop na kaniyang pinahirapan." Sang-ayon ni Dumara. Inihampas nito sa lupa ang bitbit na kadena na siya ring ginawa ni Liyab, naglikha iyon ng nakakabinging dagundong at bitak sa lupa. Chapter 58 Chapter 58 - 58Inihampas ni Dumara at Liyab ang hawak nilang kadena, naglikha iyon ng nakakabinging dagundong sa lupa. Gumuhit ang nakaririnding tunog, tila ba pinupunit ang lupa. Mula sa pinaghampasan ng kadena, isang uka ang kanilang nalikha at mula sa ukang iyon, nagsulputan ang mga buhay na baging na animo''y naghihintay lang sa utos ng dalawang engkanto. Napalingon naman at napabaling si Esmeralda sa gawi ni Antonio, tila ba hinihigop ng katawan nito ang lahat ng kasamaang makukuha niya mula sa lupa. May kung anong itim na usok na pumapasok sa kaniyang pagkatao at sa bawat usok na iyon ay lalong tumitindi at lumalakas ang puwersang nararamdaman niya mula rito. "Ate, nasabihan ka na ba ni Kuya Liyab, tayo ang magdudulot ng pisikal na sugat sa hanagob at sila ang bahalang humuli rito. Hindi natin siya mapapatay dahil nasa katawan niya ang pinakamatandang itim na engkanto na nabuhay sa mundong ito." wika ni Dodong nang makalapit na siya rito. Tumango si Esmeralda at agad na inihanda ang kanyang kalis. Ipinasadya pa niya ito sa kaibigan ni Ismael na isang panday upang magamit niya sa oras ng pangangailangan. Palagi lang iyong nakabalot sa isang lumang tela at nakasabit sa kaniyang likod kapag nangangaso siya. "Handa na ako, tapusin na natin ang misyong ito Dodong," wika ni Esmeralda at sabay pang gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanilang mga labi. Gamit ang natutunan sa hinaba-haba ng kanilang pagsasanay, mabilis silang kumilos at inatake ang nilalang. Wala na silang sinayang na oras, magkabilaan nilang tinaga ang hawak na patalim ang katawan ni Antonio. Subalit, ang bilis nilang iyon na halos maihahalintulad mo na sa hangin ay hindi pa rin umubra kay Antonio. Walang kahirap-hirap na nasalo nito ang kanilang mga atake. Nagmistulang bakal ang kamay nito na halos hindi man lang nagkagalos nang tamaan ng talim ng kanilang mga sandata. Sabay na umatras ang dalawa, naglikha sila ng tamang distansya mula sa kalaban bago sila umatake. Ulit. Hindi nila ito tinantanan. Patuloy lang silang umatake, hindi nila iniinda ang paulit-ulit nilang pagkabigo. Iisa lang ang nasa isip nila. Masugatan ito at magkaroon sila ng pagkakataong malapatan ito ng akonito na siyang magpapahina sa nilalang. Habang ang dalawang engkanto naman ay nagpapalipad ng mga orasyon sa hangin bilang suporta sa kanilang dalawa. Walang pag-aatubiling nagsaboy ng likido si Esmeralda sa lupa at itinarak doon ang kaniyang kalis, kasabay ng mabilisan niyang pag-uusal ng dasal para sa kombate pisikal. Matapos ang mabilis na ritwal, hinugot ni Esmeralda ang kalis sa lupa at muling dinaluhong ng taga si Antonio. Tinamaan niya ito sa balikat ngunit tila tumama lang sa goma ang talim nito. Nangunot ang noo ni Esmeralda dahio kahit ang pinakamatinding orasyong alam niya ay hindi pa rin umuubra. "Ate, kung kung tumatalab ang kombate pisikal, bakit hindi natin subukan ang espiritual?" Suhestiyon ni Dodong at kumislap ang mga mata ni Esmeralda. Huminto sila sa pag-atake, dumistansiya sa kalaban at sabay na nag-usal ng dasal para kombate espiritual. Sabay nilang iginuhit sa ere ang kanilang mga simbolo at gamit ang espiritual na lakas ng kanilang mga gabay, gunamit nila itong pambalot sa talim ng kani-kanilang mga sandata. Dumadagundong ang halakhak ng nilalang na kalaban nila sa kadilkman ng gabi. Walang kapares ang bangis ng wangis nito, higit na mas malakas ito sa mga nauna na nilang nakasagupa noon. Maging si Esmeralda ay aminado na ito na ang pinakamalakas sa lahat ng aswang na nakalaban niya. Matapos magpakawala ng malalim na hininga, kisapmata lamang ang pagitan nang marating nila ang nilalang at sabay na iniunday ang kanilang mga sandata. Magkabilaan ang kanilang naging atake, subalit sa pagkakataong iyon, nagawa nilang maunahan ang kamay nitong sasangga sana sa kanilang mga atake. "Ito na nag simula mg katapusan mo. Magsimula ka ng magdasal sa kung sinong dem*nyo man ang sinasamba mo!" Sigaw ni Esmeralda sabay taga ng kalis sa braso nito habang si Dodong naman ay pinunterya ang binti nito. Walang nagawa ang nilalang nang sabay ring gumuhit ang talim sa kaniyang kalamnan. Tumilamsik ang maitim nitong dugo sa lupa at iyon na ang naging hudyat sa dalawa para sabuyan ito ng langis na nilagyan ng akonito. Malakas na atungal ang kumawala sa nilalang dahil sa sakit na idinulot ng akonito rito. Hindi na nagsayang pa ng pagkakataon ang dalawa at sunod-sunod na pinaulanan ng taga si Antonio. Bawat taga ay kasabay rin ng pagsaboy nila ng akonito rito. Dahil doon ay nagsimula nang manghina at bumagal ang kilos ni Antonio. Nagawa ring tusukin ni Dodong ang isang mata nito dahilan para lalo itong magwala nang wala sa katinuan nito. Hawak ng isang kamay ang nasaktang mata, walang direksyong iwinasiwas naman nito ang hawak nitong sandata. Kung ano-ano na lang ang natatamaan nito hanggang sa tuluyan niya iting maibaon sa lupa at hindi na mahugot pa dahil na rin sa pagpulupot ng mga baging rito. Wala na iting nagawa kun''di ang bitawan ang sandata at gamitin na lamang ang kamay upang atakihin sina Esmeralda at Dodong. Ngunit sa halip na mabahala, napangisi ang dalawa, mula sa kaliwang kamay nila, kumuha sila ng tig-iisang dakot ng pulbos ng akonito na hinaluan pa nila ang pulbos ng bawang na dinasalan naman ng mga albularyo. Walang pagdududa nila itong isinaboy kay Antonio na siyang lalong nagpahina rito. "Mga walang kuwentang nilalang. Lahat kayo ay tatapusin ko. Humanda kayo, hindi pa rito nagtatapos ang laban ko!" Sigaw nito at pilit pa ring nagwawala. Nang makakita ng oagkakataon si Dumara at Liyab, agad na silang kumilos at hininto ang pag-uusal. Sabay nilang ikinumpas ang kanilang mga kamay at saka inihampas ang kadena sa katawan ni Antonio. Mabilis na gumapang ang dulo nito at pumulupot sa katawan ng nilalang. Pilit pang nagpumiglas si Antonio ngunit muli lang siyang pinaliguan nina Esmeralda at Dodong ng akonito. Maya-maya pa ay huminto ito sa pagwawala at tuluyan na ngang nawalan ng lakas. Hindi na nito magawang kumilos, bukod sa pag-angil at paggigit ng mga pangil niya ay wala na siyang ibang nagagawa pa. "Ayos, ate, ang galing ng huling tira mo kanina. Grabe, ganito pala ang pakiramdam kapag nakalaban ka ng isang malakas na nilalang." Sambit ni Dodong. Natawa naman si Esmeralda at muli ng binalot ng tela ang kaniyang kalis bago ito ibinalik sa pagkakatali sa likuran niya. "Ikaw rin naman, magaling rin ang naisip mong bulagin ang isa niyang mata. Mabuti na lang talaga at naisip mo ang kombate espiritual." "Iyon kasi ang bilin ni lola, kapag ang isang nilalang hindi tinatamblan ng orasyong pang pisikal, gamitan mo ng orasyong pang espiritual. Balot siya ng proteksyon mula sa gabay ng itin na engkanto kaya naisip ko na baka espiritual na lakas ang kailangan natin." Napangiti naman si Esmeralda sa sinabi ng bata. Sa mura nitong edad, nakamamanghang napakatalas ng memorya nito. Marahan niyang hinaplos ang ulo ni Dodong at ginulo ng bahagya ang buhok nitong may kahabaan na. "Kaya nga mabuti na lang at naalala mo." Tugon ni Esmeralda at bumaling naman sa dalawang engkantong may hawak ng kadenang nakagapos kay Antonio. "Salamat sa tulong niyo, Liyab, Dumara. Kinagagalak kitang makilala." Bati ni Esmeralda sa babaeng engkanto. Nagningning nag mga mata ni Dumara at agad na nilapitan si Esmeralda. Tila may kung ano ito g inamoy sa buhok ng dalaga bago sumilay ang malapad na ngiti sa kaniyang magagandang labi. "Kinagagalak ko rin na makilala ka Esmeralda." Makahulugang tugon nito, saka bumaling kay Dodong at hinaplos ang pisngi ng bata. "Magaling ang ginawa mo Dodong, natutuwa akong lumalaki kang malakas ang pag-iisip. Hinahantay ko ang pagbabalik mo sa ating mundo. Sa tamang oras, muli na tayong magkakasama. " Saad naman niya kay Dodong. "Hindi pa oras, pero babalik ako sa mundo natin Dumara, pangako ''yan. Kasama ko naman si Hagnaya, kaya hindi mo kailangang mag-alala sa akin. Siya nga pala, ano na ang gagawin niyo sa nilalang na iyan?" Tanong ni Dodong at napangiti naman si Liyab. "Muli siyang lilitisin, isasailalim siya sa isang ritwal ng paglilinis, ihihiwalay ang katawang lupa niya sa engkanto niyang gabay, nang sa gayo''y, malitis sila ng magkahiwalay." "Gano''n ba, sabagay. Tama lang naman na maparusahan sila. Grabe ang ginawa nila sa mga tao rito. Maging sa mga engkantong walang kalaban-laban. " wika pa ni Dodong. "Magpahinga na kayo, bumalik na kayo sa mga kasamahan niyo. Kami na ang bahala sa nilalang na ito. " Sambit ni Liyab at agaran din ang paglaho ng mga ito kasama ang kanilang bihag. Nagkatinginan pa si Dodong at Esmeralda bago parehong napakibit-balikat. Sear?h the ¦ÇovelFire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Chapter 59 Chapter 59 - 59Matapos makuha ang mga gamit nila, dali-dali na rin nilang nilisan ang baryong iyon. Pagdating naman nila sa kasunod na baryo ay naabutan pa nilang tila nag-iiyakan at nagluluksa sina Loisa. Sear?h the ¦Çov§×lFire .net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Iilan sa mga kasama nila ang huwad, akala pala nila ay marami pa sila ang natira, tingnan mo, kakaunti na lang talaga sila. Grabe ang ginawa ng hanagob sa kanila." Malungkot na wika ni Mateo, hawak pa rin nito sa kamay ang kaniyang itak na may bahid pang itim na dugo. Habang nasa kabila naman ang isang uri ng baging na maihahalintulad mo sa hawak kanina ng dalawang engkantong gabay nila. Marahas na napabuntong-hininga si Esmeralda at nilapitan si Loisa. Niyakap niya ito at hinagod ang likod ng babae. "Esme, wala na sila! Akala ko, matatapos ang gulong ito na magkakasama pa rin kami, pero hindi pala. Lahat ng iyon ay pawang mga nais ko lang,kasi ang totoo, matagal na silang wala." Humagulgol si Loisa at hinayaan lang ito ni Esmeralda na maglabas ng sama ng loob. Napatingin pa siya sa kinaroroonan ni Paeng na noo''y nakasalampak rin sa lupa habang nakasabunot sa sarili nitong buhok. Sumasama ang pakiramdam niya sa nakikitang sitwasyon. Alam niya ang pakiramdam na umasa sa isang bagay na matagal nang hinahangad, ngunit sa bandang huli, mabibigo pa rin pala. Matagal rin bago nahimasmasan ang natitirang grupo ni Loisa. Halos nasa apat na lang pala silang natitira, ang iba ay namat*y dahil sa pag-atake ng mga huwad, hindi nila iyon inaasahan at nahuli ang reaksiyon ni Mateo kaya marami pa rin ang nabawas sa kanila. "Maraming salamat sa tulong niyo. Marami man ang nasawi dahil sa labang ito, natutuwa pa rin kami dahil sa wakas, naipaghiganti na rin namin ang mga buhay na kinuha sa amin. Nabigyan na rin namin sila ng hustisya. Hindi talaga kami nagkamaling lumapit sa inyo." umiiyak na wika ni Lolo Goryo. "Walang anoman ho, lolo. Natutuwa kaming makatulong sa inyo. Nawa''y matagpuan pa rin ninyo ang kapayapaang matagal na ninyong hinahangad." "Ano na ang plano niyo ngayon? Mananatili pa rin ba kayo rito?" Tanong ni Mateo. Umikot ang tingin niya sa mga naroroon. Nasa walo na lamang sila kasama ang dalawang matanda. Nagkatinginan naman ang mga ito at tila ba walang maisagot sa tanong na iyon. "Bakit hindi na lamang kayo sumama sa amin, malawak ang lupang pagmamay-ari ni Lolo Armando at siguradong hindi niya kayo hihindian kung sakaling mapagdesisyonan niyong doon manatili." suhestiyon ni Esmeralda at tumango-tango naman si Dodong. "Tama, doon na lang kayo, masaya sa lugar namin. Malawak ang bukid, maraming gagawing, hindi kayo mabuburyong at magagawa rin ninyong magbagong buhay at maging masaya ulit doon." Sang-ayon naman ni Dodong. "Ayos lang ba talaga?" Tila nahihiya pang tanong ni Lolo Goryo. Nakangiting tumango si Esmeralda, sandali silang nagpahinga sa maliit na kubo na tinutuluyan ng matatanda matapos mailibing ang kanilang mga kaanak at kaibigang nasawi. Hindi na sila nakatulog pa at nakaupo lang habang hinihintay ang pagsikat ng panibagong araw sa buhay nila. Sa unang pagtilaok ng manok, hudyat ng bagong umaga. Nagsimula na rin silang maghanda. Tuluyan nang sumikat ang araw nang makaalis sila sa bayan at nagsimulang tahakin ang daan pabalik sa Bayan ng Luntian. Tirik na ang araw sa katanghalian nang marating nila ang Bayan ng Luntian lulan ng dalawang traysikel. Huminto sila sa harap ng bahay ni Armando, bumaba at agad na silang inalok ni Esmeralda na pumasok. Sakto namang pagbukas ni Mateo ng tarangkahan ay bumungad sa knaila si Roger na noo''y kakapabas lang din ng bahay. Nakatayo pa ito sa balkonahe habang nagsisindi ng sigarilyo. Nagkatinginan pa si Esmeralda at Roger at doon na napakunot-noo ang dalaga. Ito ang unang pagkakataong nakaharap niya si Roger at hindi maganda ang pakiramdam niya. Simula kasi nang dumating ito sa bahay nila ay hindi na siya nagagawi roon. At kung nakakadalaw naman siya ay palaging wala ito o ''di kaya naman ay nasa loob ito ng kuwarto at hindi lumalabas. "Ikaw na ba si Esmeralda? Dalaga ka na pala. Wala si Kuya, mamaya pa ang balik at may ginamot sa kabilang purok. Sino iyang mga kasama mo?" "Gano''n ba, si Lolo Mando, nariyan ba?" Tanong niya. "Nasa loob..." Hindi na niya hinintay ang susunod pa nitong sasabihin at agad na pumasok. Naabutan niyang nagkakape si Armando sa sala habang nakikinig sa paborito nitong drama sa radyo. "Esme, nakabalik ka na pala. Kamusta ang naging misyon mo?" Masayang tanong ng matanda. "Mano po lolo." Kinuha ni Esmeralda ang kamay ng matanda at nagmano. "Maayos ang anging misyon, tagumpay po kami, siya nga po pala lo, kaya po ako narito kasi magpapaalam sana ako. May mga kasama akong mga manunugis galing sa bayang iyon, wala silang matutuluyan at nais nilang magbaging buhay. Naisip ko na dahil malawak naman ang lupa natin sa bukid, kung ayos lang po, doon ko po sila patutuluyin." Kumislap ang mga mata ni Armando dahil sa narinig. Pinaupo niya si Esmeralda at tinapik-tapik ang kamay ng dalaga. "Mabuti naman at naisip mo iyan apo. Kung mga manunugis sila, malaki ang maitutulong nila sa baryo natin. Kaya syempre papayag ako. Malaya silang magtayo ng bahay sa lupa natin. Tama doon sa bukid, malapit sa kubo niyo ni Dodong. Magandang ideya iyang naisip mo hija, natutuwa ako." Masayang wika ng matanda. Napangiti naman si Esmeralda at inalalayan na ito palabas ng bahay upang ipakilala ang mga kasama niya. "Magandang tanghali din ho Ka Armando. Ako si Goryo ito naman ang kapatid kong si Laura. Ito naman ang aking apo, si Loisa at mga kasama niya, si Paeng, Hulyo, Ruben, Helen, at Lando. Lahat sila mga manunugis." Itinuro ni Goryo isa-isa ang mga kasama niya. "Kinagagalak ko kayong makilala. Natutuwa naman ako at pinaunlakan niyo ang alok nitong apo ko. Tulad nga ng sinabi ko sa kaniya, malaya kayong manirahan sa lupa ko doon sa bukid. Si Mateo na rin ang bahalang mag-asikaso ng mga gagamitin niyo sa pagtatayo ng mga bahay ninyo. Marami tayong magagamit riyan." "Naku, maraming salamat po sa mainit na pagtanggap sa amin. Hayaan po ninyo at tutulong po kami sa kahit anong bagay na kaya namin." "Iisa ang ating larangan kaya marapat lang na tayo ay nagtutulungan. Sige na, humayo na kayo at para makapagpahinga na rin. Mateo, Esme, kayo na ang bahala sa mga bisita natin. Papupuntahin ko na lang mamaya roon ang amang mo." "Sige po lo, tutuloy na ho kami." Matapos magpaalam ay naglakad na ulit sila patungo sa bukid. Nang marating nila ay diretsong tinuloy na nila ang kubo ni Esmeralda. "Ang ganda pala rito sa inyo Esme." Puna ni Loisa. Sinasamyo pa ng dalaga ang sariwang hanging dumaraan sa kanila. "Maganda talaga rito ate, kaya hindi kayo magsisisi na dito kayo titira kasama namin." Masayang wika ni Dodong. Nagkatawanan naman sila. Ibinaba na nila ang gamit nila sa papag na nasa labas ng bahay. Ang ibang kalalakihan naman ay doon na tumuloy sa bahay ni Mateo habang ang dalawang matanda at sina Helen at Loisa naman ay doon na sa kubo ni Esmeralda. "Ang saya talaga ng bahay kapag marami tayo." Sabik na wika ni Dodong. "Talaga Dong? Pero bakit ayaw mo doon sa bahay ni Lolo." Birong tanong ni Esmeralda kahit alam naman niya ang sagot. "Nge, ayoko do''n ate, maingay kasi si Tiya Silma, tapos laging galit ang anak niya. At mas lalong ayaw ko doon sa asawa niya. Parang laging hindi gagawa ng mabuti." Nakangiwing tugon ni Dodong na ikinatawa naman ng dalaga. "Oo nga pala, Esme, salamat nga pala dahil hinayaan mo kaming manirahan dito. Sadyang napakabait ng pamilya mo." Wika ni Loisa. "Mabait talaga sila ate, maliban sa isa at sa pamilya niya. Pero kung si Lolo at tatay Ismael, mababait ang mga iyon." "Dodong talaga. Pero tama naman, mabait si Lolo Armando at amang. Tulad ng lolo mo, isa ring albularyo si amang at dating albularyo naman si lolo. Si Tiya Margarita naman, minsan lang kung dumalaw rito." Paliwanag ni Esmeralda. Hapon ng araw ding iyon ay dumating si Ismael. Nagkausap ulit ito at ang dalawang matanda at napaglasunduan nga nilang magtayo ng bahay para sa mga manunugis doon. Kinaumagahan naman ay nagsimula na ring magtulong-tulong ang mga ito sa pagkuha ng mga gagamitin sa pagtayo ng bahay. Halos isang linggo rin ang binuno nila para maitayo ang tatlong magkakasunod na kubo sa tabi lang din ng kubo nina Mateo at Esmeralda. Nagmistulang maliit na komunidad ang kanilang lugar dahil doon. Mas naging masaya rin si Dodong dahil kahit papaano ay mas marami siyang nakakasalamuhang tao bukod sa mga mambubukid at kay Mateo at Esmeralda. Chapter 60 Chapter 60 - 60Lumipas pa ang ilang araw at tuluyan na ngang naging komportable sa Bayan ng Luntian ang grupo nina Loisa. Naging katulong rin sila ni Mateo sa pag-aasikaso ng bukirin kaya naman mas napagaan pa ang kanilang trabaho. Naging malapit na rin ang mga ito sa mga taong nagtatrabaho roon kaya naman naging masaya si Esmeralda sa resulta. "Ate, sabi ni tatay malapit na raw ang kaarawan mo, at sabi niya, pupunta raw tayo sa bayan para mamili ng mga sangkap para sa lulutuin natin sa araw na iyon. Kailan ba ang kaarawan mo?" "Talaga?" "Opo ate, sabi ni tatay mamayang hapon raw, pupunta raw siya rito, nagpagpasiyahan kasi nila na dito na lang daw sa halip na doon sa bahay." wika ni Dodong habang itinatali ang mga sitaw na naani nito sa kanilang taniman. Natahimik naman si Esmeralda at napatingala sa kulay asul na kalangitan. Matapos ang kanilang tanghalian nang araw na iyon ay nagdesisyon silang tumambay muna sa ilalim ng puno ng mangga. Malamig ang simoy ng hangin sa parteng iyon sa kabila ng mainit na panahon. Nakasandal lang si Esmeralda habang nahuhulog sa malalim na pag-iisip. Tila nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pagramdam niya ng kakaiba sa paligid at sa kaniyang sarili. "Ate, bakit parang bigla ka naman yatang naging sobrang tahimik diyan?" Puna ni Dodong. Nakatitig lang sa kaniya ang bata habang nakatunghay ito sa kaniyang kinauupuan. Bahagyang nangiti ang dalaga at napakamot. "Wala naman, iniisip ko lang kung ano ba ang magandang bilihin natin mamaya. May pera naman tayo, iniisip kong bilhan ka ng bago mong damit at tsinelas." Saad ni Esmeralda. Lumapad ang ngiti sa labi ni Dodong at halos mapatalon pa ito sa tuwa. "Talaga ate, sige, gusto ko ''yan." " O siya sige, basta ikaw ang mamimili ha. Sa damit naman, kailangan iyong kasya sa iyo." Mag-a- alas dos ng hapon nang dumating sa bukid si Ismael. Bitbit nito ang isang malaking bayong na walang laman. Marahil ay doon nito isisilid ang mabibili nila mamaya. "Amang, narito na pala kayo." "Handa na ba kayo? Nasaan na si Mateo?" Tanong agad nito. "Nasa kubo po niya, nagpapahinga. Isasama rin po ba natin si Mateo?" "Aba oo, para may makatulong naman sa atin sa pagbubuhat mamaya." Tugon ni Ismael at agad namang tumayo si Dodong sa kinauupuan nito ay nagpresenta nang tawagin si Mateo. Matapos matawag ang binata at agad na rin silang umalis. Sa palengke naman, halos lahat ng madadaanan nila ay binabati sila. Partikular kay Ismael na naging takbuhan na rin ng mga nangangailangan. "Ang dami naman nito amang, pakakainin niyo ba ang buong baryo?" Biro ni Esmeralda at natawa naman si Ismael. "Aba oo, sakto rin kasi na ikapitong taon na matapos ng huling handa natin para sa pagbibigay pasalamat sa anihan." "Ah, kaya pala doon sa bukid niyo naisipan. Pero ayos na rin po amang , magiging tahimik dahil, maraming tao. Hindi makakapanggulo si Tiya Silma." Saad ni Esmeralda na ikinatawa naman ni Ismael. Tumango-tango pa ito habang tinatapik ang balikat ng dalaga. . "Parehong-pareho talaga kayo ng iniisip ng lolo mo." Tatawa-tawang wika ni Ismael. Magdadapit-hapon na rin ng marating nila ang kubo. Agad nilang inimbak ang kanilnag mga pinamili. May mga dumating rin na iilang kalalakihan na may bitbit na buhay na baboy. "Ka Mael, narito na po ang pinabili niyong baboy. Kailan ho ba natin iihawin ito?" Tanong ng isa sa mga lalaki. "Sa susunod na araw na, itali na lamang muna ninyo ang mga iyansa bakuran." "Sige ho Ka Mael, aba''y mukhang magiging mas magarbo ang handaan natin ngayon. Itataon pa sa kaarawam ni Esmeralda. Siguradong magiging masaya na naman ang ating baryo niyan. Tinalo pa ang piyesta ng bayan ng Luntian." Saad pa ng isang lalaki at nagtawanan pa ang mga ito. Kinabukasan nga ay naging abala ang mga magsasaka sa pagtatayo ng malaking tolda sa bukid. Habang ang mga kababaihan naman ay siyang tumutulong kina Loisa sa pag-aani ng mga gulay na maari nilang gamitin sa kanilang mga lulutuin. Tulong-tulong ang mga ito at tila nagkaroon nga ng piyesta sa kanilang maliit na nayon. "Ang gaganda ng ani ng mga gulay, ang laking tipid talaga kapag may mga pananim ka." Wika ni Laura. S§×arch* The n??el Fire.n§×t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Tama ka lola, grabeng biyaya ang natatanggap ng lupa ni Lolo Armando. Hitik ang lahat sa bunga at sagana palagi ang ani nila. " Sang-ayon naman ni Laura. "Dahil maruning silang magbigay. Kita mo naman,hindi sila madamot. Mahal sila ng buong baryo. Masdan mo at kusang loob na tumutulong ang lahat. Napakapayapa ng ganitong buhay. Walang inggitan, puro lang pagbibigayan." Saad naman ni Lolo Goryo na siyang nagbubungkal naman ng mga kamote. "Hindi lang po iyon,may basbas ang lupa na ito galing sa mga tagapagbantay ng kalikasan. Kaya kahit anong mangyari, ang lupa rito sa bukid ni Lolo Mando ay laging magiging sagana." Pambibida naman ni Dodong. "Basbas? Ibig sabihin may mga naninirahang iba rito sa lupa nina Lolo Armando?" Tanong ni Loisa, bakas sa mukha ng dalaga ang gulat at pagkamangha. "Opo ate, doon sila sa puno ng mangga sa bakuran ni Ate Esmeralda. Pagdating ko rito, grabe, ang lakas agad ng presensiya na naramdaman ko. Pansin niyo naman, napakalago at napakaganda ng punong iyon, kumpara mo sa ibang mga puno na naririto." Turan pa ni Dodong. "Hindi na nakapagtataka iyon. Lapitin talaga ng mga mabubuting nilalang ang mga mabubuting tao." Wika ni Lolo Goryo na sinang-ayunan naman nila. Samantala, habang abala naman sina Dodong sa pag-aani, nasa bakuran naman si Esmeralda at inaayos ang maliit na magiging hapag para sa mga pagkaing iaalay naman nila sa mga kaibigan nila. Habang abala siya ay panaka-naka naman niyang nakikita ang mga laman-lupa na tila abala rin sa mga ginagawa ng mga ito. Hindi na iyon pinagtuunan ng pansin ni Esmeralda dahil mas inuna na lamang niyang ayusin ang dapat. Hapon nang maisaayos niya ang lamesa, napapalaplmutian ito ng mga nakapasong halamang namumulaklak at mga bulaklak na binili nila kanina sa palengke na nakalagay sa malalaking plorera. "Ate, sabi ni tatay Ismael kung tapos ka na raw, sabay-sabay na tayong maghapunan. Maaga raw tayong magpapahinga ngayon dahil maaga pa tayo kikilos bukas." Bungad ni Dodong. "Sige Dong, susunod na ako. Mauna ka na." Wika niya. Naulinigan pa niyang naglakad na palayo ang bata. Pinasadahan naman niya ng tingin ang kaniyang ginawa at napatango-tango bago ito nilisan. Matapos ng kanilang hapunan ay maaga pa sioang nagpahinga. Nagsiuwian na rin ang mga magsasaka at nangakong babalik na lamang pagsapit ng alas tres ng madaling araw. Habang nasa kalaliman ng pahinga sina Esmeralda, isang pagtawag naman ang kaniyang narinig. Hindi pamilyar ang boses na iyon, ngunit batid niyang isang bata iyon. Bumangon si Esmeralda sa papag na kinahihigaan niya at tinungo ang kaniyang bintana. Binuksan niya ito at bumungad sa kaniya ang isang nakangiting batang babae. Nangunot ang noo niya kung bakit ito naroroon ng ganoong oras hanggang sa makita niya ang maliit na puting laman-lupa na nasa balikat nito. "Karen, bakit ka naririto?" Tanong ni Esmeralda. Dali-daling lumabas ang dalaga sa kubo at pinuntahan ang bata sa labas. "Bakit ka nandito, ikaw lang ba, hindi mo kasama ang lolo at lola mo?" "Hindi po ate, babatiin lang po kita ng maligayang kaarawan, at saka may sasabihin lang akong mahalaga." Wika ni Karen. Napatitig naman sa kaniya ang dalaga at doon lang niya napansin ang pagbabago rito. Tumangkad si Karen at ang noo''y maputlang balat nito ay magkaroon na ng magandang kulay. Bagaman naroroon pa rin ang kapansanan ng bata ay nakakamanghang mas lalo itong gumanda sa paningin ni Esmeralda. May kakaibang kinang sa mga mata nito maging ang ngiti nito ay nakakamangha. Iyong tipong sa pagngiti pa lamang niya ay mahuhulog ka na. "Ate, may panganib na nagbabanta, may mga magbabalik, ilan sa kanila ang magiging kasagutan sa lahat ng iyong katanungan at ang Ilan naman ay maghahatid ng panganib sa iyong tahimik na buhay." Salaysay ni Karen. Nakita naman ni Esmeralda ang pagtango ng nilalang na nasa balikat nito, hudyat na totoo ang sinasabi ng bata. Hindi nagsasalita ang nilalang na iyon at tila sa isip lamang ito ni Karen nangungusap. "Gano''n ba, maraming salamat Karen. Huwag kang mag-alala, lagi kaming nakahanda sa ano mang panganib na nasa paligid." Ngumiti si Karen at tumango. Marahang hinawakan ang kamay ni Esmeralda at bahagya itong pinisil. "Hindi mo kailangan magpasalamat ate, ako ang dapat magpasalamat. Dahil sa ginawa ninyo, mas naintindihan ako ni lolo at lola. Hindi na rin sila gaanong nag-aalala dahil alam nilang may mga kasama ako. Masaya na ako ngayon kasama sila, at hiling ko rin ang kasiyahan mo ate." Makahulugang wika ni Karen. Saglit pa silang nagkamustahan hanggang sa ito na rin mismo amg nagpaalam sa kaniya. Isang lagusan ang tila nabuksan sa harapan nila. Doon lang napagtanto ni Esmeralda kung paano ito nakarating sa harap ng kaniyang kubo. Napangiti na lamang si Esmeralda at saka bumalik sa sa kinahihigaan niyang papag. Chapter 61 Chapter 61 - 61Sumapit ang alas tres nang madaling araw. Nagising si Esmeralda sa ingay ng mga nag-uusap na magsasaka. Tila nagtatawanan ang mga ito habang may iba''t ibang ingay na siyang naririnig sa labas ng kaniyang kuwarto. Bumangon si Esmeralda at dumiretso na sa banyo ng kubo nila. Naligo at pagkatapos ay nagpalit na rin ng damit, bago lumabas. Sa paglabas niya ay naabutan niyang abala na ang mga magsasaka sa paghahanda ng mga kawayang gagamitin nila mama ya sa mga baboy. Habang ang iba naman ay tulong-tulong na hinahatak ang mga baboy na kanilang iihawin. Binati lang niya ang mga ito at saka naman tinungo ang likod ng kanilang bakuran upang silipin kung nasa maayos pa ang ginawa niya kahapon., Tulad ng inaasahan, maayos pa ito at mas lalo pang tumingkad ang pagkakapamukadkad ng mga bulaklak na inilagay niya. Napangiti siya at mahinang nag-usal ng pasasalamat sa mga ito. "O, Esme, gising ka na pala. Magkape ka muna doon, nag-init na ng tubig ang Lola Laura mo. Naroroon na rin sina Loisa at naghahanda para sa mga lulutuing kakanin." wika ni Ismael nang makasalubong niya ito pabalik. "Sige ho amang. Siya nga po pala, naalala pa ho ba ninyo si Karen?" "Karen? Sinong Karen anak? Naging pasyente ko ba iyan? Sa dami ng naging pasyente ko, parang hindi ko mawari kung sinong Karen iyan." Nagtatakang napatingala si Ismael habang pilit na iniisip kung sinong Karen ba ang tinutukoy ng anak niya. "Si Karen ho, iyong batang bulag na may kaibigang laman-lupa." Agad namang nagliwanag ang mata ni Ismael nang maalala kung sino ito. Tumango-tango ito at kunot-noong napatingin naman kay Esmeralda. "Bakit mo nga pala naitanong hija?" Tanong ni Ismael na doon lang tila nakahuma sa sitwasyon. "Dumalaw ho kasi siya kagabi, ako man ay nagulat rin, pero mukhang malakas na uri ng laman-lupa ang kaibigan niya. Nakita kong nagbukas sila ng lagusan na siyang dinaanan nila papunta rito. At may sinabi ho siyang babala." "Babala? Kung gano''n totoo ang mga pahiwatig na nakikita ko sa aking panaginip. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero anak, nitong mga nakaraang linggo, palagi akong dinadalaw ng mga pangitain, at lahat ng iyon tungkol sa''yo." Panimulang saad ni Ismael, tila ba doon lang nagkaroon ng kaliwanagan sa matanda ang mga naranasan niyang panaginip. Isa-isang sinalaysay ni Ismael ang mga pangitain niya. "Totoo po ba iyan amang? Pareho kayo ng sinabi ni Karen. May magbabalik daw, at may darating. Isa sa kanila ang may dalang panganib at ang isa naman ay sasagot sa lahat ng aking katanungan. Pero amang, may kinalaman kaya rito ang pagbabalik ni Tiyo Roger? Siya lang naman ang alam kung bumalik." Wika ni Esmeralda. Bagaman wala siyang alam sa mga nangyari noon dahil sanggol pa lamang siya, minsan na rin itong nabanggit ni Ismael sa kaniya. Kaya kahit papaano, may ideya siya rito. "Hindi rin ako sigurado anak, pero mas mabuting lumayo ka lang sa kaniya. Kung ganitong hindi pa tayo sigurado, panghawakan na lamang natin kung ano ang sinasabi ng ating mga kutob." "Sige ho amang. Ganoon na nga lang muna ang gawin natin." Matapos ang usapan nilang iyon ay naging abala na sila. Hanggang sa sumapit ang pagbukang-liwayway ay patuloy pa rin sila sa pagluluto. Tila isang bayanihan ang nagaganap sa bukid dahil halos lahat na yata ng kapit-bahay at mga magsasakang nagtatrabaho sa pamilya ni Armando ay naroroon. Nakangiting nakatingin lang si Esmeralda sa mainit na tanawing iyon. Tila isang panaginip ang nakikita niya. Masaya lang ang lahat, tahimik na nagtatrabaho, at panaka-nakang may tawanan at biruan pa. "O, bakit para ka namang timang diyan, ngumingiti ka ng mag-isa." Biglang puna ni Mateo. Napapitlag naman si Esmeralda at nanlalaki ang mga matang napatingin sa gawi ni Mateo. Malapad pa ang pagkakangisi nito na tila ba nang-aasar. "Anong timang ka diyan. Parang gusto mo yata ng sakit ng katawan ah, sabihin mo lang. " Inumang agad ni Esmeralda ang kamao niya sa binata na ikinatawa naman ng huli. Sear?h the nov§×lF~ire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Paano ba naman kasi, kung nakikita mo lang ang itsura mo, kung hindi kita kilala, iisipin ko nababaliw ka na." Biro pa ni Mateo at natawa na lang din si Esmeralda. "Masama ba ang matuwa? Natutuwa lang kasi ako dahil napakapayapa mg nakikita ko. Sana ganito na lang lagi..." Hindi pa man din natatapos ni Esmeralda ang sasabihin ay agad naman nilang naulinigan ang mataas at matinis na boses ni Silma na tila may kaaway. "Ano ka ba naman ate, hayaan mo na lang si Kuya. Nakakahiya sa mga tao." Awat ni Margarita sa kapatid. "Anong hayaan, aba''y napakasuwerte naman ng ampon na iyan, ano ito kung siya ayos lang na ganito ka engrande, pero noong kaarawan ng anak ko simpleng handa lang? Ano to lokohan, mas mahal pa niya ang ampon na ni katiting na dugo ay walang nananalaytay sa mga ugat niya." Umalingawngaw ang boses nito sa bukid na agad namang nakakuha sa atensyon ng nakararami. Umugong ang bulung-bulungan at napatayo naman si Ismael sa kinauupuan nitong bangko. Salubong ang kilay na hinarap niya ang paparating niyang mga kapatid. "Silma, tama ba iyang pinapakita mong ugali. Hindi ka na nahiya sa mga tao." Saway ni Ismael. Nakapameywang naman na humaral si Silma kay Ismael, tila ba tinubuan ito ng sandamakmak na lakas ng loob na sumagot sa nakakatanda nitong kapatid. "Mahiya? Ako ba ang dapat mahiya kuya? Hindi ba dapat ikaw nga ang mahiya, tingnan mo naman, pinapakilos mo ang buong purok natin para sa ano? Para lang sa kaarawan ng ampon mo. Ganoon ba siya kaimportante?" Tila hindi maubusan ang Ginang ng itatalak niya. Sa bawat salitang ibinabato nito ay lalong lumalalim amg kunot sa noo ni Ismael. "Ano bang sinasabi mo Silma? Nahihibang ka ba? Rita, iuwi mo na iyang ate mo," "Pasensiya na ho kuya, kanina ko pa nga pinapaliwanag kay ate na magkasabay na idadaos ang kaarawan ni Esme sa ikapitong taong pagpapakain sa bukid pero parang bingi siya sa mga paliwanag ko." Paliwanag naman ni Margarita na tila ba hindi na alam ang gagawin. "Bakit niyo ako paaalisin, bakit, dahil nahihiya kayo? Aba dapat lang. Ni hindi niyo nga maibigay sa mga anak ko ang ganito ka garbong handaan tapos para lang sa isang ampon? Grabe, nakakatawa kayo." Pagak na tumawa si Silma at nang mabaling ang mata nito sa gawi ni Esmeralda ay walang kaabog-abog na dinaluhong nito ang dalaga. Isang malakas na sabunot ang iginawad nito kay Esmeralda at nagkagulo na ang lahat. Naiiyak nang hinahatak ni Margarita ang kapatid habang pilit itong pinipigilan sa ginagawa. "Ang bagay sa''yo ingudngod sa lupa. Dahil diyan ka nababagay. Wala kang kuwenta, wala ka ng ibang dinala sa pamilyang ito kun''di kamalasan." Gigil na wika ni Silma habang ang kamay nito''y nananatiling nakasabunot sa dalaga. Hindi naman gumawa ng aksyon si Esmeralda at patuloy lang niyang pinoprotektahan ang sarili upang hindi gaanong masaktan sa pagsabunot nito. Hindi kasi agad siya nakahuma dahil may naramdaman siyang kakaiba sa tiyahin niya. Tila ba wala ito sa sarili, bagaman matindi ang galit ng ginang sa kaniya, alam niya kahit papaano na may delikadesa ito. Hindi ito basta-basta susugod lalo na kapag ganitong maraming tao at ang iilan pa ay malalapit niyang kaibigan na madalas niyang katsismisan. Nagtagal pa ang pagkakakapit nito sa kaniyang buhok bago ito tuluyang nakabitaw sa kaniya. Agad na inilayo ng mga kalalakihan si Silma kay Esmeralda at mabilis namang sinuri ni Ismael ang kaniyang anak. "Esme, ayos ka lang ba, nasaktan ka ba?" Tanong ni Ismael habang sinusuri nito ang ulo ng dalaga. Nag-aalala ito para sa anak at sa magiging epekto nito sa kaniyang kapatid. "Diyos ko naman Silma. Bakit ba hindi ka nakikinig. Hindi lang ito para kay Esmeralda. Ang handang ito ay para sa lahat, para sa masaganag ani na ating nakukuha." Sigaw ni Ismael. Sa sobrang galit niya ay malakas niyang nasampal ang ginang na nagpaestatwa naman rito. Tila ba nagulat ito sa ginawa ni Ismael. "Talaga kuya, para lang sa kaniya sasaktan mo ako?" "Sasaktan kita dahil mali ang ginagawa mo. Ano bang nangyayari sa''yo. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?" Isa pang sampal ang iginawad ni Ismael sa kapatid at sa pagkakataong iyon, tila nawala ang kaninang kakaiba sa mga mata ni Silma. Naramdaman rin ni Esmeralda ang malamig na hanging dumaan sa kaniyang tabi. "Amang, tama na ho, hindi alam ni Tiya ang ginagawa niya." Awat ni Esmeralda. Tila nahimasmasan naman si Silma at nagtataka kung bakit naroroon siya. Bahagya rin siyang nakaramdam ng sakit sa kaniyang pisngi na pinagtakahan rin nila. Maya-maya pa ay tila lantang gulay itong nabuwal sa kinatatayuan niya at nawalan ng malay. Nasalo naman ito agad ni Ismael at muli silang nataranta dahil sa nangyari. Nagpatuloy ang kanilang mga gawain matapos ang eksenang iyon. Dinala naman nila si Silma sa loob ng kubo ni Esmeralda at doon ito sinuri ni Ismael. "May naramdaman akong dumaan kanina amang, matapos ang ikalawang sampal mo kay Tiya. Kaya nga ako hindi pumatol kanina kasi ramdam ko na may mali sa kaniya. Wala siya sa huwisyo niya at parang may kumokontrol sa kaniya." Paliwanag ni Esmeralda. Nakakaunawang tumango naman si Ismael at agad na nagpausok ng kamangyan sa tabi ng walang malay niyang kapatid. "Kuya, doon lang muna ako sa labas, aasikasuhin ko lang ang mga gawaing naiwan doon. " Paalam ni Rita, saka dali-dali nang lumabas ng kubo. Chapter 62 Chapter 62 - 62Paglabas ni Margarita ay pinagpatuloy naman ni Ismael ang pagpapausok sa kaniyang kapatid. Nag-usal siya ng dasal at inihip iyon sa bumbunan ng ginang. Ilang beses rin niya itong ginawa, bago ito tuluyang magising. "Kuya, anong... anong ginagawa ko rito? Anong nangyari, bakit parang ang sakit yata ng pisngi ko?" Tanong ni Silma, nakakunot pa ang noo nito habang inililibot ang paningin. Nang mapatda naman ang mga mata nito kay Esmeralda, napaismid si Silma ngunit hindi ito nagsalita. Kabaligtaran ng ikinilos nito kanina nang sugurin siya ng ginang. "Tiya, wala ka bang naaalala sa ginawa mo kanina?" tanong ni Esmeralda, "Ginawa? Bakit ano ba ang ginawa ko?" mataray na tanong ni Silma. "Inatake mo po ako sa maraming tao kanina, nagwawala kayo sa harap ng ating kababaryo." tugon ni Esmeralda at bakas sa mukha ni Silma ang pagkagulat, lalo lumalim rin ang kunot sa noo ng ginang. "Hoy, Esmeralda, galit lang ako sa''yo pero hindi ako tanga. Bakit naman ako magwawala sa harap ng maraming tao, ano ako sira? Kuya ano ba ito, pinararatangan ako ng ampon mo, hahayaan mo na lang ba siyang gumawa ng istorya para sirain tayo. Nananahimik na ako ah, naiinis lang ako sa ampon mo pero hindi pa sira ang ulo ko para ipahiya ang sarili ko sa mga kababaryo natin." paliwanag naman ng ginang at doon lang tila nakahinga si Esmeralda. "Amang, tama ang unang hinala ko, hindi si tiya ang may kasalanan ngayon. May gustong sumira ng araw natin o di kaya naman ay may nagbababala sa atin." "Hindi naman talaga ako ang may kasalanan, ano bang ginagawa ko rito? Nasa bahay lang naman ako at naghahanda rin kami ni Roger para sa okasyon mamayang hapon." Wika ng ginang at marahas na napabuntong-hininga si Ismael. Dahan-dahan naman niyang isinalaysay sa kapatid ang mga pangyayari kanina. Nanlalaki naman ang mga mata ni Silma sa nalaman at napatingin pa kay Esmeralda bago umiling at napatingin pabalik kay Ismael. "Hindi ko alam kuya, ang huling natatandaan ko, kararating lang namin ni Roger sa bahay galing pamamalengke. Hindi ba nga''t nag-usap na tayo na kami ni ROger ang bahala sa ibang lulutuin, tapos dumating si Margarita at tinulungan nga niya ako sa kusina. Abala kami kanina at ''yon lang ang naaalala ko." Tila naiiyak pang wika ni Silma. "Amang, parang may mali, pero sa akin na lang muna ito. Ipagpatuloy po natin ang okasyon ngayon, magmamasid kami ng mga gabay ko. Tiya Silma mas makabubuti kung magsusuot ka ng proteksyon, gawin mo rin ito sa mga anak mo at kay Tiyo. Parang may mali, pero hindi pa ako sigurado." Suhestiyon ni Esmeralda. Natahimik naman si Silma at tila ba nagdadalawang-isip kong susundin ba niya ang payo ng dalaga o hindi. "Sige na anak, ako na ang bahala rito sa tiya mo, Ikaw naman Silma, bawas-bawasan mo na ang pagdududa mo, hindi naman makasasama sa iyo ang sinasabi ni Esme, kung tama ang hinuha ni Esme, lahat tayo rito biktima, kaya pakiusap lang, laparan mo ang iyong pag-unawa." Matapos sabihin ni Ismael ang mga katagang iyon ay lumabas na si Esmeralda. Napayuko naman si Silma na tila ba nag-iisip ng malalim. "Wala talaga akong maalala kuya, bukod doon. Bakit naman ako?" "Ikaw lang naman ang may matinding galit kay Esmeralda rito, hindi kapani-paniwala kung iba ang gagamitin nila. Kung hindi dahil pinigilan ako kanina ni Esmeralda, siguradong mas matindi pa ang pamamaga ng mukha mo. Aba''y nakakahiya ng ginawa mo kanina, para kang teenager na nakikipagsabunutan sa kaklase mo. Pati ako napaniwalang kaya mong gawin iyon sa harap ng mga tao, si Esmeralda lang itong nagduda na hindi mo makakaya iyon dahil kahit papaano, alam niya na may delikadesa ka." Mas lalong napalalim naman ang pag-iisip ni Silma dahil sa nalaman. Aminado siyang naiinis siya at galit kay Esmeralda dahil sa nangyari noon, pero nang bumalik si Roger nang buhay, hindi na rin niya gaanong binabato si Esmeralda ng mga masasakit na salita. Ayaw na rin naman niya ng gulo, masa mahalaga sa kaniya na nabawi niya ang taong matagal na niyang inaasam at magkaroon ng ama ang mga anak niya. "Kuya, naniniwala ka naman ''di ba? Hindi ko talaga alam. Sige, susundin ko ang payo ni Esmeralda, bigyan mo kami ng proteksyon. Ayokong maulit ulit ang pangyayaring ito. Ayokong may isa na namang maparusahan sa amin." natatarantang wika ni Silma. Habang sinsabi ito ay bigla naman siyang ginapangan ng kilabot. Napahawak siya sa braso ni Ismael, bakas ang sindak at takot sa mga mata niya. "Kuya, nasaktan ko ba si Esmeralda kanina? Paano kung balikan ako ng mga gabay niya? Paano kung mangyari sa akin ang nangyari kay Roger, Kuya, ayokong maparusahan ng mga gabay ni Esme, Kuya tulungan mo ako, pakiusap." Tila noon lang naliwanagan ang ginang sa kaniyang sitwasyon. Tumulo ang masasaganang luha sa mga mata niya habang tumatahip ang matinding kaba sa kaniyang dibdib. "Huminahon ka, naniniwala akong hindi ka pababayaan ni Esmeralda. Kahit anong gawin mo sa kaniya, kailanman ay hindi siya nanunumbat o nagtatanim ng galit. Kaya pasalamat kay, lumaking mapagpatawad si Esmeralda. Alam niyang hindi ikaw ang may gawa kaya bibigyan ka niya ng hustisya. Sige na, isuot mo ito, ipasuot mo rin iyan sa mag-anak mo. Sabihan mo sila na huwag ipapaalam sa iba. Gusto ko rin namang malaman kung sino ang malakas ang loob na paglaruan ang ating pamilya." Napakuyom ng kamao si Ismael habang si Silma naman ay nagpapahid ng luha. Bagaman huminahon na, hindi pa rin mawala sa kaniya ang takot. sea??h th§× Novel?ire(.)ne*t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Samantala, nagpatuloy ang kanilang paghahanda, muling nanumbalik ang saya sa bawat isa, napaliwanagan na rin kasi sila ni Esmeralda sa tunay na nangyari kaya naman naunawaan na nila at ang kaninang eksena ay agad na nilang winaglit sa kanilang mga isipan pansamantala. Sumapit ang tanghali at halos lahat ng putahe ay nailuto na nila, maging ang mga kakanin ay paisa-isa na rin nilang inilalatag sa mahabang mesa na pinagawa pa nila para lang sa okasyong iyon. Naging abala naman ang mga kalalakiha sa paggawa ng mga sulo na gagamitin nila sa pagsapit ng gabi. Itinusok nila ito paikot sa taniman na siyang magsisilbing liwanag naman nila sa paglapat ng dilim. Eksaktong alas tres nang magsimula na silang magtipon-tipon sa mahabang mesa. Doon ay nag-alay sila ng taimtim na dasal para sa Poong Maykapal. Nagpasalamat sila sa masaganang ani, sa kaligtasan ng kanilang baryo. Napuno ng nakakabinging katahimikan ang buong bukid at tanging boses lang ni Ismael ang nangingibabaw. Matapos ang maluwalhating pagdarasal ay nagsimula na silang pagsaluhan ang handang kanilang inihanda. Kabilang rin sa nagsaya ang pamilya ni Silma, tila wala namang nangyaring masama sa pagitan nila dahil naging maayos naman ang pagbati nila kay Esmeralda kahit pa may namumuong pagkahiya sa pagitan nila. Natuwa naman si Armando sa nakikita at masayang nagpasalamat dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay tila nabuo ang kanilang pamilya. "Maraming salamat amang, masaya po ako sa kaarawang ito, dahil pakiramdam ko ay tanggap na ako ng buong pamilya niyo. Alam kong hindi ito permanente pero, malaki po ang sayang dulot sa akin ng araw na ito." Wika ni Esmeralda. Nang marinig naman ito ng karamihan, tila ba maging sila ay naantig sa mga salitang iyon. "Pasensiya ka na talaga Esme, aminado akong naging masama amg pagtrato ko sa''yo simula pagkabata. Alam kong napakaraming pagmamalupit ang dinanas mo sa akin. Sana mapatawad mo pa rin ako. Alam kong hindi ka nagtatanim ng sama ng loob. Salamat dahil hindi mo ako sinukuan." Napangiti si Esmeralda sa sinabi ni Silma. Tumango siya at saka tinapik ang balikat ng tiyahin. Maging ang mga pinsan niya ay nangusap rin ng paghingi ng tawad sa kaniya. Malugod naman itong tinanggap ni Esmeralda dahil wala ng ibang mas mahalaga pa sa kaniya kun''di ang maranasan na buo ang kanilang pamilya. "Kalimutan na ho natin ang lahat. Natutuwa po akong nakabalok na si Tiyo Roger sa pamilya niyo. Pasensiya na rin po sa ginawa ng mga gabay ko. Hayaan niyo, kapag naging malinaw na ang lahat, babawi ho kami." Wika ni Esmeralda at napaluha naman si Silma. Sandali niyang hinatak palayo si Esmeralda at tinahak nila amg daan patungo sa puno ng mangga, kung nasaan ang mga alay na pagkain ni Esmeralda. Hindi naman nagulat ang ginang sa nakita dahil minsan na rin niyang nakita ito na ginagawa ng kanilang ama. Napangiti si Silma at napailing. "Esme, tungkol sa pagbabalik ni Roger. May sinasabi siya sa akin, may mga pagkakataong maybbumubulong sa kaniya, hindi raw niya maintindihan, pero kapag naririnig niya ito, parang may tumutulak raw sa kaniya na hanapin ka o lapitan. Pasensiya ka na kung ngayon ko lang ito nasabi. Hindi ko rin nabanggit ito kay Kuya dahil alam mo na, hindi ganoon kaganda ang trato ko sa''yo. Natatakot ako na baka, hindi ka maniwala at baka ipagtabuyan mo ako. Kung hindi pa nga nangyari ito, hindi ako maglalakas ng loob na makipagbati. Noon pa sana, kaso nauunahan ako ng pride ko, at kapag nakikita kita, kung ano ako noong dati gano''n pa rin ang trato ko sa''yo." "Naiintindihan ko naman po Tiya. At opo, napapansin ko rin na minsan may kakaiba kay Tiyo Roger, basta Tiya, bantayan niyo lang siya. Hindi pa namin alam ni amang kung sino ba ang kalaban natin. May mga babala na kaming natatanggap pero wala pa rin kaming ideya kung sino ang kaibigan at sino ang kalaban." "Gano''n ba. Hindi ba tayo mapapahamak diyan? Paano kami ng mga anak ko? Wala kaming alam sa mga ganiyan. Normal na tao lang kami Esme, ayokong may mangyari sa mga anak ko. Kaya nga mahigpit ko na silang sinabihan na iwasang saktan ka ng pisikal, simula ng bumalik si Roger." "Salamat po Tiya, huwag kang mag-alala, papasundan ko kayo sa aking mga gabay, para may bantay kayo. Para alam ko kung sino ang lalaput sa inyo. Baka kasi isa sa mga iyon ang kalaban natin. Napag-usapan na rin namin ito ni Lolo at amang. Basta ang gawin niyo lang, isuot ang pangontra sa inyong katawan kahit sa paliligo." Payo ni Esmeralda at sunod-sunod na napatango si Silma. Chapter 63 Chapter 63 - 63Matapos ang usapan ni Silma at Esmeralda ay bumalik naman sila sa handaan. Doon ay naghiwalay ng landas ang dalawa na tila hindi sila nag-usap. Sumapit ang gabi at isa-isang sinindihan ng mga magsasaka ang mga sulo sa paligid. Nagliwanag ang buong bukid at mas lalong nabuhay ang sigla ng mga tao dahil sa pagtunog ng mga tambol na nakaugalian na nila bilang pagsalubong sa paglitaw ng mga gabay ng kalikasan na siyang dahilan ng pagyabong ng kanilang lupa. Nagkakantahan pa ang mga ito habang ang iba naman ay sumasayaw paikot sa isang malaking bonfire. Ang iba naman ay pumapalakpak sa indayog ng musika. Isa ito sa naging kaugalian nila sa tuwing sasapit ang ika-pitong taon ng masaganang ani nila. Pagkatapos ng araw na iyon ay bibilang ulit sila ng pitong taon para sa susunod na pagdiriwang. Habang nagkakasiyahan ang mga tao sa bukid. Nasa likod naman si Esmeralda at nakikihalubilo sa mga nilalang na tanging sila lang ni Dodong ang nakakakita. Sama-samang kumakain ang mga gabay nila sa maliit na mesa kung saan naroroon ang mga alay nila. Pitong uri ng kakaning gawa sa malagkit na kanin, pitong basket ng iba''t ibang uri ng gulay na naani nila. Pitong itim na manok at isang buong baboy na pinalaki ng pitong taon. Sa bawat sulok naman ng mesa ay nakatirik ang kandilang may sindi. Bagama''t malakas ang hangin sa gawi nila, ay nananatiling nakasindi ang mga ito. "Kain lang Hagnaya, masarap ''di ba. Sabi ko naman sa''yo masaya rito." Wika ni Dodong sa gabay nitong engkanto. "Dong tingnan mo ang mga kaibigan nating lamang-lupa o, tuwang-tuwa sila sa mga kakaning matamis. " Puna ni Esmeralda. "Oo nga ate. Sige lang palabusog kayo, araw at gabi niyo naman ito. Lahat ng iyan hinanda ng mga tao rito. Kaya sana, patuloy niyong pagyabungin ang lupa natin." Wika ni Dodong. Natawa naman si Esmeralda dahil umaaktong tila isang guro si Dodong. Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang alas nuebe ng gabi. Pagkatapos nito ay nagligpit na rin sila at nagsiuwian na. Naiwang nagliligpit sina Loisa at Esmeralda kasama na rin ang iba pang manunugis. Si Ismael at Armando naman ay minabuting doon manatili sa kubo ni Esmeralda habang umuwi naman ang mag-anak ni Silma at Margarita. "Isang pitong taon na naman ang nairaos natin. Nawa''y sa mga susunod na taon ay mas maging masagana pa ang ating pag-aani." Sambit ni Armando, hawak nang mahigpit ang kaniyang baston. Mula sa ''di kalayuan naman, lingid sa kanilang kaalaman, may mga matang nagmamasid na nakakubli sa kadiliman. Tila ba naghihintay lang ng pagkakataon. Wala ni isa ang gumagalaw, animo''y nag-iingat na mahuli o maramdaman nina Dodong at Esmeralda. Nang matapos na nila ang kanilang mga liligpitin ay nagpahinga na rin sila. Kasalukuyang nakatanaw si Esmeralda sa labas ng kaniyang bintana nang lumitaw si Liyab sa kaniyang harapan. Nakangiti ito habang hawak ang isang pungpong ng makukulay na bulaklak. Tila nagliliwanag pa ang mga ito kaya naman sigurado si Esmeralda na galing pa ang mga bulaklak na iyon sa mundo ng mga engkanto. "Maligayang kaarawan Esme, alam kong ito ang araw na ipinagdidiwang mo ang kaarawan mo dito sa lupa. Kaya heto, nagpitas ako ng mga bulaklak sa hardin, sana magustuhan mo." Wika ni Liyab. Napangiti naman si Esmeralda at bahagyang natawa bago inabot ang mga bulaklak. Agad niya itong inilagay sa nakahanda niyang plorera na tila ba alam niyang darating si Liyab na may dalang bulaklak. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, hindi k pa rin pumapalya. Kaninong hardin na naman ba ang inararo mo para lang makapitas ng ganito karaming bulaklak?" Natatawang tanong ni Esmeralda. "Talagang wala kang katiwa-tiwala sa akin no, pero Esme, siya nga pala, tungkol doon sa pinapatanong mo. Tunay na pinakawalan na ng mga punong gabay ang iyong tiyo sa dalawapung taon niyang parusa." "Ganoon ba, natingnan mo rin ba ang sinasabi ko tungkol sa nangyari kanina, si Tiya Silma, wala siya sa katinuan niya, nalaman mo ba kung anong nilalang ang may gawa?" Tanong ni Esmeralda at napailing naman si Liyab. "Isa lang namang angkan ang may kakayahan sumanib o di kaya naman ay kontrolin ang mga tao, at nabibilang sila sa mga uri ng itim na engkanto. Nagsisimula na silang gumalaw dahil nasa tamang edad ka na Esme, kaya mag-iingat ka." Napakunot naman ng noo si Esme at lalo siyang naguluhan dahil sa sinabi ni Liyab. "Bakit, ano ba talaga ang kinalaman ko sa kanila Liyab. ''Di ba sabi mo sasabihin mo ang lahat sa oras na sumapit ang ika dalawampu''t isa kong kaarawan?" "Bakit Esme, handa ka na bang malaman?" "Oo naman, noon pa man gusto ko ng maliwanagan." "Kung gano''n babalikan kita sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, doon ko ipapaliwanag sa iyo ang lahat. Doon ko ibubunyag ang pagkatao mo. At sana Esme, matanggap mo ito nang bukal sa iyong puso." Malumanay na wika ni Liyab habang unti-unti itong naglalaho na tila usok sa hangin. Nagpakawala ng buntong hininga si Esmeralda at isinara na ang kaniyang binata. Muli siyang napatingin sa mga bulaklak at sumilay ang maaliwalas na ngiti sa kaniyang labi. Kinaumagahan muli na silang naging abala sa pagsisimula ng pagtatanim. Sa kalagitnaan ng kanilang mga gawain ay nakuha naman ang atensiyon nila ng isang grupo ng mga taong naglalakad. Nakasuot ang mga ito ng balabal na kulay lupa habang marahan itong naglalakad sa tabi ng kanilang bukid. Tila may hatak-hatak rin ang mga kalalakihan na isang malaking kahon na natatakpan ng kulay itim na tela. Agad namng umalerto si Dodong at Esme nang makaramdam ng panganib sa mga ito. Napatda ang kanilang mga mata sa bagay na natatakpan ng itim na tela. Napatayo amg dalawa at agad na nilapitan ang mga ito nang huminto sila sa lilim ng isang malaking puno sa gilid ng daan. "Magandang umaga ho, mawalang galang na po pero saan po kayo paroroon?" Tanong ni Esmeralda. Si Dodong naman ay agad na nilapitan ang kahon habang tila inaamoy-amoy pa ang hangin doon. "Hoy bata anong ginagawa mo. Huwag ka ngang lumapit diyan." Saway ng isang malaking lalaki. Matangkad ito at halos doble ng katawan ni Mateo. "Ben, tama na, bata lang iyan." Saway naman ng isang matanda at agad namang umatras ang naunang lalaki. Pero bago iyon, nag-iwan pa ito ng masamang tingin kay Dodong na nilabanan naman ng bata. "Pasensiya na kayo, napadaan lang kami, masyado na kasing mainit kaya huminto muna kami saglit." Sagot naman ng matanda sa naunang tanong ni Esmeralda. Baluktot na ang likod nito sa paglalakad at may hawak itong tungkod na gawa sa isang kahoy. Naagaw naman ng tungkod ang atensyon ni Esmeralda. Pamilyar kasi sa kaniya ang mga simbolong naroroon. Tila ba inukit iyon na may dang-taon na ang nakalilipas. "Gano''n ho ba, saan po ba ang punta ninyo?" Tanong ni Esmeralda, sa pagkakataong iyon ay napangiti na siya. Naging magaan kasi ang loob niya sa matanda, naibsan ang kaninang pagdududa na gumapang sa kaniyang sistema. "Ineng, ito na ba ang Bayan ng Luntian. Doon kasi kami tutungo. Sa kagubatan ng Luntian." Sagot naman ng matanda. "Lola, nasa naturamg bayan na po kayo. Pero lola, ano itong dala niyo? May naaamoy kasi akong mabaho rito. " Kunot-noong tanong ni Dodong. Tila na sa mga oras na iyon ay para siyang isang pusang nakararamdam ng panganib, alerto at nagiging mabangis. Nagkatinginan naman ang mga ito at tila hindi alam ang gagawin. "Wala kayong pakialam sa dala namin. Kung narito na kmi sa bayan ng Luntian, mas mabuti pero hindi namin obligasyong sagutin ang mga tanong niyo." Pagalit at maangas na wika ng lalaking tinawag na Ben ng matanda. "Obligasyon niyong sagutin dahil nandito kayo sa lupang pinoprotektahan namin. Malaki ka lang at mas matanda sa akin, pero hindi kita uurungan." Laban naman ni Dodong at agad na nagkairingan ang dalawa. Halos sabay namang napaigik ang dalawa nang batukan sila pareho ni Esmeralda at ng matanda. "Tumigil ka nga Ben, pati bata papatulan mo." "Tumigil ka na Dodong, hindi maganda ang inaasal mo ngayon. Huminahon ka nga. " Halos sabay na saway nila sa mga ito. Napanguso naman si Dodong at agad na pinandilatan ang matangkad na lalaki at gano''n rin ang ginawa ng huli sa kaniya. "Naku, lola pasensiya na ho kayo sa kapatid ko. Pero kung mararapatin niyo sana, nais lang namin malaman kung ano itong dala niyo. Bilang protektor kasi ng baryo namin, lahat ng mga bagay na nararamdaman naming magdudulot ng panganib sa amin ay kinukuwestiyon namin." "Naiintindihan ko Ineng," "Inang, huwag niyong sabihin na sasabihin niyo sa kanila? Akala ko ba hindi na tayo magdadamay ng iba. Problema natin ito kaya tayo lang ang dapat na madamay rito. " Paalala naman ni Ben. Tila nahulog naman sa malalim na pag-iisip ang matanda, tumitig ito sa mga mata ni Esmeralda at hindi naman nag-iwas ang dalaga. Sinalubong niya ng buong tapang ang tinging iyon. Bumuga ng malalim na hininga ang matanda bago nilapitan ang itim na tela, doon ay binuksan niya ang isang parte nito at tumambad sa dalawa ang tatlong nilalang na animo''y balot na balot ng itim na grasa. Walang malay ang mga ito at tila mahihimbing sa pagtulog. Kulubot ang mukha ng mga ito na animo''y maihahalintulad niya sa mga aswang. S§×arch* The N?vel(F)ire.n§×t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Mga aswang? Pero bakit nasa anyong aswang sila kahit tirik ang araw? Ate Esme, tama naman ''di ba?" "Oo Dong mga aswang nga iyan," tugon ni Esmeralda at binalingan ng nagtatanong na tingin ang matanda. "Bagong sibol ang mga iyan sa hanay ng hanagob pero tila hindi kumpleto ang kanilang pagbabagong anyo. Nananatili silang ganiyan kahit sa pagsapit ng araw. Kaya kami naparito dahil napag-alaman namin na may lugar sa kagubatan ng Luntian ang maaari naming gamitin upang ikulong ang mga nilalang na ito." Wika naman ng matanda. Chapter 64 Chapter 64 - 64Nang marinig ni Esmeralda ang sagot ng matanda ay muling kumunot ang kaniyang noo. Dahil ang tinutukoy ng matanda ay ang kuwebang malapit sa bahay nila sa kagubatan. Iyon din ang kuweba kung saan niya tinatago ang mga mutyang kaniyang nakukuha sa mga aswang na kaniyang napapat*y. "Paano niyo po nalaman ang tungkol sa lugar na iyon Lola?" "Isang panaginip, tama,isang panaginip ang siyang dahilan kung bakit ko nalaman ang tungkol sa lugar na iyon. May malakas na selyo iyon na hindi kayang sirain ng kahit na sino." Sagot naman ng matanda. Natahimik naman si Esmeralda at muling namayani ang pagdududa sa kaniyang pagkatao. Tumango lang siya at saka nagpaalam na sa mga ito. "Ate, ano sa tingin mo?" Tanong ni Dodong habang pabalik na sila sa bukid. "Hindi ko pa alam Dong, nagdududa ako pero nawawala naman iyon kapag nagsasalita siya. Hayaan muna natin, pasusundan ko sila sa mga kaibigan nating engkanto." Wika ni Esmeralda at agad na nag-usal nang pabulong sa hangin. Muli na silang bumalik sa kanilang ginagawa at saglit na tinapunan uli ng tingin ni Esmeralda ang mga ito. Maya-maya pa ay nakita niyang umaalis na ang mga ito kaya naman mabilis siyang nagpalipad-hangin. Matapos ay isang buntong-hininga naman ang kaniyang pinakawalan at binalikan na ang kaniyang ginagawa. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay biglang bumalik ang malamig na ihip ng hangin, kasabay ng bulong na tila nagdadala ng balita. Napalingon si Esmeralda, at sa pagdapo ng hangin sa kaniyang balikat, ay dumampi rin dito ang tinig ng isa sa mga engkanto. "Tunay na umakyat sila sa kabundukan ngunit lumihis sila ng landas at hindi doon sa kuweba. Hindi pa namin mawari kung sadya o baka naliligaw lang sila." Napakunot-noo si Esmeralda. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya . "Hindi ko pa matiyak," sagot ng engkanto. Muli siyang napabuntong-hininga, mas malalim na ngayon, habang unti-unting nababalot ng pagkabahala ang kaniyang dibdib. "Bakit ate, may balita ka na bang nakuha?" Tanong ni Dodong nang lumapit na ito sa kaniya. Tumango si Esmeralda, ngunit hindi agad sumagot. Sa halip, hinayaan niyang lamunin muna siya ng katahimikan habang pinakikiramdaman pa ang mga bulong ng hangin. "May kakaiba, Dong," sa wakas ay sambit niya, mahina ngunit puno ng bigat ang tinig. "Hindi sila dumiretso sa kuweba. Hindi pa nila alam kung naligaw lang o... sadyang may gustong iwasan ang mga taong iyon." Napakamot sa batok si Dodong, bakas ang pag-aalinlangan. "Kung hindi sila dumaan sa kuweba, saan naman kaya sila patungo?" Tumingin si Esmeralda sa malayo, sa direksyong tinutumbok ng ihip ng hangin. "Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, may gumagabay sa kanila at hindi iyon, basta-basta dahil hindi ko iyon naramdaman." "Sa palagay mo, may ibang puwersang nakikialam?" usisa ni Dodong, unti-unting nagiging seryoso. "Oo, at iyon ang mas nakakatakot," sagot niya. "Kapag ang daan ay biglang nagbabago, madalas ay may kamay ng mas matandang nilalang na kumikilos sa likuran." Napatingin si Dodong sa paligid, tila inaasahan na may lalabas mula sa mga aninong gumagalaw sa likod ng mga punongkahoy. "Ano''ng gusto mong gawin, Ate?" Huminga nang malalim si Esmeralda at muling inusal ang pangalan ng hangin. "Pasusundan pa rin natin sila, nang palihim. Kung may lihim silang tinatahak, kailangan nating malaman bago pa mahuli ang lahat." Muli siyang nag-usal ng palipad-hangin upang ibigay ang utos niya sa mga kaibigan nilang engkanto. Umihip ang malakas na hangin at tila bahagya itong umikot sa kanila bago ito tuluyang kumawala. Sabay pang napasunod ang tingin ni Dodong at Esmeralda sa tinahak ng hangin at patungo iyon sa kabundukan na minsan nilang tinirhan. Kinahapunan, nagdesisyon si Dodong at Esmeralda na pumunta sa palengke, dumaan muna sila sa bahay ni Armando upang isabay na rin ang ipapabili ng mga ito. "Ayos lang ba Esmeralda? Nakalimutan ko kasing bumili kanina, mabuti na lang at papunta rin kayo roon ngayon." Wika ni Silma. Napangiti naman si Esmeralda at tumango. Bahagya pa rin siyang naiilang sa ugaling pinapakita ni Silma pero kahit papaano ay masaya na rin siya dahil, nakakausap na rin niya ito nang hindi sumisinghal o sumisigaw. "O, ito, Dalawahing kilo mo na ha at iiimbak ko na lang dito sa freezer," muling wika ni Silma habang inaabot ang pera sa dalaga. "Sige po Tiya, iyon lang po ba ang bilin niyo, baka may iba ka pa pong ipapabili." Wika ni Esme at ngumiti naman si Silma. "Wala na Esme, sige na para hindi kayo gabihin ni Dodong." Sambit naman ni Silma at nagpaalam na si Esmeralda rito. Sa daan naman, hindi maiwasang hindi punahin ni Dodong ang malaking pagbabago sa ugali ni Silma. S§×ar?h the N?velFire.n§×t website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Grabe, ang bilis namang nagbago ng hangin ate, anong mabuting hangin ba ang sumapi kay Tiya Silma para magbago ng gano''n. Parang isang gabi lang nag-ibang tao agad siya." "Hayaan mo na, mabuti nga at mabait na siya sa atin. Wala nang magbubunganga sa atin. Ayaw mo ba noon?" "Syempre gusto, kaso ate, medyo nakakailang pala no, dati kapag nakikita niya tayo, kulang na lang ipagtabuyan niya tayo na kala mo aso tayong may galis. Pero ngayon, todo ngiti pa siya." Napapailing pa si Dodong habang sinasabi ito. Napangiti lang si Esmerald ngunit umimik.pagdating sa palengke ay namili na sila ng kanilang mga kailangan. Nasa kalagitnaan na sila ng pamimili ng bilin ni Silma nang makita nila ang isang matandang babae na tila ba nagtatanong ng direksyon sa katabing tindahan. "Mawalang galang na, pero may kilala ba kayong manggagamot o albularyo sa lugar na ito?" Tanong ng matanda. May kasama rin itong babae na sa pakiwari ni Esmeralda ay nasa edad lang ng Tiya Margarita niya. Nakaalalay lang ito sa matanda ngunit hindi ito nagsasalita. Tila ba nagmamasid lang din ito sa paligid nila. "Aba oho, nag-iisa lang namana ng albularyo sa bayan namin at kilalang-kilala po ang pamilya nila rito. Mangpapagamot ho ba kayo?" Tanong naman ng tindera. "May ikukunsulta lang kami. Maaari mo bang ituro sa akin ang bahay nila?" Tanong ng matanda at sakto namang paalis na sila at nakita sila ng tindera kaya agad silang tinawag nito. "Aba''y tamang-tama, Esme, may naghahanap sa amang mo. Lola, iyan po ang apo ni Ka Armando at anak ni Ismael na albularyo sa bayang ito." Pakilala naman ng tindera. "Magandang hapon ho, ako po si Esmeralda. Hinahanap niyo po si Amang?" Tila parehong naestatwa naman ang dalawa habang nakatingin sa kaniya. Matapos ay nagkatinginan ang mga ito at agad na ginagap ng matanda ang kamay niya. Nagulat naman si Esmeralda sa ginawa nito ngunit hindi naman siya nakaramdam ng pagkailang rito. "Anak ka ng albularyo? Maaari mo ba akong dalhin sa kaniya, apo?" Tanong ng matanda, agad namang tumango si Esmeralda at saka inakay na ito patungo sa sakayan ng traysikel. Nang marating nila ang bahay ng kaniyang Lolo ay gumala naman doon ang paningin ng matanda. Tumatango-tango pa ito habang ang kasama nitong babae ay napapangiti. "Pasok ho muna kayo Lola Haraya," alok ni Esmeralda. Pinapasok niya ito hanggang sa kubo at pinaupo ang mga ito sa mahabang upuan na nasa labas. "Dodong, samahan mo muna sila at tatawagin ko lamg sina amang. Kumuha ka na rin muna ng tubig sa loob baka kasi nauuhaw na sila." Utis ni Esmeralda at sabay na silang pumasok sa loob ng bahay. Saglit lamg niyang idinaan kay Silma ang pinabili nito bago niya kinatok si Ismael sa silid nito. "Bisita, ng ganitong oras? Matanda ba kamo?" Tanong ni Ismael matapos maipaliwanag rito ang lahat. Tumango lang naman si Esmeralda at lumabas na rin sila. Naabutan pa nilang umiinom na ng tubig ang mga ito at nakangiting kinakausap si Dodong. "Magandang gabi ho, hinahanap niyo raw po ako?" Agad na bungad ni Ismael sa mga ito. Tumayo naman ang matanda at uugod-ugod na lumapit kay Ismael. "Hijo, maaari ko bang mahawakan ang kamay mo?" Tanong ng matandang si Haraya. Bagaman nagtataka ay kusang loob na binigay naman ni Ismael ang kaniyang kamay sa matanda. Hinimas-himas ng matanda ang kamay ni Ismael at tila ba may pinakikiramdaman dito. Maya-maya pa ay tila napatda na ito sa paghawak sa kamay ni Ismael. Hanggang sa bigla na lamang itong napaluha. "Nadya, Nadya, nakita na natin sila." Lumuluhang wika nito. Magkahalo ang saya at sabik sa boses at mukha ng matanda. Ang kasama naman nitong babae na tinawag niyang Nadya at napaluha na rin. "Mawalang galang na po pero ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ni Ismael at nagpahid ng luha ang matanda. "Ikaw ang matagal na naming hinahanap. Lahat ng bayan ginalugad na namin, lahat ng albularyo sinubok na namin. Pero tanging ikaw ang nagpakita ng katulad sa aking mga pangitain." Sagot naman ng matanda. Chapter 65 Chapter 65 - 65Tila lalo namang nalito si Esmeralda at Ismael sa mga sinabi ng matanda. Maging si Dodong na nakikinig lang sa gilid ay napapakunot na rin ang noo. Pare-pareho silang naghihintay sa suusnod na sasabihin ng matanda. Pero sa halip na magsalita ay bumaling ang tingin nito kay Esmeralda. Nagtubig ang mga mata nito at naglakad palapit sa dalaga. S§×ar?h the n?vel_Fire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Pahawak, apo." Hinawakan ni Haraya ang kamay ni Esmeralda at naramdaman ng huli ang mainit na sensasyong dulot nito. Tila nakaramdam rin ang dalaga ng saglit na pagkapanatag sa kaniyang sistema hanggang sa nilukob siya ng isang pangitain. Napakabilis lang ng pangitaing iyon dahil matapos mabitawan ng matanda ang kaniyang mga kamay ay tila nabura ang mga ito sa kaniyang isipan. "Ano''ng nangyari, ano iyong nakita ko?" tanong ni Esmeralda sa kaniyang isipan habang nakatingin sa matanda. "Sinasabi ko na nga ba, unang kita ko pa lamang sa''yo kanina ay ramdam ko na na ikaw ang hinahanap ko. Matagal na panahon kitang hinanap, kayo ng taong nakapulot sa''yo. Matagal na panahon kaming naglalakbay nitong anak ko para lang mahanap ka. Salamat sa Diyos at sa wakas ay natagpuan ko rin kayo." Umiiyak na wika nito. "Hinahanap, bakit niyo ho kami hinahanap nitong anak ko?" Tanong ni Ismael. May kutob na siya kung sino ang matanda, ngunit nais niyang marinig mismo sa matanda ang totoo. Huminga nang malalim ang matanda, ilang beses rin niya itong ginawa para pakalmahin ang sarili bago nagsalita. "Alam kong hindi mo tunay na anak ang dalagang ito. Na napulot lamang siya sa kagubatan ng asawa mo. Anak ko ang tunay niyang ina, at huli na ng malaman ko na may anak pala siya. Kung hindi pa dahil sa isang pangitain nang subukan kong alamin ang kinaroroonan ng aking anak ay hindi ko malalalaman na nabuntis pala siya at nagsilang ng isang babaeng supling. Dalawapu''t isang taon na rin ang nakalilipas," salaysay ng matanda. Nanlaki naman ang mata ni Ismael sa narinig. Bagama''t kinukutuban na siya ay hindi pa rin niya maiaalis sa sarili ang hindi magulat dahil detalyado itong naisalaysay ng matandang si Haraya. Animo''y nasaksihan nito ang lahat ng kaganapan sa buhay nila. Muli ay nakaramdam ng hiwaga si Ismael sa tunay na pagkakakilanlan ng matanda at ng kasama nito. Simple lamang ang kasuotan ng mga ito. Mahabang saya na natatakpan ang kalahati ng kanilang mga binti at paa. Makulay rin ang pang-itaas nila na ang mangas naman ay natatakpan ang braso nila lagpas sa siko. Kakatuwa rin ang saplot nila sa paa dahil gawa iyon sa kahoy na tila tinalian naman ng baging. Sa kabuuan tila pinagiwanan ng panahon ang kasuotan ng mga ito, kabaligtaran ng modernong kasuotan ngayon. "Anak ng anak niyo si Esmeralda? Ibig sabihin kayo ang tunay na pamilya ni Esmeralda?" gulat na tanong ni Ismael. "Hala ate, lola mo daw siya." pabulong na wika naman ni Dodong. "Pero ate, kung titingnan mong mabuti, may pagkakahawig ka nga kay lola Haraya at sa babaeng kasama niya. Magkahugis ang hubog ng inyong mukha at mata," komento naman niya matapos titigan ang bawat isa sa kanila. "Pasensiya ka na hijo kung biglaan ang pagdating namin. Nakita ko sa balintataw ko ang isang panganib na papalapit sa aking apo. At nanganganib rito ang dalawang mundo. Ang mundo ng kaniyang ama at ang mundo nating mga tao." Tila isang bomba na inilaglag iyon ni Haraya sa kanilang mag-ama. Binalot ngpagkabahala ang sistema ni Ismael nang mapatingin kay Esmeralda. Puno ng pag-aalalang hinawakan niya ang balikat ni Esmeralda. Sa pagkakataong iyon ay napatingin na rin ang dalaga sa kaniyang ama. "Ano po ang ibig niyong sabihin sa mundo ng aking ama? Alam niyo po pa kung sino ang aking ama? Sino po ba talaga ako? Ano po ba ang tunay kong pagkatao?" sunod-sunod na tanong ni Esmeralda. "Alam ko, at syempre lahat ng ito ay ibubunyag ko sa iyo. Marapat lang na magkaroon ka ng alam dahil nakasalalay rito ang kaligtasan mo at ng dalawang mundo." Tumantango-tangong wika ni Haraya. Isa-isa niyang ipinaliwanag sa kanila ang lahat ng pangyayari bago pa man makilala ni Hamara ang kaniyang ama. Tila dinala naman ang mga huwisyo nila sa pagbabalik-tanaw ng matanda sa mga pangyayaring mahigit na sa dalawampong taon ang nakalilipas. Nagsimula ito sa kabundukan ng Tubahon, kung saan nakatira ang mga babaylang pinili ang magtago sa lipunan. Doon nabibilang ang angkan nina Haraya at isa siya sa may pinakamataas na tungkulin sa mga natitirang lahi ng mga babaylan. Kasama ang dalawang anak na si Hamara at Harani, na siyang humahalili rin sa kaniya sa pagiging babaylan. Lumaking masigla at bibo si Hamara samantalang si Harani naman ay tahimik at hindi palakibo. Bagaman magkasalungat ang pag-uugali nila ay lumaki silang may pagmamahal sa isa''t isa. Mas naunang nagkaroon ng responsibilidad si Hamara kaysa sa kaniyang nakababatang kapatid at tinaguriang berdugo ng mga babaylan ang dalaga. Sa lahat ng mga babaylan si Hamara lang ang nakitaan nila ng lakas na maihahalintulad ng mga ito sa mga manunugis na siyang naging katuwang na rin nila sa kanilang pamumuhay. Palaging laman ng gubat si Hamara, kung hindi nangangaso ng aswang, ay naghahanap naman ito ng makakain para sa buong angkan nila. Tinatalo pa nga ng dalaga ang mga pinsan niya at iba pang kalalakihan sa pangangaso at madalas ay siya ang nakapag-uuwi ng malaking huli sa kanila. Hanggang sa isang araw, habang nangangaso ng babaoy ramo si Hamara ay isang lagusan ang hindi sinasadyang mapasok ng dalaga. Sa lagusang iyon ay tila tinangay ang lahat ng ulirat niya, at sa muling pagmulat ng kaniyang mga mata, ay natagpuan niya ang sarili niya sa isang hindi pamilyar na kagubatan. Wala siyang saplot at kahit ang mga gamit niya sa pangangaso at naglaho. Tarantang tumayo ang dalaga at naghanap ng mga dahong maaari niyang mahabi upang gawin damit. Nang sa wakas ay natakpan na niya ang hubad na katawan ay saka naman siya naglakad-lakad paikot sa lugar. Ilang beses pa siyang nagpabalik-balik lang sa lugar na iyon, tila umiikot lang siya at hindi umuusad pa. Inis na inis na napasigaw si Hamara dahil tila napaglalaruan siya, hanggang sa isang pagtawa ang kaniyang narinig. "Sino ka? Lumabas ka rito at nang magkasubukan tayo? Alam kong nagtatago ka lang kung saan, kung matapang ka harapin mo ako, noo sa noo. Hindi iyang nagtatago ka na para kang pangit na engkanto." sigaw ni Hamara. Inilibot pa niya ang kaniyang paningin at napatda ang mata niya sa nilalang na biglang lumabas mula sa isang malaking puno na nasa likuran niya. Nakapameywang niyang inirapan ang nilalang na sa pakiwari niya ay hindi nalalayo ang edad sa kaniya, kung normal man itong tao. Matangkad ito at may nakakaayang pananamit sa kantawan. Maamo ang mukha at kapansin-pansin ang tainga nitong tila hugis dahon. "Isa kang engkanto? Pinaglalaruan mo ba ako? ikaw ba ang kumuha ng damit at mga gamit ko?" mataray niyang tanong sa nilalang. Muli ay ngumiti ito at kamuntikan na niyang makalimutan ang inis na nararamdaman niya rito. "Huwag mo nga akong ngitian, sagutin mo ang tanong ko, kung ayaw mong ikulong kita sa orasyon na alam ko." pagbabanta pa niya na lalo naman ikinatawa ng binata. "Hindi ako, sadyang walang gawang mortal ang tinatanggap sa mundo namin. Lahat ng bagay na gawa ng tao ay maglalaho sa oras na makatuntong ka rito." sagot naman ng nilalang. Naglakad ito papalapit sa kaniya at inikutan pa siya na tila ba sinusuri ang buo niyang pagkatao. Noon lang din sumagi sa isip niya ang kasalukuyang sitwasyon ng kaniyang katawan. Bukod sa mga pinagtagpi-tagpi niyang sanga na may dahon, ay wala nang ibang saplot ang natitira sa kaniya. Awtomatikong naitakip naman ni Hamara ang kamay sa kaniyang dibdib nang tumayo na ito sa kaniyang harapan. "Nais mo bang iahatid kita pauwi, o nais mo munang libutin ang aming mundo?" tanong nito sa nakakaakit nitong boses. Tila nahipnotismo namang tumango si Hamara at muli lang siyang nakawala nang maramdaman ang paglapat ng malambot na tela sa kaniyang balikat. Nang mga sandaling iyon pala, ay binabalot na siya ng malambot na kasuotan ng binata. Maingat pang itinatali nito ang tela sa kaniyang balikat at isang baging naman ang itinali nito sa kaniyang beywang. Iyon ang naging simula ng malaking pagbabago sa buhay ni Hamara. Simula ng makilala niya ang engkantong si Arawel ay napadalas na ang pagtawid niya sa kabilang mundo hanggang sa pareho na silang nahulog sa isa''t isa. Nabuo ang isang pagmamahalan na sa una ay tinutulan ng bawat lahi. Ngunit sa huli ay matagumpay nila itong naipaglaban sa lahi ni Arawel at namuhay sila mundo ng mga mortal, malayo sa kani-kanilang mga angkan. Naging tagabantay ng lagusan si Arawel nang mamuhay ito sa mundo ng mga tao. Ilang taon rin ang kanilang pagsasama bago sila nabiyayaan ng mga supling. At ang mga supling na iyon ang naging dahilan ng pagkawasak ng kanilang pamilya. Inatake sila ng mga aswang at pilit na kinukuha sa kanila ang mga bata. "Isang mensahe na lamang mula sa hangin ang aking natanggap na ang aking anak ay pumanaw na dahil sa kagagawan ng aswang. At ikaw, ay napulot ng isang butihing asawa ng isang albularyo habang ang iyon kapatid naman ay nailigtas ng mga kauri nitong engkanto." "Isang Engkanto ang aking ama? Kaya ba simula pagkabata, naiiba na ako sa lahat? Iyon din ang dahilan kung bakit may mga kakayahan akong hindi normal sa isang tao?" Nanlulumong tanong ni Esmeralda. Chapter 66 Chapter 66 - 66"Tama ka apo, ang iyong ama ay isang mataas na uri ng engkanto, isa siyang Mahomanay na kalimitang makikita sa mga kagubatan na nagpoprotekta sa mga hayop." sagot naman ng matanda. "Lola, nabanggit ho ninyo, may kapatid si Esmeralda, alam niyo po ba kung paano namin makikita ang kapatid niya?" tanong ni Ismael at ang sagot nito ang siyang nagpatulo ng luha ni Esmeralda. S§×arch* The N?vel(F)ire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Matagal nang nakakasama ni Esmeralda ang kapatid niya, simula pagkabata, ay nakasunod na ito sa kaniya. Purong engkanto ang naging katauhan ng kapatid niya habang si Esmeralda naman ay napanatili niya ang dugo ng isang babaylan. Salinlahi sila ng magkahalong lahi ng mga babaylan at Engkanto at ang pag-iral nila ang nagdudulot ngayon ng isang sigalot sa parehong mundo. Napag-alaman namin ang pagsasanib puwersa ng mga aswang at itim na engkanto para mapatay sila pareho, dahil ang paglalaho ng pag-iral ng magkapatid ang hudyat ng pagkawasak ng parehong mundo. Kaya kami ngayon naririto, upang bigyan sila ng babala at ihanda si Esmeralda sa maaari pang mangyari." Paliwanag ni Haraya. "Ano po ang ibig niyong sabihin Lola Haraya? Matagal ko ng kasama ang kapatid ko?" Kunot-noong tanong ni Esmeralda. Isang kutob ang agad na bumalot sa sistema niya. Kutob na baka si Liyab ang tinutukoy ng nagpakilalang lola niya. Tumahip ang kaba sa kaniyang dibdib. Kaya ba ganoon na lamang kung alagaan siya ni Liyab at protektahan. Alam rin ba ito ni Liyab? Ito ang mga katanungang umiikot ngayon sa utak ni Esmeralda. Sumapit ang gabi at umuwi na nga si Esmeralda sa kubo niya kasama si Lola Haraya at Harani. Bagaman kakakilala pa lamang niya sa mga ito, hindi rin niya maikakaila ang gaan ng nararamdaman niya sa dalawa. "Lola, pasensiya na ho kayo at hindi ko napalakihan itong kubo ko, hayaan niyo bukas magpapatulong tayo kay Mateo para gawa ng panibagongkuwarto dito. Pansamantala, dito ho muna kayo ni Tiya Harani sa kuwarto ko, doon na po muna ako kasama si Dodong," wika ni Esmeralda, habang inaayos ang higaan niya para sa kaniyang lola ta tiyahin. "Ano ka ba naman Esme, ayos lang iyon, sino ba naman kasi ang mag-aaakalang magkikita-kita pa tayo. Sa napakaraming bayan na nalibot namin, narito ka lang pala sa Luntian. Alam mo bang ang bayang ito ay dating tirahan ng mga hindi nakikita, bago pa man ito pamahayan ng mga tao, naririto na sila." kuwento ng matanda. Napangiti si Esmeralda nang marinig ito, talagang hindi ito nauubusan ng kuwento, at lahat ng sinisimulang kuwento ng matanda ay siguradong panghahawakan mo talaga at hindi pakakawalan hangga''t hindi natatapos. Hatinggabi nang pare-pareho silang nakatulog sa iisang silid. Ang sanay unang plano ni Esmeralda ay hindi natuloy dahil napasarap ang kuwentuhan nila. Kinaumagahan, tila naging magaan naman ang gising ni Esmeralda. Nagising siya dahil sa mabangong amoy nanggagaling sa labas ng silid niya. May nauulinigan rin siyang nag-uusap, kaya naman bumangon na siya at lumabas. Sa maliit nilang kusina ay naabutan niyang nagluluto si Harani, habang nasa harap namang mesa ang Lola Haraya niya at magiliw na nakikipag-usap kay Dodong. "Magandang umaga ho," bati niya at napaangat naman ng mukha ang matanda. Ngumiti ito at binati rin siya, sabay kaway sa kaniya para maupo sa tabi nito. "Kamukhang-kamukha mo talaga ang mama mo. Nakakalungkot lang dahil hindi na natin siya kasama ngayon." Malungkot na saad ng matanda. Malungkot na napangiti si Esmeralda, sa unang pagkakataon ay narinig niya mula sa isang tao ang tungkol sa kaniyang ina. "Talaga ho bang magkamukha kami ni mama?" "Kamukhang-kamukha mo siya noong dalaga pa siya. Kung ano ang mukha mo kapag haharap ka sa salamin, iyon ang mukha niya." Tugon ni Haraya. Nang pagkakataong iyon, inilapag ni Harani ang plato ng sinangag at pritong itlog sa harap nila. Nang magtama naman ang mga mata nila ay napangiti ito. "Lola, talaga ho bang hindi nagsasalita si Tiya Harani?" Tanong ni Esmeralda. Lalo namang lumapad ang ngiti sa labi ni Harani at pagkuwa''y hinaplos ang buhok niya. "Nagsasalita ang Tiya Harani mo, pero para lamang sa mahahalagang salita. Alam mo kasi apo, biniyayaan si Harani ng makapangyarihan bibig. Lahat ng sinasabi niya, nagiging totoo. Narinig mo na ba ang kakayahan ng isang buyagan? Isang uri ng mangkukulam na gamit ang mga salita sa pagbibigay sakit sa mga nais niya. Ang Tiya Harani mo, parang ganoon rin." "Ang galing ''di ba ate? Nakakabilib, narinig ko na rin ang mga tulad nila kay Lola Salya noon. Pero sa mga babaylan, isa sa isang daang babaylan lang ang nagkakaroon ng ganitong kakayahan. Kaya pinag-iingatan nila ito. At lahat ng may ganitong kakayahan, hindi talaga nagsasalita." Wika naman ni Dodong. "Talaga, malakas na uri ng babaylan pala si Tiya Harani. Si mama, isa rin ba siyang babaylan, bago siya pumanaw?" Tanong ni Esmeralda. "Oo naman, siya ang dapat na hahalili sa posisyon ko sa angkan kung hindi lang siya maagang kinuha sa amin. Marahil ay iyon talaga ang nakasaad sa tagna niya, at mawawala na lamang ako sa mundong walang hahaliling anak sa akin. " "Lola Haraya, huwag ka hong malungkot, nariyan naman si Ate Esmeralda para doon. Magaling na manunugis si Ate kagaya ni Tiya Hamara at ang pagiging babaylan, mapag-aaralan niya naman iyon." Suhestiyon pa ni Dodong at nagkatawanan na lamang sila. "Siya nga naman ano. Aba''y napakatalino mo talagang bata. Natutuwa ako sa''yo. Puwede rin ba kitang maging apo?" Masayang tanong ng matanda na agad naman tinanguan ng bata. "Oo naman lola, sabi nga ni Lola Salya, hangga''t may nagmamahal sa akin aa mundong ito, may rason ako para manatili rito. Kaya ayos na ayos po iyan." Sagot naman ni Dodong at napuno ng tawanan ang dating tahimik na kubo ni Esmeralda. Matapos naman niilang mag-almusal ay inilibot ni Esmeralda ang mga ito sa bukid. Pinakilala rin niya ang lola at tiyahin niya sa mga manunugis na ngayon ay naninirahan na rin sa tabi lang nila. Naging maiinit naman ang pagtanggap ng mga ito sa lola at tiyahin niya lalo pa nang malaman nilang babaylan ang mga ito. Sa kalagitnaan ng pagsasaya nila ay pare-pareho silang napalingon nang may isang ginang na humahangos patungo sa kanila. Bitbit nito ang isang batang tila wala ng buhay at duguan pa. Nagsisisigaw ito ng tulong at agad naman itong dinaluhan ni Paeng. "Esme, tulungan mo kami. Ang mga anak ko. Kinuha sila... Esme ang mga anak ko!" Palahaw ng ginang at halos lumuhod ito sa harapan niya at halikan ang lupa sa pagmamakaawa. "Ano pong nangyari?" Agad na tanong ni Esmeralda at inutusan si Paeng na ilapag sa papag ang bata. Sinuri niya ang duguang katawan nito at halos manlumo siya nang makitang may malaking butas ang parteng dibdib nito at nawawala na ang puso ng bata. Natatayang nasa sampong taong gulang ang bata, "Hindi ko alam Esme, mahimbing amg tulog namin kagabi, wala akong kaalam-alam, kahit ang mga kapitbahay namin, walang raw silang narinig. Paggising ko, wala na ang tatlong anak ko. Lahat sila ganyan ang sitwasyon. Esme, ang mga anak ko!" Humagulgol sa pag-iyak ang ginawang, tahimik lang na nagkatinginan ang mga manunugis at si Paeng ang nagtanong kung saan ang bahay nito. "Alam ko ang bahay nila, tara puntahan natin." Hinugot ni Mateo ang suot na sombrero at saka iyon inilagay sa ulo ni Esmeralda bago ito bumulong sa dalaga. Tumango naman si Esmeralda at agad na pinatayo ang ginang. Isang oras din ang lumipas bago bumalik sina Mateo dala ang dalawa pang bangkay ng bata. Inayos nila ito, nilinis at dinamitan ng kulay puti. Matapos ay inihiga nila ito sa papag na nasa labas ng bakuran ni Esmeralda. Doon naman nagsimulang bumulong sa hangin si Lola Haraya at Harani. "Anong ginagawa nila sa mga anak ko?" Tarantang tanong ng ginang. "Huwag po kayong mag-alala, inaalam po nila kung ano ang tunay na nangyari sa mga bata," mahinang wika ni Esmeralda at natahimik naman ang ginang. Maya-maya pa ay nagmulat na ng mata si Lola Haraya. "Nasa ilalim ng malakas na orasyon ang lugar nila, kaya hindi nila naramdaman ang pag-atakeng ginawa ng mga aswang kagabi. Biktima ng aswang ang mga bata, nakaawa, wala man lang tayong nagawa. Nagsisimula na sila." Umiiling na wika pa nito. Nabahala naman si Esmeralda at agad na pumasok sa isip niya ang mga dayong may bitbit na kahon na naglalaman ng aswang. "Lola, may isasangguni ako sa iyo, pero doon na po muna tayo mag-usap sa bakuran. Mateo, pakitulungan mo naman si ate na ibalik sa bahay nila ang mga labi ng bata. Isama mo na sina Paeng para masigurong maayos na maibuburol amg mga bata. Susunod kami roon mamaya." Utos ni Esmeralda at agad namang kumilos angga nabanggit. Tumuloy sa likod ng bahay si Esmeralda, Lola Haraya at Harani. Agad namang napatingin si Harani sa puno ng mangga at agad na nagbigay galang. "Malapit ka sa mga elemento, nakakatuwa naman, ano pala ang isasangguni mo, apo? Tungkol ba iyan sa biglaan pag-atake ng mga aswang rito?" "Opo lola, kahapon kasi, bago tayo nagkita, mga bandang tanghali, may mga dayong napadaan rito, may hawla silang hatak-hatak , at lulan no''n ay tatlong aswang na hanagob. Ang sabi pa ng matanda nang makausap ko, bagong yanggaw raw iyon, hindi raw kompleto. Hindi ko nga rin naiintindihan lola." "Hanagob? Yanggaw? Imposible," bulalas ng matanda. Chapter 67 Chapter 67 - 67"Hanagob? Yanggaw? Imposible, hindi nadadaan sa yanggaw ang mga hanagob. Katulad sila ng mga gabunan na may batong mutya na siyang isinasalin sa magiging tagahalili nila." Bulalas ni Lola Haraya nang marinig ang sinabi ni Esmeralda. "Ibig sabihin nagsisinungaling po ang matanda?" "Oo, saan raw sila patungo?" "Sa kabundukan ho, sa kuweba na iniimbakan ko ng mga mutya. Pero lola, hindi nila mapapason iyon lalo kung ramdam ng mga gabay na may masama silang balak." "Hindi doon ang tungo nila. Pero oo, sa kabundukan ng Luntian, tama. Esme, hindi ba''t nabanggit ko sa''yo na dating tirahan ng mga hindi nakikita ang lugar na ito? May isang parte sa kabundukan ng luntian ang dating lagusan ng mga itim na nilalang. Mga itim na engkanto. May kutob akong doon sila tutungo, at kung tama ang hinala ko, ang tatlong nilalang na dala nila amg siyang magiging ugat ng kaguluhan dito sa mundo niyo." Nababahalang wika ni Haraya. "Harani, anak, kailangan mo nang makipagkonekta sa mga matatanda, ipagbigay alam mo sa hangin ang mga pangyayari rito," utos ni Haraya at tumango naman ang ginang. Humarap ito sa puno ng mangga at doon nag-usal. Sa pangalawang pagkakataon ay muling narinig ni Esmeralda ang boses ni Harani. Talagang napakahiwaga ng tinig ng babae, animo''y may tatlo o higit pang tao ang nagsasalita at tila tinatangay rin iyon ng hangin. Nang tumahimik na ang lahat ay tila doon naman bumalik sa huwisyo si Esmeralda, nakita niyang nakatingin sa kaniya si Harani, may maamong ngiti sa mga labi nito. "Tara na, mas mabuti kung makita natin ang mismong lugar kung saan sila umatake, baka may makuha tayong magtuturo sa kinaroroonan nila." suhestiyon ni Haraya at tumango naman si Harani bilang pagsang-ayon. Nang marating nga nila ang bahay ng ginang, ay nakita nilang kasalukuyan nang itinatayo sa labas ng bahay nito ang isang tolda. Naroroon na rin si Ismael na halatang kagagaling lang din sa panggagamot nito sa kabilang purok. Nagmano si Esmeralda rito at agad na ikinuwento ang pangayari kanina. "Kung gano''n, may hinala kayo na ang may kagagawan ng pag-atake ay ang mga dayong nakita niyo kahapon?" Tanong ni Ismael. "Oho amang, masama rin ho kasi ang kutob ko sa dala nila kahapon, kaso hinayaan ko, dahil hindi ko naman naramdaman ang bigat sa matanda, maging sa kasama nito. Kung ano ang nararamdaman ko kina lola ay ''yon rin ang naramdaman ko sa kanila." "Kung tama ang hinala ko, may malakas silang pananggalang o ''di kaya naman ay malakas na orasyong bumabalot sa kanila. At kung tama ang hinala niyo, nababahala akong may mangyayaring kaguluhan sa baryo natin." "Huwag ho kayong mag-alala amang, nakahanda naman ang mga manunugis kung saka-sakali. Hihimok rin kami ng mga kalalakihan para idagdag sa mga taong haharap kung saka-sakalo. Kung kinakailangan bawat lalaki sa kani-kanilang mga bahay ay sasanayin namin para maipagtanggol nila ang kani-kanilang mga pamilya." "Maiba ako anak, nakausap mo na ba si Liyab?" "Hindi pa ho amang, ang huling sabi niya sa akin, ay babalikan niya ako sa kabilugan ng buwan." sea??h th§× n?velFire.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. "Gano''n ba. Malakas kasi ang kutob ko na siya ang kapatid na sinasabi ng lola mo. Pero anak, masaya ka ba? Ngayong natagpuan mo na ang tunay mong pamilya? Hindi ka naman ba nabigla? Para kasing napakabilis ng lahat. Sa tagal ng paghahanap at pagtatanong natin, parang isang dram na ibinagsak sa atin ang katotohanan. At kung si Liyab nga ang kapatid mo, ano ang dahilan bakit niya inilihim ang katotohanan ng ganito katagal?" Nahulog sa malalim na pag-iisip si Esmeralda, maging siya ay napapatanong kung ano ba ang dahilan ng paglilihim ni Liyab. Ayaw niyang sumbatan ito dahil ni minsan ay hindi siya pinahamak ng binata, wala itong ibang ginagawa kun''di ang para lang sa kabutihan niya. "Huwag kang mag-alala amang, kakausapin ko siya sa kabilugan ng buwan, sa ngayon, ito na po muna ang unahin natin." Matapos sabihin iyon, ay nagsimula nang ikutin ni Esmeralda ang palibot ng bahay ng ginang. Inakyat niya rin ang bubong habang si Dodong naman ay tahimik na nagmamasid sa paligid. Inaamoy pa ng bata ang bawat sulok ng bakuran at ang lahat ng lagusan papasok ng bahay. Nang makababa si Esmeralda ay agad naman silang nag-usap. "Kakaiba ang amoy na naiwan dito ate, hindi ito katulad ng amoy na naamoy ko sa tatlong nilalang na nakita natin. Pero hindi rin sila pangkaraniwan." "Oo, nararamdaman ko rin. Dong, sa tingin mo, aakyat na ba tayo?" Mabilis na umiling si Dodong habang nakatingin sa dalaga. Pasimple namang idinampi ni Dodong ang hintuturo niya sa labi at agad namang naunawaan iyon ni Esmeralda. Saglit silang napatahimik at isang babae naman ang nakita nilang naglalakad palayo sa kinaroroonan nila. Nakasuot iyon ng itim na bestida at may kahabaan ang kulot nitong buhok. Agad namang sumunod ang paningin nila rito, hanggang sa pumasok ito sa isa pang eskinita papasok sa kabilang purok. "Mukhang hindi lang tayo ang nagmamatyag ate, mukhang nakikipaglaro sila sa atin, ang kaibahan lang, nambibiktima sila. Nangangati tuloy ang kamay kong kumitil ng aswang." Gigil na wika ni Dodong. Maging si Esmeralda ay nakakaramdam ng kakaibang gigil sa babaeng nakita nila. Alam nilang aswang iyon at alam nilang isa iyon sa mga umatake dito sa baryo. Ngunit mas minabuti nilang magtimpi dahil kailangan pa nilang maihanda ang lahat. Pagbalik nila sa harapan ng bahay ng ginang ay nakita naman nilang nakikipag-usap si Ismael sa kapitan ng baryo nila kasama ang mga tanod nito. May iilan na palang nakumbinsi si Ismael na magsanay sa ilalim ng mga manunugis. Agad namang nagpatawag ng pagtitipon ang kapitan at isinagawa nila ito sa loob ng baranggay hall. "Bakit naman bawal ang mga bagong mukha, Ka Mael? May problema ba tayo sa mga dayo?" Nagtatakang tanong ni Kapitan nang imungkahi ni Ismael na palabasin ang mga taong wala pang isang taong nanunuluyan sa bayan nila. "Malaki ho kapitan, ang totoo niyan ay may mga umaaligid ngayon sa bayan natin na mga dayo at ilan sa kanila ang nagmamatyag na. Kaya mas mabuti kung ang kasama sa pagpupulong na ito ay pawang tagarito lamang. Mas maigi pa rin na nag-iingat tayo, hindi ba?" "Tama ka nga naman. O siya sige, maaari mo ng ilatag ang plano niyo. Narito na ang mga lalaking nais magsanay." Agad na isinalaysay ni Ismael ang magiging plano nila. Pero ulad nang nakasanayan, hindu lahat ay ibinunyag niya. Matapos magtanguan ang mag-ama ay agad namang inilibot ni Esmeralda at Dodong sa mga kalalakihan na nasa loob. Napapatango naman si Dodong ay itinuro ang isang binatang may payat na pangangatawan. "Malakas ang potensyal niya ate, ako na ang bahalang magsanay sa kaniya." Tila tuwang-tuwa naman ang bata at kulang na lang ay kumislap ang mga mata nito. "Sige Dong, ikaw na ang bahala sa kaniya. At iba sa inyo, sumunod kayo sa mga manunugis na pinamumunuan ni Loisa. Alalahanin niyo, hindi lang ito para sa sarili niyo, kun''di para sa pamilya niyo at sa buong baryo." Paalala ni Esmeralda Tanghali nang simulan ng mga manunugis na sanayin ang mga kalalakihan. Isa-isa nilang pinaliwanag sa mga ito ang mga pangontrang kailangan nilang ihanda sa bawat bahay nila. Itinuro rin nila ang taman kilos, taga at pag-atake para masugatan ng malubha ang mga aswang. Mabilisan lamang ang ginawa nila, dahil naghahabol na rin sila ng oras. Ang kailangan lang nila ay maunawaan ng mga ito ang kahalagahan ng bawat pangontra para sa aswang. Sumapit na ang gabi at ilang manunugis ang sumama sa mga tanod para magronda, sina Loisa naman ay doon nagbantay sa bukana ng bahay ng ginang na namatayan ng anak. Nakapalibot rin aa tolda ang mga nag-aapoy na sulo bilang pagtataboy sa mga balbal na maaaring makaamoy sa kanilang pat*y. Sa pagkakataong iyon, nasa loob naman sina Esmeralda kasama si Lola Haraya, tahimik lang na nakatanaw ang dalaga sa matanda habang nag-aalay naman ito ng dasal para sa mga nabiktima ng aswang. Wala pa ring patid ang iyak ng ginang kasama ang asawa nitong kararating lang galing sa trabaho. Wala itong kaalam-alam at halos gumuho ang mundo nito nang madatnan wala na ang tatlong supling nila. "Ano ba''ng kasalanan ko para mangyari ito? Nagtatrabaho naman ako, lahat naman ng kabutihan ginagawa ko, bakit ang mga anak ko? Ang babata pa nila para danasin ang kahayupang iyon. Diyos ko naman, bakit!" Hiyaw ng lalaki habang nakaluhod sa harapan ng tatlong kabaon. Napapaiyak na rin ang mga kapitbahay na nakiramay sa kanila. Nahahabag sila dahil alam nilang mabuting tao ang mag-asawa. Walang sinasagasaan ang mga ito, walang inaagrabyado, pero kalunos-lunos ang nangyari sa mga anak nila. Napakuyom ng kamao si Esmeralda. Nararamdaman na naman niya ang pagkulo ng dugo miya dahil sa galit. Halos mamuti ang palad niya dahil sa higpit ng pagkakakuyom nito. Hanggang sa naramdaman niya ang pagdampi ng malamig na kamay sa kaniyang braso. Paglingon niya ay nakita niya si Harani na umiiling sa kaniya. Hinahaplos ng babae ang braso niya hanggang sa bumababa ito sa kaniyang kamay. Tinanggal ni Harani ang pagkakakuyom ng palad niya at minasahe iyon. Tila ba sinasabi na kumalma lang siya. Nakakamanghang ang simpleng iginawi ng ginang ay nagbigay sa kaniya ng kaginhawaan at napakalma siya nito kahit walang salitang lumalabas sa bibig nito. Chapter 68 Chapter 68 - 68Nang tuluyan namang kumalma si Esmeralda ay nakita niyang tumayo na si Haraya sa upuan nito. Lumapit ito sa tatlong kabaong at nag-iwan doon ng tatlong pirasong bulaklak. Kakaiba ang bulalak na iyon at nang umihip ang hangin ay dumampi sa ilong niya ang mabango nitong halimuyak. Agad siyang napatanong nang makalalpit na sa kaniya ang matanda. "Ah, lola, anong klaseng bulaklak po iyong iniwan niyo sa kabaong?" Ngumiti si Haraya at humawak sa braso ng dalaga. "Naaamoy mo ba? Hindi iyan naaamoy ng ordinaryong mga tao, sa mata nila, ilang-ilang ang bulaklak na nakikita nila, pero dahil alam kong may dugo kang engkanto, alam kong naaamoy mo ang mabango nitong halimuyak. Pero apo, alam mo bang napakabaho niyan para sa mga aswang? Hindi sila lalapit hangga''t nasa ibabaw iyan ng kabaong, magsisilbi iyang proteksyon laban sa mga balbal na papalapit na sa lugar na ito. Napakatuso pa naman ng mga aswang na iyon." paliwanag ni Haraya. Napatayo naman si Esmeralda at muling napatingin sa bulaklak. Pamilyar kasi ang amoy nito at tila ba minsan na niya itong nahawakan noon, hindi lamang niya matandaan kung saan. Mabilis na lumipas ang oras at sumapit na nga ang hatinggabi... "Magkape ho muna kayo, Aling Haraya. Esme, may pagkain akong inihanda para sa inyo doon sa kusina, ipapakuha ko na lang sa asawa ko para dalahin rito." malungkot na wika ng ginang. "Naku, Aling Susan, kami na ho ang kikilos, alam kong nagluluksa pa rin kayo. Mas maigi kung doon lang kayo sa tabi ng mga anak niyo, lalo pa''t hatinggabi na," wika ni Esmeralda. Tinulungan niya ito sa dala nitong mga kape at siya na rin ang nag-ikot para ipamigay ito. Naiwang nakatayo naman ang ginang sa harapan nina Haraya at muli itong napaluha. "Tama ang apo ko Susan, tabihan niyo muna ang mga bata, pakiusapan mo ang mga kapitbahay at kamag-anak mo sa doon muna sila sa kabaong, huwag ninyong iiwan iyon kahit na anong mangyari o kahit na anong marinig niyo sa labas." dugtong ni Haraya at muli itong tumayo. Mabilis naman siyang inalalayan ni Harani at naglakat patungo sa bungad ng tolda. Nang magsimulang umalulong ang mga aso ay dali-dali nang kumilos si Aling Susan para sabihan ang mga nakikiramay sa kanila. Nagtipon-tipon sila sa harap ng tatlong kabaong at pinaikutan nila ito. May iilang kalalakihan pa ang tumayo sa harapan nila na may mga dalang itak. Lahat ay tensyunado lalo pa''t halos lahat ng aso sa baryo nila ay nagsi-alulungan na. Ang mga matatanda namana y walang patid na nanananlangin para sa kaligtasan ng lahat habang ang mag-asawa naman ay kulang na lang ay yakapin ang tatlong kabaong kung saan nakahimlay ang mga anak nila. Samantala, naging mas maalinsangan pa ang hangin nang gabing iyon, Nakatayo si Ismael sa isang gilid at maiging nakikiramdam, wala silang pinapalagpas na tunog, simula sa mga huni ng mga kuliglig, alulong ng aso, ihip ng hangin at sa kahit na maliit na kaluskos sa paligid. Habang tumatagal ang kanilang pagmamasid ay lalo namang nakakaramdam ng panggigigil si Dodong, napansin ni Esmeralda na maging siya ay tila ba nababalot ng galit at poot. Hindi niya maipaliwanag ngunit nang mga oras na iyon, pakiramdam niya ay kaya niyang pumat*y agad sa oras na may magkamaling magpakita sa kanila. "Huminahon kayong dalawa, itong mga batang ito, Mael, ipasok mo muna ang dalawang ito at huwag palalabasin hangga''t nababalot sila ng galit. Mapapahamak lang sila kapag nagpadalos-dalos sila. Mukhang hindi lang balbal ang makakaharap natin." Turan ni Lola Haraya. Labag man sa kalooban ng dalawa ay nagpatianod na sila nang hatakin sila papasok ni Ismael. "Esme, Dodong, huminahon nga muna kayo. Bakit ba?" Tanong ni Ismael sa dalawa. "Amang, hindi ko rin maintindihan, basta nagagalit ako." Gigil na wika ni Esmeralda. Bakas sa mukha nito ang pagpipigil sa kabila ng pagpapakalmang ginagawa ni Ismael sa kanila. Halos magkiskisan na rin ang mga ngipin ni Dodong nang mga oras na iyon. Samantala, nagsimula namang umalinsangan ang kaninang malamig na hangin. Nakakaamoy na rin sila ng nabubulok na humahalo sa hangin. "Lola Haraya, nakahanda na ho ang mga pangontra, nailatag na namin sa palibot ng bahay." "Mabuti, sige na Mateo, pumuwesto na kayo at titingnan natin kung hanggang saan ang tapang nila. Kapag may lumagpas sa harang, huwag kayong magdadalawang-isip na tapusin sila. Balbal at Ebwa ang siguradong aatake rito dahil sa tatlong bangkay na nakaburol. Talasan niyo ang pakiramdam niyo dahil madudulas ang mga uri nila." Tumango si Mateo. "Sige po lola." Pagkuwa''y tumalikod na siya at tinungo ang likurang bahagi ng bahay upang doon magbantay. Sa pagkakataong iyon, muli nang huminahon si Dodong at Esmeralda matapos silang painomin ni Ismael ng halamang gamot na pampakalma. lumabas na si Esmeralda at tumabi sa kaniyang lola habang ang mga mata ay nakatuon sa kadilimang nasa harapan nila. Nagpatuloy ang pabasa sa loob ng tolda habang ang mga tao ay nakapalibot sa tatlong kabaong binabantayan nila. Maya-maya pa ay biglang nawala ang mga tunog ng kulisap sa gabi. Lumakas ang pag-alulong ng mga aso at panaka-nakang nahahaluan ito ng galit na angil. Agad na kumilos si Esmeralda nang makita ang isang mabilis na pagkilos sa talahiban. Gamit ang kaniyang itak ay mabilis niya itong tinaga. Isang malakas na atungal ang nangibabaw sa paligid kasabay ang tunog na tila may bumagsak sa lupa at tila nag-aalipasang isda. Nakakapanghilakbot ang tunog na iyon. Nang itapat naman ng isang manunugis ang apoy ng sulo sa nilalang ay doon niya nakita ang nakaririmarim nitong kaanguan. Buto''t balat ang buo nitong katawan, habang may iilang parte ng balat nito ang tila naaagnas na at ginagapangan pa ng mga uod. Nakasusulasok rin ang mabaho nitong amoy na tila nabubulok na karne. Nang muli itong umangil sa kanila ay nakita ni Esmeralda ang bunganga nitong nangingitim na,maging ang matatalas nitong pangil na marahil ay gamit nito para pangusin ang mga kalamnan ng patay. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at agad nang itinulos ang pinatulis na kawayan sa bungo ng nilalang. Ang tunog ng napunit na laman at pagtusok sa matigas nitong bungo ay nagdala ng mas malala pang tensyon dahil sa sabay-sabay na pag-atungal ng mga kasama nito. "Marami pa sila, magsipaghanda na kayo!" Sigaw ni Esmeralda at mabilis na inakyat ang bubong. Mula sa taas ay kitang-kita niya ang paggalaw ng mga talahib sa palibot ng kinaroroonan nila. Nanggagaling ang mga ito sa bawat direksyon at ang inaalala niya ay ang mga tao. Ito ang unang beses na nagkaroon ng pag-atake sa kanilang lugar. Tila ba nagtipon-tipon roon ang mga aswang para sa isang dahilan. "Ebwa, Balbal, Busaw, bakit parang nararamdaman ko ang tatlong ito?" Nagtatakang tanong ni Esmeralda sa kaniyang sarili. Ilang minuto pa amg lumipas ay tila mga hayok na asong ulol ang mga itong umatake sa tolda. Mabilis namang dinaluhong ng mga manunugis ang mga ito, habang si Esmeralda naman ay tila may hinahanap sa grupo nito. "Mga balbal!" Sigaw pa ng isang babae na nakakita sa pangyayari. "Dodong, sa likod mo!" Sigaw ni Loisa at mabilis na hinataw ng buntot-pagi ang balbal na umatake sa bata. Marahas na bumagsak ang katawan ng balbal sa lupa na tila natutupok ng apoy. Umuusok ang bandang tinamaan ng latigo habang nagpupumilit itong tumayo. Nang makita ito ni Dodong at gigil niyang pinugutan ito ng ulo. "Salamat Ate Loisa," wika ni Dodong at muling inatake ang isa pang papalusob na nilalang. Nagpatuloy pa ang pag-atake ng mga balbal at may panaka-naka rin silang nakakaharap na ebwa, hanggang sa tuluyan nang umatras ang iilan sa mga ito nang makita nilang dehado sila dahil sa mga manunugis. Eksaktong alas tres nang muling tumahimik ang paligid. "Maraming salamat sa inyo." Umiiyak na wika ng ginang. "Huwag ka munang magpasalamat, dahil hangga''t hindi pa naililibing ang mga anak mo, hindi pa sila ligtas. Pero hayaan mo, gagawa ako ng ritwal para protektahan ang mga katawan nila." Mahinahong wika ni Haraya habang tinatapik ang balikat ng ginang. Saktong umaga na nang umalis sila sa bahay ng ginang upang magpahinga. Nangako naman ang ibang manunugis na babalik bago sumapit ang ala sais ng gabi para muling magbantay. Matapoa naman ang ilang oras na pahinga, naglibot si Esmeralda sa baryo nila. Tiningnan nila kung may mga bakas ba ng mga aswang sa bawat bahay. Kinausap rin niya ang ibang tao upang tanungin kung may nararamdaman ba silang kakaiba sa paligid nila tuwing gabi. Nang makasiguro naman na wala na ay pinuntahan naman niya ang baranggay hall upang kamustahin ang mga tanod ni kapitan. Habang nasa lamay kasi sila kahabi, ang mga ito naman ang naatasan para maglibot sa baryo, upang siguruhin walang mabibiktima habang nakikipaglaban sila. Maaari kasing gawing dibersyon ang pag-atake sa lamay para mas makapangbiktima pa ang mga ito ng buhay. "May mga namataan raw ang mga tanod ko kahapon na matandang babaeng nag-iikot-ikot sa daan. Pabalik-balik. Mukhang dayo ang matandang iyon, nakasuot ng itim na damit at nakabelong itim rin. Nang sitahin naman ng mga tao ko, nagmamadali raw umalis. Ang nakakapagtaka, uugod-ugod na raw ang matanda pero kahit patakbo na sila hindi pa rin daw nila ito mahabol-habol." Kuwento ng kapitan. Napakunot ang noo ni Esmeralda kaya naman, muli siyang nagtanong, "Kap, ano pa ang napansin niyo sa matanda, may hawak po ba siyang tungkod?" Sear?h the n?vel_Fire.¦Çet website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Napahawak ang kapitan sa baba niya at napatingala. "Oo, mukhang nabanggit nga nila ang tungkol sa tungkod. Kakaiba raw kasi, ga2a sa kahoy at may kung ano-anong nakaukit daw roon. Hindi naman nila masabi kasi hindi nila maintindihan at masyado raw madilim." Nang marinig ito ni Esmeralda, doon niya nakumpirma na ang matandang nakita nila ay ang matanda ring nakausap nila na may dalang kahon. Chapter 69 Chapter 69 - 69Nang marinig ito ni Esmeralda, doon niya nakumpirma na ang matandang nakita nila ay ang matanda ring nakausap nila na may dalang kahon. Napabuntong hininga si Esmeralda. "Sige ho Kap, maraming salamat po sa impormasyon. Tutuloy na ho ako." "Sige hija, mag-iingat ka," saad naman ng kapitan. Pagkaalis naman ni Esmeralda ay bulto ng tao ang lumitaw na nakatago sa isang eskinita. May kakaibang ngisi ito sa labi habang nakatingin sa papalayong dalaga. Ilang sandali pa ay muli itong tumalikod at naglakad na palayo. Tintahak nito ang daan patungo sa kabilang panig ng kabundukan. Nang makabalik naman sa bukid si Esmeralda ay kinumusta naman niya ang kaniyang lola. "Nakapagpahinga ho ba kayo? Ako na ho riyan lola, hindi na dapat kayo nagbubuhat ng mabibigat." Saway ni Esmeralda at kinuha na sa matanda ang bitbit nitong balde ng tubig. Napangiti naman si Haraya. Giliw na giliw itong sinundan si Esmeralda pabalik sa loob ng bahay nito. "Nakausap mo ba si kapitan?" Tumango si Esmeralda. "Opo lola, mukhang tumutugma po ang deskripsiyon ng mga tanod niya doon sa matandang nakausap namin ni Dodong." Matapos maisalin ang laman ng balde sa pinag-iinbakan nila ay itinago naman niya ito sa ilalim ng lababo nila. "Kung gano''n ay tama nga ang hinuha natin. Sa ngayon ay pagtuunan muna natin ng pansin ang paghahanda sa baryo Esme, kailangang maging handa rin ang mga tao bago tayo pumanhik sa bundok. Hindi kakayanin ni Ismael kung lahat tayo ay aakyat upang tugisin ang mga aswang." "Napag-usapan na rin po namin ito ni amang, sa umaga ang mga manunugis ay patuloy na sasanayin ang mga tao sa pagprotekta sa kanilang mga sarili. Nakahanda rin naman ang mga tao ni kapitan na tumulong at marami rin ang nagpresenta at gustong matuto. Pero lola, sa tingin niyo, bakit kaya dito nila naisip na dalhin ang tatlong nilalang na iyon?" Tanong ni Esmeralda. "Sa ngayon ay hindi ko pa mabibigyan ng kasagutan iyan apo. Wala ring maibigay na sagot ang mga gabay." Tugon ni Haraya. Nahulog sila pareho sa malalim na pag-iisip at nagulat pa sila nang may tumighim. Paglingon nila ay nakita nila si Mateo na maluwag na nakangiti sa kanila. May dala itong basket na punong-puno ng gulay at prutas. "Magandang umaga ho lola, Esme." "Gising ka na rin pala, Mateo. Pasok ka, mukhang marami ka na namang dala." Napakamot sa ulo ang binata. "Oo, mula ito sa likod-bahay." Pinatong ito ni Mateo sa mesa at inayos na rin ang iba sa mga lagayan. "Siya nga pala Esme, nakausap ko si Paeng, namataan na naman nila ang matanda sa bayan kanina. Mukhang nag-iikot-ikot talaga sila sa baryo." "Nasabi rin kanina sa akin ni kapitan. Pag-igihin na lamang ninyo ang pagsasanay sa mga tao." Matapos ang tanghalian ay kinamusta naman nila ang pagsasanay sa mga tao. Nang mapagtanto nilang nasa maayos naman ang lahat ay tinungo naman ni Esmeralda ng bakuran niya. Tumayo siya sa harap ng puno ng mangga at naglatag ng banig roon. Umupo siya at saka nag-alay naman ng dasal para sa mga gabay niya. Isang malamig na ihip ng hangin ang dumampi sa kaniyang balat. Pagmulat ng kaniyang mata ay isang magandang babae naman ang nakaupo sa tabi niya. Nakangiti ito habang kumakain ng prutas na agad naman nitong inalok sa kaniya nang magtama ang kanilang mga mata. "Abala ang mga gabay, at ako ang naatasan upang makipag-ugnayan sa''yo Esmeralda." Malumanay at napakalamig ng tinig nito. Kaaya-aya ito sa pandinig kapares ng nakakabighani nitong mukha. "Ganoon ba, itatanong ko lang sana kaibigan, nakita mo ba si Liyab?" Tanong ni Esmeralda at napahinto naman ang nilalang sa pagkagat nito sa prutas. "Ang binatang si Liyab ay kasalukuyang nahaharap sa isang pagsubok. Kung hindi mo man siya masilayan ngayon sa mundo niyo ay dahil may inaayos rin siyang gulo sa kanilang kaharian." Sagot nito. Tila idinuduyan naman si Esmeralda habang naririnig ang tinig ng nilalang. Napangiti si Esmeralda. Tumango at saka iniabot sa engkantada ang isang mangga. "Maraming salamat sa pagtugon sa aking katanungan." Ngumiti ang nilalang at tinanggap ang mangga na bigay niya. "Abala man ang binatang si Liyab, ay alam kong hindi ka nawawaglit sa kaniyang isipan. Mag-iingat ka dahil nakapalibot lang sa inyo ang panganib. Nagsisima nang kumilos ang mga babaylan upang kumonekta sa ibayo, ngunti hindi ito magiging sapat Esmeralda. Kailangan nila ang tulong mo. Hintayin mo ang binatang si Liyab. Darating siya sa oras na kailangan mo siya." Muling wika nito bago ito tuluyang naglaho sa kaniyang harapan. Muli nang napapikit si Esmeralda at sa pagkakataong iyon ay ang mga lamang-lupa naman ang nakipag-ugnayan sa kaniya. Kinahapunan ay muli na silang bumalik sa tolda para magbantay sa lamay. Mas naging maigting ang ginawa nilang pagbabantay. Sa kabutihang palad ay hindi wala nang nanggulo sa kanila hanggang sa tuluyang nailibing ang mga bata. Napuno naman ng iyakan ang sementeryo nang araw na iyon. Naging emosyonal ang kaanak ng tatlong batang naging biktima ng aswang. Matapos ang libing ay agad namang pinalibutan ni Lola Haraya ng kung anong halaman ang tatlong puntod. "Maitataboy nito ang mga nilalang na magbabalak na hukayin ang inyong mga yumao. Maging panatag kayo na ligtas na rito ang mga anak ninyo." Wika ni Haraya at tumango naman ang ginang. Matapos ang libing ay nagsiuwian naman sila habang sin Esmeralda naman ay nanatili pa roon hanggang sa magdilim. Sa pagsapit ng dilim ay tila pusabg nakabantay naman sina Esmeralda sa harap ng bahay nina Ismael. Tila may inaabangan kahit wala naman. Kasalukuyang may ginagamot na pasyente si Ismael na inabot na rin ng gabi kaya naman doon muna sila ni Dodong nanatili. "Ate, mukhang nahihirapan si Tatay Ismael sa pasyente niya ah, s Narinig ko naparusahan raw ng itim na engkanto." "Oo narinig ko rin, sa tingin ko hindi lang basta bati o parusa ang nangyayari. Nararamdaman ko kasi na malakas ang kapit ng engkanto sa babae. Balak siyang kunin nito." Sear?h the N??elFir§×.net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Tumango si Dodong. " Tama ka ate, at hindi lang iyon. Hindi iisang engkanto ang may hawak sa kaniya, marami sila." Napapikit naman si Esmeralda. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nagsalita pa. Pinakiramdaman na lamang nila ang mga nangyayari sa loob ng kubo. Habang patuloy silang nagbabantay ay lumabas naman ng bahay si Silma, bitbit ang dalawang baso ng gatas para sa kanila. "Esme, Dodong uminom muna kayo nito para naman mainitan ang sikmura niyo. Kanina pa kayong nariyan at malamig na ang gabi." Nagkatinginan pa sila ni Dodong. Napangiti sila sa isa''t isa at agad na tinanggap ang gatas sa ginang. "Salamt ho Tiya Silma." Masayang wika ni Dodong at ininom na ang gatas. Napatingin naman si Silma sa kubo at bumakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Kanina pa si kuya riyan, hindi ba siya napapagod? Para din siyang si tatay noon. Wala ng pahinga, makapanggamot lang." Napailing si Silma at napabuntong-hininga. "Ganiyan ho talaga ang trabaho ng mga albularyo, wala silang pamimilian kun''di ang tuparin ang ibinigay sa kanilang misyon. Kapag tinanggihan naman nila ay magagalit ang mga gabay at siya rin ang magkakasakit. Huwag ka pong mag-alala tiya, mapagod man si amang, makakabawi ang katawan niya dahil sa mga gabay." "Alam mo, katunog mo na rin si tatay. Ang totoo niyan hindi ko talaga nauunawaan ang mga ganiyan. Kaya rin siguro hindi ako napili ng gabay noon. Ayos lang din naman, ayoko ng magulong buhay." Napangiti si Esmeralda. Matabil pa rin naman at matalas ang dila ni Silma ngunit hindi na tulad ng dati na puro panlalait ang lumalabas doon. "Hindi mo pinangarap na maging albularya tiya?" Gulat na tanong ni Dodong. "Hindi, ayoko talaga. Mabuti nga at ang gabay na mismo ang nagdesisyon na si Kuya ang piliin. Bata pa kasi kami noon, wala talaga akong ka-amor-amor sa mga gawain ni tatay. At isa pa takot ako sa mga gabay na iyan. Muntik pa nga akong atakihin sa puso nang makita ko minsan ang gabay na kapre ni tatay. Nakakatakot." Tugon ng ginang at natawa naman sila. "Mababait naman ang mga kapre. Mahilig lang talaga silang manakot lalo ng mga bata at mga lasing." Saad ni Dodong. "Ay siya sige na, ako''y papasok na. Siya nga pala Esme, nalinis ko na ang dati mong kuwarto, doon na kayo magaplipad ng gabi. Baka umagahin pa ang kuya sa loob ng kubo eh." Paalala ni Silma. "Sige ho tiya, maraming salamat po." Tugon ng dalaga at pumasok na nga ng bahay ang ginang. "Grabe, ang laki na talaga ng pinagbago ni Tiya Silma. Nakakamangha lang. Akala ko talaga wala ng pag-asang maging mabait siya sa atin, ate." "Kaya nga eh," sang-ayon ni Esmeralda habang nangingiti. Chapter 70 Chapter 70 - 70Lumipas pa ang maraming oras at halos madaling araw na nang lumabas si Ismael sa kubo. Halatang nanghihina ito at basa rin ng pawis. Mabilis na sinalubong ni Esmeralda ang ama at inalalayan itong makapasok sa bahay. "Amang, magpahinga ka muna sa loob. Kami na ang magbabantay ni Dodong sa kubo." "Sige anak, kailangan ko talagang mag-ipon ng lakas dahil lubhang mahirap alisin ang ikinabit na sakit ng mga engkanto sa dalaga." "Nararamdaman nga po namin ni Dodong, mahihirapan ka talaga dahil hindi lang isa ang kalaban mo, marami sila, amang," saad ni Esmeralda. Tinulungan niyang makaupo si Ismael sa higaan nito at napabuntong-hininga. "Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig, amang. Gusto mo bang kumain?" Umiling si Ismael. "Tubig na lang anak, mamaya na ako kakain pagkagising." S~ea??h the ¦Çov§×lFire .net website on Google to access chapters of novels early and in the highest quality. Matapos ibigay ang tubig sa ama ay bumalik na si Esmeralda sa kubo. Doon ay nakabantay na si Dodong. Naabutan pa niya itong matamang nakatitig sa babae. "Dong, bakit?" Tanong ni Esmeralda. Napalingon si Dodong at umiling. "Ate, hindi basta-basta parusa ito. May nararamdaman akong mali sa katawan ng babae." Nang marinig ito ay agad na lumapit si Esmeralda sa babae at sinuri ang katawan nito. Tulad ng sinabi ni Dodong, napansin niya rin ang kakaiba sa katawan ng babae. Hinawakan niya ang kamay nito at bahagyang pinakiramdaman ang pulso ng babae. "Mahina ang pulso niya, parang narito siya na wala. Posible ba iyon?" Nagtatakang napatanong si Esmeralda sa kaniyang sarili. "Posible ate, at kinakabahan ako rito. Puwede bang hindi na lang siya gamutin ni tatay? Baka kasi manghina ng husto si tatay Ismael." Wika ni Dodong. Gumapang ang pag-aalala sa pagkatao ni Esmeralda. Ramdam niyang nangyayari na ang sinasabi ni Dodong dahil kitang-kita naman kanina kay Ismael ang matinding panghihina. Ang nakakapagtaka lang, bakit kailangan nilang pahinain si Ismael at ano ba talaga ang pakay ng mga ito sa kaniya. "Dong, kaya mo bang bantayan mag-isa ang babae? Doon ako magbabantay kay amang." "Sasabihin ko na dapat ate, sige, kaya ko na rito, mas maigi kong ang babantayan mo si Tatay Ismael. May kutob kasi akong si tatay ang habol nila ngayon, ang hindi ko lang mawari ay kung bakit," sang-ayon naman ng bata. Matapos ang maikli nilang pag-uusap ay pumasok naman si Esmeralda sa silid ni Ismael. Buong gabi siyang gising para bantayan ang kaniyang ama at ganoon din si Dodong sa babae. Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagmulat na ng mata si Ismael, dahil hindi nakatulog, halata agad sa mga mata ni Esmeralda ang puyat. Sunod-sunod ang mga trahediya, mga reklamo ng pagpaparamdam sa baryo nila, maging ang mga tangkang pangbibiktima ng mga aswang hindi lamang sa baryo kun''di pati na rin sa mga karatig purok. Umaga pa lamang ay laman na agad ng kalsada ang mga tsismosa sa paghahatid ng balita. Kasalukuyang nagluluto si Esmeralda ng almusal nang makabangon na si Ismael. Nang makita siya ng dalaga ay agad naman siyang pinagtimpla nito ng kape. "Kape ka muna, amang." Tumango si Ismael. "Ang Tiyang Silma mo ba iyong naririnig ko sa labas?" tanong agad niya bago umupo sa harap ng mesa. "Opo amang, mukhang may hatid na namang balita ang mga kapitbahay." Nakangiting tugon ni Esmeralda. Matapos mailapag ang tinimplang kape sa mesa ay siya namang pagpasok ni Silma sa kusina. "Ano ba naman iyan, ang aga-aga, puro masasamang balita ang bumubungad sa baryo." Reklamo pa ng ginang. "O, kuya, gising ka na pala." "Oo, rinig na rinig ko ang bunganga mo sa labas. Ano bang balita ang naihatid nila?" Iiling-iling na tanong ni Ismael. Natawa naman si Silma at agad na naupo sa harap nila. Simula nang magkausap sila nang huli ay naging mas malapit na si Silma sa kaniyang kapatid na si Ismael. Tila nakita naman ulit ni Ismael ang dating kapatid niya bago ito mag-asawa. Iyon ang kapatid niya, makulit, bibo kahit matalim ang dila ay hindi basta-basta nanglalait. "Naalala mo pa ba si Semyong kuya, iyong dati kong manliligaw na nakapag-asawa ng kumadrona sa kabilang purok." Napakunot ng noo si Ismael nang mapatingin kay Silma. "O, ano naman ang tungkol do''n?" "Iyong asawa daw niya, buntis, limang buwan na, normal naman daw ang lahat, pero nitong nakaraan, madalas daw sumalit ang tiyan niya. Tapos kahapon, naospital sila at nang suriin ng doktor, wala na daw ang bata sa tiyan niya. Bahay bata na lang daw ang natira. Posible ba iyon kuya, na mabubuhau ka kahit nawala na ang bata sa tiyan mo?" Tanong ni Silma. Parehong nagkatinginan naman si Esmeralda at Ismael. Naging palaisipan sa kanila kung ano''ng uri ng aswang ang may kakayahang gawin iyon. "At ito pa ang isa kuya, si Maricar , iyong kapitbahay ni Agnes, kakaiba rin ang nangyari sa pinagbubuntis. Huling check up nila, maayos naman ang bata, kabuwanan na dapat niya sa kasunod na dalawang buwan pero nitong araw lang daw, nakita sa ultrasound, paa na lang ng bata ang natira sa loob ng bahay-bata niya." Matapos marinig ang mga balita ni Silma ay ginapangan naman ng takot si Esmeralda. Kakaiba nga ang mga pangyayaring iyon. Paanong nakukuha ang mga bata nang hindi man lang nararamdaman ng nanay nito. At bakit buhay pa rin ang mga ito. Kalimitan kasi ng nabibiktima ng mga aswang, kung hindi winakwak amg tiyan ay sa puwerta naman ito kinukuha ng aswang ngunit sa parehong kaso, namamatay pati ang nanay. "Hala amang, anong klaseng nilalang naman kaya ang may kayang gawin iyon? Buhay pa rin ang nanay kahit wala na ang bata?" "Oo at ang lumalabas, nalulusaw daw ang bata sa loob ng tiyan, imposible naman iyon. Ang alam kong nalulusaw ay nasa isang buwan o wala pang isang buwan. Perp iyon limang buwan at pito , kompleto ma dapat ang bata sa loob paano pang malulusaw iyon? Palibhasa mga doktor sila kaya hindi na talaga sila naniniwala sa mga ganiyan." Napailing si Silma bago uminom ng tubig. Natahimik si Ismael gano''n din naman si Esmeralda. "Tiya, bukod sa nawawalang bata, wala na ba silang ibang nabanggit?" Tanong ni Esmeralda. "Wala na, nang tingnan naman ang dalawang buntis, maayos ang lagay nila, wala daw silang naramdaman bukod sa sakit ng tiyan bago mangyari ang pagkawala ng bata sa tiyan nila." "Ate, gising na po ang babae!" Tawag ni Dodong at sabay pa silang napatayo. Mabilis nilang tinungo ang kubo at naabutan nga nilang nakaupo na ang babae habang si Dodong naman ay nasa isang gilid. Para itong isang pusang galit na nakatingin sa babae. "Gising ka na, ano ang nararamdaman mo?" Tanong ni Ismael. Akmang lalapitan niya ito nang pigilan siya ni Esmeralda. "Sandali amang, huwag kang lalapit, may ibang nilalang sa katawan niya." Pigil ni Esmeralda at doon naman gumalaw ang babae. Bahagya nitong inilibot ang paningin sa kanila bago sumilay ang nakapangingilabot nitong ngisi. "Malapit na ang katapusan at sa oras na magkulay dugo ang langit, muling magbubukas ang daan patungo sa aming kaligayahan. Kayong mga tao ay walang magagawa kun''di ang magtago sa kadiliman, nanginginig sa takot habang kami ay nagsasaya!" Wika nito sa magkakahalong boses. "Muli kaming maghahari, dahil ang panandalian kadiliman ang magsisilbi naming tulay upang wakasan ang selyong nagkukulong sa amin!" Humalakhak ang babae hanggang sa tuluyan ulit itong napahiga at nawalan ng malay. Nahigit ni Silma ang hininga dahil sa narinig. Nanginginig ang mga kamay niyang napahawak kay Ismael. "Kuya, nanganganib ba ang buhay natin dito? Paano ang mga bata?" Bakas ang takot sa tinig ng ginang. "Hangga''t nasa bahay kayo, ligtas kayo doon. Sige na Silma, huminahon ka na. Mas maigi kong pagsasabihan mo ang mga anak mo na huwag munang lalabas. Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang sinasabi niyang pagdugo ng kalangitan." "Pero kuya, paano sina Margarita? Pauuwiin mo ba sila?" "Ipatawag mo sila, kailangan magkakasama tayo rito. Mahirap silang protektahan kapag malayo." Utos ni Ismael na kaagad din namang sinunod ni Silma. Nang makaalis ang ginang ay agad namang nag-usap sina Ismael, Esmeralda at Dodong.